The Letters We Never Sent

The Letters We Never Sent

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  Lady GouldingUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pitong taon silang nagmahalan at nangarap. Paano kung ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi ang mawalan ng anak, kundi ang unti-unting mawala ang isa't isa? Ilang araw bago ang kasal, nahuli ni Alexandra “Alex” Villareal, isang mayamang heiress, ang fiancé niyang nagtataksil. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Sebastian “Basti” Montenegro, isang makapangyarihang businessman na niloko rin ng parehong babae. Nagsimula ang lahat sa masasakit na biro at walang katapusang asaran, hanggang sa ang dalawang pusong parehong nasaktan ay muling natutong magmahal. Sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga pamilya, nagpakasal sila at nangakong haharapin ang lahat nang magkasama. Pero pitong taon ang lumipas, unti-unting gumuho ang kanilang pinapangarap na buhay. Dahil sa malubhang endometriosis ni Alex at sunod-sunod na bigong IVF treatments, nawawalan siya ng pag-asang maging ina. Pati ang pag-aampon ay nahahadlangan dahil sa nakaraan ni Basti. Habang inilalayo ni Alex ang sarili dahil sa pakiramdam na hindi na siya sapat, unti-unti namang nalulunod si Basti sa lungkot at pag-iisa. Hanggang sa isang halik nito sa ibang babae ang tuluyang sumira sa kanilang tiwala. Nang mabuntis si Alex, inakala nilang nagkaroon na ng katuparan ang kanilang mga dasal. Ngunit nauwi sa trahedya ang kanyang cervical ectopic pregnancy. Upang mailigtas ang kanyang buhay, kinailangan siyang sumailalim sa hysterectomy. Nawala ang kanilang anak, ang posibilidad na magkaanak pa siya, at ang natitirang pag-asa ng kanilang pagsasama. Sa kanilang paghihiwalay, isang lihim ng pamilyang Montenegro ang mabubunyag: may taong sadyang humadlang sa kanilang aplikasyon sa pag-aampon. Makalipas ang panahon, babalik si Basti dala ang isang kahong puno ng alaala at mga liham—kasama ang para sa anak na hindi nila nakilala. Ngunit kaya pa bang piliin ang taong minsang sumira sa puso mo? At may hangganan ba ang pagmamahal kapag ang lahat ng pinangarap ninyo ay tuluyan nang nawala?

View More

Chapter 1

Chapter 1 – Seven Years, One Empty Chair

Alexandra's POV

“Happy anniversary, Mrs. Montenegro. Sorry, hindi na naman ako makakauwi.”

Napatingin ako sa dalawang wineglass sa ibabaw ng dining table. Pitong taon. Pitong taon na kaming kasal, pero heto ako, naghihintay sa isang lalaking kailangan ko pang pakiusapang umuwi.

“Basti, alam mo ba kung anong araw ngayon?”

“Of course, love. Seventh anniversary natin. I'm sorry. May emergency board meeting lang talaga.”

“Alas-siyete ang reservation natin.”

“I know. Cancel it muna. I'll make it up to you this weekend.”

Napapikit ako. This weekend. Ilang weekend na ba ang ipinangako niya? Ilang dinner ang kinansela? Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang I'll make it up to you?

“Alex? Are you listening?”

“Oo. Sige, magtrabaho ka na.”

“Don't be like that, baby.”

Napatawa ako nang mapait. “Like what? Disappointed? Hurt? O dapat ba masaya ako dahil naalala mong anniversary natin kahit hindi ka makakauwi?”

“I'm doing this for us.”

“I know, Basti. Lagi mo namang sinasabi 'yan.”

“Then please understand.”

Tumingin ako sa bakanteng upuan sa tapat ko. “Seven years na kitang iniintindi.”

Bago pa siya makasagot, pinatay ko ang tawag.

Hindi ko sinabi ang I love you.

Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung gusto ko pa itong marinig mula sa kanya.

Sa paningin ng publiko, kami ni Sebastian Montenegro ang perpektong mag-asawa.

Siya ang thirty-five-year-old CEO ng Montenegro Group, isang business empire na may investments sa real estate, hospitality, at logistics. Ako naman si Alexandra Villareal-Montenegro, anak ng isang prominenteng pamilyang may negosyo sa property development.

Mayroon kaming mansiyon sa Forbes Park, mamahaling sasakyan, at mga bakasyong hindi kailangang pag-ipunan.

Lahat ng bagay na pinapangarap ng ibang tao, mayroon kami.

Maliban sa isang bagay.

Anak.

At habang tumatagal, pakiramdam ko ay iyon na lamang ang nakikita ng mga tao kapag tumitingin sila sa akin.

