Share

Chapter 59 Book two- Ika labing isang kababata

Angela’s Point of view

Isang linggo ang lumipas simula ng magpakita sa akin ang lalaking gumahasa at pumatay sa aking ina. Hindi naman ako natatakot sa kan’ya ngunit sa tuwing nakikita ko ang mukha nito ay bumabalik sa aking isipan ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.

Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin basta sa tuwing nakakaharap ko ang lalaking iyon ay malaki ang nagiging epekto niya sa utak ko at pakiramdam ko ay hindi na rumiresponde ang utak ko kaya bigla akong nawawalan ng malay.

Para akong bumabalik sa panahon na nangyayari ang karumaldumal na krimeng iyon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumingon sa direksyon nina Hareth kasama ang mga kaibigan nito.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay ng kaibigan nitong si Jasper, pagkagaling sa opisina ng binata ay dito kaagad kami dumiretso at ngayon ay nag-iinuman ang mga ito. Habang ako ay nakaupo sa counter ng minibar ni Jasper.

Wala sa loob na dinampot ang isang bote ng alak at nagsalin sa isang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
buo naka buo na kayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status