Share

Kabanata 6.2 - Awkward

Nag-usap ulit sila tungkol sa kasal at na-bored na naman ako. Maya-maya ay biglang may sumipa sa 'kin, napatingin ako sa kaharap ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Travis. Napaka-gago naman nito, inirapan ko nalang siya.

Napapaangat lang ako ng tingin tuwing hinihingi nila ang opinion ko. Napag-desisyunang beach wedding na ang magaganap at sa Batanes ang napili nilang island. Pinagpipilian nila ngayon kung anong kulay ang magiging theme para sa kasal. 

"It should be boho outfits kasi beach wedding, e." si Ate Laureen. 

I glance at my sister and she seems not pleased by it. Alam ko ang tipo ni Ate at masasabi kong ayaw niya sa boho na gusto ni Laureen. 

"Gusto ko kasi iisang color lang para magandang tingnan sa picture, gusto ko pa rin ng traditional kahit papaano, naka-gowns and suits ang mga bisita. Formal pa rin," ani Ate Dria.

Nakinig lang ako sa usapan nila. Ate wants mint green while Kuya Froi suggested blue. 

"Turquoise," sambit ko. 

Ngayon ay sa akin naman napunta ang atensyon nila. Nakakunot ang noo ni Laureen habang sila Ate naman ay naghihintay ng paliwanag ko. 

"Ate Dria wants green while Kuya Froi prefers blue, why not Turquoise? Parang pinaghalong blue and green naman 'yon. And the fact that we're doing a beach wedding, perfect fit ang turquoise theme. Sa mga lalaki naman, pwedeng creme color tapos may flower na turquoise color sa left side ng chest," paliwanag ko. 

They all agree with me. Nanahimik na ulit ako nang mag-iba ang usapan nila. Panay din ang tingin ko sa orasan, napakabagal nito gumalaw. 

"Travis, ilibot mo muna sila Chantreia at Charmaine sa garden, mukhang nabo-bored na sila rito, escort them." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Mommy ni Kuya Froi. No way, mas gugustuhin kong ma-bored dito kesa mmakasamaang lalakeng 'yan! 

"Sure, Mom," nakangising sagot nito. Wala akong nagawa kundi ngumiti ng hilaw bago tumayo para sumunod sakaniya. Hawak ko naman sa isang kamay si Maine. 

"You can play there, Charmaine. May tree house kami dyan." Turo niya sa tree house. Nandito na kami sa garden nila, malawak ito at may pool sa gilid. Doon naman sa tinuro niya ay may tree house na hindi masyado kalakihan pero tingin ko ay magkakasya ang sampung katao. Ang ganda!

"Careful!" paalala ko nang bumitaw sa 'kin si Maine para umakyat sa tree house na 'yon. Nang makaakyat na siya ay hinarap ko si Travis at sinamaan ng tingin.

"Don't smirk, nakakairita," seryosong sambit ko sakanya at mas lalo niya 'kong ininis, ngayon ay natawa na siya. Nilagpasan ko siya at umupo nalang ako sa isang bench.

"I think I saw you before," aniya habang papunta sa puwesto ko para umupo rin.

"I think I don't care," sambit ko at lalo siyang natawa. Pati ang tunog ng tawa niya ay nakakainis. Hindi ko alam kung sakaniya ba 'ko naiinis o dahil ang bagal ng oras. Tsaka teka nga, bakit ba 'ko nagmamadali? Si Isaiah lang naman 'yon. Napangisi ako sa isip-isip ko. Tama, maghintay siya doon, 'di ko kailangan magmadali!

"Why are you smiling?" nagtatakang tanong niya, hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa tree house at inaabangang bumaba si Maine. 

"Why do you care?" sagot ko. Biglang nag-vibrate ang phone ko, 8:30 PM na. Kailangan ko na umalis dahil traffic at matatagalan ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa tree house para tawagin si Maine. Buti at bumaba siya agad.

"Why so fast, Ate? Hindi pa nga 'ko nagpe-play, e." At heto na naman ho siya sa conyo-conyo niya. Minsan ginagaya ko siya para lang asarin siya. Bilis niya maasar, e. 

"Why so arte magsalita? It's not bagay," pang-iinis ko. Inalis niya ang hawak sa 'kin, inapakan ang paa ko bago naglakad papasok ng bahay nila Kuya Froi. Attitude ka sis? 

Lumapit ako kila Papa na ngayon ay nasa sala na at nag uusap. Sumenyas ako kay Ate at tumango lang siya.

"Mauna na 'ko, Pa. May pupuntahan pa ko, e," paalam ko, kita ko naman ang panliliit ng mata ni Mama. Gusto kong matawa kaso nandito pa ang Mommy ni Kuya Froi, nakakahiya.

"Nagpaalam na sa 'kin yan, Ma. Mukhang magkikita sila ng boyfriend niya," malokong sambit ni Ate.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, fake news siya! Pero dahil sa sinabi niya ay nag-iba ang timpla ng mukha ni Mama, parang sumaya pa.

