Share

Chapter 1

After namin magkaroon ng deal ay humiram ako ng phone kay Seigraine. I texted Pia's number. Good thing I memorized it. Nagpakilala lang ako sa kaniyang ako 'yon. Alam kong tatawag ito kaya hindi ko muna ibinalik kay Seigraine, mabuti na lang at mukhang walang pakialam ang lalaki kahit sirain ko pa 'to.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pumayag ako sa sinabi niya. Hindi ako tumanggi at wala akong maramdamang pagsisisi sa naging desisyon ko. Maybe I was really that desperate to leave that I resorted to having a deal with Seigraine. Tulala ako habang nagluluto ng tanghalian. Mamaya ang alis namin, at simula kanina'y abala lamang si Seigraine sa pakikipagusap on phone. Ready na ang mga gamit niya habang ako'y walang kaisa-isang dala. I don't even have my phone. I left everything so my dad couldn't track me.

I was in that state when my phone vibrated. Nakalimutan ko ng nasa ibabaw pala ito ng counter.

"Hello?"

"Ean! Ano? Nasaan ka? D'yos ko pinapahanap ka ng dad mo, kagagaling lang dito ng mga tauhan niya!" Halata ang kaba sa pagkakasabi niya at medyo pasigaw pa kaya bahagya kong naipikit ang isa kong mata.

"I know," kalmado kong sagot, pinapahiwatig sa kaniyang alam ko na.

"Oh e! Nasaan ka nga?!"  tinapos ko ang pagluluto at sumandal na lang sa counter bago tumitig sa sahig. Hindi ko alam kung gusto ko bang sabihin sa kaniya kung asan ako o hindi na. Not that I don't trust her, kundi dahil nahihiya ako.

"Hoy! Aba sabihin mo sa akin naku talaga Ean ah!"

"I'm with Seigraine. Actuallly kaniya ang number na 'to."

"Oh eh nakay Seigraine ka naman pala safe ka d'ya—ano?!" bigla kong nailayo ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw nanaman niyang mas malakas compared kanina. Damn, hindi ko alam kung paano ko natatagalan kapag ganito siya. Mas kabado pa siya sa akin kahit ang totoo ay hindi na rin ako sigurado.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?! Purdyos por pabor!? Anong kabaliwan ang naisip mo at d'yan ka pumunta?!"

"No choice, we made a deal."

"At alam ko ng hindi maganda ang deal na 'yan, knowing Seigraine Harisson."

"Yeah."

"And what is it? Magsabi ka ng totoo, anong kapalit?!"

"I'll be his bedmate."

"Potaena seryoso ka?!"

"Pia naman."

"Jusko po, at pumayag ka pa talaga ha?! Parang hindi mo kilala 'yan?! My God, hihimatayin ako sa 'yo. College pa lang tayo girl ang dami-dami nang naikama niyan! Bakit sa dami ng lalaki si Seigraine pa?"

"I have no choice, saka wala naman akong pakialam kung marami na siyang naikama e." I felt something pinch my heart, ngunit inalis ko agad iyon sa isipan ko dahil hindi maganda ang dulot ng ibig sabihin noon.

"Harisson and Fross are rivals. Jusko, hindi ko kaya 'to."

"Aalis kami ng bansa mamayang alas tres."

"Ean, paalala lang ha—if you can't protect your body from him, please protect your heart. Don't you ever fall in love with a Harisson. Isang malaking gulo 'yon."

"I promise I won't. Saka kapag nandon naman na sa New York makakahanap na akong trabaho, makakaalis na ako sa puder niya at doon ako magsisimula ulit. Makakahanap din ako ng lalaki na hindi magiging big deal ang virginity, makakahanap pa rin naman siguro ako ng lalaking tatanggap sa akin."

"Good, don't forget to contact me okay?"

"Oo naman, thank you Pia ah."

"Basta tandaan mo andito lang ako at tandaan mo rin ang mga bilin ko ah?" tumango ako na para bang nakikita niya ako. Nang makarinig nang mga yapak ay mabilis kong naibaba ang tawag at nagsimula ng maghain.

"Ean," marahan ko siyang nilingon ng hindi umiimik. When I met his blue eyes, he licked his lips first before he talked again. I handed him his phonen na kaagad naman niyang tinanggap at ibinulsa.

"When we arrive, pretend like you're my girlfriend in front of my cousin."

"H-huh?"

"You need to act like my girl and not a bedmate, but only when my family's around."

"Bakit?"

"Stop asking why and just do what I said." Masungit na sabi niya at tinalikuran na niya ako.

