Share

Chapter 7

Author: Eckolohiya23
last update publish date: 2026-10-11 18:33:12

"Limang daang libong piso."

Paulit-ulit na umalingawngaw ang halagang iyon sa isip ni Ceejay. Nakatingin siya sa madilim na bubong ng kwarto, nakikinig sa mahina at pagod na paghinga ni Alessandra na nakatulog na sa sahig dahil sa labis na pag-iyak at pagod.

Para kay Ceejay Xavier Altamonte, ang limang daang libong piso ay isang halagang kaya niyang kitain sa loob ng wala pang limang minuto. Ito ang presyo ng isang bote ng wine na binubuksan niya kapag may naisara siyang deal, o ang tip na iniiwan niya sa mga exclusive restaurants sa Europe. Ngunit para sa babaeng nagligtas ng buhay niya, ang halagang ito ay isang malaking kadena na pumipigil sa kalayaan nito at nagbabanta sa buhay ng sarili nitong ina.

Hindi siya pwedeng mag-abot ng cash. Una, wala siyang dalang pera. Pangalawa, kung gagamitin niya ang kanyang mga black cards at ipapakita kay Alessandra, mabubunyag ang pagpapanggap niya bilang si "Xavier" na may amnesia. Kailangan niya itong gawin sa paraang hindi siya mag-iiwan ng bakas. Kailangan niyang iparamdam kay Don Ignacio kung sino ang binabangga nito, nang hindi nagpapakita ng mukha.

Pagsapit ng hatinggabi, nang masigurong tulog na tulog na si Alessandra, tahimik na bumangon si Ceejay. Kumikirot pa rin ang sugat niya sa tagiliran, ngunit binalewala niya ito. Sinuot niya ang isang itim na lumang t-shirt na ibinigay sa kanya ni Alessandra kahapon. Nakayapak at tila isang anino, lumabas siya ng maliit na kwarto.

Kabesado na ng utak ni Ceejay ang pasikot-sikot sa hacienda. Isang beses niya lang inilibot ang kanyang paningin nang dumating siya rito, sapat na upang maimapa ng kanyang isip ang lokasyon ng main mansion ng asendero.

Mabilis siyang naglakad sa ilalim ng mga puno ng mangga, iniiwasan ang liwanag ng buwan. Nang makarating siya sa likurang bahagi ng malaking bahay ni Don Ignacio, nakita niya ang dalawang armadong bantay na nag-iinuman sa garahe. Tahimik na umakyat si Ceejay sa isang mataas na puno na nakadikit sa balkonahe ng ikalawang palapag. Kahit sugatan, ang kanyang pisikal na lakas at reflexes ay nananatiling matalim. Sa isang mabilis na talon, nakapasok siya sa madilim na pasilyo ng mansyon.

Hinanap niya ang opisina ng Don. Nang makita ang isang p***o na gawa sa mamahaling mahogany, pinihit niya ang doorknob. Nakakandado. Gamit ang isang hair pin na palihim niyang kinuha mula sa mesa ni Alessandra, binuksan niya ito sa loob lamang ng tatlong segundo.

Pumasok si Ceejay sa opisina. Amoy tabako at mamahaling alak ang loob. Mabilis siyang lumapit sa mesa ng asendero at binuksan ang laptop nito. Humingi ng password ang screen. Isang ngisi ang sumilay sa labi ng bilyonaryo. Para sa isang taong nag-e-employ ng mga pinakamagagaling na hackers sa bansa upang protektahan ang Altamonte Empire, ang simpleng security system ng isang probinsyanong asendero ay parang laruan lamang.

Ilang mabilis na tipa sa keyboard, at na-bypass niya ang password.

Agad niyang in-access ang internet at binuksan ang isang hidden offshore banking portal sa Switzerland—isa sa mga emergency untraceable accounts na ginawa niya para sa mga ganitong klaseng sitwasyon. Nag-log in siya gamit ang isang serye ng mga kumplikadong alphanumeric codes na kabesado ng kanyang utak.

Hinanap niya ang account number ni Don Ignacio na nakasave sa mismong files ng laptop nito.

Transfer Amount: PHP 500,000.00.

Additional Transfer: PHP 200,000.00 (For inconvenience).

Sender: Anonymous / Shadow Holdings.

Bago niya pindutin ang 'Send', nilagyan niya ng note ang transaction receipt: "Debt of Alessandra Reyes. Paid in full."

Nang lumabas ang salitang 'Transfer Successful', isinara ni Ceejay ang laptop. Ngunit hindi pa siya tapos. Gusto niyang siguraduhin na hindi na kailanman lalapitan ng matabang baboy na iyon si Alessandra.

