Share

Chapter 6

Author: Eckolohiya23
last update publish date: 2026-10-11 14:42:50

Hindi nakatulog si Ceejay nang maayos. Buong gabi siyang binangungot, hindi ng mga armadong lalakeng nagtangkang pumatay sa kanya, kundi ng isang imaheng mas mapanganib pa sa kahit anong bala—ang basang likuran ni Alessandra, ang maalon nitong balakang, at ang amoy ng sampaguitang humahalo sa init ng gabi.

Pagsapit ng umaga, bumangon siyang mas mabigat ang pakiramdam, ang kanyang panga ay nananakit dahil sa magdamag na pagkakakuyom. Nakita niya ang isang platito ng mainit na pandesal at kape sa ibabaw ng maliit na mesa, ngunit wala si Alessandra sa loob ng kwarto. Tahimik at iniiwasan siya ng dalaga matapos ang matatalim niyang salita kahapon.

Napasabunot si Ceejay sa kanyang sariling buhok. Sanay siyang maging malupit sa negosyo, pero ang makita ang lungkot sa mga inosenteng mata ni Alessandra ay nagdulot ng hindi pamilyar na kirot sa kanyang dibdib.

Akmang tatayo siya upang hanapin ang dalaga nang biglang mabasag ang katahimikan ng madaling araw ng isang malakas at nakakayanig na sigaw mula sa labas ng kwarto.

"Alessandra! Lumabas kang babae ka!"

Kumunot ang noo ni Ceejay. Ang boses ay malaki, garalgal, at puno ng awtoridad na nakakairita sa pandinig ng bilyonaryo. Mabilis na gumapang si Ceejay patungo sa siwang ng pinagtagpi-tagping kawayang dingding upang sumilip.

Sa labas, sa tapat ng poso, nakatayo ang isang mataba at kalbong lalaki na nakasuot ng mamahaling polo shirt na hapit na hapit sa kanyang malaking tiyan. May suot itong makapal na gintong kwintas at may hawak na tungkod. Ito si Don Ignacio, ang nagmamay-ari ng buong hacienda at ang kinatatakutang asendero sa buong bayan ng Lopez. Sa likod nito ay dalawang malalaking tauhan na parehong may sukbit na baril sa baywang.

Nanginginig na lumabas si Alessandra mula sa maliit na kusina, nakayuko at halatang pinipigilan ang labis na kaba. Nakasuot pa rin siya ng kanyang kupas na daster, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa laylayan nito.

"D-Don Ignacio... magandang umaga po," bati ni Alessandra, halos hindi lumalabas ang boses.

"Wala nang maganda sa umaga, Alessandra!" bulyaw ng asendero, sabay hampas ng tungkod nito sa isang lumang balde na nagdulot ng malakas na kalampag. "Dalawang buwan na! Dalawang buwan na ang lumipas mula noong ipangako mong babayaran mo ang interes ng utang ng nanay mo! Nasaan na ang pera?!"

Napaluhod si Alessandra, ang mga mata ay mabilis na napuno ng luha. "P-parang awa niyo na po, Don Ignacio. Yung huling sweldo ko po rito, ipinadala ko po sa ospital sa Maynila... lumala po kasi ang sakit ni Nanay. Hindi ko po pwedeng palampasin ang gamot niya. Bigyan niyo pa po ako ng isang linggo, maghahanap po ako ng dagdag na labada—"

"Isang linggo?!" Putol ng Don, isang mapangutyang halakhak ang pinakawalan nito. "Tingin mo ba charity ward ang hacienda ko?! Ang laki-laki na ng utang niyo, tapos magmakaawa ka pa sa akin?"

Sa loob ng madilim na kwarto, naramdaman ni Ceejay ang mabilis na pag-akyat ng init sa kanyang ulo. Ang kanyang mga mata, na kanina ay inaantok pa, ngayon ay nag-aapoy sa matinding galit. Si Ceejay Altamonte ay isang lalaking nagpapabagsak ng mga kumpanya at bumibili ng mga isla bago mag-almusal. Ang halagang iniiyakan ni Alessandra ngayon ay malamang na barya lang kumpara sa halaga ng sapatos na suot niya bago siya ma-ambush.

Ngunit wala siyang kapangyarihan ngayon. Isa siyang estrangherong nagtatago, isang bilyonaryong walang pera at walang pangalan sa gitna ng probinsya.

