Share

BFL_1

Penulis: Ambisyosa22
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-07 11:42:21

“Nay...Nay..A-aray po, Nay”malakas ang pagkakdaing ko bigla na lang akong sinabunutan ng aking Ina na si Nanay Rose hindi ko pa man alam ang dahilan.

“N-nay b-bkit po?Nay masakit po nakakahiya na din sa mga tao. Please po Nay bitawan n’yo na po ako!” pag mamakaawa ko sa aking ina. Hindi ko talaga alam bakit bigla na lang itong nagalit. Habang hawak pa rin ang aking buhok at patuloy sa paghatak sa karamihan ng tao saka namanito nagsalita.

“Nagtatanong ka pang kerengkeng ka! Ano Mariemar kating kati na ba ang kike mong talandi ka?Gusto mo bang may kumamot na ng kati mo?. Anong oras ang out mo sa trabaho impakta ka?Diba isang oras na ang nakalipas ba’t ngayon ka lang. sino naman ang naghatid sayo ha?. Marami ka pang obligasyon sa amin unahin ang pamilya hindi ang kati ng p**i na yan. Hala doon may steelwhool alud-udin mo ang p**i mo!?”malkas na bulalas ng aking ina halos gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa mga salita nito kitang kita ko ang bulungan at pag-uusap ng mga tambay sa kalsada. Unti unting pumatak ang luha ko dahil sa kahihiyan.

“Nay m-mahirap pong s-sumakay ng ganitong oras kaya po ako nahuli ng uwi”mahinang sagot ko sa aking ina sasagot na sana ito ng may isang nakasaksi na hindi na nakatiis nagsalita na.

“Diyos ko Rose! Anong ginagawa mo kay Mariemar abay bente tres anyos na ‘yan ginaganyan mo pa. Aba ipag makahiya mo naman kadalagang tao”sabi ni Ate Rossy isa ito sa second cousin ng aking tatay Polly mabait bito sa akin.

“Rossy kung hindi ito kakastiguhin at hahayaan na matuloy ang kati ng puke nito hindi na ito mapapakinabangan pa. Uunahin nito ang landi niya. Aba sa daming ginastos namin d’yan dapat lang mabawi namin sa kanya”balik ng aking ina kay Ate Rossy.

“Hayst! Oo nga naroon tayo. Ay ‘wag naman ganyan na sobrang higpit saka ipag-makahiya monaman ang bata. Tapos ang isa mong anak sixteen palang legal mag nobyo. Ano ba ‘yan Rose?Ako ay kaibigan at kamag anak kaya naman nasasabi ko ang ganito ”Muling sagot ng pinsan ng tatay ko.

“Rossy ok lang ‘yun maganda kasi Paula kaya ligawin ang batang iyon. At utang loob mataas ang pangarap sa noon buhay for sure gaganda ang buhay noon kumpara kay Mariemar na baka gumapang sa hirap dahil sa kalandian. Susko baka kahit pang diaper ng anak ay sa kapatid pa ilapit pag nagkataon at baka sa kakatihan ay panu-panunod ang anak”Muling sabi ni Nanay bago ako iniwan sa daan. Halos ganito naman s’ya noon pa wala akong halaga kahit nagpakahusay at buti pa ako. Mula daycare honor ako laging nangunguna sa lahat. At ng mag elementary ako ay laging star section panlaban pa sa mga contest pero never na proud si Nanay. Hindi nga umaattend ng meeting lagi akong nakikisuyo sa mga nanay ng kaibigan ko. Minsan sabi nila sa akin na ang swerte daw ni nanay sa akin, pero parang hindi naman.

