LOGINThank you for reading. Pa-like, comment at gem votes po.
Leah“Sira ka talaga, Rafael!” sabi ko nang tuluyan na akong makahuma, sabay tulak sa balikat niya. “Ang akala ko pa naman ay dahil talaga sa trabaho. Na naisip mo na malaki ang maitutulong ko sayo dito, na kailangan mo ako dahil may ambag ako sa ginagawa mo… yun pala ay—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa nang malakas, yung tipong halos mapaluhod siya sa sofa kakaiwas sa paghampas ko.“Sweetheart, relax,” sabi niya habang umiilag pa rin. “Malaki talaga ang maitutulong mo.”Napatingin ako sa kanya, nakaamba pa rin ang kamay ko, pero bago pa ako makasagot ay bumulalas na siya—walang preno.“Fucking you feels like I land a billion-dollar deal!”Napailing ako sa sobrang kaimposible ng lalaking ito. “Grabe ka,” sabi ko, sabay irap. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, ramdam ko ang kiliti sa dibdib ko. Hindi ko maitatanggi—kinikilig ako.Masarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang ganon mula sa kanya. Hindi dahil bastos, kundi dahil ramdam ko ang in
LeahFirst time kong makapunta ng L.A., kaya kahit pilit kong pinipigilan ang sarili ko, ramdam ko pa rin ang excitement na bumabalot sa dibdib ko. The lights, the air, the city itself ay parang may kakaibang energy. Pero kahit gaano pa ka-engganyo ang paligid, hindi ko makalimutan ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito ni Rafael.Hindi ito bakasyon. Hindi ito simpleng gala.Nagkaharap kami ni Tate at ng mga magulang niya. At sa totoo lang, simula pa lang ay may kung anong bigat na agad akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag, pero may mali. May kulang. May tinatago. Ang mag-asawang Lim ay may ngiting hindi umaabot sa mga mata, at ang bawat salita nila ay parang may kahalong pag-iingat na parang may binabantayan, o iniiwasan.Wala akong tiwala sa kanila. At base sa tahimik na palitan ng tingin namin ni Rafael, alam kong pareho kami ng kutob. May paraan siyang tumingin sa akin, yung tipong isang sulyap lang pero sapat na para sabihing may nararamdaman din siyang kakaiba.Pagkaalis
RafaelNagtama ang mga mata namin ni Tate sa mismong sandaling makapasok siya sa bahay ng kanyang mga magulang.Isang segundo lang iyon. Maikli, pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng dala niya. Walang yabang. Walang ere. Hindi rin ‘yung confident na atleta na sanay makita sa mga billboard at TV ads. Ang nasa harap ko ngayon ay isang lalaking pagod, pero pilit pa ring matatag.Agad na tumayo si Marites.Halos hindi na niya hinintay na tuluyang makapasok ang anak bago ito salubungin ng yakap. Kung hindi mo alam ang buong istorya, iisipin mong sabik lang talaga ang isang ina na muling makita ang anak na matagal niyang hindi nakausap.“Anak…” halos hikbi na ang boses niya habang mahigpit na niyayakap si Tate, na para bang natatakot siyang mawala ulit ito kapag binitiwan.Hindi naman umiwas si Tate. Hindi siya umatras. Hinayaan niyang yakapin siya ng ina—tahimik, matigas ang katawan, parang tinanggap na lang ang eksenang iyon bilang obligasyon. Ngunit napansin ko ang marahang pag-iling
Rafael“Mr. Solano, we have no intention of harming the company.”Mahina, halos nanginginig ang boses ng ina ni Tate na si Marites. Isang Pinay na matagal nang nakapangasawa ng Koreano at tuluyan nang nanirahan dito sa L.A. Kung sa unang tingin, iisipin mong wasak na wasak siya. Nakayuko, magkadikit ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang hita, parang pilit pinipigilan ang emosyon.Pero may mali.Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero may something sa aura niya na hindi tugma sa itsura. Parang masyadong calculated ang bawat hinga, bawat paghinto sa pagsasalita na para bang iniisip muna niya kung anong eksaktong emosyon ang dapat ipakita.“Talaga lang hindi namin inaasahan ang mga pangyayari,” patuloy niya, bahagyang umaangat ang tingin sa akin, “at hindi rin namin inakala na aabot kami ni Tate sa ganitong klaseng gulo.”Kung titignan mo, convincing. Kung pakikinggan mo lang, maaawa ka. Pero iba ang kutob ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling, pero parang may tinatago siya. O mas tamang s
Leah“Rafael!” bulalas ko, may kasamang tawa nang bigla niya akong buhatin na parang wala lang akong bigat. Napahawak ako sa balikat niya dahil sa gulat, pero hindi ko mapigilan ang kiliti sa tiyan ko habang naglalakad siya papunta sa dining area na parang proud pa sa ginagawa niya.Maingat niya akong iniupo sa upuan bago siya pumwesto sa tabi ko, parang natural lang na ganon talaga ang setup. Ako sa gitna ng atensyon niya.“Gutom na rin ako, sweetheart,” sabi niya, kasabay ng pag-abot sa mga serving spoon at pagsisimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.Wala sa tono niya ang reklamo. Walang bakas ng pagkainip. Para bang normal lang sa kanya na ako muna ang unahin, kahit pa ako ang kakagising lang.Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya.Suot niya pa rin ang navy blue na long-sleeve polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa bawat galaw ng braso niya sa pagkuha ng pagkain, sa pag-abot ng plato ay kitang-kita ang mga ugat na tila naglalakad sa balat niya. Hindi siya kailan
LeahL.A.Mahaba ang biyahe, nakakapagod kung tutuusin pero wala akong reklamo. Sa halip, pakiramdam ko ay relaxed ako sa buong oras ng byahe. Nasa business class naman kami ni Rafael, at mula pa kanina ay hindi siya tumitigil sa pag-aasikaso sa akin. Tanong nang tanong kung okay lang ba ako, kung gusto ko bang uminom, kumain, o mag-adjust ng upuan.Kahit nga sa pag-ihi, parang gusto pa niyang sumama. Napailing na lang ako sa isip ko, ibang klase talaga ang lalaking ‘to. Overprotective, pero sa paraang nakakaaliw at nakakapagpa-smile.Pagdating namin sa hotel, ramdam agad ang katahimikan at lamig ng lugar. Diretso kaming pumasok sa kwarto—maluwag, elegante, at may malaking sofa sa maluwag na living area na parang humihikayat na humiga ka na lang at kalimutan ang mundo.Kakaupo lang namin sa habang sofa nang mabilis kong ilapat ang likod ko sa sandalan. Napabuntong-hininga ako, parang doon ko lang talaga naramdaman ang pagod.“Sweetheart, you can take a rest,” sabi ni Rafael, malambot a