Lalong nag-igting ang panga ni Ceejay nang makita niyang humakbang palapit si Don Ignacio kay Alessandra. Yumuko ang matabang asendero at walang hiyang hinawakan nang mahigpit ang baba ng dalaga, pilit na iniangat ang mukha nito.

"Sayang ka, Alessandra," malagkit at nakakadiring bulong ni Don Ignacio, pinasadahan ng malisyosong tingin ang leeg at dibdib ng dalaga. "Ang ganda-ganda mong bata. Makinis. Sariwa. Kung wala kang maibabayad na pera... baka pwede nating pag-usapan ang ibang paraan ng pagbabayad? Kapag pumayag ka, hindi ko na sisingilin ang nanay mo. Baka ilipat pa kita sa malaking kwarto sa mansyon ko."

Isang nakakabinging ugong ang pumuno sa isip ni Ceejay.

Nanlamig ang buong sistema niya, ngunit ang kanyang dugo ay kumukulo na parang asido. Hawak ng hayop na iyon ang babaeng pag-aari niya. Kahit hindi pa niya inaangkin nang pormal si Alessandra, sa isip at katawan ng malamig na CEO, walang sinuman ang pwedeng dumampi rito bukod sa kanya. Mahigpit niyang nakuyom ang kanyang mga kamao, ang kanyang mga kuko ay bumaon sa kanyang sariling palad hanggang sa magdugo ito. Isang malakas na pwersa ang nagtutulak sa kanya na sipain ang p***o, baliin ang leeg ng asendero, at ipalamon ito sa mga aso.

Ngunit mabilis na gumana ang kanyang malamig na kalkulasyon. Kung lalabas siya at papatayin ang Don sa harap ng dalawang armadong tauhan nito, malalagay sa mas matinding panganib si Alessandra. Baka barilin sila, o baka matukoy ng stepbrother niya ang kanyang lokasyon. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang idaan ito sa paraang mas malinis, mas tahimik, at mas brutal. Memoryado na ng utak niya ang mukha ni Don Ignacio. Babayaran ng lalakeng ito ng dugo ang bawat luha na pumatak mula sa mga mata ni Alessandra.

"H-huwag po, Don Ignacio... maawa po kayo," humihikbing pakiusap ni Alessandra, pilit na inilalayo ang kanyang mukha mula sa maruming hawak ng matanda. "Magbabayad po ako. Pangako po. Gagawin ko po lahat ng trabaho dito sa hacienda."

Inis na binitiwan ng asendero ang dalaga at tinulak ito nang bahagya kaya napaupo si Alessandra sa alikabok.

"Bukas!" sigaw ni Don Ignacio, dinuro-duro ang nanginginig na dalaga. "Bibigyan kita hanggang bukas ng hapon! Kapag wala kang dalang pera, ipapakulong ko ang nanay mo dahil sa e****a, at ipapakaladkad kita palabas ng lupain ko! Tandaan mo 'yan!"

Tumalikod ang asendero at padabog na umalis kasama ang kanyang mga tauhan, iniwan ang nag-iisang si Alessandra na nakasubsob sa lupa habang tahimik na umiiyak.

Nang mawala na ang tunog ng mga sasakyan ng Don, dahan-dahang binuksan ni Ceejay ang p***o ng kwarto. Tahimik siyang naglakad papalapit sa dalaga. Ang kanyang puso ay nababasag sa bawat hikbi nito, ngunit ang kanyang utak ay puno ng katorpehan. Hindi siya marunong mag-comfort. Sa mundo niya, ang problema ay nilulutas gamit ang pera at kapangyarihan, hindi gamit ang mga matatamis na salita o yakap.

Nakatayo lang siya sa likuran ni Alessandra, nakapamulsa, at pinagmamasdan ang panginginig ng mga balikat nito. Gusto niyang lumuhod, yakapin ito nang mahigpit, at sabihing, Ako ang bahala sa'yo. Ako ang bahala sa lahat.

Pero ang lumabas sa bibig ng torpeng boss ay isang malamig at malalim na boses.

"Stop crying. Nakakairita ang ingay mo."

Nagulat si Alessandra. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang kamay at dahan-dahang tumayo. Hindi siya makatingin nang diretso kay Ceejay, nahihiya na nakita nitong inaapi siya at tinatrato na parang basura.

