LOGINLeah
Higit pa sa nangyari kahapon, hindi ko alam kung paano ako nakabalik ng hotel.
Parang wala talaga ako sa aking sarili na tila ako tinangay lang ng hangin. Walang direksyon, walang pakiramdam at basta lang natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ng pintuan ng hotel room ko. Wala sa loob ang naging pagdukot ko sa bulsa ng aking pantalon para kunin ang susi at buksan iyon at tila zombie na naglakad papasok.
Pagkasara ko ng pinto, parang doon lang ako tuluyang nabuhay. Doon ko naramdaman ang lahat. Yung bigat, sakit at katotohanan.
Buntis ang aking ina, at si James ang ama.
Paulit-ulit kong inuusal ‘yon sa isip ko, pero kahit ilang beses kong sabihin, hindi pa rin ako makapaniwala.
Buntis siya.
At si James… si James na mahal ko, na pinagkatiwalaan ko, na pinangarap kong makasama habambuhay—
Siya ang dahilan kung bakit ngayon, hindi ko na alam kung may saysay pa akong mabuhay.
Ibig sabihin… hindi iyon ang unang beses.
Hindi iyon isang pagkakamali lang.
Hindi iyon isang gabing nadala lang sila ng emosyon o kahinaan.
Ibig sabihin, pinili nila.
Pinili nilang lokohin ako.
Pinili nila akong saktan.
At pinili nilang paulit-ulit gawin ‘yon kahit alam nilang ako ang masasaktan.
Paano nila nasasabi na hindi nila sinasadya kung naulit pa? Ano ‘yon, hindi nila sinasadya na paulit-ulit akong lokohin? Hindi nila sinasadya na burahin lahat ng pagmamahal at tiwalang ibinigay ko?
At ang pinakamalala… ang Mommy ko.
Ang taong tinuring kong sandigan, ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay ako na ang pinakaswerteng anak sa mundo.
Siya pa ang naging katuwang sa panloloko at pananakit sa akin.
Bakit?
Bakit nila nagawa sa akin ito?
May nagawa ba akong masama sa kanila?
Naging masamang girlfriend ba ako?
Naging masamang anak ba ako?
O sadyang wala lang talaga akong halaga?
Hindi ko na kinaya pa ang pag-iisip at sadya nang bumigay ang aking katawan.
Napasalampak ako sa sahig, yakap ang sarili, habang nakasandal sa pinto na parang iyon na lang ang natitirang pumipigil sa akin na gumuho.
Humagulgol ako, hindi na ‘yung tahimik na iyak, kundi ‘yung masakit, marahas, at walang tunog sa simula.
Hanggang sa sumabay na ang hikbi, ang hingal, ang sipon, ang luha na halos hindi na ako makahinga. Ang ilong ko barado, ang dibdib ko masikip, at bawat paghinga ay parang may tinik na humahadlang.
Ang bigat…
Ang bigat ng pakiramdam ko.
Para akong sinasakal ng sarili kong emosyon.
At sa gitna ng lahat ng ito, isang tanong lang ang paulit-ulit na kumakabog sa loob ng isip ko—
Paano pa ako babangon pagkatapos nito?
Matagal akong nakayuko sa sahig, hawak ang dibdib ko na parang gusto kong pigilan ang tibok ng puso ko. Nakakabingi ang katahimikan ng kwarto. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang tunog ng sariling paghinga ko na humahalo sa mga hikbi. Ayoko nang maramdaman ang sakit na ito. Ayoko nang umiyak para sa dalawang taong pareho kong minahal at pareho rin akong sinaktan
Nanginginig ang mga kamay kong dinampot ang aking bag na nasa tabi ko lang din at dinukot ang aking cellphone. Nang makuha ko ay tinitigan ko iyon, pilit na nilulunok ang bigat ng lalamunan. Ang mga huling tawag ay galing kay Mommy ay paulit-ulit, tila ba umaasang sasagutin ko. May ilan ding kay James, pero hindi ko kayang buksan kahit isa.
Huminga ako nang malalim at sinimulan kong balikan sa aking isip ang numero ng lalaking walang pangalan. Numerong hindi ko rin alam kung bakit ko tinandaan.
Hindi ko alam kung bakit ko siya tatawagan. Marahil dahil gusto kong marinig ang boses ng isang taong alam ko na hindi ko makikita na nang-aalo sa aking ina. O baka dahil gusto kong maramdaman ulit na may buhay pa sa loob ko—kahit peke, kahit panandalian lang.
I dial the number and press the call button. Isa, dalawa, tatlong ring, hanggang sa may sumagot.
