Share

Kabanata 14.1 - I don't know

We are here at Rouge Luxy, 10 PM mag i-start ang party pero inagahan namin ang punta para ayusin yung venue. I am with my friends dahil katulong ko sila sa pag-aayos, I can't fix this without them. Hindi ko na rin inabala sila Ate Laureen dahil alam kong busy sila, they owe me a lot daw. Marami ang inimbitahan nila since maraming circle of friends si Ate, sana all 'di ba? Friendly kasi siya unlike me, mabuti nga at kinaibigan ako ng mga bruha dahil kung hindi, wala siguro akong friends ngayon. 

I'm wearing black fitted v-neck dress ending inch above my knee revealing my cleavage slightly, I partnered it with silver stiletto, diamond necklace and earrings and my silver clutch bag. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko at kinulot ko ang dulo nito.

"Okay na ba yung food, Iris?" I asked her, I'm a little bit nervous kasi baka hindi nila magustuhan ang ayos ng venue or ang food na ihahanda namin. I invited Oly para kaming dalawa ang mag-host sa mga palaro mamaya, I don't care if he's a guy, nagpaalam naman na ako kay Ate Laureen and she said it's okay daw. 

"Easy girl, ako ang nagluto nito kaya masarap 'to," sambit niya habang hinahalo ang kung ano doon. Hindi pa siya nakabihis pero may dala naman siyang damit. Sabi niya'y ayos lang daw sakaniya. 

Pumunta naman ako sa counter top para itanong sa bartender kung ayos na ang lahat ng nandoon, she gave me a nod. I sat on the stool and asked for a wine to calm myself. I took out my phone from my clutch bag and open my IG, I saw some posts of my friends and other colleagues until someone message me. 

@inikolaij: Where are you? 

Napasapo ako nang mabasa ang message niya, bigla akong kinabahan na ewan. Ang weird sa feeling, hindi ko ma-explain. Hindi ko nalang ni-replyan at akmang ipapasok na sana ang phone sa bag nang mag message ulit siya.

@inikolaij: Are you ignoring me? 

Hindi ko nalang pinansin 'yon at naglakad na papunta sa couch namin kung saan nakahilata ang mga gaga. Tumabi ako kay Adel na naka earphones at nagpa-practice para sa kakantahin nila ni Iris mamaya. Yes, they will perform later. Maganda ang boses ni Adel at Iris, malamig sa tainga. Basta maganda!

"Bitch, are you okay?" tanong ko sakaniya. Nag thumbs up naman siya kaya humarap naman ako kay Mads na ngayon ay nakatunganga sa phone niya. Napatingin siya sa 'kin saglit at napairap bago umayos ng upo.

"Bitch, ayan ka na naman. Easy ka nga girl, ayos na yung sound system at papunta na rin daw yung dj na inimbitahan ni Ken. Calm down," aniya. Napatango nalang ako sakaniya, maybe I'm pressuring them or ako ang nape-pressure.

"Yes, he's on the way na raw. Kalma kalang girl," singit ni Ken sa usapan.

"I want this to be perfect, you know me," sambit ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Grace na nasa gilid ko. Nanonood lang siya ng videos, more on vlogs.

"Why don't we start vlogging? Like travel vlogs or what," singit nito at sinamaan naman siya ng tingin nila Madison kaya nanahimik siya. Nanood nalang siya ng tahimik. 

"You want everything to be perfect, duh?" inirapan ako ng kararating lang na si Iris. Tapos na yata siya magluto at nakabihis na rin siya. 

Ganoon lang ang ginawa namin habang hinihintay sila Ate at ang iba. Madami pa kaming oras dahil maaga pa at 10 PM pa mag start ang party kaya nagkwentuhan lang kami.

"Oh right, I know him! Siya yung guy na kasama mo noong nagpunta kayong univesity para ibigay yung books na hinihiram ko 'di ba? He's the annoying guy I almost kill, muntik ko na siyang mabangga!" pagkukwento ni Kendall. 

We are talking about the Lozanos and I suddenly mentioned Travis' name. Na-encounter na pala siya ni Ken before sa thumbs.

"So you knew him and you think he's annoying yet you gave him a high five? Bitch?" I sarcastically said with hand gestures pa.

