Share

Chapter 4 Boner

Chapter 4

Boner

I was woken up by my alarm the next morning. Dahil kung hindi ako nagpa-alarm ay tiyak akong hindi ako magigising sa tamang oras. Mas nakakahiya kina Dianne pag nagkataon.

Isang olive green dress ang damit ko. It's for the shoot, at iba naman ang sa kasal na talaga. Sa shore ay naroon na ang organizer, ang aming relatives, groom's men at bride's maids.

Kasali si Greco sa groom's men kaya naroon din siya. He's talking with Adam and Lenz but his eyes managed to find mine. I smiled at him and went to my cousins.

"Leandra! Kailan ka pa dumating?" Humalik ako sa aking pinsan.

"Four this morning. Sabi kasi ni Mommy dapat kasali kami sa shoot. So, I moved our flight earlier," sabi niya.

"Oh. Where's Lucius?"

"He's still on his room. Pababa na."

I also greeted my aunts who just arrived this day. Nagtanong sila kung bakit wala si Mommy sa isang espesyal na okasyon kaya paulit-ulit kong sinabi ang dahilan. It wasn't new to them, though. Mommy is known for being workaholic.

Most of the shots ay sa shore gaganapin habang ang iba ay sa ibang bahagi ng resort. May aerial shoots pa para kina Dianne at Adam.

"Si Nikki? Bagsak pa rin, 'no?" si Bernard na inaayusan ng stylist.

I laughed. Mga pinsan lang kasi ang bride's maids at hindi kasali si Nikki kaya libre siya sa shoot.

Habang inaayusan pa ang ikakasal ay umupo muna ako sa table roon at kumain ng pancake. Hindi na kasi ako nakapagbreakfast. May pagkain namang nakahanda sa restaurant pero hassle na kung magpunta pa roon.

I was watching the sea in front while chewing when Carver sat beside me. Tumingin ako sa kanya at uminom ng juice.

"I didn't expect I'd lose to our bet last night. You're lucky," he said playfully. Kung ganoon, nakita niya kami ni Greco?

I smirked. "Malas mo. I have my ways to get what I want."

"Yeah. Malas ko talaga," halakhak niya.

Tumingin ako sa harap. Naghahanda na ang photographers habang kausap ni Dianne iyong organizer. Paglagpas ng tingin ko sa kanila, nagkatinginan kami ni Greco. He's with other groom's men. Nakagray suit siya tulad ng lahat ng lalaki maliban kay Adam na nakablack. His forehead creased at me.

"Where's your friend by the way?" tanong ni Carver kaya napabaling ako sa kanya.

"Nikki?"

"Yup."

"Hindi siya kasali sa shoot kaya baka tulog pa rin 'yon sa kuwarto niya. Don't tell me my friend caught your interest?"

"Hmm. Maybe?"

Oh, this playboy! Buti talaga hindi gaya niya si Greco. Not that I'll get jealous if he sets his eyes on someone else, pero gusto kong ako muna habang gusto ko pa siya.

"Too bad. She's with someone else," sabi ko at ibinalik ang atensiyon sa pancake.

"So she has a boyfriend? A serious one, you mean?" aniya na parang imposible iyon.

"What do you think?"

"You're clearly not the type. Tingin ko ganoon din ang kaibigan mo."

Tumawa ako. "Of course, you would recognize your kind."

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang shoot. Una ay ang ikakasal kasama ang relatives sa shore. Medyo nagtagal doon. I was natural the whole time. Dianne and Adam looked perfect. Nangingiti ako kapag tinitingnan sila. Hindi na kailangan ng instruction mula sa photographer dahil natural lang sila sa bawat shot.

The couple had a different shoot in a yatch. Kami namang naiwan lang sa shore ay may kaunting shots na ginawa. Kumuha pa kami ng personal pictures ng aking mga pinsan.

"Maganda roon, o!" Lydia pointed the huge rock formation.

"Bernard, sali kayo!"

Inaya rin nila Bernard sina Greco. Inaayos namin ang positions nang lumapit ang boys.

Ang mga babaeng pinsan na medyo maliit ay nasa gitna kaya nasa gilid ako. I am not that tall, though. Alam ko iyon dahil nang pumunta si Greco sa tabi ko ay agad akong nanliit sa sarili. He's really tall. Six feet up, sigurado ako dahil hanggang tainga lang niya ako kahit nakapumps.

Sa gilid niya ay pumwesto si Lenz at Carver. Ang ibang groom's men ay kanya-kanya sa paghahanap ng puwesto. Informal picture lang naman 'to kaya walang formal positioning.