Kinuha niya ang isang matalim na letter opener na gawa sa bakal mula sa mesa ng Don. Kumuha rin siya ng isang pirasong papel at nagsulat gamit ang isang itim na marker.

Ibinaon niya ang letter opener nang napakalalim sa mismong gitna ng leather chair ng asendero, tinuhog ang papel na may nakasulat na mensahe:

"Bayad na ang utang ni Alessandra Reyes. Kung susubukan mo siyang lapitan, kausapin, o hawakan muli, hindi pera ang ipapadala ko sa susunod. Susunugin ko ang buong hacienda mo kasama ka sa loob. - A friend."

Isang malamig na titig ang ipinukol ni Ceejay sa silya bago siya tuluyang naglaho sa dilim, pabalik sa maliit at tagping-tagping kwarto ng babaeng pag-aari niya.

Kinaumagahan, maagang nagising si Alessandra. Mugto pa rin ang kanyang mga mata. Nagluto siya ng simpleng lugaw at tahimik na inilapag iyon sa tabi ni Ceejay na kasalukuyang nakahiga at nakapikit, ngunit gising na gising ang diwa.

"K-kain ka na, Xavier," mahinang wika ni Alessandra. "Aalis na ako. Susubukan kong makiusap muli kay Don Ignacio mamaya."

Hindi sumagot si Ceejay, nanatiling nakatalikod, ngunit hinihintay ang mangyayari.

Eksaktong alas-diyes ng umaga nang makarinig sila ng mga yabag ng sapatos at gulong ng sasakyan. Napatayo si Alessandra, nanginginig ang mga tuhod. Inasahan niyang si Mang Tomas at ang mga armadong tauhan nito ang susundo sa kanya para kaladkarin siya palabas.

Ngunit nang buksan niya ang p***o, bumungad ang mismong si Don Ignacio. Wala na itong hawak na tungkod. Wala na ang mayabang na ngisi nito. Namumutla ang asendero, pinagpapawisan nang malapot kahit hindi pa ganoon kainit ang araw, at panay ang linga sa paligid na parang may hinahanap na sniper sa mga puno.

"D-Don Ignacio..." utal na bati ni Alessandra, akmang luluhod upang magmakaawa.

"Huwag kang lumuhod!" mabilis at tarantang pigil ng asendero, lumayo ng dalawang hakbang kay Alessandra na parang may nakakahawa itong sakit.

Mula sa kanyang bulsa, inilabas ng Don ang isang makapal na brown envelope at inihagis iyon sa paanan ni Alessandra. Nanginginig ang mga kamay nito.

"N-nandiyan na ang clearance mo. Y-yung titulo ng lupa niyo sa probinsya na sinangla ng nanay mo, nandiyan na rin," garalgal na wika ni Don Ignacio, hindi makatingin nang diretso sa dalaga. "Bayad na ang utang mo. B-bayad na lahat. Kahit yung interes, bayad na. H-hindi na kita sisingilin, kahit kailan! Huwag ka na ring magtrabaho sa mansyon ko. Dito ka na lang sa likod, b-basta huwag mong sasabihin sa 'kaibigan' mo na inaapi kita!"

Napakunot ang noo ni Alessandra. "P-po? Kaibigan? Wala po akong kaibigan na may ganyang kalaking pera, Don Ignacio. Baka po nagkakamali kayo—"

"Sinabi nang bayad na!" hysterical na sigaw ng Don, tila maiiyak sa takot. "Wala na tayong utang na loob sa isa't isa! Kalimutan mo na ako!"

Sa sobrang takot ng asendero, halos madapa ito sa pagmamadaling makabalik sa kanyang sasakyan. Umalingawngaw ang pag-arangkada ng SUV nito paalis, iniwan si Alessandra na tulala, nakatitig sa envelope sa lupa.

Dahan-dahan niya itong pinulot. Nang buksan niya, nakita niya ang official receipt na may markang 'PAID IN FULL', kasama ang titulo ng kanilang maliit na lupa.

Hindi makapaniwala ang dalaga. Bumuhos ang kanyang mga luha—hindi na dahil sa takot, kundi dahil sa labis na kaligayahan at ginhawa. Parang naalis ang isang napakabigat na bato sa kanyang dibdib.

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa loob ng kwarto. Nakita niya si Ceejay na nakaupo na sa gilid ng kama, kunwari ay walang alam sa nangyayari.

"Xavier! Xavier!" humihikbing sigaw ni Alessandra.

