Share

3

“BUKSAN MO TO!”

“Sandali kasi!” sagot ko at tinanggal ang kumot sa mukha ko, alas tres na ko nakatulog, hindi ako tumanggap ng trabaho sa loob ng isang linggo, parang nawala ako sa mood, hindi ko aalam kung bakit, basta hindi ko talaga trip. Sinuot ko ang robe ko, kasi malamang, hindi ako magbubukas ng pinto na nakabold ako, pagbukas ko, masungit at pangit na babae ang bumungad sakin, “Ay, ang pangit ng salubong ng umaga ko!” sigaw ko at tinakpan ang mata ko, “Aga aga naman, may scheduling ang pag sugod dito, mamayang alas kuwatro pa ng hapon, aga mo naman!”

“ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! TAMA NGA ANG MGA NAPAG TANUNGAN KO, MUKHA KA NGAN-“

“Maganda? Oo naman, ikaw pangit ka, bakit ka nandito, sino ka ba?” sabi ko at tinaasan sya ng kilay tsaka sumandal sa hamba ng pinto ko, magsasalita na sana sya nang mapansin ko ang suot nya, “Hep! Wait lang, dyan ka lang ha!”

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto ko, at kinuha ang itatapon ko na sanang cardigan, tsaka mabilis na bumalik sa pinto kung nasaan ang kausap ko, “Isuot mo, bilisan mo,” sa sobrang pagtataka na rin siguro nya sinuot nya, “Yan! Maganda na suot mo, kahit pangit ka, go na, sino ka nga ulit?”

“ABA PUTANGINA KA HA!” Sigaw nya, nagulat na lang ako nang biglang dumating ang anim na babae na medyo ka-level niya ang kapangitan, “Tignan natin ngayon kung sino ang mayabang at may palag!”

Matapos niyang sabihin iyon ay sinugod na nila ko at sinabunutan, syempre, gaganti ako!  Nanghila din ako nang buhok, pero ang dami nila masyado, naramdaman ko na lang ang matinding impact sa tagiliran ko, dahilan para mapadapa ako at umubo, nalasahan ko rin ang parang metal na likido galing dito.

“Alam naming na hindi ka namin mapapatay, pero hindi lang gurnis sa mukha ang aabutin mo samin, hindi kami uuwi na hindi ka nakatumba, salot! Kabit!”

                                                     ------

“Aray, pota,” hindi ko napigilan na d***g habang ginagamot ang sugat ko sa mukha, syempre, wala naman gagawa non, ako lang, tsaka ilang beses na rin naman nangyari sakin to, kaya ko naman sarili ko. I’m a strong and independent woman, “Aray,”

Napadiin ang pagkakahawak ko sa cotton, ikaw ba naman kuyugin nang mga babaeng may saltik, hindi ka ba naman magkakasugat, ginurnisan nila mukha ko, akala naman nila may pakielam ako kung sirain nila mukha ko.

Balak ko pa naman mag stroll mamaya, napaisip tuloy ako, paano kaya nila nalaman na dito ako nakatira, eh wala naman akong naka sex ko na hinahayaan ko na ihatid ako, paano ako natunton ng mga pangit na yon? Kainis naman, baka mamaya ipagsabi pa nila, edi every morning may bisita ako dito?

Pero ang sakit, potangina, hindi nakakatuwa mabugbog sa umaga, pero ano magagawa ko, eh ito pinili ko na gawin sa buhay, dapat hand ana ko mabugbog, although masakit naman talaga, pero masarap mangabit, kung wala akong pamilya na masisira, edi iba sisirain ko, para marami akong katulad, hindi lang ako, hindi pwede na lahat sila masaya, ako lang hindi.

Unfair yon.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, naglagay na lang ako ng cream at concealer para matakpan, grabe naman yung mga pangit na asawa na yon, galit nag alit mga dzai? Hay.

Namili ako ng presentableng damit, wala pa rin ako balak pumunta sa mga chupapi ko today, magliliwaliw lang ako, balak ko mamasyal, showing na rin ang favorite movie ko, iba talaga pag napag iiwanan ang bansa mo kesa sa iba, huli na ipinalabas dito.

“Aray, taragis, ang lamig naman,” pag labas ko ng building, ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin, humapdi ng bahagya ang sugat ko, yung iba naman naka band aid na color violet, para cute, “Grabe naman, ganda ko para magkaron ng ganito,”

Medyo madilim na, kasi after nila ko kuyugin, nakatulog pa ko, sabi ko naman sa kanila eh, puyat ako, rekta tulog lang ako, alasingko na ko nagising, tsaka ko ginamot sugat ko, tsaka ako nagpaganda para lumabas, syempre, may sugat at pasa na nga, di pa nakaayos.

