LOGINLeah
Naisip ko na walang mangyayari kung magmumukmok lang ako.
Hindi ako pwedeng manatili sa ganitong estado na basang-basa ng luha, walang direksyon, walang tapang.Kailangan kong kumilos.
Alam kong sa sarili ko, hindi ko na kayang manatili pa sa ilalim ng iisang bubong kasama si Mommy.
Paano ko magagawa ‘yon, kung bawat pagtingin ko sa kanya, ang imahe nila ni James ang agad na sumasagi sa isip ko?
Ang mga ungol na narinig ko, ang ayos nila na nakita ko paulit-ulit na bumabalik, parang sumpa.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang sakit na ‘to, pero isang bagay lang ang sigurado:
Ayaw ko ng masaktan pa.
Pero paano nga ba mangyayari ‘yon kung bawat paghinga ko ay paalala ng lahat ng kasinungalingan nila?
Nagdesisyon akong umuwi.
Hindi para makipag-ayos, kundi para kunin ang mga gamit ko at tuluyan nang iwan ang bahay na dati kong tinuring na tahanan.
Plano kong pansamantalang manatili dito sa hotel habang naghahanap ng matitirahan na malapit sa trabaho.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng maayos, simpleng blouse at jeans, pero mahigpit kong hinila ang zipper ng bag ko, parang gusto kong isarado ang lahat ng nangyari.
Tumingin ako sa salamin saglit.
Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi ko na tinangka pang ayusin. Hindi ko kailangang magmukhang maayos, hindi naman ako maayos sa loob.
Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang maalala ang lalaking kasama ko kagabi.
Ang estrangherong naging kanlungan ko sa gitna ng sakit.
Sino ba siya? Bakit ko hinayaan ang sarili kong mapunta sa ganong sitwasyon?
Pinilig ko ang ulo ko nang mariin.
No, hindi ko na dapat pang dagdagan ang isipin ko. It's just a one night stand. Baka nga hindi na rin kami magkita pa ng lalaking yon.
Mas kailangan kong unahin ang katotohanang naghihintay sa akin sa bahay, ang mga taong sumira ng pagkatao ko.
Pagdating ko ay agad kong napansin ang katahimikan.
Pero kasunod niyon, narinig ko ang mahinang hikbi.
Nang dumungaw ako sa sala, tumigil ang mundo ko.
Si Mommy… nasa bisig ni James.
Umiiyak siya, pero si James, si James na minsang mahal ko ay nakaakbay sa kanya, hinahaplos ang likod niya, para bang siya pa ang dapat kaawaan.
Humigpit ang pagkakakapit ko sa aking bag.
Napailing ako, halos matawa sa mapait na irony.
“Ganyan ba ang itsura ng nag-aalala?” malamig kong tanong, mababa pero malinaw.
Nag-angat ng tingin si Mommy, gulat na gulat, habang si James ay nanigas.
“Ganyan ba ang itsura ng isang ina na hindi kayang magalit ang anak sa kanya?”
“Leah!” mabilis siyang tumayo, namumugto ang mga mata.
Si James man ay sumunod, pero hindi inalis ang kamay sa balikat ni Mommy.
Mas lalo akong napakapit sa bag ko.
Para bang gusto kong ibato iyon sa kanila, sa kanilang dalawa na walang ibang ginawa kundi sirain ako.
“Hindi niyo man lang tinantanan,” bulong ko, nanginginig ang boses. “Kahit sa oras na ganito…”
“Leah, please, let me explain—” simula ni James, pero tiningnan ko siya nang masama.
“Tumahimik ka, James. Wala kang karapatang magsalita.”
Tahimik ang buong bahay.
Walang naririnig kundi ang mga malalalim naming paghinga.
At sa loob ko, may apoy na unti-unting naglalagablab. Yun galit, sakit, at matinding pagkadismaya.
