Share

2

       “Ang kapal ng mukha nyo!” bungad ng babae, at akma na sasampalin ako, hindi ko na kailangan umiwas o pigilin sya, humarang na agad ang asawa niya. “Dito pa talaga kayo nag bastusan!”

“Eh saan ba dapat, sa bahay nyo?” pabalang na sagot ko, kitang kita ko kung paano namula ang mukha ni Mrs. Jesh, asawa daw eh, edi parehas ang apleido.

“Aba, bastos kang p**a ka!” sigaw niya, nag kunwari ako na nanlalaki ang mga mata, at nagulat sa sinabi niya.

“OMG! Hindi ka naorient? Hindi ako p**a, high class escort ako!” sabi ko, syempre, dapat classy pa rin, pag pangit, pwede sumigaw, pag maganda dapat chill lang para maganda pa rin.

“IPAPAKULONG KO KAYO, LALO IKAW BABAE KA!” hinihila sya ng manager paalis, dahil may ilan nang guest ang lumalabas sa mga hotel room nila, at nakiki-maritess sa nangyayari dito.

“Babe, let me explain please, come here, it’s not what you think,” pakiusap ni dad- este Mr. Jesh, ano pa kaya sasabihin niya eh caught on act na?

“EXPLAIN? WHAT FOR?! NASA HARAPAN KO NA KAYO! PAANO KUNG HINDI AKO DUMATING, BAKA NAKAILANG ROUND NA KAYO!”

Tinignan ko ang wrist watch nas uot ko, “Uhm, kung hindi ka dumating, second round n asana naming to, nasa top n asana ko ngayon, kaso dumating ka, sinira m-“

“SHUT THE FVCK UP!”

Pinigilan ko na matawa dahil sa kanya, para kasi syang hipon na binubusa, medyo lasing na sag alit, hehe. Sinampal ni wife si husband, ayoko na makita yon, nang masigurado ko na wala na sakin ang atensyon nila, sumibat na ko.

Bago ako lumiko, nakasalubong ko ang isang lalaki na, akala mo nabaril sa dami nang butas nang damit, hindi ko alam kung model sya ng basahan o iyon lang talaga fashion nya, nothless, hinayaan ko na, tinignan ko lang sya at lumiko na tsaka pumasok ng elevator, sinundan niya ko ng tingin, kaya hinuli ko ang mata nya tsaka sya kinindatan, ito naman ang saktong pagsara ng elevator door.

Napasandal ako sa pagod, hindi naman ako nakatulog ng ayos, pero hindi pa naman ako inaantok, pagod lang talaga, naalala ko, wala pa nga pala ako stock, dahil last month pa ang huli ko na bili ng stocks, naging busy month kasi ako.

Dumiretso muna ako sa cr ng lobby, nagpalit ako ng damit, para hindi ako ,mahirapan sa pagkilos, wala naman kasi akong sasakyan, mas enjoy mag commute, saying gas, may toll pa madalas, hayaan na. makikiride na lang ako.

Nang makalabas ako, sumakay agada ko ng jeep at bumaba sa supermarket, medyo malamig na dahil malapit na ang pasko, meaning, malapit na ang birthday ko, well, wala naman akong kasama lagi, kaya hindi na rin ako nag cecelebrate, hindi na lang talaga ako tuamtanggap ng trabaho non, at natutulog maghapon, minsan pag trip ko, nag gagala ako buong araw, nag uubos ng pera.

Kumuha ako ng cart at kinuha ang phone ko, nag notes kasi ako nang mga dapat bilin, matic na to, kasi kung every grocery ko maglilista ko, ay, makakalimutan ko dzai, sakit ko na talaga yon, kahit dati pa lang.

Mga can goods, soaps, shampoos, conditioner, condiments like sauce, soy sauce, vinegar, mga paminta, iodized, kumuha na rin ako ng mga packed condoms, sanitary napkins, syempre, mawawala ba naman ang mga chips ko, tsaka mga cookies, hindi ako bumibili ng tinapay dito, sa bread talk ako bumibili, para masarap at fresh, nadadananan ko naman yon pag aalis ako kaya hindi ko na kailang mag stock.

“It will be seven thousand, eight hundred and twenty six, mam.,” sabi ng cashier, nag abot agada ko ng lilibuhin sa kanya, napasarap ang pag bili ko, nakalimutan ko na mag cocommute nga pala ko pauwi.

One box at five plastics ang binigay sakin, hindi na ko nagreklamo at binuhat na lang yon, nag offer pa ang bagger na tutulungan nya ko, pero sinabi ko na lang na hindi, nilagay ko na lang sa push cart, tsaka ako mag rerent ng tricycle hanggang sa condo.

