LOGINTwo weeks earlier…
Sa edad na tatlumpu, mayroon nang halos lahat ng bagay si Jacob Salazar na pinapangarap ng karamihan.
Magandang career. Magandang kita. Magandang apartment sa Singapore.
At isang buhay na wala siyang planong seryosohin.
Sa araw, isa siyang respetadong engineer na kayang humarap sa mahihirap na proyekto nang walang reklamo. Ngunit kapag sumapit ang gabi, tila ibang tao ang lumalabas sa kanya.
Minsan, isang club.
Minsan, isang bar.
At madalas, ibang babae.
Isang gabi, makikita siyang nakasandal sa bar counter habang may babaeng nakikipagsayaw sa kanya. Ngumiti siya nang pilyo bago siya hilahin ng babae palapit.
Kinabukasan, ibang mukha na naman ang kasama niya.
May gabing nasa gilid siya ng isang bar, nakikipagbiruan sa isang babae bago ito halikan nang saglit.
May gabing sa loob ng isang nakaparadang kotse, nagtatawanan silang dalawa bago tuluyang gumawa ng sarili nilang kalokohan.
At may mga gabing sa sarili niyang condo nagtatapos ang lahat.
Walang pangako.
Walang commitment.
Walang kinabukasang kailangang pag-isipan.
Para kay Jacob, sapat nang alam niyang maayos ang trabaho niya at may pera siyang pambili ng kahit anong gusto niya.
Buhay binata.
At gusto niya iyon.
Hanggang isang umaga—
Napadilat si Jacob.
Umikot ang mundo sa kanyang paningin.
“Damn…”
Napahawak siya sa ulo habang pilit inaabot ang cellphone na patuloy na nagri-ring sa bedside table.
“Hello?”
Sandali siyang nakinig.
Napapikit siya.
“Now?”
Muli siyang nakinig bago napabuntong-hininga.
“Yeah. I’m coming.”
Ibinaba niya ang tawag at ilang segundo siyang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama, hawak pa rin ang noo.
Hangover.
Pagod.
At halos wala nang oras para magreklamo.
Nang tuluyan siyang tumayo, saka niya napansin ang babaeng mahimbing na natutulog sa kabilang bahagi ng kama.
“Hey.”
Hindi gumalaw ang babae.
“Hey, wake up.”
Dahan-dahan itong nagmulat.
“Jacob…?”
“Yeah. You need to go.”
Napakunot-noo ang babae.
“Wait, what?”
“I have work to do.”
Tumayo si Jacob at mabilis na nagsuot ng boxers bago kunin ang unang damit na makita niya.
“Come on. Get dressed.”
Wala nang nagawa ang babae kundi tumayo at magbihis.
Mabilis na binuksan ni Jacob ang p***o ng kwarto.
“Out. I’ll call you later.”
Halos itinutulak na niya palabas ng kwarto ang babae habang pilit inaayos ang sarili at hinahanap ang susunod na isusuot.
Hindi niya napansin na may ibang tao na pala sa sala.
Hanggang sa marinig niya ang malamig na boses mula sa kanyang harapan.
“Jacob.”
Natigilan siya.
Unti-unti siyang napatingin.
Nakatayo sa sala ang kanyang ina.
Si Marian.
Tahimik.
Nakatingin sa kanya.
Mula ulo hanggang paa.
At saka bumaba ang tingin nito sa suot niyang boxers.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob.
“Mom?”
Hindi gumalaw si Marian.
Hindi rin nagsalita.
Samantala, ang babaeng nasa likuran niya ay tahimik na tumingin sa kanilang dalawa.
Isang segundo.
Dalawa.
Tatlo.
Napakamot si Jacob sa ulo.
“Okay…”
Huminga siya nang malalim.
“This is not what it looks like.”
Bahagyang tinaas ni Marian ang isang kilay.
“Then what exactly does it look like?”
Napatingin si Jacob sa babaeng nasa tabi niya.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa kanyang ina.
Wala siyang maisagot.
“Exactly.”
Tumalikod si Marian at naglakad patungo sa sofa.
Napapikit si Jacob.