Grade 4 ako noon ng sabunutan ako ni Nanay sa harap ng mga classmate ko kasi akala ni nanay ang baba ng grades ko. Nagkamali pala ang teacher namin ‘yun na ang huling pag punta n’ya hanggang graduation ko ng highschool. Never akong humingi ng pang project sariling sikap. May mga kaklase akong tamad kaya sa paggawa ng project at assignment nila ang pinagkakakitaan ko ‘yan para pambayad sa mga ibang expenses. Sakitin na noon pa si Nanay first year palang ako kaya lahat ng trabaho sa bahay ay sa akin na nakaatang. As in sabay sabay ko ginagawa maglaba, magluto, asikasuhin si nanay at Paula pero pag nagkamali ako tadyak at sabunot pa. Noon pag may itatanong ito sumagot man ako hindi masasaktan at masasaktan ako nanginginig nga ako sa takot. May arsw pang hindi ako makapasok kasi may mga pasa ako. Ayoko naman na maranasan ni Paula ‘yun kaya pag s’ya ang mapapalo inaawat ko agad si Nanay, pero ang ending ako ang puro latay dahill ‘yun galit kay Paula sa akin ibubunton. During college naman full scholarship ako pero mas lumala ang sakit ni Nanay kaya pinahinto ako. Hindi na raw ako kayang paaralin. Sabi ko noon ay mag working student naman ako at kaya ko naman pero,

“Alin doon ang hindi mo maintindihan Mariemar?Katuwang ng Tatay mo ang kailangan marami na tayong utang. Aba mag sakripisyo ka naman para may ambag ka sa pamilya. Pasalamat ka at pumayag pa ako na pang replace ka sa namatay kong anak kung hindi baka p****k kana ngayon o di kaya patay ka na”Mga salita noon ni Nanay kung tutuusin kaya ko naman na lumaban pero mahal ko sila. Mahina na ito pero pag galit sa akin grabe lumalakas. Nabalik ako ng tapikin ako ni Ate Rossy nilamon na pala ako ng pag iisip.

“Ineng hanga ako sayo at kaya mong tagalan ang Nanay mo sana lang marealise ni Rose ang halaga mo ng hindi pa huli ang lahat. Oh siya sumunod kana sa nanay mo at baka madali ka na naman”may awang sabi nito sa akin tumango naman ako. “Salamat po Ate Rossy” sabi ko at nag tuloy na ng makapasok sa bahay isang sampal ang nakuha ko manhid na ako sa ganito lumaki na ako sa sampal, palo at bugbog kayang kaya ko ito ang hindi ko kina kaya at laging nagpapasakit ng puso ko ay ang mga masasakit na salita. Duguan na duguan na ang puso ko.

Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan mas naging mahirap dahil sakitin na si Nanay after work ako pa ang mag aalaga at mag intindi sa kanya. Wala namang problema sa akin kasi nga masaya ako na hinahayaan ako ng aking Ina na mapalapit sa kanya. Ang kapatid ko naman ay nag aaral pa. Hindi ko mapigilan managhili kasi pinipilit ito ni Nanay at Tatay mag aral kaso ayaw na. Kung ako ‘yun gusto ko para naman mabigyan ko sila ng magandang buhay. Malapit ako kay lola Carmen Ina ni Tatay patirin sa mga tiyuhin at tiyahin ko sabi nga nila kung labis lang kita nila paaralin nila ako pero wala e, pare-parehong kapos at salat sa buhay. Halos isang taon rin nakipaglaban sa sakit si Nanay pero kita namin na unti unti na itong bumibigay. Malapit na ang Fiesta noon isang linggo bago ang araw ng kapistahan bandang alas dos ng hapon tinawag ako nito sa aking palayaw unang beses iyon hatid noon ay kilabot sa aking puso.

“Marie nasaan ka?”Tawag nito dahil na rin sa komplikasyon ay binawain ito ng paningin maging ang mga kamay nito apektado na rin. Sabi ng iba parusa na raw sa aking Ina dahil walang pakundangan akong saktan. Na galit ako ng marinig ‘yun. Sino ba sila para magsalita ng ganun sa aking Nanay?.