Ang asawa ng Montenegro heir na hindi mabigyan ng tagapagmana ang pamilya.

“Ma'am Alex?”

Napalingon ako kay Manang Cora, ang kasambahay naming halos anim na taon nang nagtatrabaho sa amin.

“Ipapaligpit ko na po ba ang pagkain?”

Tumingin ako sa orasan. Alas-nuwebe na.

“Later na lang, Manang.”

“Pero baka lumamig na po ang pasta ni Sir.”

“Okay lang. Hindi naman siya darating.”

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Marahil ay gusto niya akong aliwin, ngunit hindi niya alam kung paano.

“Happy anniversary pa rin po, Ma'am.”

Ngumiti ako. “Thank you.”

Pagkaalis niya, muling bumalik ang katahimikan.

Ako mismo ang nagplano ng gabing ito. Nag-order ako ng paboritong truffle pasta ni Basti, bumili ng vintage wine, at nagpagawa ng strawberry cheesecake mula sa bakery kung saan kami unang nag-date.

May maliit ding kahon sa tabi ng plato niya.

Isang vintage watch.

Pitong taon ko nang gustong ibigay iyon sa kanya.

Noong ikalawang taon ng aming kasal, nakita namin ang relo sa isang antique shop sa Florence.

“Ang ganda,” sabi niya noon.

“Bilhin mo.”

“Hindi muna. Kapag seven years na tayong kasal, saka ko bibilhin.”

“Bakit seven years?”

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

“Para maalala kong kahit gaano ako ka-busy, kailangan kong maglaan ng oras para sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”

Hindi ko alam kung naaalala pa niya iyon.

Pero ako, hindi nakalimot.

Ilang buwan kong hinanap ang antique dealer hanggang sa matagpuan ko ang relo. Hindi dahil kailangan ni Basti ng isa pang mamahaling gamit. Napakarami na niyang relo.

Gusto ko lamang ipaalala sa kanya ang lalaking minsang nangakong hindi niya ako hahayaang maghintay.

Ngunit ngayong gabi, ang regalong iyon ay nakapatong lamang sa tabi ng isang upuang walang nakaupo.

Alas-diyes nang umakyat ako sa aming kuwarto.

Sa ibabaw ng dresser ay nakapatong ang wedding photograph namin.

Kinuha ko iyon.

Nakasuot ako ng puting gown habang si Basti naman ay nakangiti sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa camera. Sa akin siya nakatingin, na para bang wala nang ibang tao sa buong mundo.

Hindi naman talaga romantiko ang una naming pagkikita.

Sa katunayan, pareho kaming galit noon.

Ilang araw bago ang dapat sana'y kasal namin ni Ethan, nahuli ko itong may kasamang ibang babae sa isang hotel suite.

Si Isabelle.

Ang mas masakit, may boyfriend din pala si Isabelle.

At ang boyfriend niyang iyon ay si Sebastian Montenegro.

“Are you kidding me?” iyon ang unang sinabi ni Basti nang makita kaming tatlo.

“Believe me, gusto ko ring malaman kung practical joke lang ito,” sagot ko.

Sa gitna ng eskandalo, nagawa niya akong patawanin.

Mula sa pagpapanggap na magkasintahan upang patahimikin ang media, nauwi kami sa totoong pagmamahalan.

At nang pakasalan niya ako, naniwala akong hindi na ako muling masasaktan nang ganoon.

Hindi ko inakalang may mas masakit pa pala sa mahuling niloloko ka.

Ang unti-unting maramdaman na hindi ka na mahalaga sa taong pinili mong makasama habambuhay.

Ibinaba ko ang litrato at napahawak sa aking tiyan.

Dito nagsimula ang pinakamalaking pagbabago sa aming pagsasama.

Noong unang taon, hindi pa kami nagmamadaling magkaroon ng anak.

“We have all the time in the world,” sabi ni Basti noon.

Noong ikalawang taon, bumili siya ng maliit na pares ng baby shoes habang nasa Singapore kami.

“Advance preparation,” biro niya.

Noong ikatlong taon, nalaman kong may endometriosis ako.

At mula noon, nagbago ang direksiyon ng buhay namin.

Mga konsultasyon. Gamot. Hormonal injections. Fertility procedures. Mga araw na halos hindi ako makatayo dahil sa pananakit.

At mga gabing umiiyak ako sa banyo dahil negatibo na naman ang pregnancy test.

Noong una, kasama ko si Basti sa lahat.

Hawak niya ang kamay ko sa clinic. Siya ang bumibili ng pagkain kapag wala akong ganang kumain. Siya ang yumayakap sa akin tuwing may masamang resulta.

