Home / Mystery/Thriller / Behind Closed Doors / The Woman in His Plan

Share

The Woman in His Plan

Author: La Vendetta
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-03 22:55:05

CHAPTER 7

“HINDI.”

Mabilis na napalingon si Jacob sa kanyang ina.

Nakatutok pa rin ang mga mata ni Marian sa telebisyon. Nandoon pa rin ang larawan ni Miguel Santos—ang lalaking sampung taon nang nakulong dahil sa pagkamatay ni Ryan.

At ngayon, malapit na itong makalaya.

“Hindi puwedeng makalaya lang siya nang ganoon kadali,” mariing sabi ni Marian.

Tahimik na pinagmamasdan siya ni Jacob.

Napailing si Marian.

“Hindi sapat ang sampung taon para sa ginawa niya kay Ryan.”

Ilang taon na rin niyang naririnig ang pangalan ni Miguel na parang isang sumpang hindi matapos-tapos.

Ang lalaking itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang kuya.

Ang lalaking kinuha sa kanila ang isang taong hindi na nila kailanman maibabalik.

“Hindi man natin mababago ang nangyari,” sabi ni Jacob, “hindi ibig sabihin noon na hahayaan na lang natin siyang mamuhay na parang walang nangyari.”

Napatingin siya sa telebisyon.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ni Miguel sa screen.

May kakaibang bigat sa kanyang dibdib.

Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, naramdaman niyang hindi na sapat ang basta pakikinig sa kuwento tungkol sa pagkamatay ni Ryan.

“Don’t worry, Mom.”

Napatingin si Marian sa kanya.

“I got you.”

Bahagyang napakunot ang noo nito.

“Since nandito naman na ako sa Philippines…” Bahagyang humigpit ang panga ni Jacob. “Why not ako naman this time ang kumilos para makuha ang hustisya para kay Kuya?”

Walang sinabi si Marian.

Ngunit sa mga mata nito, nakita ni Jacob ang isang bagay na matagal na nitong hinihintay.

Pag-asa.

Makalipas ang ilang araw, nasa labas sila ng kulungan.

Mula sa lugar na kanilang kinaroroonan, tanaw ni Jacob ang ilang preso sa loob ng compound.

Kabilang sa mga iyon si Miguel.

May ginagawa ito kasama ang ibang mga preso. Paminsan-minsan ay may sinasabi ito sa mga kasama niya, ngunit hindi marinig ni Jacob kung ano.

Ilang minuto niya itong pinagmamasdan.

Ito ba talaga ang lalaking pumatay kay Ryan?

Sa loob ng sampung taon, iyon ang kuwento na paulit-ulit niyang narinig.

Miguel ang salarin.

Miguel ang dahilan kung bakit wala na si Ryan.

Pero habang pinagmamasdan niya ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang pag-aalinlangan.

Hindi niya alam kung bakit.

Siguro dahil unang beses niya itong nakikita sa totoong buhay.

Siguro dahil iba ang taong nasa harapan niya sa imaheng nabuo niya sa kanyang isip sa loob ng maraming taon.

O baka dahil alam niyang may mga bagay tungkol sa pagkamatay ni Ryan na hindi pa niya alam.

Hindi inalis ni Jacob ang tingin kay Miguel.

May mga tanong siyang kailangang sagutin.

At alam niyang hindi niya makukuha ang mga sagot kung basta niya lamang paniniwalaan ang lahat ng sinabi sa kanila noon.

Lumipas ang ilang araw.

At dumating ang araw ng pagpunta ni Ellaine sa sementeryo.

Tahimik ang paligid nang bumaba siya mula sa kanyang sasakyan.

Hindi niya napansin ang isang sasakyang nakaparada sa di-kalayuan.

Sa loob nito, tahimik na nakaupo si Jacob.

Pinanood niyang lumapit si Ellaine sa puntod ni Ryan.

Ilang sandali lamang ang lumipas nang dumating si Marian.

Napatingin si Jacob sa kanyang ina.

Hindi siya lumabas ng sasakyan.

Nanatili lamang siyang nakaupo roon habang pinagmamasdan ang dalawang babae.

Hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila.

Ngunit kitang-kita niya ang ekspresyon ni Marian.

At kay Ellaine.

Tahimik.

Malungkot.