Tumingin ako kay Mommy, halos hindi ko na siya makilala. Namamaga ang mga mata niya, nanginginig ang mga labi, pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Matatanggap ko kung niloko ako ni James,” mahina kong sabi, pero bawat salita ay may kasamang panginginig ng galit at luha. “Kung nambabae siya dahil may hinahanap siyang hindi ko kayang ibigay…”
Napahinto ako, sinubukan kong pigilan ang luha pero hindi ko kinaya.
Dumulas iyon sa pisngi ko. Isa, dalawa, hanggang sa tuloy-tuloy na.“Pero alam mo,” nag-angat ako ng tingin, diretso sa kanya, “alam mo kung ano ‘yung pinakamasakit, Mommy?”
Tinitigan ko siya, hinayaang makita niya kung gaano ako kasira, kung gaano ako nasasaktan.
“Yung malaman kong ikaw.” Nabitin ako sa hangin, halos maputol ang boses ko sa sobrang sakit.
“Ikaw mismo, Mommy… ang nagbigay ng hinahanap niyang ‘yon. Ang sarili kong ina.”
Nabaling ang tingin ko kay James. Hindi man siya umiiyak, halata sa mata niya ang guilt, pero wala akong pakialam.
“Ang sakit, Mommy,” halos pasigaw kong sabi, sabay tapik sa dibdib ko. “Ang sakit, sakit! Dito! Hindi ko alam kung paano pa ako hihinga nang normal pagkatapos n’on!”
Doon tuluyang humagulgol si Mommy.
Yung iyak na parang pinipigilan niya pero hindi na niya kayang itago.
Nanginginig ang balikat niya habang nakayuko, at sa isang iglap, hinapit pa siya ni James. Inabot ang kamay niya, inalalayan, hinaplos ang likod.At doon, tuluyan akong nanghina.
Gusto kong maawa sa kanya, gusto kong maniwalang nagsisisi siya, pero paano…
paano kung ang taong nagwasak ng tiwala ko ay nakasubsob pa ngayon sa lalaking minahal ko?
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Parang sinampal ako ng realidad na ako lang pala ang nagdurusa dito.
Ako ang sinaktan nila, pero sila ang magkasamang nag-aalo.
Ako ang iniwan nila, pero sila ang magkasamang umiiyak.
Parang ako pa ngayon ang kontrabida sa love story nila. Para akong masamang kontrabida na kailangang saktan nila ng paulit-ulit.
Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinipigil ang hikbi ngunit kusa pa rin kumawala.
Walang kumibo sa kanila habang nanatiling magkayakap at umiiyak.
At sa gitna ng iyakan, doon ko naramdaman, ako na lang pala talaga ang mag-isa.
“Leah, kasalanan ko ang lahat.” mahina pero mariing sabi ni James, hindi makatingin ng diretso. “Kung may galit ka, sa akin mo na lang ibaling lahat. Tatanggapin ko. Huwag mo na lang saktan pa ang kalooban ng Mommy mo.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o maiyak.
Hindi ko rin alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na pinagtatanggol niya ang ina ko, o mas masaktan pa kasi kaya niyang gawin ‘yon, kaya niyang ipagtanggol ang babae kasama niyang nanloko sa akin.
“Ako pa ngayon ang nananakit ng kalooban?” tanong ko, may bahid ng panginginig at panlalait sa boses.
Tumigil siya. Napayuko.
Wala siyang sagot. Wala siyang lakas ng loob.
“James, hayaan mo na muna ako,” sabi ni Mommy, umiiyak pa rin, halos hindi makapagsalita sa pagitan ng mga hikbi. “Ako na lang ang kakausap sa kanya.”
Napailing ako, mapait ang ngiti ko.
“Ang galing mo din, James, ah.” tinuro ko siya, nanginginig ang kamay ko. “Ako ‘yung sinaktan niyo, pero siya pa ang pinagtatanggol mo.”
Hindi ko na alam kung galit pa ba ‘to o desperasyon.
Ang gusto ko na lang, mamanhid.
Ayaw ko na maramdaman lahat ng sakit, lahat ng bigat na parang unti-unti nila akong pinapatay.
“Hindi mo naiintindihan, Leah—” sinubukan pa niyang magsalita, pero hindi ko na siya hinayaang tapusin.