“Oy!” napatingin ako sa tumawag sakin at balak nang magalit dahil sino sya para tawagin ako ng hoy, “Amber!”

Pero imbes na magalit ay tinaasan ko na lang sya ng kilay, “Oy, Greg,” bati ko sa kanya. Naka usual get up sya, tshirt na plain at tattered pants, habang nakasakay sa astig niyang tricycle, “Ano, quota ka na ba at patambay tambay ka na lang dyan?” lumapit ako sa kanya habang nakapamulsa.

Tumawa naman sya at bumaba sa tricycle niya, “Oo, kaninang alasingko ng umaga pa ko namamasada, medyo di ako pamilyar dito, bago lang kasi ako,”

Tumango lang ako, pag nakikita ko sya naalala ko yung nangyari sakin noong isang araw, well, kasalanan ko naman yon, at wala naman siyang obligasyon sakin.

“Sakay ka na, hatid n akita,” aya nya kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling ako at binuhat na ang mga dala ko, “Hindi na, maglalakad na lang ako,” sabi ko at kahit mabigat ang dala ko, binuhat ko pa rin, okay nang mapride, pakielam nya ba?

“Why? Hindi ba, mas mabilis kung may sasakyan ka, para makauwi ka na agad,”

“Dapat pinilit mo ko nang ganyan noong gabi,” wala sa loob na sabi ko, kaya napatigil sya at halatang nagtataka, “Alis na ko, excuse me sayo,”

“Uy,” naramdaman ko ang pagbaba niya sa tricycle niya, “Tara na,”

Umiwas ako at dumiretso lang sa paglalakad, hindi na nya ko sinundan, pero ramdam ko pa rin ang tingin nyam ula sa likod ko, bahala sya, alam ko hindi nya kasalanan, pero sira ulo sya, bahala sya dyan.

                                                        ------

“Ay pusang galaa! Ano naman ginagawa mo dyan!” bulalas ko nang malakabas ako ng building, Nakita ko kasi na nakatayo si Greg, nakaparada malapit sa kanya ang tricycle nya, nakapag palit na sya ng damit, iba na kasi ang kulay ng tshirt niya kesa sa kanina.

“Are you mad, bakit hindi mo ko pinapansin?” kunot noon a tanong nya.

“Hindi no,” diretso akong naglakad, dahil may pupuntahan ako, sa kanto na lang ako sasakay, dahil pang mayaman yata ang kalsada na to, walang dumadaan na tricycle or jeep, puro mamahaling kotse at taxi lang, eh napaka mahal non, “Busy lang ako, sige na,”

“Come on, hindi ko mahuhulaan kung bakit ka ganyan,” patuloy na sabi niya at nakasunod pa rin, hindi ako nag aassume na type nya ko, “Wait, dahil ba to sa nangyari nung nakaraan, na iniwan kita?” hindi sinasadya na patigil ako sa paglalakad, pero syempre hindi ko pinahalata, “Hindi no,”

“Look, I’m sorry, sobrang emergency lang talaga yon, hindi ko naman talaga gusto iwan ka, sorry na,”

Huminto ako at tinignan sya ng masama, para kaming mag jowa dito sa daan, hindi ako nakakapag salita, dahil wala pang lalaki ang humabol sakin para mag sorry, pumameywang ako at tinaasan siya ng kilay, ewan ko lang kung bakit ko matatanong, “Aminin mo nga, type mo ba ko?”

His forehead crease, “Type?”

“Oo, bet, type, kusunada, crush, gusto jowain?” paglilinaw ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa, “I’m sorry,” sabi niya sa pagitan ng pagtawa niya, na akala mo, first time niya lang nakarinig ng ganon na tanong, “Ano lang, sorry, shit!” patuloy pa rin sya sa pagtawa, hindi ko alam kung maiinis ako o mahahawa na rin sa tawa niya, he cleared his throat, para siguro mapatigil ang sarili niya sa pag tawa, “Hindi kita type, okay? Feeling ko lang kasi ang sarap mo maging kaibigan, kaya ayun, kaya sorry, kung iniwan kita, hindi na mauulit,”

Huminga ako ng malalim at pinakatitigan sya, nakatingi sya sakin na akala mo, makukuha nya ko don, hello, ang dami ko nang lalaki na nakasalamuha, natikman pa yung iba, “Okay,” tropa lang naman.