Nagpapatawad ako lagi kasi hindi ko kayang ikulong ang galit, pero masama ba ako na hindi ako makalimot sa mga nagawa sa akin ?pangako ko na hindi ko gagawin sa aking supling kapag kinaloob na ng panginoon na biyayaan ako.

“Nay, Nandito po ako!Bakit po may kailangan kayo?”mahinahon nasabi ko sa aking ina. Naging moody ito dahil sa mga pagbabago sa katawan.

“Halika ibangon mo ako. Tabihan mo ako rito Marie may mga sasabihin ako sayo”Mahinang sabi nito agad naman akong tumalima sa utos nito. Tumabi ako dito ilang minuto na ang lumipas hindi pa ito nagsasalita. Ako na sana ang babasag ng katahimikan ng magsalita na ito.

“Salamat”unang kataga palang lumaglag na ang mga luha ko. Pigil pigil ang mga hikbi ko at hiyaan ko na mag patuloy ang aking ina.

“Marie hayaan mo ako magsalita ha!. Nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon paningin lang ang kinuha sa akin kaya ko pang magsalita. Una sa lahat maraming salamat kasi ibinigay ka niya sa akin. Hindi ka suwail na bata. Hindi ka nag rebelde sa mga ginagawa ko sayo. Naging mabuti kang kapatid lahat ng hagupit na para kay Paula sinasalo mo. Yung kakulangan namin ng Tatay mo pinupunuan mo. Marie ni minsan hindi mo ko sinumbatan sa lahat ng pagkukulang ko. Akala mo ba hindi ako proud pag honor ka!. Proud na proud ako sayo sa totoo lang. Nakakaproud mag ka anak ng gaya mo kitang kita ko ang kaibahan mo kay Paula. Ikaw pa na hindi ko naman tunay na anak ikaw ang may kusa na mag alaga sa kagaya ko”huminto ito bahagyang hinapo matapos sabihin ang mga salitang iyon ang taon ng pasakit sa puso ko ay gumaan ng sobra hinintay ko na muli itong magsalita.

“Patawad Marie. akay buti pa rin ng diyos binigyan n’ya pa ako ng chance na makausap ka baka kasi kung ‘di ko pa sasabihin ngayon ay wala ng susunod na pagkakataon. Mahal kita Marie maniwala ka man sa hindi. Narealize ko ang mga taong minahal ko gaya ng mga pamangkin ko at pinsan ay pinabayaan lang ako sa kadiliman na sinadlakana ko ngayon, pero ikaw nanatiling kumakapit sa akin kahit pilit kitang binibitawan. Maniniwala ka bang ginawa ko ang lahat ng ‘yun para ihanda ka sa darating na panahon?. Nakita ko na positibo kang bata. Inisip ko na maikli lang ang panahon ko sa mundo kaya hinasa kita sa lahat. Mali pa rin ako kasi hindi ko naibigay ang pagmamahal na deserves mo kasi nga sumobra ako. Nakalimutan kong iparamdam na mahal kita. Sana hanggang sa huling hininga ko hindi mo iwan si Nanay”Doon na bumigay ang malakas na iyak ko kita ko rin ang pag agos ng luha ng aking Ina pero nakangiti ito habang marahang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko naisip na sumbatan ito bagkus masayang masaya ako na malaman na may puwang ako sa puso nito.

“Tahan na, Bili ka ng merienda sabay tayong kumain ha!” sige ang iyak ko pero tumango tango ako na akala mo ba nakikita ako nito. That was the last time na nakausap pa ito ng matino dahil sa mga sumunod na araw ay iba na ito. Nagmistulang bata na ito naghahanap ng atensyon at kalinga. Hindi ako napagod nag leave na muna ako sa trabaho hanggang sumapit nga ang araw ng Fiesta. Ang daming request na pagkain lahat ‘yun kinain nito at inubos ngunit sa huli ay isinusuka lang nito ayaw ng tanggapin ng tiyan nito ang pagkain.

The next two days was really hard seeing her suffering until March 22 around 11: 30 am ng tawagin ako nito akala mo’y nakikita ako dahil tinitigan ako nito bago ngumiti at magsalita.