Sa lahat ng umagang maaari siyang maabutan ng kanyang ina sa ganoong sitwasyon—
ngayon pa talaga.
Makalipas ang ilang minuto, mabilis na pumasok si Jacob sa construction site.
Nang makita siya ni Oliver, agad nitong tinaasan siya ng kilay.
“You look terrible.”
“Thanks.”
“Did you even sleep?”
Hindi na sumagot si Jacob.
Napangiti si Oliver.
Naglakad silang dalawa patungo sa temporary site office.
Habang naglalakad, napansin ni Jacob ang dami ng tao sa paligid.
May mga engineer, architect, site supervisor, at ilang kinatawan ng management.
“Okay,” sabi ni Jacob. “What’s going on here?”
Umayos si Oliver.
“Boss called an emergency meeting early this morning.”
“Why?”
“Remember the Manila project?”
Tumango si Jacob.
“The one we’ve been discussing for months?”
Binuksan ni Oliver ang folder na dala niya.
“The company wants to move the project forward,” pagpapatuloy niya.
“So, they need someone to handle the engineering side on-site.”
Huminto si Jacob.
“Then assign someone.”
Oliver looked at him.
“That’s the problem.”
Jacob narrowed his eyes.
“Boss already chose someone.”
Tahimik si Jacob nang ilang segundo.
Then—
“Who?”
Ngumiti si Oliver habang papasok sila sa loob ng temporary office.
Bago pa makapagsalita si Jacob, narinig nila ang boses ng kanilang boss.
“You.”
Napatingin si Jacob.
Si Mr. Chen, ang Chinese engineer na namamahala sa kanilang project, ay nakatingin diretso sa kanya.
“Mr. Chen?”
Tumango si Mr. Chen.
“You’re going to the Philippines.”
Bahagyang napataas ang kilay ni Jacob.
“Yes, you. I want you to handle the engineering side on-site.”
Napabuntong-hininga si Jacob.
“Why me?”
“And why not?”
Saglit siyang natahimik bago tuluyang tumango.
Ngumiti si Oliver sa kanyang tabi.
Tiningnan siya ni Jacob.
“Don’t look so happy.”
Napatawa si Oliver.
“I just think you’re going to have fun in Manila.”
Napailing si Jacob.
He had no idea how right Oliver was.
Makalipas ang ilang oras, nagtungo si Jacob sa isang restaurant kung saan nauna nang naghihintay si Marian.
Pagpasok niya, agad niya itong nakita sa isang mesa.
Lumapit siya at umupo sa harapan nito.
Bago pa siya makapagsalita, dumating ang waiter dala ang kanilang pagkain.
“I already ordered for you,” sabi ni Marian. “I know your favorite.”
Ilang segundo siyang tahimik bago tuluyang nagsalita.
“I’m sorry about earlier.”
“Don’t bother.”
Tumingin sa kanya si Marian.
“I know you so well.”
Napangiti nang bahagya si Jacob bago magsimulang kumain.
Maya-maya, naging seryoso ang mukha ni Marian.
“Ryan’s death anniversary is coming up.”
Tumigil si Jacob sa pagkain.
“It’s been ten years already,” dagdag ni Marian.
Tumango siya.
“Are you coming home?” tanong ni Marian. “At least dalawin mo naman ang kapatid mo.”
Sandaling natahimik si Jacob.
Then he looked at his mother.
“Yeah, I’m going home. In fact, I’m coming with you.”
Bahagyang nagulat si Marian.
“Seriously?”
Tumango si Jacob.
“I have to. I was assigned to a project in Manila.”
Agad na napangiti si Marian.
Napailing si Jacob sa reaksiyon ng kanyang ina.
Ngunit hindi rin niya napigilang mapangiti.
Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang nakarating sa Pilipinas sina Jacob at Marian.
Mula sa airport, dumiretso sila sa kanilang bahay sa Maynila.
Pagdating nila, agad silang sinalubong ng mga kasambahay na tumulong sa pagdadala ng kanilang mga gamit papasok.
Habang abala si Marian sa pag-aayos ng kanilang mga gamit, dumiretso naman si Jacob sa sala at naupo sa sofa.
Pagod mula sa biyahe, sumandal siya at kinuha ang remote control.