Bago pa man makapag-react ang malamig na CEO, itinapon ni Alessandra ang kanyang sarili at niyakap nang napakahigpit ang lalaki. Ibinabaon ng dalaga ang kanyang mukha sa matigas na dibdib nito, umiiyak dahil sa sobrang tuwa. "May himala, Xavier! May nagbayad ng utang ko! Malaya na kami ng nanay ko! Hindi ko alam kung sino, pero hulog siya ng langit!"

Nanigas si Ceejay. Ang mga braso ni Alessandra ay nakapulupot sa kanyang leeg. Ang malambot nitong dibdib ay nakadiin sa kanyang matigas na katawan. Ang pamilyar na amoy ng sampaguita ay mabilis na nanuot sa kanyang ilong, nagpapagising sa halimaw na pilit niyang pinapatulog.

Mabilis na naghuramentado ang kanyang puso. Ang kanyang mga kamay ay naka-amba sa hangin, gustong-gustong yumakap pabalik at ibaon ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga. Gusto niyang sabihing, Ako ang gumawa niyan. Ako ang langit mo.

Pero dahil siya ang hari ng katorpehan, at dahil hindi niya alam kung paano i-handle ang bilis ng pagkabaliw niya sa dalaga, iba ang lumabas sa kanyang bibig.

Mabilis at dahan-dahan niyang itinulak si Alessandra palayo, nakakunot ang noo, at matalim ang titig.

"Bakit mo ba ako niyayakap?!" masungit at malamig niyang bulyaw, pinamumulahan ng mga tenga. "Ang init-init, dumidikit ka! At anong pakialam ko sa utang mo? Umalis ka nga sa harap ko at ang ingay-ingay mo!"

Napatigil si Alessandra, bahagyang napahiya. "P-pasensya na... s-sobrang saya ko lang talaga."

"Then celebrate outside," matigas na utos ni Ceejay, agad na tumalikod para hindi makita ng dalaga ang malalim na pagbuntong-hininga niya.

Napanguso si Alessandra, pinunasan ang mga luha, at tahimik na lumabas dala ang envelope. Nang sumara ang p***o, napasandal si Ceejay sa dingding. Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao at ipinikit ang mga mata, ninanamnam ang natitirang init ng yakap ng dalaga na alam niyang hahanap-hanapin niya magpakailanman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 29

    Alas-otso na ng gabi, ngunit ang executive floor ng Altamonte Tower ay abala pa rin. Umalis na ang ibang empleyado, naiwan na lamang si Alessandra na nag-aayos ng mga huling dokumento sa kanyang desk, at si Ceejay na mag-isang nasa loob ng opisina nito, nakikipag-buno sa walang-hanggang papelis ng kumpanya.Ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ay tila isang makapal na usok na matagal nang hindi nakakalabas mula sa executive floor. Ilang linggo na silang naglalaro sa malamig at pormal na sitwasyon ng pagiging boss at empleyado. Sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi ang palihim at nakakapasong mga sulyapan nila. Sa tuwing ibibigay ni Alessandra ang kape nito, hindi sinasadyang nagkakadikit ang kanilang mga daliri—isang maliit na haplos na nagpapadala ng libu-libong boltahe sa kanilang dalawa, bago mabilis na mag-iiwasan ng tingin, tila mga estrangherong napaso sa balat ng isa't isa.Nang mag-ring ang intercom sa ibabaw ng desk ni Alessandra, mabilis niyang pinindot ang sagot."Pumas

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 28

    Lumipas ang isang buong linggo simula nang pumasok si Alessandra sa nagtataasan at nagliliwanag na mundo ng Altamonte Corporation. Sa loob ng pitong araw na iyon, natutunan niya ang dalawang mahalagang batas sa loob ng executive floor: una, walang sinuman ang pwedeng sumuway sa mga utos ni Ceejay Altamonte. At pangalawa, walang sinuman ang pwedeng magtimpla ng kape ng bilyonaryo kundi siya lamang.Sa labas ng malaking opisina ng CEO, nagkakagulo ang mga empleyado. Dalawang propesyonal na barista mula sa VIP pantry ng kumpanya ang halos manginig sa takot habang nakatingin sa basurahang pinagtapunan ng kanilang mga obra maestra."Ikatlong tasa na 'yan na ipinabalik ni Sir Ceejay," nagkakamot ng ulong reklamo ng isang barista. "Sinunod ko naman ang exact temperature at saktong beans mula sa Colombia. Masyado raw matapang, tapos yung isa naman masyadong matamis. Ano bang klaseng kape ang gusto ng demonyo—este, ni Boss?"Napabuntong-hininga si Ms. Gina, ang Executive Secretary, bago bumali

