Share

Kabanata 7.1 - Boyfriend

Biglang nag-play ang kantang 'Pangarap lang kita' ng PNE. Agad namang napalingon si Isaiah nang tumugtog 'yon kaya napalingon din ako sakaniya sandali.

"You know this song? Fan ka rin ba ng PNE?" masiglang tanong ko sakaniya.

"I heard their songs but I'm not a fan," sagot niya, mukhang nag-iba ang mood niya. Nagsisi yata na sinamahan pa 'ko ngayong gabi, dahil dyan ako ang magbabayad ng kakainin namin mamaya! Swerte niya nakalibre siya ngayon.

Kung may kasama lang ako, hindi ko na siya aabalahin. Kaso wala akong choice, hindi ko naman kayang ako lang mag-isa ang magtungo sa lugar na 'yon. 

"This song is dedicated for those guys na hindi pa maamin yung feelings nila dun sa mga gusto nila. I remember someone sang it in front of me, God! That's bravery, ang tapang niya kasi kumanta siya even though hindi ganoon kaganda yung boses niya in front of many students! And I admire him for doing that. Such a brave guy," pagkukwento ko, nakuha ko naman agad yung atensyon niya.

"What did you do then?" tanong niya, focus lang ako sa pagdadrive habang sinasagot ang mga tanong niya.

"Sabi ko, I don't like him but I appreciate him singing in front of me para kahit papaano ay hindi siya masyadong masaktan. We were like, grade 10, I think? Valentines no'n, e. I hope he already found someone who will love him as much as he does," kwento ko pa. I'm apologetic but I don't sounds like naaawa ako. I don't know, I'm not that good at expressing my feelings.

"Man down, you're really a heart breaker." He chuckled kaya natawa na rin ako, natawa ako sa tawa niya hindi sa sinabi niya.

"No I'm not, I'm just being honest. Mas mabuti na 'yon kaysa naman magka-false hopes pa sila." Napa-tango ulit siya.

"But you should pick right words, yung hindi masyado masakit pakinggan. Magkakaiba tayo ng level of sensitivity, malay mo yung iba sakanila nag-struggle na sa mental illness tapos nakadagdag ka pa," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa daan.

"What's wrong with the words 'I don't like you' ba?" kalmado kong tanong, minsan napapalingon ako sakaniya kasi nakatingin siya sakin tapos iiwas lang. Ang weird tuloy.

"No, there's nothing wrong with those words. The way you said it, that's the problem."

Huh? E paano ba dapat? With feelings ba dapat? 

"I don't get you, line ko na 'yon since highschool ako at effective naman, lumalayo na sila sakin after. That's all I want," sagot ko.

"Never mind, weirdo!" sambit niya at nanahimik ulit kami.

Sanay naman akong tahimik, ewan ko lang sakaniya. Bahala siya!

"Is it a date or what?" Lambabasag niya sa katahimikan. Muntik na 'ko mag-preno, pabigla-bigla siya ng tanong.

"Duh? Would you call it a date, e, hindi nga kita kilala tsaka—" he, then, cut me off. The fuck? 

"Tsaka may boyfriend ka na, love ang endearment niyo right? Sounds cheesy. Why didn't you ask him to join you? Bakit ako?" tanong niya, another the fuck? Boyfriend? 

"Huh? Saan mo naman nabalitaan 'yan?" tanong ko bago hininto ang sasakyan, nandito na kami sa paborito kong spot sa Tagaytay. Para siyang tuktok ng bundok kasi kita mo yung city lights. Binuksan ko ang likod ng sasakyan para doon maupo. Hindi na ulit siya nagsalita, ni hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumayo ako, kinuha ang phone ko para picturan ang view, napakaganda!

Ini-story ko yon sa IG with the caption 'it's too good to be back'. Alam kong dadagsa ang mga messages sa 'kin mamaya kaya in-off ko na ang phone para hindi ma-receive 'yon. Nang tumalikod ako pabalik sa kotse ay nakita kong nakatutok sa 'kin ang phone ni Isaiah kaya napatakip ako ng mukha at dali-daling lumapit sakaniya para i-delete 'yon.

"Delete that," seryosong sabi ko habang naka-crossed arms at nakatayo sa harap niya. He didn't bother to face me, hawak niya lang ang phone niya at may tinitingnan doon.

"It's almost midnight, madilim na. Ni hindi nga kita ang mukha mo dahil nakatalikod ka," paliwanag niya. Napairap nalang ako at pumasok na sa sasakyan.

"Let's eat bulalo, 'yun naman talaga ang pinunta ko," sabi ko nalang bago sumakay, hinintay ko siyang makapasok bago paandarin ang sasakyan para magpunta sa isang maliit na restaurant.

Ito ang madalas kong kinakainan tuwing napunta ako rito, kilala na nga 'ko ng may ari nito. Masarap kasi ang bulalo sakanila kaya nahiligan ko.

"Hi, Manang!" bati ko sa matandang babaeng nasa cashier. Nagulat naman siya nang makita ako at dalidaling lumapit sa 'kin at yumakap, niyakap ko rin siya pabalik. 

"Sus maryosep ineng, buti at napadaan ka. Mahal, nandito si Chantreia!" sambit niya. Lumabas naman ng kitchen si Manong nang marinig ang pangalan ko. Halata ang pagkagulat sa mukha niya at lumapit din sa 'kin para yumakap, halata namang naguguluhan si Isaiah sa nangyayari.

"Halina't maupo ka muna. Rosa, mag-serve ka ng bulalo para kay Chantreia, special ha," sambit ni Manang at hinila ako papunta sa isang lamesa, doon sa bandang dulo kung saan ako laging nakapwesto habang si Manong naman ay bumalik sa kusina.