Am I going to act as his girlfriend in front of his family? Bakit nga ba?

Hanggang sa makarating kami sa private plane niya ay walang ibang laman ang isip ko kung ano ang dahilan bakit kailangan kong magpanggap na kasintahan niya.

He stays silent the whole hour of our travel. Unti-unti akong inabutan ng antok at nakaramdam ng tila pagkapagod kaya agad rin akong nakatulog. Nagising lang ako ng isang malakas na tapik sa noo ko ang naramdaman ko.

"Aray!" sinamaan ko ng tingin ang gagong may gawa noon at nakasalubong ko ng tingin si Seigraine na wala manlang emosyon.

"You're so hard to wake. Hurry up, we're here." nauna na siyang tumayo kaya sumunod narin ako. Takot na baka mawala. Aba wala akong pera! Kaya kailangan nakikita ko siya.

"Seigraine," pagkuha ko sa attention niya dahil ang bilis-bilis niya maglakad ngunit hindi niya ako nililingon, nakakainis! Pinagmumukha niya akong aso na naghahabol sa master niya. Kulang na lang lagyan niya ng kadena ang leeg ko.

Nahinto lang ako ng tumigil siya at pareho kaming napatingin sa isang placard na may pangalan niya at pangalan ko?

Gulat ako ng lumapit kami sa kanila.

"Kuya! Welcome back!"

"Yeah."

"Oh, she's is your girlfriend. Hi sweetheart, I'm Sergio. Just call me Gio, Seig's handsome younger cousin." mabilis niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan, na kinagulat ko.

"U-uh, nice to meet you too. I'm Eras Analed. Ean na lang." Nagulat ako ng biglaang may kumuha ng kamay ko mula sa pagkakahawak ni Gio.

"Where's your car?" Gulat man sa inakto ng pinsan ay ngumisi lang ito.

"Halika na, baka makatanggap pa ako ng pasalubong, mula kay kuya." Natatawa nitong sabi bago nauna samin. Mabilis akong binitawan ni Seig ng sandaling tumalikod na ang pinsan niya. Napakahirap niya talagang intindihin.

I was so distracted while looking at Seig. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan at abala siya sa phone niya. He was biting his lips while browsing on his phone. Hindi ko alam kung bakit nakakaakit ang ginagawa niya. Napapansin kong hilig niya itong gawin.

"So! Gaano na kayo katagal ni kuya?" napalingon ako sa nag d-drive at hindi ko alam ang sasabihin.

"Why are you asking, moron?" pagsusungit ni Seig.

"Sabi ko nga tatahimik na."

"Ilang taon ka na Ean?"

"Twenty-two."

"Woah! Panganay ka lang pala sa akin ng one year," well halata naman na medyo bata pa siya pero akala ko'y magkaedad lang kami.

"Can't you just drive without asking my girl your nonsense questions?" Gusto kong matawa sa kasungitan ni Seig ngunit mas nangibabaw sa'kin ang kakaibang pakiramdam ng sabihin niya 'yon.

"Napakasungit!" nakarating kami sa isang napakalaking bahay at halos ngumanga ako roon.

"Is this your house, Seig?"

"Yeah."

"Gosh! Ang laki!"

"Let's go in," nauna siyang pumasok at kasunod ako. Hindi na ako masyadong namangha sa loob dahil sanay naman ako.sa mga bahay na sing galante ng pagkakagawa dito. Sinundan ko sa Seigraine paakyat at pinapasok naman ako sa kwarto na pinasukan niya bago iyon nilock.

Isa-isa kong hinubad ang longcoat at scarf na suot ko pati narin ang boots at pinanood niya lamang ako habang hinuhubad rin ang kaniya. We both hung our coats on the coat rack as I walked past him to see what was behind his curtain.

Nag-i-snow sa labas, how I've love to witness white Christmas.

"I love New York! I feel so free!" walang pakundangan na sabi ko at walang pakialam kung naroroon si Seigraine. Nakangiti ko itong hinarap at unti-unting nawala ang ngiti ko ng mapansing nakatitig siya sa 'kin habang nakahalukipkip.

"I know, I've hated you before. But I am so thankful that I met you. Kung wala ka, 'di ako makakalaya sa bahay." mariin niya akong tinitigan.

"We made a deal, that's why." marahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gustong-gusto ko 'yong pakiramdam na niyayakap siya kumakalma ako at nagiging banayad ang tibok ng puso ko.

"Eras," namamaos ang boses niya na pagtawag sa pangalan ko.

Why does it feel so special when he's calling my name? God, Ean, nababaliw ka na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status