Madilim, tahimik, at walang kahit anong anino ng sibilisasyon sa kahabaan ng provincial highway na iyon. Tanging ang matatalim na ilaw ng tatlong itim na SUV ang humihiwa sa makapal na kadiliman ng gabi.Sa loob ng gitnang sasakyan, nakaupo si Ceejay Xavier Altamonte.Wala siyang emosyon habang nagbabasa ng mga confidential reports sa kanyang tablet. Ang liwanag ng screen ay tumatama sa kanyang perpektong panga at sa mga matang kasinglamig ng yelo. Suot ang isang mamahaling dark navy-blue bespoke suit, mukha siyang isang hari na nakaupo sa kanyang trono. Para kay Ceejay, ang bawat segundo ay pera, at ang bawat desisyon ay pwedeng makapagpabagsak ng isang kumpanya. Wala siyang pakialam kung nasa gitna sila ng isang liblib na probinsya para sa isang lihim na site inspection. Trabaho kung trabaho. Wala siyang inuurungan. Wala siyang kinatatakutan."Boss, medyo masyadong tahimik ang kalsada ngayon. Wala tayong nakakasalubong na kahit anong sasakyan mula pa noong lumagpas tayo sa bayan," b
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-08 อ่านเพิ่มเติม