Share

A Family Beyond Repair

Penulis: La Vendetta
last update Tanggal publikasi: 2026-11-08 11:11:11

CHAPTER 12

Nakahanda na sanang paandarin ni Jacob ang makina ng kanyang sasakyan nang may mapansin siya sa loob ng bahay ni Ellaine.

Sa pamamagitan ng malaking glass wall ng living room, malinaw niyang nakita ang isang lalaking nakatayo sa loob.

Napahinto siya.

Isang lalaki.

Noong una, inakala niyang isa lamang iyon sa mga kamag-anak ni Ellaine. Ngunit nang bahagyang humarap ang lalaki sa ilaw, naningkit ang mga mata ni Jacob.

Kilala niya ang mukha na iyon.

Dahan-dahang humigpit ang pagkakahawa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Behind Closed Doors   A Family Beyond Repair

    CHAPTER 12Nakahanda na sanang paandarin ni Jacob ang makina ng kanyang sasakyan nang may mapansin siya sa loob ng bahay ni Ellaine.Sa pamamagitan ng malaking glass wall ng living room, malinaw niyang nakita ang isang lalaking nakatayo sa loob.Napahinto siya.Isang lalaki.Noong una, inakala niyang isa lamang iyon sa mga kamag-anak ni Ellaine. Ngunit nang bahagyang humarap ang lalaki sa ilaw, naningkit ang mga mata ni Jacob.Kilala niya ang mukha na iyon.Dahan-dahang humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Miguel…”Alam naman ni Jacob na makakalaya na si Miguel mula sa kulungan. Napanood niya ito sa balita kasama ng kanyang ina na si Marian, kaya hindi na bago sa kanya ang balitang tuluyan nang magiging malaya si Miguel.Pero hindi niya kailanman inasahang makikita niya ito rito.Sa bahay ni Ellaine.Ngayong gabi.Saglit lamang siyang nanatiling nakatingin sa loob ng bahay.Sapat na iyon para makumpirma niya ang nakita niya.Hindi na siya nagtagal pa.Ibinalik ni Jacob ang tin

  • Behind Closed Doors   The Return of the Past

    CHAPTER 11Ilang araw matapos ang pagbili ni Jacob ng bagong property, natapos na rin ang lahat ng proseso para sa turnover.Matapos ang mga kailangang pirmahan, bayaran, at final processing ng mga dokumento, opisyal nang naging kanya ang bahay. Sa araw ng turnover, hindi si Ellaine ang personal na pumunta.Sa halip, si Maribel, ang kanyang secretary, ang dumating bilang kinatawan ng kumpanya.“Everything is complete, Mr. Salazar.”Iniabot nito ang mga huling dokumento at ang susi ng bahay.Tinanggap iyon ni Jacob habang tahimik na tinitingnan ang paligid.Hindi ito ang unang property na nabili niya, pero iba ang pakiramdam ng lugar na ito.Parang may panibagong simula na naghihintay sa kanya.Dumating ang araw ng house blessing.Simple lamang ang gusto ni Jacob.Ilang malalapit na tao lang ang inimbitahan niya. Walang malaking selebrasyon, walang engrandeng handaan.Sapat na ang tahimik na pagtitipon kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.Matapos ang blessing, lumabas sandali si Ja

  • Behind Closed Doors   What Really Happened That Night?

    CHAPTER 10KinabukasanNasa clinic si Aivy.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa trabaho, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Jacob Salazar.Ang mukha nito.Ang paraan ng pagsagot nito nang tanungin niya kung nagkita na ba sila dati.I don’t think so.Simple lamang ang sagot.Pero hindi maalis ni Aivy ang kakaibang pakiramdam na parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mabuo.Habang inaayos niya ang ilang lumang records sa clinic, biglang nahulog ang isang folder mula sa lumang cabinet.Napayuko siya upang pulutin iyon.Ngunit nang makita niya ang pangalan sa harap ng folder, bigla siyang natigilan.Ryan Fuentes.Nanatili ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng file.Hindi niya agad binuksan.Ngunit sapat na ang pangalan upang ibalik siya sa isang alaala mula sampung taon na ang nakalipas.Noon, hindi pa siya psychiatrist.Assistant pa lamang siya ng kanyang tiyahin na si Dra. Tuazon, ang tunay na may-ari ng