"What did you talk about?" Greco said on my ear as he put his hand at the back of my waist.

"Talk? With who?" I whispered back. Hindi ko nakuha ang tanong niya. Others were busy with their poses, at maingay din ang usapan kaya walang nakapansin sa bulungan namin.

"Carver."

"Ano ba 'yan, Bernard! Ang tagal niyong pumwesto!"

Sumulyap ako kay Greco. He looked at me too, eyes were very dark even in broad daylight.

"It's nothing," sagot ko at inayos ang flower crown sa aking ulo.

"Why? Does it bother you?" I teased him.

"Well, it's part of my business, isn't it? Who knows he wants to hook up with you. Let's say I don't want my toy to be snatched."

Toy, really? What a rude word.

"This toy you're talking about has desirable qualities, so it's normal for others to covet it," sabay ngiti sa harap dahil pinahanda na kami ng photographer.

Ngunit napawi ang ngiti ko at halos napatalon nang humaplos ang kamay ni Greco sa aking likod at dahan-dahang yumakap sa aking tiyan. His chest slightly covered my back. Halos hindi na ako makangiti ulit. Damn it. How he caressed me was enough to make me shiver. Parang gusto ko na lang siyang maramdaman!

"I'll meet you tonight," he said sensually.

Lalo akong hindi nakapagconcentrate sa pagngiti!

"Your room or mine?" agap ko nang makabawi. Siyempre alam ko na ang ibig sabihin noon. Ano pa nga ba ang ibang dahilan kung bakit kami magkikita sa gabi!

"Yours," he muttered.

"Ready?" ang photographer.

Ngumiti ako sa harap, pilit na ibinalik ang disposisyon kanina.

"In three, ready! One, two... three!"

Marami pang shots ang kinuha sa iba't ibang anggulo. May mga pakulo pa kaya tumagal.

Nagpakuha pa ang mga mas batang pinsan sa loob ng rock formation na mistulang maliit na kuweba. Hindi na ako nakisali at nanood na lang sa kanila.

"Ate!" kumaway si Lucius kay Leandra at pati rin ako ay inayang sumali.

"Kayo na lang, Lucius," si Leandra.

"Oo nga! Out of place kami sa inyong mga teens kaya kayo na lang!" sabi ko pa.

"Leira," lumapit si Lydia sa akin at humawak sa aking braso.

"That's Greco Madrigal, right?" sabay tanaw sa grupo ng mga lalaki malapit sa tables.

"Yup. He's a friend of Adam. Bakit?"

"He's so hot! Okay lang kaya kung makipag-usap ako sa kanya? He looks, you know, unfriendly."

As if he knew we were looking at him, Greco looked our way. Ngayon ay may hawak ng crystal glass na may inumin. Tumigil ang mata niya sa akin.

"Gosh! He's looking at me!" sabay yugyog ni Lydia sa braso ko.

I smirked. "How sure are you? Baka sa'kin?"

Humalakhak si Lydia.

"That's impossible, Aleira. Nabanggit niya sa isang magazine interview na ang tipo niya ay iyong babaeng conservative at modest. Your reputation is famous, kaya imposibleng ikaw."

Oh. Really?

Ngumisi ako. "Well, oo nga naman. You're very modest. I'm sure ikaw ang tinitingnan niya."

"Alam ko, 'no! Alam mo ba na 'yong sikat na actress na si Jean Almonte? She confessed to him on a TV interview. Pero deadma lang. What do you think? Papansinin niya kaya ako?"

"I don't know, Lydia. Why don't you try it, so we'll see?" hamon ko.

She chuckled shyly. "I'm not as bold as you. Hindi ko kayang lapitan ang lalaki ng ganoon. But maybe I could ask Adam for his number?"

"Hmm. Why not?"

My cousin smiled widely, as if there's so many wonderful thoughts running on her mind. Hindi ko na lang sinira iyon at hinayaan siya.

The whole morning was consumed for the shoot. Pagbalik nila Dianne ay nagresume na sa ibang parte ng resort. The aerial shoot was very nice. Isa iyon sa pinakagusto kong parte. May shots ding kinuha sa bulwagan ng hotel at rooftop. Mga de kalibreng photographers ang kinuha kaya para tuloy kaming ife-feature sa isang magazine. I'm sure this wedding will reach the business sites, though.

Nakakapagod ang lahat ng ginawa namin kaya pagdating ng hapon ay hindi na ako nakisali sa water activities ng mga pinsan.