“Baby, look at me,” sabi niya matapos ang una naming nabigong IVF cycle. “Hindi kita pinakasalan para bigyan mo ako ng anak. Pinakasalan kita dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”

Naniwala ako.

Hanggang sa naging dalawa ang nabigong treatment.

Pagkatapos, tatlo.

At sa bawat pagkabigo, mas lalo kaming nagiging tahimik.

Unti-unti ring naging abala si Basti sa negosyo. Sinabi niyang kailangan niyang palakasin ang kumpanya dahil mas lumalaki ang responsibilidad niya sa pamilya.

Ako naman, nagsimulang tumanggi sa mga oportunidad sa trabaho. May mga proyektong hindi ko tinanggap dahil kailangang sumunod sa treatment schedule.

Hindi ako pinilit ni Basti na isakripisyo ang career ko.

Pero hindi rin niya napansin kung gaano karaming bahagi ng sarili ko ang unti-unti kong isinantabi.

Hanggang sa dumating ang panahong hindi ko na maalala kung sino ako bago naging sentro ng buhay ko ang pagnanais na maging ina.

Muling tumunog ang cellphone ko.

Isang mensahe mula kay Basti.

Still awake, love?

Tinitigan ko iyon.

Gusto kong sabihin na oo, naghihintay pa rin ako.

Na hindi ko pa rin kinakain ang dinner.

Na kahit galit ako, gusto ko pa rin siyang makita.

Pero hindi ako sumagot.

Makalipas ang ilang minuto, may isa pang mensahe.

I'm sorry about tonight. I love you.

Napapikit ako.

Dati, sapat na ang tatlong salitang iyon para mapangiti ako.

Ngayon, hindi ko na alam kung paano maniniwala.

Dahil paano kung mahal ka nga ng isang tao, pero hindi na niya alam kung paano ka mahalin?

Paano kung totoo naman ang pagmamahal niya, pero hindi na sapat upang hindi ka masaktan?

Binuksan ko ang bedside drawer at kinuha ang maliit kong notebook.

Doon ko isinusulat ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin kay Basti.

Mga takot. Mga pangarap. Mga liham na hindi ko kailanman naibigay.

Binuksan ko ang isang pahina.

Dear Basti,

Do you remember when you promised that our marriage would never become a place where we had to beg for love?

I remember.

But lately, I wonder if I'm the only one who does.

Napahinto ako nang may luhang tumulo sa papel.

Mabilis ko iyong pinunasan.

Pagod na akong umiyak.

Pagod na akong maghintay.

At higit sa lahat, pagod na akong magpanggap na masaya pa kami.

1:17 a.m.

Nagising ako sa mahinang pagbukas ng p***o.

Narinig ko ang pamilyar na mga yabag, kasunod ang tunog ng susi at relo na inilapag sa dresser.

“Alex?”

Hindi ako gumalaw.

“Love? Are you awake?”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata.

Nakatayo si Basti sa tabi ng kama. Nakasuot pa rin siya ng dark blue suit, nakaluwag ang kurbata, at halatang pagod.

Pero nang makita niyang gising ako, ngumiti siya.

“Hey, beautiful.”

Dati, kinikilig ako kapag tinatawag niya akong ganoon.

Ngayon, parang may kumirot lamang sa dibdib ko.

“Hi.”

“I'm sorry I'm late.”

Tumango ako. “Okay.”

Napakunot ang noo niya. “Okay?”

“Oo.”

“Alex, please. Don't be like that.”

Umupo ako.

“Anong gusto mong sabihin ko, Basti?”

Napabuntong-hininga siya. “I know I messed up tonight.”

“Tonight lang ba?”

Natigilan siya.

“Alex—”

“Tonight lang ba ang problema natin?”

Tahimik siyang tumingin sa akin.

“I'm trying to keep everything together,” sabi niya. “The company, the family, our future. Hindi mo ba nakikita iyon?”

“Of course, I do.”

“Then why does it feel like whatever I do, it's never enough?”

Napatawa ako nang mapait.

“Alam mo kung anong nakakapagod? Iyong paulit-ulit mong pinapaniwala ang sarili mong okay ka lang. Na okay lang na mag-isa kang pumunta sa clinic. Na okay lang na maghintay ng resulta nang walang kasama.”

“Alex, we've talked about this.”

“Exactly. We've talked about it. Pero hanggang doon na lang tayo.”

“That's not fair.”

“What's not fair?”

“Na parang wala akong ginagawa para sa atin.”

“Hindi ko sinabing wala kang ginagawa. Ang sinasabi ko, hindi na kita maramdaman.”

Natahimik siya.

“I miss my husband, Basti.”

Bahagyang lumambot ang mukha niya.