Parang parehong may bigat na matagal nang hindi mabitawan.

Hindi alam ni Jacob kung bakit hindi niya maalis ang kanyang mga mata kay Ellaine.

Siguro dahil siya ang asawa ng lalaking sinasabing pumatay sa kanyang kuya.

Siguro dahil maaaring may alam siya tungkol sa gabing iyon.

O baka dahil may mga bagay sa mukha nito na hindi niya maipaliwanag.

Maya-maya, tumalikod na si Ellaine.

Umalis si Marian sa ibang direksiyon.

Samantala, nanatili si Jacob sa loob ng kanyang sasakyan.

Pinanood niyang sumakay si Ellaine sa kanyang kotse.

Kung may alam si Ellaine tungkol sa gabing iyon, baka siya ang unang taong makapagbibigay sa kanya ng mga sagot.

At nang tuluyan itong makaalis—

sinundan niya ito.

Huminto ang sasakyan ni Ellaine sa harap ng Elaris Realty & Development. 

Mula sa kanyang sasakyan, pinanood ni Jacob ang pagbaba nito.

Diretso itong pumasok sa gusali.

Ilang sandali pa, bumaba rin si Jacob. Bitbit niya ang mga folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangan para sa pagbili ng bahay.

Pagkapasok niya sa gusali, sinalubong siya ng receptionist at dinala sa isang conference room.

Habang naglalakad siya sa hallway, hindi niya maiwasang mapatingin sa malaking glass-walled office sa kabilang bahagi.

Doon niya nakita si Ellaine.

Nakatayo ito sa harap ng malalaking bintana.

Tanaw mula roon ang halos buong lungsod.

Tahimik lamang itong nakatayo.

Walang ginagawa.

Walang kausap.

Parang may malalim na iniisip.

Huminto sandali ang mga mata ni Jacob sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit ilang segundo siyang nanatiling nakatingin.

Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Lumipas ang ilang minuto.

Pumasok si Maribel sa opisina ni Ellaine.

Maya-maya, lumabas din ito.

Sinundan ito ng tingin ni Jacob nang bumalik sa hallway.

Ilang sandali pa, lumabas na rin si Ellaine mula sa kanyang opisina at naglakad patungo sa conference room.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang p***o ng conference room.

Agad na tumayo ang lalaking naghihintay sa loob.

“Good afternoon.”

Nagkatinginan sila nang ilang segundo.

“Ms. Ellaine?”

“Yes.”

Iniabot ni Ellaine ang kamay nito.

“Jacob Salazar.”

Tinanggap niya ang handshake.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

At sa unang pagkakataon, hindi na lamang larawan o malayong pigura si Ellaine sa paningin ni Jacob.

Nasa harapan na niya ito.

Ang babaeng maaaring may hawak ng mga sagot na matagal na niyang hinahanap.

At hindi pa alam ni Ellaine—

na ang lalaking kaharap niya ay hindi lamang isang bagong kliyente.

May dahilan kung bakit siya narito.

Maya-maya, bumalik ang eksena sa bahay nina Marian at Jacob.

Nakatayo si Jacob malapit sa swimming pool habang kaharap ang kanyang ina.

Tinitigan siya ni Marian nang ilang segundo bago bahagyang ngumiti.

“Good. So everything went well, according to plan.”

Ngumiti rin si Jacob.

“Yes, Mom.”

Sandaling natahimik si Marian.

“And Jacob…”

Napatingin siya sa kanyang ina.

“Whatever happens, don’t let your feelings get in the way.”

Natigilan si Jacob.

Bahagyang ngumiti si Marian.

“You know exactly what I mean.”

Hindi sumagot si Jacob.

Sa halip, bahagya lamang siyang napailing.

Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Marian.

“Baka isa ka rin sa malinlang ng babaeng ’yan, tulad ng kapatid mo.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Jacob.

“Tuso ang babaeng ’yan. Mag-ingat ka.”

Ilang segundo siyang tahimik bago tumingin sa kanyang ina.

“You know me, Mom.”

Bahagyang ngumiti si Marian.

“I know you too well.”

Muling bumaling si Jacob sa swimming pool.

Ngunit sa pagkakataong iyon, isang mukha lamang ang laman ng kanyang isip.

Si Ellaine.