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 27

    Hindi pa man nakakahinga nang maluwag ang mga miyembro ng board sa pagpapaalis sa tiwaling bise-presidente, muling bumukas nang marahas ang mabibigat na double doors ng boardroom.Walang kumatok. Ang umalingawngaw lamang ay ang matalim at mabigat na tunog ng mamahaling stiletto heels na naglalakad sa ibabaw ng marmol na sahig.Isang babaeng nasa kalagitnaan ng kanyang singkwenta anyos ang pumasok. Nakasuot siya ng isang perpektong pulang designer suit na pinalamutian ng makikinang na diyamante sa kanyang leeg at mga tainga. Ang kanyang buhok ay naka-ayos nang walang kahit isang hibla na nakawala, at ang kanyang mukha—bagama't may mga bahagyang linya ng katandaan—ay nagtataglay ng isang nakakalason at mapagmataas na ganda.Si Helena Altamonte. Ang madrasta ni Ceejay at ang babaeng nasa likod ng mga mersenaryong muntik nang pumatay sa kanila sa Lopez.Awtomatikong napayuko ang lahat ng mga executive sa loob ng kwarto, hindi dahil sa paggalang, kundi dahil sa matinding takot sa dalawang

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 26

    Kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ni Alessandra dahil sa kaba, ganoon din kabilis ang pag-akyat ng pribadong elevator patungo sa ika-limampung palapag ng Altamonte Tower.Ito ang unang araw niya bilang Personal Assistant ng CEO. Nakasuot siya ng isang perpektong plantsadong puting blusa na nakatuck-in sa isang itim na pencil cut skirt, at may suot na itim na stilettos na pinili mismo ni Maria para sa kanya. Ang mahaba niyang buhok ay maayos na nakapusod, at may manipis siyang make-up na nagtatago sa puyat at pagod ng mga nakaraang araw. Kung titingnan sa salamin, hindi na siya mukhang inosenteng probinsyana mula sa Lopez; mukha na siyang isang propesyonal na handang sumabak sa giyera.At giyera nga ang naghihintay sa kanya.Bumukas ang pinto ng elevator at sinalubong siya ng isang napakalawak at malamig na opisina. Ang buong executive floor ay gawa sa mamahaling salamin, itim na marmol, at makikintab na bakal. Ngunit ang mas nakapukaw sa atensyon ni Alessandra ay ang nakakapangi

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 23.2- 25

    Hindi pamilyar kay Alessandra ang lambot ng kama na kanyang hinihigaan. Sa buong buhay niya, nasanay siya sa matigas na papag, sa manipis na banig, at sa malamig na sahig ng hacienda. Ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata kinaumagahan sa loob ng guest room ng Altamonte Penthouse, bumungad sa kanya ang isang silid na mas malaki pa sa buong bahay nila sa probinsya.Bumangon siya at pinagmasdan ang sarili sa isang malaking salamin. Nakasuot siya ng isang mamahaling silk na pantulog na ibinigay ni Maria, ang head maid, kagabi. Sa ibabaw ng kama, may nakahandang isang simpleng puting blusa, slacks, at itim na sapatos—mga damit na mukhang binili nang mabilisan ngunit perpekto ang sukat sa kanya.Trabaho lang, paalala ni Alessandra sa sarili, kinakagat ang loob ng kanyang pisngi upang pigilan ang panibagong pagbuhos ng luha.Matapos maligo at magbihis, lumabas siya ng kwarto. Tahimik ang buong penthouse. Walang anino ng lalaking nagwasak at bumuo sa kanya noong mga nakaraang araw. Nan

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 23

    Ang biyahe mula sa masukal at tahimik na bundok ng Lopez hanggang sa magulo at maingay na siyudad ng Maynila ay tila isang mahaba at nakakabinging panaginip para kay Alessandra.Nakatitig lamang siya sa bintana ng airconditioned bus na sinakyan nila mula sa highway. Ang mga puno ng niyog at malalawak na palayan ng Quezon ay unti-unting napalitan ng matataas na gusali, makapal na usok, at walang-katapusang trapiko ng metropolis. Sa buong apat na oras na biyahe, hindi sila nag-usap ni Ceejay. Nakaupo ang lalaki sa tabi niya, nakasuot ng isang simpleng itim na sumbrero na binili nila sa isang maliit na tindahan sa highway upang itago ang mukha nito. Nakapikit ito, ang mga braso ay naka-krus sa dibdib, tila natutulog. Ngunit alam ni Alessandra na gising na gising ang diwa ng bilyonaryo—ang matigas na panga nito at ang paminsan-minsang pag-igting ng mga kalamnan sa braso nito ay patunay ng isang isip na walang-tigil sa pagpaplano ng paghihiganti.Ipinulupot ni Alessandra ang biniling muran

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status