“Baby…”

“I miss the man who used to hold my hand when I was scared. Iyong lalaking hindi sakin pinaparamdam na mag-isa ako sa laban natin.”

Lumapit siya, ngunit bahagya akong umatras.

“Alex, please.”

“Do you know what I did tonight? I prepared dinner. I bought your favorite wine. I even found that vintage watch you wanted in Florence.”

Napatingin siya sa maliit na kahon sa dresser.

“Alex…”

“Seven years, Basti. Seven years akong naging asawa mo. Pero bakit pakiramdam ko, hindi mo na ako nakikita?”

Wala siyang naisagot.

At doon tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Agad siyang lumapit at niyakap ako.

Sa loob ng ilang segundo, bumalik ang pamilyar na pakiramdam.

Ang init ng katawan niya. Ang amoy ng kanyang pabango. Ang paraan ng paghaplos niya sa buhok ko.

Lahat ng bagay na minsang naging tahanan ko.

“I love you,” bulong niya.

Napapikit ako.

Gusto kong maniwala.

Diyos ko, gustong-gusto kong maniwala.

Pero habang nakayakap ako sa kanya, may isang tanong na hindi maalis sa isip ko.

Kung mahal niya pa ako, bakit pakiramdam ko ay matagal na niya akong iniwan?

Makalipas ang ilang minuto, tumayo si Basti upang magpalit ng damit.

“By the way,” sabi niya, “may bagong consultant na tutulong sa restructuring project.”

Hindi ako sumagot.

“She's really good. I think she'll help us resolve the acquisition issues.”

“Okay.”

“Her name is Camille.”

Napatingin ako sa kanya.

“Camille?”

“Camille Reyes. She's joining the executive team.”

Tumango ako.

“Good for the company.”

Napatingin siya sa akin.

“Are we okay?”

Matagal ko siyang tinitigan.

Hindi kami okay.

Matagal na.

Pero hindi ko alam kung paano sisimulang ayusin ang isang bagay na unti-unti nang nasisira.

“Pagod na ako, Basti.”

Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.

“Then get some sleep, love.”

Pagkatapos, pumasok siya sa banyo.

At naiwan akong nakatitig sa saradong p***o.

Hindi niya naintindihan.

Hindi pagod ang katawan ko.

Pagod na akong maging matatag.

Pagod na akong maghintay.

Pagod na akong umasa.

2:03 a.m.

Mahimbing nang natutulog si Basti sa tabi ko.

Samantalang ako, nakatitig pa rin sa kisame.

Sa pagitan namin ay may sapat na espasyo para sa isa pang tao.

Dati, kahit gaano kalaki ang kama namin, palagi kaming magkayakap.

Ngayon, parang may hindi nakikitang pader sa gitna.

Dahan-dahan akong bumangon at muling kinuha ang notebook.

Dear Basti,

Happy seventh anniversary.

Seven years ago, I married the man who made me believe that love could survive anything.

But I never imagined that the hardest part of our marriage would be learning how to live beside someone who no longer knows how to reach me.

I still love you.

And maybe that's what hurts the most.

Isinara ko ang notebook at bumalik sa kama.

Tiningnan ko ang asawa kong mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya.

“Happy anniversary, love,” bulong ko.

Hindi siya gumising.

At sa unang pagkakataon, naisip kong baka mas madali nang umalis kaysa patuloy na maghintay.

Ngunit bago ko pa maalis ang kamay ko sa kanyang mukha, bigla siyang gumalaw.

Hinawakan niya ang pulso ko.

“Alex…”

Napahinto ako.

“Hmm?”

Hindi niya iminulat ang mga mata.

“Please…”

“Basti?”

Mas humigpit ang hawak niya.

“Don't leave me.”

Nanigas ako.

Hindi ko alam kung gising siya o nananaginip lamang.

“I'm sorry,” bulong niya.

“For what?”

Hindi siya sumagot.

Pagkatapos, halos hindi marinig ang boses niyang nagsalita.

“I don't know how to tell you.”

Parang biglang lumamig ang buong kuwarto.

Matagal akong nakatitig sa kanya.

May itinatago ba siya?

O isa lamang itong panaginip?

“Basti…” mahina kong tawag. “Kailan ba tayo huling naging masaya?”

Hindi siya sumagot.

Ngunit bago ko pa siya muling tawagin, biglang umilaw ang cellphone niyang nakapatong sa bedside table.

Isang bagong mensahe.

Camille: I'm sorry for keeping you so late tonight. I hope your wife didn't get upset. Thank you for listening to me earlier. I really needed you.

Napatitig ako sa screen.

At bago tuluyang mamatay ang ilaw nito, may pumasok pang isang mensahe.

Camille: I wish I had someone like you to come home to.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status