LOGINHmm.. kamusta naman kaya ang magiging trabaho mo dyan, Leah?
RafaelHindi siya agad umiwas. Hindi rin siya umatras.Sa halip, bahagya niyang ibinaba ang notebook sa mesa at ipinatong ang dalawang palad niya roon, saka ako tiningnan ng diretso, walang bahid ng takot. Kung meron man, parang mas lalo pa siyang naging interesado.“Punishment?” ulit niya, may bahagyang ngiti sa labi. ‘Yong ngiting alam kong delikado. “I was wondering kung kailan mo ‘yon babanggitin.”Napapikit ako sandali. Isang mahinang mura ang muntik nang kumawala sa bibig ko. Hindi siya dapat ganito ka-kalmado. Hindi niya dapat ako tinitingnan na parang ako pa ang nawawalan ng kontrol.“Don’t play innocent,” sabi ko, dahan-dahan akong lumapit. Isang hakbang. Isa pa. “You know exactly what you did.”“Totoo?” sagot niya, bahagyang ikiling ang ulo. “Because last time I checked, I didn’t break any rules. I did my job. I attended the meeting. I spoke professionally.” Huminto siya sandali, saka idinugtong, mas mababa na ang boses, “Or is the
RafaelThis is unacceptable.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang sabay na kumakain sina Leah at Erik. Masyadong komportable. Masyadong… pamilyar. At kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magselos, hindi ko mapigilan ang pag-init ng dugo ko.Sobrang selos ako. Hindi ‘yong tipong tahimik lang—‘yong nakakainis, nakakabaliw na selos na parang may humahawak sa dibdib ko at unti-unting hinihigpitan ang kapit.Pakiramdam ko, may kalamangan siya sa akin. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung ano o saan.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Leah. Isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Walang sagot. Tumataas ang inis ko kasabay ng kaba. Kung kani-kaninong eksena na ang nabubuo sa utak ko, mga eksenang hindi ko dapat iniisip, pero pilit na sumusulpot.Hanggang sa malaman ko ang totoo.Nakalimutan niya pala ang cellphone niya.Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko. Dapat. Pero imbes na relief ang maramdaman ko, mas lalo lang akong nainis—lalo na nang maalala
LeahWalang nangyari sa lahat ng anticipation ko.Sa isip ko, pagbalik ni Rafael sa kumpanya ay agad niya akong hihilahin papasok sa loob ng kanyang opisina, kahit saglit lang. Isang sulyap. Isang hawak. Isang tahimik na paalala na babalikan kita mamaya.Pero hindi ganon ang nangyari.Halos kakarating lang nila ng makatanggap si Sir Joseph ng isang tawag. Kita ko sa biglang seryoso ng mukha niya na hindi iyon basta-basta. Ilang sandali lang, at agad na siyang nagreport kay Rafael na ng mga oras na yon ay nakatayo na sa harap ng table ko, nakatingin sa akin."Sir, something's wrong and it's urgent." Nakita ko ang mariin na pagpikit ni Rafael pagkasabi non ni Sir Joseph."To my office, now." Yun lang at pumasok na siya sa loob kasunod ang executive assistant habang ako naman ay naiwan na disappointed. Wala naman akong magagawa since ang sabi nga ni Sir Joseph ay urgent.Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang masipag na EA.“Miss Leah,” sabi niya, diretso at walang paligoy-ligoy, “s
LeahNagtatawanan pa kami ni Erik habang kumakain. Natural na lang sa amin iyon, walang pilit, walang malisya. Matagal na rin kasi kaming magkapitbahay, at technically, landlord ko siya. Ilang beses na rin kaming nagsalo sa tig-tatlong beer in can tuwing gabi, nagkukuwentuhan lang tungkol sa trabaho, buhay, at kung minsan, mga simpleng reklamo sa mundo.Wala naman kaming ginagawang masama. Walang tinatago. Kaya kahit na nasa public place kami, hindi ko naisip na may dahilan para magalit si Rafael lalo na at we were out in the open naman. Walang lihim. Walang tagong kilos.But I underestimated one thing.Ang selos niya.Naiwan ko ang cellphone ko sa mesa nang maglunch. Pagbalik ko, saka ko lang napansin, nagliwanag ang screen. Sunod-sunod ang notifications. Messages. Missed calls.Mula kay Rafael.Napangiti ako dahil iba ang pakiramdam kapag ganon siya. I like how possessive he is, pero hindi ko sinasady na pagselosin siya.Pagdampot ko ng aking cellphone ay agad ko siyang tinawagan.“A
Leah Napailing na lang ako sa kagustuhan ni Rafael. Halatang may sariling mundo talaga ang lalaking ’to. Pagkatapos niyang pindutin ang send at ibalik sa akin ang cellphone, hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag ay mabilis na itong nag-vibrate. Incoming call. Mula sa matanda. Agad na kinuha ulit ni Rafael sa akin ang cellphone ng sagutin ko iyon at ini-on na niya ang loudspeaker. Parang sinasadya pa niyang ipaalam na wala siyang balak umatras. “So childish,” mahina kong sabi, pero may ngiting hindi ko maitago. “Hija!” masayang-masaya ang boses ni Emilio sa kabilang linya. “Mabuti at pumayag ka na.” Napabuntong-hininga ako nang marahan. “Alam ko naman pong hindi papayag si Sir Rafael,” sabi ko, kalmado ang tono. “Kaya hindi nyo na kailangang ipilit, okay?” Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Rafael. Nakatayo pa rin ako sa tabi niya, pero ang kamay niya ay nakapulupot na sa bewang ko na tila ba sinasabi niyang wala siyang balak umatras kahit kanin
Leah “Bakit ayaw mong pumayag?” tanong ko matapos tuluyang matapos ang tawag nila. Sa totoo lang, hindi pa rin tumitigil sa kakakulit sa akin si Sir Emilio tungkol sa blind date na ’yon. Paulit-ulit niyang binabanggit, parang may sariling agenda. At ngayon na kami na ni Rafael, parang hindi na rin naman masama. Kung tutuusin, ama na rin niya ang may gusto. I even thought, baka mas maging payapa ang lahat kung pumayag siya kahit minsan lang. Tumingin sa akin si Rafael, salubong ang mga kilay na para bang may nasabi akong sobrang mali o hindi niya inasahan. “You’re my girlfriend now,” sabi niya, may diin sa bawat salita. “Tapos tinatanong mo ako kung bakit ayaw ko? You’re weird.” Napangiti ako at natawa nang mahina. “Nagtatanong lang naman ako. Anong weird doon?” Kiniling niya ang ulo bago bahagyang napailing na parang hindi pa rin makapaniwala. “Normal girlfriends would never allow their boyfriends to go through that. At kung magkapalit man tayo ng sitwasyon. Kung ikaw ang may bli