  • Behind Closed Doors   The Truth Behind the Encounter

    CHAPTER 9Habang nakahawak pa rin si Ellaine kay Jacob, halos hindi niya namamalayan na mahigpit pa rin ang kapit niya sa damit nito.Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.“Are you okay?” mahinang tanong ni Jacob.Hindi agad sumagot si Ellaine.Unti-unti niyang iniangat ang mukha at tumingin dito nang diretso.At doon niya lamang tunay na nakita ang mukha ni Jacob nang malapitan.Hindi niya maipaliwanag kung bakit.Pero may kung anong pamilyar sa kanya.Hindi ito dahil sa meeting nila sa Santillan Real Estate. Alam niyang nakita na niya ito noon. Alam niyang nakilala na niya ito bilang isang kliyente.Pero may kakaiba.Parang may bahagi ng alaala niya na pilit niyang hinahanap ngunit hindi niya mahagilap.Bakit parang hindi lang ngayon kita unang nakita?Napakunot ang noo niya habang tahimik na pinagmamasdan si Jacob.Pero bago pa niya maunawaan ang kakaibang pakiramdam na iyon, saka niya lamang napagtanto—Matagal na pala siyang nakayakap dito.Agad siyang napabitaw.“I’m sorry,” ma

  • Behind Closed Doors   A Familiar Embrace

    CHAPTER 8Halos maghatinggabi na.Tahimik na ang coffee shop kumpara kanina. Iilan na lamang ang customers na nananatili sa loob—may mga abala pa rin sa kani-kanilang laptop, habang ang iba naman ay tahimik na nagkukuwentuhan bago tuluyang umuwi.Sa labas, kakaunti na rin ang mga dumaraan.Nasa isang table malapit sa bintana si Ellaine. Nakabukas ang laptop sa harap niya habang hawak ang isang tasa ng kape. Kahit late na, may ilang dokumento pa rin siyang chine-check.Coffee date sana nila iyon ni Aivy.Pero kahit ganitong oras, hindi pa rin niya maiwasang magtrabaho.“You’re working again?”Napatingin si Ellaine sa entrance.Nandoon si Aivy, may hawak na bag habang nakatingin sa laptop niya.Napangiti si Ellaine, parang nahuli.“Just checking a few things.”Umupo si Aivy sa tapat niya at inilapag ang bag sa tabi ng upuan.“Ellaine, you know you don’t have to be productive every second of the day.”Bahagyang isinara ni Ellaine ang laptop.“I know.”Tinaasan siya ng kilay ni Aivy.“Do

  • Behind Closed Doors   The Woman in His Plan

    CHAPTER 7“HINDI.”Mabilis na napalingon si Jacob sa kanyang ina.Nakatutok pa rin ang mga mata ni Marian sa telebisyon. Nandoon pa rin ang larawan ni Miguel Santos—ang lalaking sampung taon nang nakulong dahil sa pagkamatay ni Ryan.At ngayon, malapit na itong makalaya.“Hindi puwedeng makalaya lang siya nang ganoon kadali,” mariing sabi ni Marian.Tahimik na pinagmamasdan siya ni Jacob.Napailing si Marian.“Hindi sapat ang sampung taon para sa ginawa niya kay Ryan.”Ilang taon na rin niyang naririnig ang pangalan ni Miguel na parang isang sumpang hindi matapos-tapos.Ang lalaking itinurong responsable sa pagkamatay ng kanyang kuya.Ang lalaking kinuha sa kanila ang isang taong hindi na nila kailanman maibabalik.“Hindi man natin mababago ang nangyari,” sabi ni Jacob, “hindi ibig sabihin noon na hahayaan na lang natin siyang mamuhay na parang walang nangyari.”Napatingin siya sa telebisyon.Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ni Miguel sa screen.May kakaibang bigat sa kanyang di

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status