Share

Chapter 16

NAPATAYO si Endemion sa pagkaka-upo niya dahil sa pamilyar na mabigat na presensya na nararamdaman niya na papalapit sa kanila, apat na demonyo ang alam ni Endemion na nagmamay-ari ng ganitong presensya na malayo palang ramdam na niya. Si Beelzebub, ang hari ng demon realm na si Dagon, at ang dalawang kapatid ni Beelzebub na sina Escanor ang panganay at si Zeldris ang pangalawa.

Kaya hindi mawari ni Endemion kung sino sa dalawang kapatid ni Beelzebub ang dumalaw sa kanila, alam ni Endemion na kasama ni Beelzebub si Rana kaya alam niyang alam nito ang gagawin para hindi makita ng kung sino sa dalawang kapatid nito na parating si Rana.

"Paanong nalaman ng isa sa kanila kung nasaan tayo?"sambit na tanong ni Endemion ng magbukas ang pintuan at kusang napaluhod si Endemion sa sahig dahil sa lakas ng kapangyarihang humatak sa kaniya paluhod, ganun din si Belial na napapalit sa tunay nitong anyo.

" Nabalitaan ko na narito sa mundo ng mga tao ang bunso kong kapatid para sa paghuli kay Ahriman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status