"X-Xavier... pasensya na. Nagising ba kita?" garalgal na tanong ng dalaga, pilit na ngumingiti kahit namumula pa ang mga mata. "Babalik na ako sa trabaho. Ipag-iigib na kita ng malinis na tubig."

Kumibot ang panga ni Ceejay. Ang inosenteng babaeng ito ay kakapahiya lang, muntik nang bastusin, at tatanggalan ng tirahan bukas, ngunit ang iniisip pa rin nito ay ang pag-igib ng tubig para sa kanya. Naiinis siya, hindi kay Alessandra, kundi sa kanyang sarili at sa kakulangan niya ng kakayahang alisin ang sakit na nararamdaman nito ngayon.

Bago pa man makatalikod si Alessandra, mabilis na iniabot ni Ceejay ang isang malinis na puting panyo—ang huling mamahaling gamit na nakuha niya mula sa bulsa ng kanyang sirang suit.

"Punasan mo 'yang mukha mo. Ang dumi mo tingnan," masungit na utos niya, sabay iwas ng tingin upang hindi makita ng dalaga ang bahagyang pamumula ng kanyang mga tenga.

Kinuha ni Alessandra ang panyo, nagtataka sa kalidad ng tela nito na napakalambot at amoy mamahaling pabango. "Salamat..."

Tahimik na tumalikod si Ceejay at naglakad pabalik sa kwarto. Ngunit bago niya isara ang p***o, tumigil siya, hindi lumilingon, at nagtanong gamit ang boses na walang kahit anong emosyon, ngunit may nakatagong determinasyon.

"Magkano ang utang mo sa hayop na 'yon?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 29

    Alas-otso na ng gabi, ngunit ang executive floor ng Altamonte Tower ay abala pa rin. Umalis na ang ibang empleyado, naiwan na lamang si Alessandra na nag-aayos ng mga huling dokumento sa kanyang desk, at si Ceejay na mag-isang nasa loob ng opisina nito, nakikipag-buno sa walang-hanggang papelis ng kumpanya.Ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ay tila isang makapal na usok na matagal nang hindi nakakalabas mula sa executive floor. Ilang linggo na silang naglalaro sa malamig at pormal na sitwasyon ng pagiging boss at empleyado. Sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi ang palihim at nakakapasong mga sulyapan nila. Sa tuwing ibibigay ni Alessandra ang kape nito, hindi sinasadyang nagkakadikit ang kanilang mga daliri—isang maliit na haplos na nagpapadala ng libu-libong boltahe sa kanilang dalawa, bago mabilis na mag-iiwasan ng tingin, tila mga estrangherong napaso sa balat ng isa't isa.Nang mag-ring ang intercom sa ibabaw ng desk ni Alessandra, mabilis niyang pinindot ang sagot."Pumas

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 28

    Lumipas ang isang buong linggo simula nang pumasok si Alessandra sa nagtataasan at nagliliwanag na mundo ng Altamonte Corporation. Sa loob ng pitong araw na iyon, natutunan niya ang dalawang mahalagang batas sa loob ng executive floor: una, walang sinuman ang pwedeng sumuway sa mga utos ni Ceejay Altamonte. At pangalawa, walang sinuman ang pwedeng magtimpla ng kape ng bilyonaryo kundi siya lamang.Sa labas ng malaking opisina ng CEO, nagkakagulo ang mga empleyado. Dalawang propesyonal na barista mula sa VIP pantry ng kumpanya ang halos manginig sa takot habang nakatingin sa basurahang pinagtapunan ng kanilang mga obra maestra."Ikatlong tasa na 'yan na ipinabalik ni Sir Ceejay," nagkakamot ng ulong reklamo ng isang barista. "Sinunod ko naman ang exact temperature at saktong beans mula sa Colombia. Masyado raw matapang, tapos yung isa naman masyadong matamis. Ano bang klaseng kape ang gusto ng demonyo—este, ni Boss?"Napabuntong-hininga si Ms. Gina, ang Executive Secretary, bago bumali