Kakaunti na lang ang mga tao nang makalabas ako, pasado alas dies na kasi ng gabi, malamang may pasok naman kasi lahat bukas, ilan na mga pauwi na lang galing sa trabaho ang nakikita ko, mga nagbebenta ng balot at penoy, mga papasok para sa mga night shift sa convenient store.

Iniwan ko muna ang push cart at nag hanap ng mga nakapila na tricycle, “Mam, tricycle po?”  napatingin ako sa gilid ko nang makita na may lalaking nagsalita, uy, may tricycle, tumango ako at itinuro ang mga dala ko.

“Oo, kuya. Ayun yung dala ko, paki buhat naman,” pakisuyo ko, kahit naman bwiset ako, sanay naman ako makipag usap ng ayos.

“Okay, sakay muna po kayo, para mailagay ko mga gamit,” tumango ako at sumakay na sa tricycle, tsaka niya isa isang kinamada sa harapan ko ang mga pinamili ko. “Sandali lang mam, may bibilin lang po ako sa store, is that alright po?” tumango lang ako at ngumiti sa kanya, “Can you hold this form me,” nagulat ako nang iwan nya sakin ang susi ng tricycle nya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maooffend sa kanya, pero hindi na lang ako nagsalita at kinuha na lang iyon, para makabili na sya, parang pamilyar sya sakin, actually. Kaso sa dami ba naman ng lalaki na nakasalamuha ko, maalala ko pa ba yon? Hindi na siguro.

Limang minuto na, pero wala pa rin si kunga driver, baka maraming tao, naghahabol bago mag sarado ang supermarket. Naramdaman ko ang vibration ng phone sa suot ko na bag, kaya kinuha ko ito at nakita na meron akong isang notificationsa email at isa sa text message.

“Magandang araw sayo, Amber, salamat sa mga ipinadala mo na stocks at supplies kaninang umaga, tinatanong ng mga bata kung kelan ka ulit dadalaw sa kanila, dahil may pangako ka dawn a makikipag laro ka sa kanila, mag iingat ka palagi, at patnubayan ka ng may kapal,”

Napangiti na lang ako nang mabasa iyon, may maganda pa rin naman pal ana nangyari sakin ngayong araw,m akala ko puro kabwisitan na lang ang ganap, isa rin sila sa mga dahilan kung bakit ako lagi nagtatrabaho, sa totoo lang, pwede naman na ako umalis sap ag e-escort dahil Malaki na ang naipon ko, pero isa sila sa mga dahilan kung bakit hindi ako tumitigil.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala akong napgsasabihan nang mga saloobin ko, wala naman kasi talaaga akong matatawag na pamilya o kaibigan, sarili ko lang ang meron ako, mga kakilala ko lang ang meron ako, madalas, kasama ko sa trabaho, yung iba naman, mga naaka-sex ko, syempre, pag hindi maganda mag tip, hindi ko na binabalikan kahit magaling sila.

I needed dick and money, hindi dick lang, eww kaya. Not worth for my petchay, hindi madidiligan ng maayos, hindi makakabili kahit lotion na Malaki lang, umay, ganito bap ag wala nang nasasabihan, kinakausap mo na lang din sarili mo?

“Tara na po ba?” napatingin ako kay kuyang driver nakabalik na pala sya, may dala siyang plastic, nilagay nya sa harapan ko.

“Busy ka ba kuya?” hindi ko alam kung ano meron sakin at natanong ko yon, “I mean hindi kita inaaya ng date, nagtatanong lang naman,”

Parang nag isip pa sya kung ano isasagot niya sa akin, pero maya maya ay umiling din siya, “No, wala naman ako gagawin, why?”

“Tara, rides tayo,”

Nagtataka pa sya kung ano ba sinasabi ko, “Gamit to?” tanong niya at itinuro ang tricycle, kaya tumango lang ako, syempre, wala naman akong sasakyan na pwede gamitin, “Sure ka?”

“Bakit, kala mo, mutor lang pamg rides?” umiling sya, “Eh ano?”

“A car?” hindi pa sya sure sa sagot nya.

“Ay wow, yamern yan?”

Tumawa lang sya at umiling, “Okay, saan mo ba gusto pumunta?”

“Kahit saan, wag lang sa langit, di ako tatanggapin don,”

                                        ------

“Ah, so hindi mo kasama pamilya mo?” usisa ko kay Greg, sa balle kami pumunta, malaking amusement park, kaso pinasarado, kasi may dalawang namatay dito, simula nang mag sarado to five yeasr ago, hindi nabuksan ulit.

“Yup, mga two years na rin, ikaw ba?” tanong niya habang kumakain ng binilki namin na sausage sa convenient store na nadaananan namin bago pumasok dito.

“Wala na, matagal na, bata pa lang ako wala na sila, nasanay na rin, wala rin naman ako kamag anak na pwede ko mapuntahan, tsaka ayos na rin yon, natuto ako mabuhay mag isa,”

“Bakit, namatay ba sila?”