“Anak”Unang bungad na salita nito at unang beses akong tinawag na anak. Madaya ito kasi kung kailan magpapaalam doon lang sasabihin ang katagang matagal ko ng hinangad.

“Pagod na si Nanay Marie, hihiling muna si Nanay ah. Pwede ba anak na gabayan mo si Tatay at Paula hanggang hindi pa nila kaya na magsolo anak. Natatakot ako na baka pag nawala ako ay mawalan na ng direksyon ang buhay nila ‘. Anak 'wag kang magpakita ng kahinaan o ni luha sayo sila kukuha ng lakas maniwala ka sa akin ikaw ang lakas nila. Huwag na huwag kang iiyak sa burol at libing ko iyan ang pinaka hihiling ko sayo Marie. Alagaan mo ang pamilya natin ha. Pwede ba 'yun Anak?”daretso na sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

“Nay, kahit kailan po hindi ko sila pababayaan—”hindi ko natatapos ang sasabihin ko unti unti lumuwag ang kapit nito sa akin ng tignan ko ito ay bahagyang dilat pa ito doon ako tuluyang lumuha habang sinasabi ang lahat.

“N-nay p-pa-ngako hindi ko s-i-l-a pa-baba-yaan hang-gang kailangan n-nila ako. Pahinga ka-na”Halos hindi na maintindihan ang salita ko ng matapos ko iyun sabihin pumalahaw na ako ng iyak kaya pumasok na ang mga kamag-anak namin at maging ang aking ama at kapatid.

During burial never akong umiyak they didn't know the reason why. Sabi nga ng iba baka nga daw masaya na ako kasi wala si Nanay. Nanatiling tahimik ako at ginampanan ang lahat ng kailangan kong gampanan. Samantala ang aking ama naman ay muntik ng atakihin sa puso. Ang aking kapatid naman ay ilang beses hinimatay dahil sa pag iyak at kulang sa pagtulog. “Ako” nanatiling matatag kahit sa loob ko unti unti akong namamatay at naghahabol ng hininga.

Dumating ang araw ng libing isang bulong sa hangin ang aking sinambit. “Magliwanag nawa sana ang langit kung tuluyang masaya ka na Nanay”Ang kulimlim na kalangitan ay biglang nagliwanag. Maraming nakakita ng ngiti ko umani ng batikos kabi-kabila pero wala akong pakialam. Sa simbahan minisahan ang labi ng aking Ina at noong time na para magsalita ang head of the family ay imbis na aking ama ang tuamaya ako ang inaboy nito at pialnagsalita. Lahat ay umiiyak maliban sa akin.

“Sa lahat po ng nakiramay maraming salamat. Alam ko na ang paglisan ni Nanay ay hindi katapusan kundi panibagong simula lang. I’m not a perfect daughter nor a good person. Maging si Nanay ay ganun rin but honestly I’m so thankful na hinubog n’ya ako na ganito. Walang perpektong magulang. But the few days, hour, minutes and second of her life binigay n’ya yung matagal ko ng mithiin sa puso ko. Nay continue to live with god no more pain and may be after long years we will definitely see each other again. Mahal na mahal kita….

Nagising ako sa panaginip na iyun it’s been 2 years pero sariwa pa rin ang sakit pero ang daming aral ng buhay. Ngayon araw ay may raket ako kasama ang kaibigan kong si She ang dami ko ng pinagbago pero still kahinaan pa rin ang pamilya. “Nako Mariemar sadyang malambot ka.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jey Kim
naiyak aq dito.... yay!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Begging for Love   EPILOGUE

    Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin

  • Begging for Love   BFL_62 Bridal Shower

    Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni

  • Begging for Love   BFL_61.2

    Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang

  • Begging for Love   BFL_61.1

    Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka

  • Begging for Love   BFL_60

    Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara

  • Begging for Love   BFL_59

    MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status