Share

BFL_58.2

Continuation.

“ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..

Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor.

Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.

Paula:

Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?

Basa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status