“Ako pa ang hindi nakakaintindi?!” bulyaw ko, halos mabasag ang boses ko sa sobrang poot. “Ako na nagmahal sa inyo nang totoo? Ako na itinuring kayong pinakamahalagang tao sa buhay ko? Ako na walang ginawa kundi pasayahin kayo? Ako na pinagkatiwalaan kayo nang buo— ako pa ang hindi nakakaintindi?!”
Nanginginig na ako. Hindi ko alam kung sa galit o sa sakit.
Ramdam kong nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.
At bago pa ako makasigaw ulit, biglang sumabog ang boses ni James — basag, desperado.
“She’s pregnant!”
Parang may sumabog na bomba sa pagitan namin.
Napatigil ako. Literal.
Ang echo ng boses niya, ilang ulit kong narinig sa loob ng isip ko.
“Buntis si Ella,” dagdag niya, halos pasigaw, “at hindi puwedeng ma-stress!”
Tahimik.
Walang gumalaw.
Walang huminga.
At doon ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako nang walang tunog.
Parang biglang lumiit ang mundo ko.Ito ba ang pakiramdam ng tila pinagsakluban ng langit at lupa?
Hindi ako nakakilos. Hindi ako nakapagsalita.
Para akong estatwa na dahan-dahang ginigiba ng hangin.
Ang lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng galit, lahat ng tanong, lahat ng sakit ay naipon lang sa lalamunan ko.
Parang tinik na hindi ko mailuwa, hindi ko malunok.
Buntis.
Ang salitang ‘yon lang ang paulit-ulit sa isip ko.
At sa bawat ulit, parang may humihiwa sa puso ko.
Ang Mommy ko ay buntis sa anak ng aking nobyo!
OhEmGeee!!!
LeahPagdilat ko ng aking mga mata, ilang segundo muna akong nakatulala sa kisame. May kakaibang katahimikan, ibang-iba sa atmosphere ng opisina ni Rafael na huling naaalala ko. Napakunot ang noo ko habang dahan-dahan kong nililibot ang aking paningin, saka lang nagsimulang mag-sink in ang lahat.Penthouse.Nasa penthouse ako.Naalala ko ang nangyari ng nagdaang gabi, kung paano sinabi ni Rafael na mahal niya ako at ang naging tugon ko. Bumangon ako dahilan upang dumausdos pababa ang comforter na tumatakip sa aking katawan and found myself naked.Hindi na ako nagulat dahil alam ko at malinaw na naalala ang nangyari. Bagay na natural na sa amin. Yun nga lang, parang mas naging memorable at intense ang sa kagabi dahil sa naging pag-amin namin sa nararamdaman namin sa isa’t-isa.Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi.“Good morning, Sweetheart.”Mabilis akong napabaling ng tingin sa pintuan. Doon ko siya
Mature ContentLeahNagulat ako sa sinabi niya. Parang biglang huminto ang mundo ko, at ilang segundo akong hindi agad nakahuma. Hindi ko inaasahan na bibitawan niya ang mga salitang iyon. Hindi sa tono niyang iyon, hindi sa lalim ng tingin niya.Nagtagpo ang aming mga mata. Walang galit. Walang pagdududa. Tanging damdaming matagal nang nakabitin sa pagitan naming dalawa.Ako na mismo ang naglapit ng aking mukha at hinalikan siya.Sa simula, dampi lang. Isang mabagal, marahang halik na parang pagsubok. Ramdam kong hindi siya kuntento, at alam kong alam niya ring hindi iyon ang buong intensyon ko. Dumampi ang kamay niya sa aking tagiliran, mainit at mapang-angkin, habang ang isa naman ay pumwesto sa aking batok, marahang hinihila ako palapit.“Ang lambot talaga ng mga labi mo, Sweetheart,” bulong niya nang bahagya kaming huminto. Ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi. Napangiti ako, hindi ko mapigilan. Gustong-gusto ko kapag sinasabi niy