Natawa ang mga kaibigan namin at inasar pa siya. 

"I don't know okay, 'di ko masyadong tanda kasi lasing na 'ko noon. Ang klaro lang sa utak ko yung nag call kami ni Mads and— oh wait! Hoy, Imogen Riese!" Sinabunutan niya si Iris na focus sa pag papractice ng kanta kaya nabaling ang atensyon sa'min ni gaga.

"What?" singhal nito pero nginitian siya ng nakakaloko ni Kendall. 

Maging ako sa kuryoso sa kung anong sasabihin nito. 

"Who's the guy who take you home? I saw you kaya, may kasama kang guy palabas ng bar that night and you are wasted as fuck so it's possible na you fuck each other that night— ouch, bitch!" Napahawak si Ken sa buhok niya nang sabunutan siya ni Iris dahil sa kadaldalan nito. Mukhang may hindi sinasabi sa'min si gaga kaya lahat kami ay nakaabang sa kung anong explanations niya.

"We didn't do that okay? Nothing happened, hinatid niya lang ako sa bahay dahil nga lasing na 'ko. Utak mo malaswa, Kendall!" paliwanag nito but I'm not satisfied, we are not satisfied!

"So who is this guy nga?" tanong agad ni Grace na tapos na pala sa panonood, I was about to ask that question pero naunahan niya 'ko.

Ngumiti ito ng pagkalawak-lawak, lalo akong na-curious! 

"Secret muna, baka mausog. Malas pa naman kayo," sambit nito at isinuot ulit ang earphones niya para umiwas sa topic pero tinanggal niya rin naman agad.

"Iyang si Treia ang kailangan mag kwento ngayon. Mukhang may something na sakanila ni Mr. Jauregui," sambit pa nito.

I knew it, paikot lang 'yan. Kapag tapos na ang isa, yung isa naman ang ma-hohotseat. Walang takas. 

"Kaya nga, did you see her story? They looked like a couple kaya, I screenshot it para may pang asar," sambit ni Adel, as if maaasar ako sa ginawa niya.

I already forgot that I posted our picture on my IG story. Mga friends ko lang naman ang nakakita no'n pati na rin sila Isaiah kaya hindi nag-trending. Pati ako'y sumisikat dahil sakaniya, hindi nga lang taga-hanga ang meron ako, taga-hate. 

They were looking at me as if I committed a huge crime. Hinihintay nila ang sasabihin ko at hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko, pati ako ay naguguluhan na rin.

"Do I need to say something? Me and Isaiah don't have a thing okay? We're just.. I don't know basta we're not friends din daw," I uttered.

Kuryoso nila akong tiningnan at tila naguguluhan na rin. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano nga ba kami. 

"You're not friends so it is possible na maging kayo? I mean, there's a chance right? Kasi hindi mo siya kinaibigan," Adeline muttered, they were all looking at me, waiting for me to speak but I just sighed. 

"I offered him a friendship but he refused," I said in a low voice. I'm confused now, I don't know!

"Do you like him?" Ken asked with worried face. 

Napaangat ako ng tingin dahil doon. To be honest, I don't know.. 

"Do you think he likes me?" I asked instead of giving them an answer.

They all looked serious but I can sense the worry on their faces. 

"We don't know," Grace answered, I gave them a smile to assure that I'm okay.

"I don't know either," sambit ko bago tumayo dahil natatanaw ko na sila ate at mga kaibigan nito na papasok na ng bar.

"Wow, you guys did this?" Ate Merliah said, I can see how amazed she was.

"Yes, my friends helped me," I answered, giving them a hug. I saw Ate's smile and she gave me a wink before entering the bar.

Makalipas ang ilang minuto ay sunod sunod nang pumasok ang mga kaibigan ni Ate, madami nga sila pero hindi naman sapat para mapuno ang bar kaya ayos lang. Nag start na kami, ni-ready na yung food dahil kakain na muna bago mag proceed sa mga kinemeng hinanda namin na palaro. Food muna syempre para may lakas sila, puro alak na kasi mamaya. Naglakad ako papunta kay Laureen na ngayon ay nakaupo sa stool at hawak ang phone niya. Dumating na rin kanina si Oly at kausap niya ngayon ang mga kaibigan ko. They got curious about him, ang hot daw kasi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status