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 27

    Hindi pa man nakakahinga nang maluwag ang mga miyembro ng board sa pagpapaalis sa tiwaling bise-presidente, muling bumukas nang marahas ang mabibigat na double doors ng boardroom.Walang kumatok. Ang umalingawngaw lamang ay ang matalim at mabigat na tunog ng mamahaling stiletto heels na naglalakad sa ibabaw ng marmol na sahig.Isang babaeng nasa kalagitnaan ng kanyang singkwenta anyos ang pumasok. Nakasuot siya ng isang perpektong pulang designer suit na pinalamutian ng makikinang na diyamante sa kanyang leeg at mga tainga. Ang kanyang buhok ay naka-ayos nang walang kahit isang hibla na nakawala, at ang kanyang mukha—bagama't may mga bahagyang linya ng katandaan—ay nagtataglay ng isang nakakalason at mapagmataas na ganda.Si Helena Altamonte. Ang madrasta ni Ceejay at ang babaeng nasa likod ng mga mersenaryong muntik nang pumatay sa kanila sa Lopez.Awtomatikong napayuko ang lahat ng mga executive sa loob ng kwarto, hindi dahil sa paggalang, kundi dahil sa matinding takot sa dalawang

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 26

    Kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ni Alessandra dahil sa kaba, ganoon din kabilis ang pag-akyat ng pribadong elevator patungo sa ika-limampung palapag ng Altamonte Tower.Ito ang unang araw niya bilang Personal Assistant ng CEO. Nakasuot siya ng isang perpektong plantsadong puting blusa na nakatuck-in sa isang itim na pencil cut skirt, at may suot na itim na stilettos na pinili mismo ni Maria para sa kanya. Ang mahaba niyang buhok ay maayos na nakapusod, at may manipis siyang make-up na nagtatago sa puyat at pagod ng mga nakaraang araw. Kung titingnan sa salamin, hindi na siya mukhang inosenteng probinsyana mula sa Lopez; mukha na siyang isang propesyonal na handang sumabak sa giyera.At giyera nga ang naghihintay sa kanya.Bumukas ang pinto ng elevator at sinalubong siya ng isang napakalawak at malamig na opisina. Ang buong executive floor ay gawa sa mamahaling salamin, itim na marmol, at makikintab na bakal. Ngunit ang mas nakapukaw sa atensyon ni Alessandra ay ang nakakapangi

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 23.2- 25

    Hindi pamilyar kay Alessandra ang lambot ng kama na kanyang hinihigaan. Sa buong buhay niya, nasanay siya sa matigas na papag, sa manipis na banig, at sa malamig na sahig ng hacienda. Ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata kinaumagahan sa loob ng guest room ng Altamonte Penthouse, bumungad sa kanya ang isang silid na mas malaki pa sa buong bahay nila sa probinsya.Bumangon siya at pinagmasdan ang sarili sa isang malaking salamin. Nakasuot siya ng isang mamahaling silk na pantulog na ibinigay ni Maria, ang head maid, kagabi. Sa ibabaw ng kama, may nakahandang isang simpleng puting blusa, slacks, at itim na sapatos—mga damit na mukhang binili nang mabilisan ngunit perpekto ang sukat sa kanya.Trabaho lang, paalala ni Alessandra sa sarili, kinakagat ang loob ng kanyang pisngi upang pigilan ang panibagong pagbuhos ng luha.Matapos maligo at magbihis, lumabas siya ng kwarto. Tahimik ang buong penthouse. Walang anino ng lalaking nagwasak at bumuo sa kanya noong mga nakaraang araw. Nan

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 23

    Ang biyahe mula sa masukal at tahimik na bundok ng Lopez hanggang sa magulo at maingay na siyudad ng Maynila ay tila isang mahaba at nakakabinging panaginip para kay Alessandra.Nakatitig lamang siya sa bintana ng airconditioned bus na sinakyan nila mula sa highway. Ang mga puno ng niyog at malalawak na palayan ng Quezon ay unti-unting napalitan ng matataas na gusali, makapal na usok, at walang-katapusang trapiko ng metropolis. Sa buong apat na oras na biyahe, hindi sila nag-usap ni Ceejay. Nakaupo ang lalaki sa tabi niya, nakasuot ng isang simpleng itim na sumbrero na binili nila sa isang maliit na tindahan sa highway upang itago ang mukha nito. Nakapikit ito, ang mga braso ay naka-krus sa dibdib, tila natutulog. Ngunit alam ni Alessandra na gising na gising ang diwa ng bilyonaryo—ang matigas na panga nito at ang paminsan-minsang pag-igting ng mga kalamnan sa braso nito ay patunay ng isang isip na walang-tigil sa pagpaplano ng paghihiganti.Ipinulupot ni Alessandra ang biniling muran

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status