Beranda / Semua / Behind the Scene / Kabanata 6.1 - Dinner

Share

Kabanata 6.1 - Dinner

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-10 13:00:00

Ngayon ang dinner namin together with the Lozano's, Kuya Froi's family. Ang kwento ni Ate ay tatlo rin daw silang magkakapatid, panganay si Kuya Froi, isang babae na sumunod sakaniya at isang lalake na bunso, ka-edad ko lang daw yung lalake and he's studying in Western University near Roosevelt, walking distance lang siguro 'yon. Famous basketball player daw pero hindi ko kilala, ano kaya 'yon? 

"Ate, anong oras matatapos yung dinner?" tanong ko sakaniya.

Nagre-ready siya ngayon ng isusuot niya para mamaya. Nandito ako ngayon sa kwarto niya para manggulo.

"Bakit? May date ka?" natatawa niyang tanong, sagot ang kailangan ko hindi isa pang tanong. Ang galing talaga nito!

"Parang ganoon na nga." Sinabayan ko lang ang trip niya.

Tumigil siya sandali sa ginagawa niya at naka-pamewang na hinarap ako. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay kalmadong nakahiga sa kama niya.

"MAMAAA!! Si Chantreia Sage may boyfriend na!!" sigaw niya naman, parang tanga lang. Nasa banyo si Mama kaya alam kong hindi maririnig yung sigaw niya, binato ko nalang siya ng unan.

"You wish!" simpleng tugon ko at sinundan ng malakas niyang pag-tawa, binalik niya na rin ang atensiyon niya sa paghahanda ng isusuot para mamaya. 

5:30 PM na at kailangan 6:30 PM ay nandoon na kami.

"Pwede ka na siguro umalis ng 8:30 PM, saglit lang naman 'yon. Kainan lang tapos mag-uusap lang tungkol sa kasal, pagpaplanuhan na. Ayos sana kung nandoon ka para may mai-suggest ka rin pero kung may pupuntahan ka, okay lang," sagot niya habang nag aayos.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na si Ate. Masaya dahil masaya siya, nakakalungkot kasi bubukod na siya ng bahay.

"Okay," sambit ko, napatingin na naman siya sa 'kin at naka-pamewang na naman. Ano na naman ba 'yon? 

"Bakit ka nga pala nandito? Mag-ayos ka na! Mamaya aalis na tayo," pasigaw na sabi niya, hahagisan niya sana ako ng unan kaya mabilis akong tumakbo palabas, napaka-brutal niya talaga.

8:30 PM pwede na umalis, kinuha ko ang phone ko at dali-daling nag-message kay Isaiah. 

@treiaaafabregar: later 9 PM, g? 

Wala pang ilang segundo ay nag-reply na agad siya

@inikolaij: g 

Ang tipid naman nito.

@treiaaafabregar: don't bring your car, i'll pick you up. NO BUTS! 

@inikolaij: k whatever woman, meet me at DTower.

Hindi na 'ko nag-reply, alam ko naman ang lugar na 'yon dahil pagmamay-ari 'yon ng family nila Kendall. They own condominiums and hotels kasi. That's their business kaya interior design ang kinuha niyang course.

@inikolaij: take care

Ha? Weird. Di nalang ako nag-reply kasi kailangan ko nang mag-ready para mamaya. 

I am wearing pastel pink fitted sleeveless dress that is above the knee paired with black chanel croptop jacket and pink stiletto. Sinuot ko rin yung gift ni Mama na kwintas na may butterfly pendant and para matapos na 'to, kinuha ko ang chanel handbag kong pastel pink. Maliit lang 'yon at sakto sa outfit ko ngayon. Hindi naman ako pink lover pero trip ko lang mag pink ngayon.

Naglagay din ako ng kaunting make up, lip and cheek tint,  I brushed my brows and curled my lashes. Sa buhok naman, hinati ko sa gitna 'yon, I prefer straight hair ngayon kaya para hindi magmukhang plain, nilagyan ko ng dalawang clip sa magkabilang gilid. Mukha tuloy akong bata and I like it.

Bumaba na 'ko dahil narinig ko na ang busina ni Papa, ako nalang pala ang hinihintay. Sumabay sa 'kin si Ate, mukhang hindi na siya gaano kinakabahan kapag ako ang driver. Masasanay din siya.

"Mukha kang mabait ngayon ah," sambit niya nang simulan ko nang paandarin ang sasakyan.

"Ikaw naman kalmado, sana ganyan ka hanggang mamaya," sagot ko sabay tawa. I can't wait to see her reaction, dati kasi palagi niyang kinukwento sa 'kin kung gaano ka-strict ang parents ni Kuya Froi. Kinabahan daw siya na parang natatae tuwing kakausapin siya nito. Well, goodluck sis, sana hindi siya matae mamaya. Ramdam ko rin na kinakabahan siya noong nag-dinner kami sa bahay, e. 