“Hello?” Malalim ang boses niya. Baritono, may bigat, may init. Parang bawat salitang binitiwan niya ay dumulas sa pandinig ko papasok sa dibdib.
Tahimik ako. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
“Who’s this?” tanong niya ulit, mas banayad na ngayon.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. “It’s me…”
Saglit na katahimikan. Parang pati siya ay nagulat.
“LIt's you,” tanong niya, mabagal at sigurado, para bang ayaw niyang magkamali sa pagkakakilala.
“Yes,” mahinang sagot ko. “I… I don’t know why I called.”
Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya, hindi nang-aasar, kundi parang may pagkaunawa. “Maybe because you need someone to listen.”
Napapikit ako. Totoo yata ‘yon. Kailangan ko nga lang ng may makinig.
“Can I see you?” halos pabulong kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ‘yon, pero lumabas na lang sa bibig ko. totoong-totoo, walang pag-iisip.
Sandaling katahimikan bago siya sumagot, at sa pagitan ng katahimikan na iyon ay narinig ko ang paghinga niya, mabagal pero malalim.
“Now?” tanong niya.
“Yes. Please.”
Narinig ko ang paggalaw ng kung saan siya naroroon, parang tumayo, parang naghahanda.
“Where are you?”
“Hotel,” sagot ko sabay bigkas ng pangalan ng lugar. Hindi ko na ipinaliwanag pa kung bakit.
“Don’t move, don't do anything stupid just stay where you are,” mahinahon niyang sabi, pero ramdam ko ang bigat ng tono, ‘yung tipo ng tinig na hindi mo kayang suwayin. “I’m coming.”
At bago pa man ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.
Naiwan akong nakatitig sa cellphone, humihinga nang mabigat. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘to o mas lalo lang akong nilulubog sa gulo ng sarili kong damdamin. Pero sa sandaling iyon, isa lang ang malinaw—kailangan ko siyang makita. Kailangan kong makalimot, kahit ngayon lang, ulit.
Lilimot ulit? One call away lang si Mr. Stranger ah... Paki-like, comment and gem votes po.
LeahMarami pang sinabi si James, pero parang lahat ng tunog ay naging alon lang sa tenga ko. Ang tanging naiintindihan ko ay ang kalagayan ni Mommy. He begged me to talk to her. Paulit-ulit, halos lumuhod sa harap ko.Hindi ko pa siya nakitang ganon. Hindi ko alam kung dahil sa awa o sa sakit, pero pumayag ako without telling him.Siguro nga masokista ako. Kasi kahit wasak na ako, hinayaan kong muli akong mapahamak sa pakikinig sa kanya.Pagkatapos ng lahat, naghiwalay kami. Umalis siya habang nakatingin lang ako, sinusundan ng mga mata ko ang bawat hakbang niya. Hanggang sa tuluyang lamunin ng pinto ang anino niya, at ako ay naiwan sa upuan at walang lakas, walang direksyon, puro tanong.At ngayon, matapos ang mahabang pag-iisip. Hapon, heto ako, nakatayo sa harap ng bahay namin. Dati, bawat sulok nito ay punô ng tawa ni Mommy, amoy ng niluluto niyang adobo, at yakap na kayang tanggalin lahat ng pagod. Pero ngayon… parang ibang mundo na siya.Nangangatog ang kamay kong hawak ang su
Leah“Pwede kang magalit sa akin, Leah. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Kung gusto mong saktan ako, gawin mo. Kung kahit papaano makabawas ‘yon sa sakit na naidulot ko sayo, tatanggapin ko,” mahinang sabi ni James. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya, parang bawat salita ay nilulunok niya muna bago bitawan. “Isa lang ang pakiusap ko. Sana… bigyan mo ng pagkakataon na makausap ang Mommy mo. At sana, wag mo siyang pagsasalitaan ng hindi maganda. Ako ang may kasalanan sa lahat. Hindi siya.”Hindi ako agad nakasagot. Para bang tumigil ang paligid at tanging mga salitang binitawan niya ang umuugong sa tenga ko.'Ako ang may kasalanan.'Kung ganon, bakit parang ako pa rin ang kailangang umintindi?Tumingin ako sa kanya, matagal. Tahimik. ‘Yung klase ng tingin na alam mong mas mabigat pa kaysa kahit anong salita. Pero hindi niya kinaya. Umiwas siya, parang batang nahuli na magnanakaw ng kendi. Ang kaibahan lang, hindi kendi ang ninakaw niya, kundi tiwala ko.“Hindi ko alam kung d