“Hindi ko rin alam, wala naman akong natatandaan na kahit ano sa kanila, nung nagkaisip ako, nasa ampunan na ko, wala na rin ako sa mood hanapin sila, obvious naman na hindi nila kaya yung ganda ko kaya nila pinamigay, ang chaka siguro ng mga itsura nila, di ako belong don,”

He looked at me with disbelieve, hindi siguro makapaniwala na kaya ko gawin at sabihin yon, well, sa katagalan na rin na wala ako non, hindi ko na alam ang pakiramdam, “Minsan naman syempre, hinahanap ko, pero madalas hindi, kasi hindi naman ako lumaki na may nararanasan na ganon,”

“Are you an escort?” nagulat ako dahil bigla niya iyong tinanong out of nowehere, tsaka sa dami ng trabaho, bakit ayun ang nabanggit niya, halata bas akin? Casual naman suot ko ah, white tee, short at sneakers.

“Bakit mo naman natanong, pero oo, trabaho ko yon,” hindi ko naman kinkahiya na escort ako at madalas nauuwi sa pagiging kabit, eh kung iyon nag papakain sakin eh.

“I saw you earlier, don sa hotel,”

“Shoot! Doon pala kita nakita, kaya pala pamilyar ka kako,” natawa na lang ako sa sarili ko, ininom ko ang huling lagok ng san mig na iniinom namin, unang bote ko pa lang to, sya nakakadalawa na, ang bilis naman ng mokong na to.

“Akala ko nga matatandaan mo ko,”

“Hindi ko nga alam, eh, ano ba ginagawa mo don?”

“Naki-cr lang,”

“Wow ha, lakas mo naman,” sabi ko at tinapik sya sa balikat.

“Pero maiba tayo Amber, kung sakali na bibigyan ka ng pagkakataon na abutin talaga yung totoong ambisyon mo, ano ba talaga gusto mo maging?”

Napatigil ako sa paglalaro sap aa ko nangg= marinig ko yon, at ngayon ko lang narealized, na wala pala kahit sino ang nagtanong sakin kung ano ba talaga gusto ko gawin sa buhay ko, basta give and take sa sex at pera lang ang alam nil ana gusto ko, na manira ng pamilya sa pagiging kabit ko.

“Hindi ko alam, hindi ko napag isipan,” sagot ko na lang, kasi hindi ko rin naman alam kung ano talaga gusto ko sa buhay ko, basta nakafocus ako sa mabuhay ako, “Ikaw ba?”

“Hmm, I want to be a pilot, or architecture,”

“Nako, mahal maging piloto, sa architecture naman, pwede ka naman mag state university, kailangan mo lang talaga sagutin mga gamit mo, may pamilya ka ba na binubuhay?”

“Wala naman, kaya naman nila buhayin sarili nila,”

“Eh, bakit hindi ka nag ipon para makapag aral ka, sabagay, hindi naman masyado malakas kita ng tricycle diba? Pero at least, malinis na trabaho yan, at hindi nakakahiya, hindi gaya ng akin, kumakabit para mabuhay lang,”

“Bakit, wala ka na bang ibang option na pagkakakitaan na iba, bukod dyan, hind isa minamaliit ko trabaho mo ha, nagtatanong lang naman ako,”

“Oo na, alam ko naman, masyado ka naman kabado sa buhay mo,” asar ko sa kanya, “Well, for now ito muna, may pamilya akong binubuhay, kaya kailangan ko magtrabaho, sakin sila umaasa,”

“Hindi ka ba natatakot nab aka ipakulong ka ng kahit isa sa mga client mo, katulad nang nagyari kanina? Paano kung ipakulong ka talaga nila?”

Tumawa ako at itinaas ang bracelet na suot ko, “Hindi nila magagawa yon, hanggat nasakin to,” tinignan niya nang malapitan ito, siguro, nag iisip kung bakit at ano ang sense ng sinabi ko, kaya pinakita ko sa kanya ang pendant non at pinindot, lumabas ang isang memory card.

“Para saan naman yan?” nagtatakang tanong niya.

“Nandito lahat ng baho ng bawat client at asawa ng client ko, pag ipinakulong nila ko, makukulong din sila, dahil ilalabas ko to, masama na kung masama, pero diba, kesa makulong ako mag isa, sa kulungan kami mag bardagulan, basta mas maganda at mas sexy ako kesa sa kanya, palag na yon,”

“Are you even for real?” hindi makapaniwalang sagot nya habang enjoy na enjoy sa pagtawa na akala mo ayun na ang pinaka nakakatawang bagay na narinig niya sa buong buhay niya.

“Saya yern? Bakit ba, may mali ba don?”