Dinner na ako lumabas. Kumpara kahapon, mas marami na ang tao ngayon. Bukas ng umaga na kasi ang kasal kaya siguradong ang lahat ng dadalo ay nandito na.

"Cheers!" Bernard offered a toast for Dianne and Adam. Tinungga namin ang aming beers.

"Can I sit here?"

Napatingin ako kay Lydia na kararating lang. Si Greco ang tinanong niya noon. He's across me and the seat next to him is vacant.

Simpleng tumango si Greco at binalik ang tingin sa pinggan. Lydia smiled happily as she sat down beside him.

"Mukhang may kaagaw ka ata," hagikhik ni Nikki sa aking tabi.

Umiling ako kay Nikki. The long table was more rowdy with all our cousins present. Naroon din ang mga kaedarang pinsan ni Adam na wala sa unang araw kaya lalong naging maingay.

"I'm Lydia nga pala," mahinang sabi ni Lydia kay Greco pero dahil malapit lang at nakatuon ang atensiyon ko sa kanila ay narinig ko.

"I heard you're from La Salle? Doon din ako grumaduate two years ago. Business?"

I smirked while looking at my plate. That was a dumb question. Obvious kasi na business ang kurso ni Greco. Ruiz is an elite bloodline, and it's impossible that she haven't heard anything about the Madrigals. Kahit nga noong hindi ko pa personal na kilala si Greco ay miminsan ko ng narinig ang apelyido niya. And based on what I heard, there's only one successor. Hindi na maitatanong kung sino iyon.

Or it could be that she's only trying to ignite a conversation. But that's still a dumb question if she wants that. Dapat iyong may sense na tanong man lang para hindi gaanong halata na nagpapapansin lang.

"Yes," I heard Greco answered.

"Business din ako. I'm actually planning to pursue MBA. Tapos ka na doon, right? Hindi ba mahirap?"

Pagkasubo sa piraso ng steak ay nag-angat ako ng tingin. Greco's eyes were on me as he drank some water. Nakatitig sa kanya si Lydia, naghihintay ng sagot. I smirked playfully. Napansin niya iyon kaya tiningnan niya ako nang parang nagtatanong.

"Greco?" Lydia called him with her very feminine voice. Dahilan ng pagsulyap niya rito.

"I asked you kung hindi ba mahirap ang MBA."

"Nothing is hard if you want to do it," si Greco at bumalik sa pagkain.

Hindi ko na nasundan pa ang topic nila Dianne nang may maisip akong kalokohan.

I bit my lower lip thinking of my naughty idea. Binaba ko ang tingin sa plato at sumubo ulit. Sa ilalim ng lamesa ay iniwan ko sa sahig ang sapatos ng kanang paa. I'm only wearing doll shoes kaya madali lang mahubad.

I crossed my legs with my right leg above the other. Tuloy-tuloy sa tanong si Lydia habang si Greco ay tipid namang sumasagot.

Kinuha ko ang juice at humilig pa sa lamesa nang magsimula akong sumimsim doon.

"Hindi naman talaga ako mahilig sa business noon, e. I was only pressured at first. Pero kalaunan, I realized I'm actually good at it! Ikaw ba, gusto mo na ba talaga ang business noon pa man? O may iba kang binalak i-pursue?"

Greco's lips formed a line of impatience, as if nothing is interesting about the talk.

Hmm. Let's see if I can entertain you, then?

"No. I only planned to..." Hindi natapos ni Greco ang sinasabi at napatingin sa akin.

My toes were grazing on his leg slowly while I'm calmly sipping on my juice. Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya habang paulit-ulit ko iyong ginagawa. He's only wearing shorts, kaya mas ramdam ko siya.

His eyes darkened, glaring at me like he's punishing me on his mind. I smirked and raised a brow. I wonder ano'ng uri ng parusa iyon?

"Uh, are you alright, Greco? May nakain ka bang masama?" malambing kong tanong.

"Are you okay?" sapaw ni Lydia.

Nasa bandang dulo kami at sa ingay ng ibang kasama namin ay hindi na halos dinig ang pinag-uusapan namin doon.

"Yes. I'm fine," mababang sagot ni Greco at uminom ng tubig.

I continued what I'm doing under the table as I played with the straw of my juice. Nilapag niya ang baso pero nanatiling nakahawak doon. He craned his neck a bit, looking at me critically with lips half open.

"Leira! Pinapatanong ni John kung bakit hindi mo raw siya inaccept sa f******k!"

Napatingin ako saglit sa gawi ng mga pinsan ni Adam. May kakilala kasi ako roon pero may iba namang hindi.