Kinagabihan, nakatayo si Jacob sa terrace ng kanyang kwarto habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Nasa isang kamay niya ang cellphone habang kausap ang kanyang kaibigang si Oliver.

“Bro, seryoso ka ba?”

Tumawa si Oliver sa kabilang linya.

“Oo nga,” sabi ni Oliver. “Bukas na flight ko.”

“Finally. Mabuti naman at may makakasama ako sa project na ito.”

“Of course.” Tumawa si Oliver.

“So, I’ll see you then.”

“See you.”

Pinatay ni Jacob ang tawag.

Nanatili siyang nakatayo sa terrace, tahimik na nakatingin sa mga ilaw ng lungsod.

Ngunit ilang sandali pa lamang ay may isang mukha nang muling pumasok sa kanyang isip.

Si Ellaine.

Napapikit si Jacob.

Hindi niya alam kung bakit kanina pa niya ito pilit iniiwasan.

Pero sa tuwing sinusubukan niyang alisin sa isip niya ang mukha nito, lalo lamang itong bumabalik.

Napailing siya.

“What’s wrong with me?”

Sinubukan niyang isipin ang trabaho.

Ngunit kahit anong gawin niya, mukha pa rin ni Ellaine ang pumapasok sa kanyang isip.

At sa gabing iyon, sa unang pagkakataon, napaisip si Jacob—

Bakit hindi niya maalis sa isip ang babaeng dapat ay bahagi lamang ng kanyang plano?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Behind Closed Doors   A Family Beyond Repair

    CHAPTER 12Nakahanda na sanang paandarin ni Jacob ang makina ng kanyang sasakyan nang may mapansin siya sa loob ng bahay ni Ellaine.Sa pamamagitan ng malaking glass wall ng living room, malinaw niyang nakita ang isang lalaking nakatayo sa loob.Napahinto siya.Isang lalaki.Noong una, inakala niyang isa lamang iyon sa mga kamag-anak ni Ellaine. Ngunit nang bahagyang humarap ang lalaki sa ilaw, naningkit ang mga mata ni Jacob.Kilala niya ang mukha na iyon.Dahan-dahang humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Miguel…”Alam naman ni Jacob na makakalaya na si Miguel mula sa kulungan. Napanood niya ito sa balita kasama ng kanyang ina na si Marian, kaya hindi na bago sa kanya ang balitang tuluyan nang magiging malaya si Miguel.Pero hindi niya kailanman inasahang makikita niya ito rito.Sa bahay ni Ellaine.Ngayong gabi.Saglit lamang siyang nanatiling nakatingin sa loob ng bahay.Sapat na iyon para makumpirma niya ang nakita niya.Hindi na siya nagtagal pa.Ibinalik ni Jacob ang tin

  • Behind Closed Doors   The Return of the Past

    CHAPTER 11Ilang araw matapos ang pagbili ni Jacob ng bagong property, natapos na rin ang lahat ng proseso para sa turnover.Matapos ang mga kailangang pirmahan, bayaran, at final processing ng mga dokumento, opisyal nang naging kanya ang bahay. Sa araw ng turnover, hindi si Ellaine ang personal na pumunta.Sa halip, si Maribel, ang kanyang secretary, ang dumating bilang kinatawan ng kumpanya.“Everything is complete, Mr. Salazar.”Iniabot nito ang mga huling dokumento at ang susi ng bahay.Tinanggap iyon ni Jacob habang tahimik na tinitingnan ang paligid.Hindi ito ang unang property na nabili niya, pero iba ang pakiramdam ng lugar na ito.Parang may panibagong simula na naghihintay sa kanya.Dumating ang araw ng house blessing.Simple lamang ang gusto ni Jacob.Ilang malalapit na tao lang ang inimbitahan niya. Walang malaking selebrasyon, walang engrandeng handaan.Sapat na ang tahimik na pagtitipon kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.Matapos ang blessing, lumabas sandali si Ja

  • Behind Closed Doors   What Really Happened That Night?