Binuksan niya ang telebisyon.
Ilang channel ang kanyang nilipat hanggang sa isang news report ang biglang lumabas sa screen.
“...and authorities have confirmed that Miguel Santos, who has been serving a ten-year sentence for the death of Ryan Fuentes, is set to be released on parole…”
Unti-unting napatingin si Marian sa telebisyon.
Natigil siya sa ginagawa nang makita ang mukha ni Miguel sa screen.
“That bastard.”
Tahimik na napatingin si Jacob sa kanyang ina.
Sa unang pagkakataon mula nang dumating sila sa Pilipinas, nakita niyang muling bumalik sa mukha ni Marian ang galit na matagal na nitong itinago.
Ten years later, Miguel was coming home.
Dahan-dahang tumayo si Jacob mula sa sofa at muling tumingin sa telebisyon.
“So… this is the man who killed my brother?”
Sandaling natahimik si Marian.
“The man who took Ryan away from us… and only served ten years for it?”
Hindi sumagot si Marian.
“And now he’s coming home?”
Nanatiling tahimik ang kanyang ina.
Tinitigan ni Jacob ang mukha ni Miguel sa screen.
Sa unang pagkakataon, napagtanto ni Jacob na ang lalaking uuwi ay hindi lamang bahagi ng madilim na nakaraan ng kanilang pamilya.
Siya ang lalaking pinaniniwalaan niyang pumatay sa kanyang kapatid.
At ngayon—
babalik na naman ito sa buhay nila.
CHAPTER 11Ilang araw matapos ang pagbili ni Jacob ng bagong property, natapos na rin ang lahat ng proseso para sa turnover.Matapos ang mga kailangang pirmahan, bayaran, at final processing ng mga dokumento, opisyal nang naging kanya ang bahay. Sa araw ng turnover, hindi si Ellaine ang personal na pumunta.Sa halip, si Maribel, ang kanyang secretary, ang dumating bilang kinatawan ng kumpanya.“Everything is complete, Mr. Salazar.”Iniabot nito ang mga huling dokumento at ang susi ng bahay.Tinanggap iyon ni Jacob habang tahimik na tinitingnan ang paligid.Hindi ito ang unang property na nabili niya, pero iba ang pakiramdam ng lugar na ito.Parang may panibagong simula na naghihintay sa kanya.Dumating ang araw ng house blessing.Simple lamang ang gusto ni Jacob.Ilang malalapit na tao lang ang inimbitahan niya. Walang malaking selebrasyon, walang engrandeng handaan.Sapat na ang tahimik na pagtitipon kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.Matapos ang blessing, lumabas sandali si Ja
CHAPTER 10KinabukasanNasa clinic si Aivy.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa trabaho, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Jacob Salazar.Ang mukha nito.Ang paraan ng pagsagot nito nang tanungin niya kung nagkita na ba sila dati.I don’t think so.Simple lamang ang sagot.Pero hindi maalis ni Aivy ang kakaibang pakiramdam na parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mabuo.Habang inaayos niya ang ilang lumang records sa clinic, biglang nahulog ang isang folder mula sa lumang cabinet.Napayuko siya upang pulutin iyon.Ngunit nang makita niya ang pangalan sa harap ng folder, bigla siyang natigilan.Ryan Fuentes.Nanatili ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng file.Hindi niya agad binuksan.Ngunit sapat na ang pangalan upang ibalik siya sa isang alaala mula sampung taon na ang nakalipas.Noon, hindi pa siya psychiatrist.Assistant pa lamang siya ng kanyang tiyahin na si Dra. Tuazon, ang tunay na may-ari ng