Leah“What do I need to do,” tanong ko, pilit pinatatag ang boses ko kahit may kaba sa dibdib ko, “para lang tumaas ang tiwala mo sa sarili mo… when it comes to me?”Tinitigan niya ako. Matagal. Parang sinusukat kung tama ba ang narinig niya, o kung handa ba siyang sagutin ang tanong na iyon nang totoo. Nakita ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagiging dominant, naging seryoso. Totoo.“I don’t know,” sagot niya sa wakas, mababa ang boses. “Maybe nothing could make me feel secure and confident pagdating sayo.”Natawa ako, hindi dahil nakakatawa, kundi dahil hindi ako makapaniwala. “Hindi ko akalain na may ganitong side ang isang Rafael Solano…” Halata ang disbelief sa boses ko, pero hindi niya iyon minasama. Sa halip, natawa rin siya, iyong tawang may halong pait at self-awareness.“You’re beautiful, you’re young, at nagsisimul
LeahDahil sa issue ni Tate Lim, kinailangan naming mag-meeting sa mismong office ni Rafael. Kasama namin si Sir Joseph na kakarating lang galing sa TV station, halatang pagod pero pilit pa ring composed. Mula afternoon hanggang halos gabi, sunod-sunod ang diskusyon—PR angle, legal risks, public perception. Ni hindi namin namalayan kung paano lumipas ang oras.Hindi ko rin namalayan na matagal na pala akong hindi kumakain. Siguro dahil sobrang focus ko sa usapan. O baka dahil katabi ko lang si Rafael na seryoso, tahimik, pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat galaw ko.“I’ll order dinner na lang,” sabi ni Sir Joseph habang sinisilip ang oras sa relo niya. Tumango si Rafael, diretso lang ang tingin sa laptop. Hindi na rin ako umimik pa, kahit gusto kong sabihin na okay lang ako. Ayokong maging abala.Pagkatapos mag-order, sinimulan na ni Sir Joseph ang pagfi-finalize ng lahat ng napag-usapan namin. Isa-isa niyang binalikan ang m
RafaelHindi siya agad umiwas. Hindi rin siya umatras.Sa halip, bahagya niyang ibinaba ang notebook sa mesa at ipinatong ang dalawang palad niya roon, saka ako tiningnan ng diretso, walang bahid ng takot. Kung meron man, parang mas lalo pa siyang naging interesado.“Punishment?” ulit niya, may bahagyang ngiti sa labi. ‘Yong ngiting alam kong delikado. “I was wondering kung kailan mo ‘yon babanggitin.”Napapikit ako sandali. Isang mahinang mura ang muntik nang kumawala sa bibig ko. Hindi siya dapat ganito ka-kalmado. Hindi niya dapat ako tinitingnan na parang ako pa ang nawawalan ng kontrol.“Don’t play innocent,” sabi ko, dahan-dahan akong lumapit. Isang hakbang. Isa pa. “You know exactly what you did.”“Totoo?” sagot niya, bahagyang ikiling ang ulo. “Because last time I checked, I didn’t break any rules. I did my job. I attended the meeting. I spoke professionally.” Huminto siya sandali, saka idinugtong, mas mababa na ang boses, “Or is the
RafaelThis is unacceptable.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang sabay na kumakain sina Leah at Erik. Masyadong komportable. Masyadong… pamilyar. At kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magselos, hindi ko mapigilan ang pag-init ng dugo ko.Sobrang selos ako. Hindi ‘yong tipong tahimik lang—‘yong nakakainis, nakakabaliw na selos na parang may humahawak sa dibdib ko at unti-unting hinihigpitan ang kapit.Pakiramdam ko, may kalamangan siya sa akin. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung ano o saan.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Leah. Isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Walang sagot. Tumataas ang inis ko kasabay ng kaba. Kung kani-kaninong eksena na ang nabubuo sa utak ko, mga eksenang hindi ko dapat iniisip, pero pilit na sumusulpot.Hanggang sa malaman ko ang totoo.Nakalimutan niya pala ang cellphone niya.Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko. Dapat. Pero imbes na relief ang maramdaman ko, mas lalo lang akong nainis—lalo na nang maalala