    CHAPTER 10KinabukasanNasa clinic si Aivy.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa trabaho, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Jacob Salazar.Ang mukha nito.Ang paraan ng pagsagot nito nang tanungin niya kung nagkita na ba sila dati.I don’t think so.Simple lamang ang sagot.Pero hindi maalis ni Aivy ang kakaibang pakiramdam na parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mabuo.Habang inaayos niya ang ilang lumang records sa clinic, biglang nahulog ang isang folder mula sa lumang cabinet.Napayuko siya upang pulutin iyon.Ngunit nang makita niya ang pangalan sa harap ng folder, bigla siyang natigilan.Ryan Fuentes.Nanatili ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng file.Hindi niya agad binuksan.Ngunit sapat na ang pangalan upang ibalik siya sa isang alaala mula sampung taon na ang nakalipas.Noon, hindi pa siya psychiatrist.Assistant pa lamang siya ng kanyang tiyahin na si Dra. Tuazon, ang tunay na may-ari ng

  • Behind Closed Doors   The Truth Behind the Encounter

    CHAPTER 9Habang nakahawak pa rin si Ellaine kay Jacob, halos hindi niya namamalayan na mahigpit pa rin ang kapit niya sa damit nito.Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.“Are you okay?” mahinang tanong ni Jacob.Hindi agad sumagot si Ellaine.Unti-unti niyang iniangat ang mukha at tumingin dito nang diretso.At doon niya lamang tunay na nakita ang mukha ni Jacob nang malapitan.Hindi niya maipaliwanag kung bakit.Pero may kung anong pamilyar sa kanya.Hindi ito dahil sa meeting nila sa Santillan Real Estate. Alam niyang nakita na niya ito noon. Alam niyang nakilala na niya ito bilang isang kliyente.Pero may kakaiba.Parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mahagilap.Bakit parang hindi lang ngayon kita unang nakita?Napakunot ang noo niya habang tahimik na pinagmamasdan si Jacob.Pero bago pa niya maunawaan ang kakaibang pakiramdam na iyon, saka niya lamang napagtanto—Matagal na pala siyang nakayakap dito.Agad siyang napabitaw.“I’m sorry,” ma

  • Behind Closed Doors   A Familiar Embrace

    CHAPTER 8Halos maghatinggabi na.Tahimik na ang coffee shop kumpara kanina. Iilan na lamang ang customers na nananatili sa loob—may mga abala pa rin sa kani-kanilang laptop, habang ang iba naman ay tahimik na nagkukuwentuhan bago tuluyang umuwi.Sa labas, kakaunti na rin ang mga dumaraan.Nasa isang table malapit sa bintana si Ellaine. Nakabukas ang laptop sa harap niya habang hawak ang isang tasa ng kape. Kahit late na, may ilang dokumento pa rin siyang chine-check.Coffee date sana nila iyon ni Aivy.Pero kahit ganitong oras, hindi pa rin niya maiwasang magtrabaho.“You’re working again?”Napatingin si Ellaine sa entrance.Nandoon si Aivy, may hawak na bag habang nakatingin sa laptop niya.Napangiti si Ellaine, parang nahuli.“Just checking a few things.”Umupo si Aivy sa tapat niya at inilapag ang bag sa tabi ng upuan.“Ellaine, you know you don’t have to be productive every second of the day.”Bahagyang isinara ni Ellaine ang laptop.“I know.”Tinaasan siya ng kilay ni Aivy.“Do

  • Behind Closed Doors   The Woman in His Plan

    CHAPTER 7“HINDI.”Mabilis na napalingon si Jacob sa kanyang ina.Nakatutok pa rin ang mga mata ni Marian sa telebisyon. Nandoon pa rin ang larawan ni Miguel Santos—ang lalaking sampung taon nang nakulong dahil sa pagkamatay ni Ryan.At ngayon, malapit na itong makalaya.“Hindi puwedeng makalaya lang siya nang ganoon kadali,” mariing sabi ni Marian.Tahimik na pinagmamasdan siya ni Jacob.Napailing si Marian.“Hindi sapat ang sampung taon para sa ginawa niya kay Ryan.”Ilang taon na rin niyang naririnig ang pangalan ni Miguel na parang isang sumpang hindi matapos-tapos.Ang lalaking itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang kuya.Ang lalaking kinuha sa kanila ang isang taong hindi na nila kailanman maibabalik.“Hindi man natin mababago ang nangyari,” sabi ni Jacob, “hindi ibig sabihin noon na hahayaan na lang natin siyang mamuhay na parang walang nangyari.”Napatingin siya sa telebisyon.Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ni Miguel sa screen.May kakaibang bigat sa kanyang di

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status