“Wala naman, it’s just, sanay ako na ikinahihiya ng mga tao pag ganyan ang topic,”

“Wala naman kasi sa bokabularyo ko magpakabog, saying naman ganda ko dzai, tsaka confidence na rin, kung wala ka nang ganda, pwede na yon,”

Makikipag kwentuhan pa sana ko nang may maalala ako na hindi nakakatuwang reminder, at talagang gusto ko pukpukin ulo ko, dahil sa katangahan ko.

“Yung ice cream ko! Tunaw na!”

Napatigil kami parehas nang tumunog ang phone nya, lumayo ako ng kaunti para bigyan sya ng privacy nang sagutin nya ang tawag.

“Hello?” medyo seryoso ang boses nya, hindi katulad noong magkausap kami kanina, “Yes?” nagulat ako at muntik mailaglag ang ice cream ko nang bigla siyang tumayo, “Right now? Okay, papunta na ko, hintayin mo ko,”

Pinatay niya ang tawag at mabilis na naglipat ng tingin sa akin, “M-nanay ko, dinala daw sa ospital tatay ko, pupuntahan ko,”

“Hala, sige go! Iwan mo na ko dito,” agad na sabi ko at nilagay ang mga kalat sa plastic.

“Are you sure? Gabi na, ihahatiod na kita,”

“Hindi na, ano ka ba, taga rito ko,” sinungaling! “Hindi ako maaano, gorabels na!”

Tinignan niya pa ko sandal bago tuluyang umalis, naiwan akong mag isa dito, nagtagal lang din ako ng halos limang minute bago tuluyang lumabas.

Nang makalabas ako, ay tsaka ko naramdaman ang matinding lamig, kaya lalo kong idiniin sa katawan ko ang jacket na suot ko.

“Alam mo ba si Ka jojo, aba, potangina non, kunwari pa matino, Nakita naming sa bar nung isang araw, nilalaplap si Charlotte, yung anak na bunso ni Efren!”

“Ang ganda ng katawan ng p**a na yon! Ang sarap, p**a!”

Mga manginginom talaga sa barangay na to, mga manyak, nakakaloka, kung anoa no pinag uusapan, kaya hindi umuunlad buhay eh, wow, akala mo naman matinog ako kung makapag salita ako sa kanila no.

“Hoy, diba si Amber yon!” napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko, “Tara muna, shot muna!”

Tumawa lang ako at umiling, “Mga gago, umuwi na kayo, mamaya mahuli nanaman kayo ng mga nag roronda dyan!”

Medyo napaatras ako nang tumayo si Alfred at gewang gewang na lumakad papalapit sa akin, walang pakundangan na inakbayan niya ako at kinayag kung saan sila nakapwesto, tinignan ko ang palaigid, tahimik na, at tanging mga street lights, at mga asong kalye lang.

“Mga gago, uuwi na ko, at pagod ako,” sagot ko, at pilit na pinapakalma ang sarili ko, “Ang baho mo ha, alis nga,”

“Dito ka muna,” sabi niya, nagulat ako nang bigla niyang pigain ang balakang ko, pababa sa puwet ko, “Grabe, ang tambok naman nito, ilan na ba naupuan mo nito?”

Nagtawanan pa sila at hinila ako papalapit, “Tara dito, shot ka muna, tapos umuwi ka na,” sabi ni Badger, akala yata bulag ako, eh hindi naman nakaligtras sa paningin ko ang paglalagay ni Badong nang kung ano sa ipapainom sakin, inabot kay Badger ang baso, “Oh, inom ka, tapos uwi ka na,”

Umiling lang ako, “Hindi na, kayo na lang, uwi na ko,”

“Eh maarte pala to eh, halika nga rito!”

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari, nararamdaman ko na lang na binubuhat ako papasok sa simenteryo, pero hindi natuloy dahil sa narinig ko na mga pito ng toda.

“HOY! Pakawalan nyo yan!” rinig ko na sigaw ng isa sa mga tanod, pero masyado na akong pagod para alamin kung sino pa yon.

Nagpulasan sila nang marinig ang paparating na mga tanod, Dapat sanay na ko, marami nang nakahawak sakin. I kept on muttering the same words, para matakpan ang sakit na nararamdaman ko.

“Amber, ayos ka lang ba, bakit ka ba kasi nandito?”

“Itayo nyo na, Amber, hello, Amber?”

Kahit walang lakas ang mga tuhod ko, tumayo ako, at lumakad papalayo sa kanila,. Sanay naman na dapat ako sag anito, nababastos, pero bakit ganon,. Bakit kailangan ipamukha sa akin nag anito na ako, na akala nila dito na ko mamamatay?

What the heck was that?

Ganoon na ba ko kababa sa paningin ng lahat ng tao? Dahil sa trabaho ko? Bakit, alam ba nila istorya ko?

Mga pukingina nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status