“Great,” mukhang excited pa sya, “Saan ba punta mo, ihahatid n akita, para makabawi ako sayo,”

Tumango ako at walang pasabi na sumakay sa tricycle niya, “Tara na,”

Sumakay na rin sya sa mutor niya, “Saan?”

“Sa bahay mo, mag sesex tayo,” sagot ko, at halos matawa ako itsura nya, akala mo isa akong nakakadiring nilalang kaya hindi nya ko papatulan kahit ako na lang ang matirang babae sa mundong ibabaw, aray, masakit naman yon. “Ano ba Gregorio del pilar, tara na!”

                                                     ------

“Ano, bakit nakaganyan ka, tara na dito! Akala ko ba, gusto mo makabawi?” sigaw ko kay Greg, nakatingin lang kasi sya sa entrace ng palengke, parang nahihilo na yata, ewan ko.

“Bakit dito tayo pumunta?” tanong niya at dahan dahan na naglakad papalapit sa pwesto ko, hindi ko naman plano magpunta dito, pero naisip ko na gusto ko magluto nang ulam.

“Saan mo gusto, sa bahay mo?” taas kilay ko na tanong at pinameywangan sya, “Hindi mo afford ang worth ko per night, mga one month nakita mo yon sap pasada mo, kaya tara na!”

“Grabe ka ha,” sabi niya pag lapit niya, “Hindi naman ako magsasayang ng pera sayo,” kung ibang tao yon naoffend na ko, pero nang sya ang magsabi natawa na lang ako, parang diring diri sya sakin, hindi ko alam kung bakla ba to, o ano eh,

“Kaya nga tara na, mamimili tayo, tapos lulutuin natin, tapos sa bahay ka na matulog, kasi dadalin natin to mamaya sa dati kong bahay,”

“Akala ko ba wala ka nang pamilya, may umampon pala sayo?”

“Oo nga, para sa mga kabit ko to, lalagyan ko ng lason pag nagsalita ka, kulong ka rin, kaya wag ka maingay,”

                                                                       

 Namili ako ng pitong kilo ng baboy, at walong kilo ng manok, tsaka apat na kilo ng baka, tag aapat na kilo din ng mga gulay, para sa side dish, hindi ko naman narinig na nagreklamo si Greg, mukang gusto talaga makabawi ni kupal.

Dumaan din kami sa grocery para bilin yung iba pa na nasa listahan ko, yung ibang meat iniwan namin sa suki ko sa mga process food, dati akong tindera don, pero tropa ko pa rin naman sila, kahit matagal na kong umalis don.

Nang matapos kami, umuwi na rin ako, sa ground floor kami dumaan, dahil mas malapit ang labas ng elevator na ito sa condo ko, baka mamaya may tumulo na mga dugo, nakakahiya naman sa mga dadaan.

Kahit nasa condo ako. Hindi ako mahilig sa mga mahal na bilihin, siguro dahil alam ko ang hirap ng buhay, wais ako sa pera, at hindi basta basta naglalabas, dahil hindi ko alam kung hanggang kalian ako may per ana ganito, hindi ko naman plano maging p****k habang buhay, gusto ko rin naman ng ibang trabaho.

Pag dating naming, parehas naming hinugasan ang lahat ng pinamili ko, sumakit braso ko dzai, ang bigat pala nito,

“Greg, kunin mo nga yung kinchay dyan,” utos ko, habang nag gigisa ako, gulay para sa pansit ang gagawin ko, mamaya na yung bihon, para hindi soggy.

“Kinchay? Ano ba yon?” nangangamote sya sa mesa kung nasaan ang mga gulay.

“Yung green na yan, yung may dahoon nay an, yung kinakain ng wonder pets pag walang celery,”

“Ohhh, I see,” kinuha niya ang kinchay at mabilis na hiniwa tsaka binigay sa akin, “Here,”

“Mamats,” sagot ko at hinalo na ulit ito.

“Where are we heading later, anyway?” tanong niya ulit habang nag babalat ng patatas, na ilalagay ko sa ulam mamaya after nito.

“Kung saan ako lumaki, ampunan yon, diba wala nan ga akong magulang, sila umampon sakin dati,”

“I see, ibig sabihin, since you’re a baby, nandon ka na?”

Umling ako, “Hindi, nung nag trese lang ako, tsaka ako napunta don, at sapilitan yon, dinala ko ng barangay don, tapos ilang beses ako tumatakas non, kasi nga ayoko sa kanila,”

“Then, why did you end up with them?”

Napahinto ako sandali, nag aalangan kung sasabihin ko sa kanya, pero wala naman na sigurong masama, matagal na yon, “Na-rape kasi ako dati,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status