Tiningnan ko lang si Isaiah na nakasunod sa'min, tiningnan din 'yon ni Manang at tumingin muli sa 'kin, nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa 'kin.

"Maupo ka hijo, ikaw ba ang nobyo nitong si Chantreia?" tanong ni Manang sakaniya, tiningnan ako ni Isaiah bago binalik ang tingin kay Manang at umiling.

"We're not together.. po," sagot niya, natawa ako kasi nahuli pa yung 'po'.

"Ganoon ba? Kasi bihirang magdala ng kaibigan 'tong si Chantreia rito. Nakakagulat lang na pagkatapos ng dalawang taon, ngayon na lamang siya nakabalik at may kasama pang binata. Ngayon lamang siya nagdala ng lalake rito," kwento ni Manang.

Napangiti naman si Isaiah, what's with the smile? 

"Naku, Manang. Kumusta na po kayo?" pag-iiba ko ng topic dahil medyo naiilang na 'ko sa usapang boyfriend-boyfriend na 'yan.

"Ikaw ang kumusta na ineng, pasensya ka na at hindi ako nakadalaw ha? Walang maiiwan sa restaurant tsaka ang dami laging customers. Pasensya ka na talaga, ineng." Kita ko ang lungkot sa mukha ni Manang habang hawak pa ang kamay ko. Lalo akong nailang sa topic.

"Okay lang po. Saan po pala yung restroom? Doon pa rin po ba?" pag-iiba ko ulit ng topic, ramdam kong na curious na si Isaiah. Ayoko na rin maalala yung mga nangyari sa past.

"Ay naku, wala naman kaming binago rito. Nadagdagan lang, oo ineng doon pa rin ang restroom," sagot ni Manang kaya tumayo na 'ko.

"CR po muna ako," sambit ko, nginitian ko siya bago naglakad papuntang restroom. Gosh, I can't stand it! Hindi ko pa pala kaya! 

Naghugas lang ako ng kamay at chineck yung phone ko, ang daming missed calls galing kay Ate at sa mga kaibigan ko, may texts din mula sakanila. 

To: Ate Dria

I'm fine, don't worry.

Pagka-reply ko ay pinatay ko na agad ang phone at lumabas na sa restroom. Kakain lang kami ng bulalo at pagkatapos ay uuwi na. Gusto ko lang talaga magpunta rito, gusto ko malaman kung okay na 'ko.

Pagkarating ko sa table namin ay wala na si Manang dun. Halata naman ang pagtataka sa mukha ni Isaiah but thank God! Hindi siya nagtanong o nagsalita man lang. Mga ilang saglit pa ay dumating na ang special bulalo, my gosh! Amoy palang, masarap na!

Nagsimula na 'kong kumain, si Isaiah naman ay may kung anong kinakalikot sa phone niya. Hindi ko nalang siya pinansin, maya-maya ay kumain na rin siya. Walang nag-insist magsalita, ang awkward.

"Yung.. ano. Yung sinasabi mo kanina? Sinong nagsabi sayo no'n?" pambabasag ko sa katahimikan, I'm referring to the boyfriend thing.

"I heard you at the bar and Imogen also told me that you.. uh.. you had a boyfriend," sambit niya without facing me, how rude.

So narinig niya pala yung sinabi ko sa thumbs? Natawa ako bigla, he didn't even know it! I laughed.

"Why are you laughing?" kunot-noong tanong niya kaya mas lalo akong natawa. He looks so innocent in my eyes now.

"I'll introduce you to him, bilisan mo kumain," utos ko. 

"No way," masungit na sabi niya pero binilisan din naman ang kain, parang tanga lang.

Tinitingan ko lang siya habang kumakain, grabe walang ka pores-pores. Ano kayang skin care nito? Matanong nga sakaniya 'yon one time. Ano rin kayang sabon niya? Ang kinis, e. Bakit ang unfair, kinis ng balat niya. Kapag nagtabi siguro kami ay mas maputi ako ng kaunti pero mas makinis siya, may pagka-morena ako, tan naman siya. I love my skin color, proud ako sa balat ko pwera nalang kapag tinabi nyo sa 'kin si Ken, Adel at Mads. Napakaputi ng mga 'yon e. Si Grace naman maputi rin pero 'di gaya ng puti ni Ken, si Iris naman ay morena rin kagaya ko, mas darker lang kulay niya sa 'kin. Bakit ba kasi ngayon lang ako natuto mag-ayos? 

"Hey, let's go?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses niya. Agad kong iniwas ang tingin, tinawag yung isang waiter para magbayad, nag-insist si Isaiah na siya na raw ang magbabayad pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa.

"Fine, I'll drive." Gusto kong tumutol pero pagod din ako kaya hinayaan ko nalang siya. Nagpaalam na kami kay Manang bago pumunta sa sasakyan. Tumigil ako sa tapat nito, hinila ko siya palapit na ikinagulat niya.

"Isaiah, meet my boyfriend, Grey," sambit ko habang nakangiti at itinuro pa ang sasakyan ko. Nagtaka siya pero natawa rin naman after, he chuckled and it's cute! 

"Nice to meet you, Grey," sambit niya at tinapik pa ang taas ng sasakyan ko, bro thing.

Nilahad niya yung kamay niya sa 'kin, nagtaka pa 'ko kung para saan 'yon at nang malinawan ay ibinigay ko agad sakaniya ang susi ng sasakyan bago pumasok at umupo sa front seat.

"Ingatan mo jowa ko, first time ko 'tong pina-drive sa iba at sayo pa talaga, swerte mo," paalala ko sakanya.

"Yes, Madame," natatawa niyang sabi bago nagdrive paalis. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status