CHAPTER 9Habang nakahawak pa rin si Ellaine kay Jacob, halos hindi niya namamalayan na mahigpit pa rin ang kapit niya sa damit nito.Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.“Are you okay?” mahinang tanong ni Jacob.Hindi agad sumagot si Ellaine.Unti-unti niyang iniangat ang mukha at tumingin dito nang diretso.At doon niya lamang tunay na nakita ang mukha ni Jacob nang malapitan.Hindi niya maipaliwanag kung bakit.Pero may kung anong pamilyar sa kanya.Hindi ito dahil sa meeting nila sa Santillan Real Estate. Alam niyang nakita na niya ito noon. Alam niyang nakilala na niya ito bilang isang kliyente.Pero may kakaiba.Parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mahagilap.Bakit parang hindi lang ngayon kita unang nakita?Napakunot ang noo niya habang tahimik na pinagmamasdan si Jacob.Pero bago pa niya maunawaan ang kakaibang pakiramdam na iyon, saka niya lamang napagtanto—Matagal na pala siyang nakayakap dito.Agad siyang napabitaw.“I’m sorry,” ma
CHAPTER 8Halos maghatinggabi na.Tahimik na ang coffee shop kumpara kanina. Iilan na lamang ang customers na nananatili sa loob—may mga abala pa rin sa kani-kanilang laptop, habang ang iba naman ay tahimik na nagkukuwentuhan bago tuluyang umuwi.Sa labas, kakaunti na rin ang mga dumaraan.Nasa isang table malapit sa bintana si Ellaine. Nakabukas ang laptop sa harap niya habang hawak ang isang tasa ng kape. Kahit late na, may ilang dokumento pa rin siyang chine-check.Coffee date sana nila iyon ni Aivy.Pero kahit ganitong oras, hindi pa rin niya maiwasang magtrabaho.“You’re working again?”Napatingin si Ellaine sa entrance.Nandoon si Aivy, may hawak na bag habang nakatingin sa laptop niya.Napangiti si Ellaine, parang nahuli.“Just checking a few things.”Umupo si Aivy sa tapat niya at inilapag ang bag sa tabi ng upuan.“Ellaine, you know you don’t have to be productive every second of the day.”Bahagyang isinara ni Ellaine ang laptop.“I know.”Tinaasan siya ng kilay ni Aivy.“Do
CHAPTER 7“HINDI.”Mabilis na napalingon si Jacob sa kanyang ina.Nakatutok pa rin ang mga mata ni Marian sa telebisyon. Nandoon pa rin ang larawan ni Miguel Santos—ang lalaking sampung taon nang nakulong dahil sa pagkamatay ni Ryan.At ngayon, malapit na itong makalaya.“Hindi puwedeng makalaya lang siya nang ganoon kadali,” mariing sabi ni Marian.Tahimik na pinagmamasdan siya ni Jacob.Napailing si Marian.“Hindi sapat ang sampung taon para sa ginawa niya kay Ryan.”Ilang taon na rin niyang naririnig ang pangalan ni Miguel na parang isang sumpang hindi matapos-tapos.Ang lalaking itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang kuya.Ang lalaking kinuha sa kanila ang isang taong hindi na nila kailanman maibabalik.“Hindi man natin mababago ang nangyari,” sabi ni Jacob, “hindi ibig sabihin noon na hahayaan na lang natin siyang mamuhay na parang walang nangyari.”Napatingin siya sa telebisyon.Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ni Miguel sa screen.May kakaibang bigat sa kanyang di
CHAPTER 6Jacob SalazarTwo weeks earlier…Sa edad na tatlumpu, mayroon nang halos lahat ng bagay si Jacob Salazar na pinapangarap ng karamihan.Magandang career. Magandang kita. Magandang apartment sa Singapore.At isang buhay na wala siyang planong seryosohin.Sa araw, isa siyang respetadong engineer na kayang humarap sa mahihirap na proyekto nang walang reklamo. Ngunit kapag sumapit ang gabi, tila ibang tao ang lumalabas sa kanya.Minsan, isang club.Minsan, isang bar.At madalas, ibang babae.Isang gabi, makikita siyang nakasandal sa bar counter habang may babaeng nakikipagsayaw sa kanya. Ngumiti siya nang pilyo bago siya hilahin ng babae palapit.Kinabukasan, ibang mukha na naman ang kasama niya.May gabing nasa gilid siya ng isang bar, nakikipagbiruan sa isang babae bago ito halikan nang saglit.May gabing sa loob ng isang nakaparadang kotse, nagtatawanan silang dalawa bago tuluyang gumawa ng sarili nilang kalokohan.At may mga gabing sa sarili niyang condo nagtatapos ang lahat.