"May boyfriend ka na?" tanong ni Laureen, umiling naman ako.

"Wala raw pero may nakita akong pants at t-shirt ng guy sa kotse niya," sambit ni Ate. 

Doon na ko nainis, nakakahiya! 

"Kung boyfriend mo ang pupuntahan mo, anak, sige at umalis ka na!" pagtataboy sa 'kin ni Mama. Tawa lang sila nang tawa at ako naman ay hiyang-hiya! Nakakainis!

"Sa kakilala ko 'yon! Ibabalik ko lang!" paliwanag ko pero mukhang wala ng saysay 'yon. Tiningnan ko ng masama si Ate na tawang-tawa sa kahihiyan ko, sana matalisod siya habang naglalakad palapit sa altar! 

"Hindi na pala kayo pwede ni Travis dahil may boyfriend ka na, hija. Sayang naman," sambit nung Mommy ni Kuya Froi at nagtawanan na naman sila. Pati yung Travis ay nakitawa sa likod ko. 

"Sige na, mauna ka na at baka kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo. Mag iingat ha," paalala ni Papa, pati ba naman siya? 

Wala na 'kong nagawa, humalik at yumakap ako sakanila bago ako umalis. Gusto ko sana sabunutan si Ate pero mamaya nalang o kaya bukas kapag nasa bahay na. Nakakahiya, nakatingin kasi yung family ni Kuya Froi, baka sabihin ako pa ang brutal.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko, nag-message muna ako kay Isaiah na papunta na 'ko bago pinaandar 'yon. As expected, traffic nga kaya lagpas alas-nuwebe na 'ko nakarating sa condo niya. Naghintay lang ako sa lobby kasi ayaw kong umakyat sa unit niya. Nakakahiya 'yon, hindi naman kami magkakilala tapos pupunta ako? Feeling close lang? 

Finally, I saw him! He's wearing gray hoodie, black cargo shorts at nike one strap na tsinelas. Napatayo ako nang makarating siya sa harap ko, nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay sinusuklay ang buhok niya. 

Kinda hot. 

"Let's go," sambit ko at nagsimula ng maglakad pero hinigit niya 'ko at inakbayan, aalisin ko sana yon nang may ibulong siya.

"Tasha's here, don't look back."

Gaya ng sabi niya, hindi ako lumingon. Tsaka lang ako lumingon nang makalabas kami, natanaw ko ang sinasabi nilang Tasha na nakasakay na sa elevator. Tinanggal niya na ang pagkakaakbay sa 'kin at sinundan na 'ko papasok sa kotse ko.

Binuksan ko ang sasakyan, pasakay na sana ako sa driver's seat nang makita kong tumigil siya.

"Sakay," sambit ko, tinanguan niya 'ko bago sumakay sa kotse.

"Saan mo 'ko dadalhin?" kalmadong tanong niya habang inaayos ang seat belt.

"We're going to tagaytay, na-miss ko ang bulalo, e," sagot ko at pinaandar na ang sasakyan. 

"Why didn't you ask your friends to join you?" tanong niya, right! He's wondering, bakit nga ba siya ang kasama ko ngayon.

"Tingin mo isasama kita kung pwede sila? I already asked them kanina, they're all busy," sagot ko, napatango-tango lang siya. Hindi naman masyado malayo ang biyahe from Manila to Tagaytay kaya 'di hassle lalo pa't gabi na. Gusto ko lang talaga ng fresh air and bulalo, gusto ko rin igala si Grey. 

"Bakit ang tagal mo? Saan ka galing?" tanong niya, na-awkward-an na yata siya kaya kung ano-ano nalang ang itinatanong. I mean, we're not friends kaya! Just a random stranger, magkasama ngayon, weird 'di ba? 

"Traffic, galing akong family dinner," sumulyap ako saglit para ngitian siya. Napa-tango nalang siya.

"Pwede pakiabot nung paper bag na black dyan sa likod, may tsinelas ako dyan. Pakikuha naman," sambit ko, sinunod niya naman 'yon habang ako ay pinark saglit sa gilid yung sasakyan.

Masyadong masakit ang paa ko kaya mas okay kung magpapalit ako ng tsinelas. Tinanggal ko ang stiletto at nilagay 'yon sa likod, sinuot ang tsinelas bago pinaandar ang sasakyan.

"Namumula ang paa mo, you should not wear things that you are not comfortable wearing," sambit niya, na-conscious tuloy ako bigla. Tinitingnan niya pala ang paa ko, nakakahiya!

"It's an important event so I must look presentable. Isang araw lang naman tsaka masasanay din ako dyan," sagot ko sakaniya na nakatingin lang sa labas ng bintana. Is he thinking about something? Mukhang malalim ang iniisip niya.

Binuksan ko nalang ang radio para naman mabawasan ang awkwardness dito sa loob ng sasakyan. Agad siyang napalingon nang mag play na yung kanta.

Awkward.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status