Home / Romance / Becoming my Ex's Stepmother / 114- Pulling the string

Share

114- Pulling the string

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2026-01-04 17:19:49
Leah

“Rafael!” bulalas ko, may kasamang tawa nang bigla niya akong buhatin na parang wala lang akong bigat. Napahawak ako sa balikat niya dahil sa gulat, pero hindi ko mapigilan ang kiliti sa tiyan ko habang naglalakad siya papunta sa dining area na parang proud pa sa ginagawa niya.

Maingat niya akong iniupo sa upuan bago siya pumwesto sa tabi ko, parang natural lang na ganon talaga ang setup. Ako sa gitna ng atensyon niya.

“Gutom na rin ako, sweetheart,” sabi niya, kasabay ng pag-abot sa mga serving spoon at pagsisimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.

Wala sa tono niya ang reklamo. Walang bakas ng pagkainip. Para bang normal lang sa kanya na ako muna ang unahin, kahit pa ako ang kakagising lang.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya.

Suot niya pa rin ang navy blue na long-sleeve polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa bawat galaw ng braso niya sa pagkuha ng pagkain, sa pag-abot ng plato ay kitang-kita ang mga ugat na tila naglalakad sa balat niya. Hindi siya kailan
MysterRyght

May kumakalaban ba kay Rafael?

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
more updates pa po miss A.
goodnovel comment avatar
aira...
ung nanay ni James at ung babaeng ayaw ni Rafael nmagsanib pwersa sila....hehehe...ayaw nila na maging Masaya kayo Peru d nila kayang paghiwalayin pag ang dalawang tao ay totoong nagmamahalan..kayang kaya nyo Nyan Basta tiwala sa isat isa malalampasan nyo yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Becoming my Ex's Stepmother   122- Forever

    RafaelMaaga pa. Snack pa lang ang nakain namin, pero pakiramdam ko parang inabot na kami ng dis-oras ng gabi sa bigat ng mga pinag-usapan namin. May mga usapan talagang kayang pabagalin ang oras. Yung tipong kahit hindi pa hatinggabi, ramdam mo na ang pagod ng emosyon mo.Nakita kong ngumiti si Leah. Hindi pilit, hindi awkward kundi yung ngiting may pagka-kalmado, na para bang may naintindihan siyang mahalaga. At doon pa lang, kahit papaano, nakahinga na ako. Panatag akong naiintindihan niya ang kalagayan ko… kahit hindi madali.Nakakainis lang isipin na ako ang mas matanda, mas maraming pinagdaanan, pero siya pa ang kailangang umunawa sa akin. Anong klaseng lalaki ako para ipaubaya sa mas bata sa akin ang ganitong bigat ng sitwasyon?“Hey, okay ka lang?” tanong niya.Napapitlag ako, parang biglang hinatak pabalik sa reyalidad.“Yeah… of course. Bakit mo natanong?” pilit kong sagot, kahit alam kong halata ang pagkalunod ko sa isip.“Para kasing natahimik ka na dyan,” sabi niya, may n

  • Becoming my Ex's Stepmother   121- Konting peace

    RafaelNatakot ako sa magiging reaksyon niya.Alam kong hindi madali sa kanya na tanggapin na isa na akong ama… at kasing edad pa niya ang anak ko. I also know na pwede siyang ma-intimidate o mag-overthink.Sa relasyon namin, at sa agwat ng edad namin, siguradong iniisip niya na baka hindi siya magustuhan ni James. Pero deep down, alam kong hindi niya kailangan mag-alala tungkol dun.Kung sakali man, si James ang unang makakaunawa sa akin dahil kasing edad ko na rin ang asawa niya. Mas mature siya, mas matalino sa edad niya, at eventually, makikita niya na kahit same age siya ng anak ko, hindi hadlang iyon sa pagmamahal o respeto niya sa akin.Pero hindi ko maalis kay Leah ang pagkabahala… kasi hindi pa niya alam ang buong picture.“So… you’re saying… may anak ka na na kasing edad ko?” tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. Halos nakaka-chill na yung seriousness sa mata niya, pero ramdam ko ang curiosity at kaunting takot.“Yes.” Tapat at diretso kong tugon, walang halong palu

  • Becoming my Ex's Stepmother   120- Ramdam ko pa rin—mahal ko siya.