Traffic kaya lagpas 6:30 PM na kami nakarating pero ayos lang naman daw sabi ni Kuya Froi na sumalubong sa'min sa labas ng bahay nila. Naghahanda palang naman daw ng food. Nakipag-fist bump siya sa 'kin bago ako sinuri, alam ko na ang nasa utak niya. Napatingin siya kay Ate at parang may pinag-uusapan sila bago tumawa. Natawa siguro sila dahil sa clip sa buhok ko, mukha raw akong mabait na bata sa ayos ko. Parang mga baliw, kawawa magiging anak nila, baka maging kamukha ko pa. 

Pagkapasok namin ay bumungad sa'min ang dining nila, naghahanda na ang Mommy ni Kuya Froi. Halata ang katandaan dito pero maganda pa rin. Mukhang masungit gaya ng sabi ni Ate pero tuwing ngumingiti siya ay nagbabago ang tingin ko sakaniya. Siguro dapat lagi siyang naka-ngiti para hindi siya mag-mukhang intimidating.

Nakipag-beso si Ate sakaniya. Ganoon din ang ginawa nila Mama, nag beso-beso sila at nang ako na ang ipinakilala ay magmamano sana ako bilang paggalang pero pinanlisikan ako ng mata ni Ate kaya napabeso rin ako kahit nakahawak na 'ko sa kamay niya.

"Ang lambot po ng kamay niyo, sana all," pagpapalusot ko kaya lalo akong pinanlisikan ng mata ni Ate. Akala ko ay magagalit yung Mommy ni Kuya Froi pero natawa lang siya kaya nagsitawanan sila, parang mga baliw lang. 

Napatigil lang kami sa pagtawa nang may bumaba mula sa hagdan nila, isang babae at isang lalake. Sila na yata ang mga kapatid ni Kuya Froi.

"Hi, sister-in-law! Tita Charlotte, Tito Christian!" masiglang bati nung babae, maganda siya. Naka-dress siyang off shoulder na blue, above the knee rin. Ka-edaran lang siguro to ni Ate, mas matanda kasi ng two years si Kuya Froi sakaniya. Niyakap niya si Ate, ganoon din ang ginawa niya kila Mama bilang paggalang, halatang masiyahin siya. At nang ako na ang yayakapin niya ay napatigil siya.

"Is this her, sis? ito na ba si Treia? Yung sinasabi mong mahilig sa filming? You look prettier than the last time we saw each other!" sambit niya bago ako yakapin, wala naman akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. Nakita ko na siya noon, hindi ko lang matandaan kung saan or kailan.

"She's good at taking pictures din, sabi ko nga pwede din siyang photographer," kwento pa ni Ate. Hindi ko alam kung si Ate ba ang ikakasal o ako kasi parang ako ang topic nila.

"Really? What's your course ba? Is it related to filming?" tanong niya, napatingin muna ako kila Ate bago sagutin 'yon.

"Ah, no. I'm a psychology student," sagot ko, nag-taka siya pero wala na rin siyang nagawa nang biglang magsalita ang lalaking kanina pa nakatayo sa gilid.

"Ate ang daldal mo," sabi nito na halatang iritable. Inirapan naman siya ng Ate niya.

"By the way, this is Laureen my sister and Travis my brother," pakilala ni Kuya Froi sa mga kapatid niya.

"Trav, she's the girl I'm talking about. You should get to know each other, hija. Mabait naman itong anak ko, minsan nga lang," sambit nung Mommy nila kaya nanlaki ang mata ko. 

Are they serious? Hulma palang ng mukha nung lalaki na 'yon, halatang 'di gagawa ng maganda, e. Syempre, biro lang. 

Pagkatapos ng introduce yourself, char. Pagtapos no'n ay naupo na kami para kumain. Pinag-usapan lang nila yung sa kasal, nakaka-bored na kaya hinintay ko nalang mag 8:30 PM para makaalis na. Bored kong tinutusok-tusok yung steak nang mapansin kong nasa akin na naman pala ang topic.

"Po?" sagot ko nang tawagin ako ni Laureen. Nakita kong natatawa-tawa pa sila kaya napakunot ang noo ko.

"Kanina mo pa minumurder 'yang steak," bulong sa 'kin ni bunso na narinig din nila kaya nagtawanan na naman ang lahat, napasimangot ako kay Papa nang makita kong nakitawa rin siya. Siya pa naman ang lagi kong kakampi kapag ganitong sitwasyon.

"So I'm asking if you're interested, ipapakilala kita sa photographers na kilala ko, dadalhin kita sa shoot para maipakilala ka personally," sambit ni Laureen, masyado akong nagulat na na-excite sa sinabi niya pero 'di ko pinahalata 'yon.

"Naku, huwag na po. Wala rin akong time sa mga ganiyan," paliwanag ko at ngumiti ng hilaw. 

"Ganoon? Sayang naman, bihira lang yung ganiyang talent, hindi dapat sinasayang 'yan." Halata naman ang lungkot sa boses nito, nginitian ko nalang siya ulit.

"You should try it anak, wala pa naman kayong klase kaya may time ka pa para doon."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Hindi ko in-expect na sasabihin niya 'yon. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Okay po," sagot ko.

Napapalakpak naman si Laureen sa sagot ko at i-schedule niya na raw kung kailan niya 'ko isasama sa shoot niya. Model kasi siya at Laureen nalang daw ang itawag ko sakaniya. Nakakatanda raw ang Ate sabi niya, pumayag nalang ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status