Leah Maaga akong nagising. Hindi ko alam sa sarili ko, pero kahit na ano yatang mangyari ay ganito na talaga ang body clock ko. Sanay na akong gumising ng maaga kahit noong bata pa ako, parang si Mommy. Napahinga ako ng malalim. I really look up to her. Lahat na lang ng bawat galaw ko, mga nakasanayan ay hindi pwedeng wala siyang kaugnayan. Besides being my Mom, she was also my bestfriend. Naligo ako at nagbihis. Hindi na ako nag-exert ng iba pang effort. Alangan naman magpaganda pa ako eh maghihiwalay na rin naman kami. Nagbiyahe na ako papunta sa public library na madalas namin puntahan noon. As much as possible, I want to do it quietly. Ayaw ko ng sumigaw, ayaw ko ng umiyak. Kaya siguro dito ko piniling makipagkita. Nang sa ganon ay mapigilan ko ang aking sarili sa kahit na anong bagay na ako din ang mapapahiya. Pagdating ko sa library ay naroon na siya. Halata ang pagkabahala, takot at pagkailang sa kanyang mukha. Nagtama ang aming paningin at ayaw ko man tanggapin ay masasabi
Leah Nakapag-check out na ako sa hotel at gusto kong himatayin sa binayaran ko. Medyo malaki din ang nabawas sa savings ko, mabuti na lamang at nakahanap ako agad ng malilipatan. Kung hindi ay ewan ko na lang talaga. Sa apartment unit ko nagsimula na akong maglinis. Pinagod ko ang aking sarili dahil ayaw kong mag-isip ng kahit na ano at kahit na sino sa mga taong kinaiinisan ko na naging dahilan na rin ng sama ng loob ko. Isa, dalawa, tatlong araw. I turned off my phone dahil sa sunod-sunod na tawag mula kay James at sa aking ina. I don’t know why they had to call me, hindi ba sila marunong makiramdam o talaga lang sobrang manhid na nila dahil sa kapal ng kanilang mukha? Dumagdag pa ang lalaking ‘yon. Ano pa ba ang gusto niya? Sex pa rin? Thursday, kakarating ko lang mula sa pamimili ng mga grocery. I need to stock food dahil hindi ako ang tipo ng tao na mahilig magpunta sa supermarket to buy supplies. Kaya nga kahit maliit ay bumili rin ako ng ref. Ang gusto ko ay may maluluto ako
Rafael“Damn!” sigaw ko sabay bato ng baso ng alak na hawak ko. Diretso na akong umuwi ng bahay pagkagaling ko sa hotel.I don’t know what got into me. Basta kaninang hapon ay hindi na ako mapakali matapos niyang ibaba ang tawag at bago yon ay narinig ko ang boses ng isang lalaki.Pakiramdam ko ay sinapian ako at kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko. Nagpunta ako agad sa hotel room niya only to find out na wala pala siya. I keep calling her pero kina-cancel lang niya hanggang sa i-off na niya ang phone.Alam kong sinadya niyang patayin ang telepono, hindi iyon namatay or nalowbat. And that pissed me off. Sobra.I stayed sa corridor ng floor kung nasaan ang silid na inookupa niya and waited for her. And when she arrives, damn. Pakiramdam ko ay mababaliw ako ng mapansin kong tila pagod na pagod siya.Ang lalaking narinig ko agad over the phone ang naisip kong dahilan non. So I acted like a total a$sh0le.And fuck! She’s right. Wala akong karapatan na pigilan siya kung kaninong lalaki n
LeahAng halik niya ay mapagparusa. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, wala akong maisip na dahilan para magkaganito siya. Pinilit kong makakawala sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.Halata ang galit sa bawat halik niya. Sa bawat pagsipsip sa aking mga labi hanggang sa paggalugad niya sa loob ng aking bibig ng tuluyang makapasok ang kanyang dila doon.Ngunit sa kabila non, may bahagi ng katawan ko ang nagugustuhan ang kanyang ginagawa. Hindi ko malaman kung saan iyon nanggaling o nagmula, basta bigla na lang, ang mga kamay na tumutulak sa kanya at hinihila na siya ngayon palapit pa.Ang mga labi ko ay tila may sariling mga isip na tumugon at nakipaglaban sa sipsipan. I never thought that I would be this wanton.Binuhat niya ako at dinala sa kama, bago siya tumayo, iniwan akong nakaupo at nagsimulang magtanggal ng kanyang mga damit habang ako naman ay pinanonood ang bawat kilos niya. “Are you not satisfied with my d!ck?” tanong niya ng tuluyan na niyang matanggal ang