"Sorry, hindi ko na kasi tinitingnan ang friend requests ko. I'm usually around i*******m and twitter, so... Ano ba ang pangalan?"

"John Fortez!"

I laughed. "Alright! I'll accept you, then!"

May saglit na kantyawan. Tumawa lang ako at binalik ang tingin sa kaharap. Lydia was talking about something to him, pero mukhang hindi siya interesado sa lahat ng iyon. Nanunusok ang tingin niya sa'kin.

"John Fortez? Iyon ba 'yong nasa circle ni Jameson?" bulong ni Nikki sa'kin.

"Maybe? I don't know."

Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang mesa namin. However, Greco was scowling at me the rest of the dinner. Tumigil na nga siya sa pagkain at nakatiim bagang lang. I was stopping myself to laugh the whole time. Hirap na hirap ako dahil natutuwa ako sa reaksiyon niya. It was like he's silently condemning me for molesting him!

Pagkatapos ng dinner ay inanunsiyo ni Dianne na walang magba-bar para walang may hangover bukas. Everyone agreed, tutal may buong gabi kami bukas para sa selebrasyon.

"Akala mo, hindi ko napansin? May kung ano sa tinginan niyo kanina ni Greco. Ano 'yon?" usisa ni Nikki nang makalabas na kami sa restaurant.

"You're too nosy, Nikki. Sa akin na lang 'yon!"

"Sus! Parang may kung ano talaga, e..." Her eyes narrowed as if there's so many malicious things running on her head.

Umirap ako at mabilis na naglakad papasok ng elevator. May mga nakasabay kami kaya natahimik. Saka pa lang nagpatuloy si Nikki nang makalabas na kami.

"At 'yong pinsan mo, todo pa rin ang papansin kahit halata namang hindi interesado sa kanya ang lalaki. I thought Lydia is the timid type? Tingin ko hindi naman. She's aggressive."

"Akala ko rin." I shrugged. "Well, iyon ang sabi nila. I don't know much about her dahil hindi naman kami malapit."

Siniko ako ni Nikki at ngumuso. Medyo malayo pa ang room ko, pero kung titignang maayos, makikitang may taong naghihintay doon. With the clothes and built, agad kong nakilala.

"Ang landi, ah! Balitaan mo ako bukas! Sige, enjoy!" Humalakhak si Nikki bago lumiko sa kanyang kuwarto.

I smirked. Dire-diretso ang lakad ko. Isang kilos ng ulo ni Greco ay nagtama ang paningin namin. Kinagat ko ang labi dahil pakiramdam ko madilim ang tingin niya dahil sa ginawa ko kanina. Pero imbes na matakot ay parang na excite lang ako roon. Para siyang yelong nag-aapoy. Cold but very hot when provoked.

I giggled.

"You seem in a foul mood?" inosente kong tanong at binuksan ang kuwarto.

Humagalpak ako sa talim ng tingin niya sa'kin. Nauna akong pumasok. Sumunod siya at ibinagsak ang pinto.

"You think it's fun having a hard on in the middle of dinner?"

Namilog ang mata ko. I faced him, hindi pa rin matigil sa kakatawa.

"I only touched your leg a bit, and you already got a boner? Paano pa kaya kung..." I sensually looked down. I noticed the bulge on it.

The corners of my lips rose and I was about to touch it, but his hand held my wrist first.

Tiningnan ko siya. "What? Still shy?"

Umigting ang panga niya. His eyes resembled the color of raven. Pitch black.

"You won't do that in public again, Aleira," banta niya sa akin.

"Sabi ko nga 'di ba, I was only teasing you. I didn't know you would have a hard on because of that. Peace, okay?"

He glared at me.

"And what about that boy who added you on f******k? You'll accept him?"

Kumunot ang noo ko.

"That's part of my personal life. Hindi ba't wala tayong pakialaman sa mga ganyan?"

"I'm asking you because he might be another dog who wants to hook up with you. It's still my business, isn't it?"

This meticulous brute!

"Fine. Kakilala lang 'yon. Isa pa, friends lang naman sa f******k. There's no harm in that."

He sighed. Pinasadahan niya ang katawan ko. He stopped at my exposed chest. Nakadress kasi ako na may sweetheart neckline kaya ganoon. His eyes narrowed. Ano na naman ba ang problema niya?

"What? Are you just gonna stare at me? What about our business–"

Bago pa matapos ang sasabihin, his hand grabbed my nape. Nagulat ako roon. But my anticipation was too overwhelming, I couldn't help my soft moan when he kissed me hard.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status