    LeahAng dibdib ko… ang lakas ng pagkabog niya. Parang gusto nang bumagsak sa sobrang takot at kaba. Natatakot na talaga ako sa nakikita kong hesitation sa mukha ni Rafael. Yung klase ng hesitation na hindi basta-basta kayang lokohin ng kahit anong paliwanag.“Is this about another woman?” tanong ko, halos pabulong. Alam kong natanong ko na ito bago pa kami umalis ng Pilipinas. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kailangan ko ulitin. Para siguradong hindi ko lang iniisip ang sarili ko.Iniisip ko na matatanggap at makakaya ko kahit ano… basta ‘wag lang ibang babae. Yung tipong may first love siya na hindi makalimutan, yung bigla na lang babalik sa buhay niya at baka magpagulo sa puso niya para sa akin.“Not exactly like that,” sagot niya, mahinang boses na may halong pangamba at bigat.Parang huminto ang mundo ko sa sandaling iyon. Bigla, pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga.Not exactly like that.Ibig sabihin… may babae pa rin na involved. Hindi ganon, pero… may something

  • Becoming my Ex's Stepmother   119- Magbago ang tingin

    LeahSaglit na katahimikan ang namagitan sa amin, pero sa pagkakataong ito, ramdam kong hindi lang ito simpleng paghinto ng usapan. Mabigat ang hangin. Parang may nakasabit na salita sa pagitan naming dalawa—isang salitang ayaw pang bumagsak.Nakatingin lang si Rafael sa mesa, hindi sa akin. Kita ko kung paano niya bahagyang kinuyom ang kamay niya, saka muling pinakawalan, paulit-ulit, na para bang may pinipigilan siyang emosyon. Huminga siya nang malalim, pero hindi iyon sapat na parang hindi pa rin siya makahinga nang maayos.“Are you okay?” tanong ko nang mapansin kong hindi pa rin siya nagsasalita.Napapikit siya sandali, matagal, bago tuluyang huminga nang malalim. Yung tipong halatang pinaghahandaan ang isang bagay na matagal nang kinikimkim. Nang magmulat siya ng mata, hindi niya agad ako tiningnan.“Medyo kinakabahan lang ako,” tugon niya. May bahagyang panginginig ang boses niya, halos hindi halata, pero dahil kilala ko siya, ramdam ko. “Natatakot din… na baka hindi mo matangg

  • Becoming my Ex's Stepmother   118- Face to face o online

    Leah“Sira ka talaga, Rafael!” sabi ko nang tuluyan na akong makahuma, sabay tulak sa balikat niya. “Ang akala ko pa naman ay dahil talaga sa trabaho. Na naisip mo na malaki ang maitutulong ko sayo dito, na kailangan mo ako dahil may ambag ako sa ginagawa mo… yun pala ay—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa nang malakas, yung tipong halos mapaluhod siya sa sofa kakaiwas sa paghampas ko.“Sweetheart, relax,” sabi niya habang umiilag pa rin. “Malaki talaga ang maitutulong mo.”Napatingin ako sa kanya, nakaamba pa rin ang kamay ko, pero bago pa ako makasagot ay bumulalas na siya—walang preno.“Fucking you feels like I land a billion-dollar deal!”Napailing ako sa sobrang kaimposible ng lalaking ito. “Grabe ka,” sabi ko, sabay irap. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, ramdam ko ang kiliti sa dibdib ko. Hindi ko maitatanggi—kinikilig ako.Masarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang ganon mula sa kanya. Hindi dahil bastos, kundi dahil ramdam ko ang int

  • Becoming my Ex's Stepmother   117- Gusto kitang makasama

    LeahFirst time kong makapunta ng L.A., kaya kahit pilit kong pinipigilan ang sarili ko, ramdam ko pa rin ang excitement na bumabalot sa dibdib ko. The lights, the air, the city itself ay parang may kakaibang energy. Pero kahit gaano pa ka-engganyo ang paligid, hindi ko makalimutan ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito ni Rafael.Hindi ito bakasyon. Hindi ito simpleng gala.Nagkaharap kami ni Tate at ng mga magulang niya. At sa totoo lang, simula pa lang ay may kung anong bigat na agad akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag, pero may mali. May kulang. May tinatago. Ang mag-asawang Lim ay may ngiting hindi umaabot sa mga mata, at ang bawat salita nila ay parang may kahalong pag-iingat na parang may binabantayan, o iniiwasan.Wala akong tiwala sa kanila. At base sa tahimik na palitan ng tingin namin ni Rafael, alam kong pareho kami ng kutob. May paraan siyang tumingin sa akin, yung tipong isang sulyap lang pero sapat na para sabihing may nararamdaman din siyang kakaiba.Pagkaalis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status