Ethan POVKalalabas ko lang sa conference room dahil katatapos lang ng meeting ko with the new investors. Mabuti na lang at sa wakas natapos din ang halos isang buwan na projects at makakapagpahinga na ako ng maayos.Dumiretso na ako sa opisina ko kasama si Gian at sabay kaming naupo, nakahinga din kami ng maluwag dahil nagkapirmahan na ng kontrata."Grabe bawing bawi ang pagod at puyat." bulalas ni Gian."Ito lang naman ang hinihintay kung matapos para makabawi na ako sa asawa ko. Gusto ko munang magbakasyon pagkatapos ng araw na ito." saad ko naman."Pwede na 'yan deserve mo naman ng pahinga kasama ang asawa mo diba? Maiba ako ano nga pala ang sinasabi mo nakaraan sa akin? Masyadong occupied ang isip ko kasi ng mga oras na 'yon.""Ang sabihin mo iniisip mo lang si Belle kaya ka ganyan! Dami mo pang sinasabi. Wala naman 'yon may napapansin lang kasi ako kay Agatha." anas ko.Kumunot naman ang noo niya. "Anong napapansin? Huwag mong sabihin na buntis siya?""Gago! Hindi 'yon! Nitong m
Ethan POVHanggang sa matapos kami pumunta ni Gian sa isang Cafe at ngayon na nasa bahay na ako ay hindi pa din mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang asawa ko kahit saang anggulo.Ang alam ko ay pumunta siya sa Montreal Company kanina pero hindi ko akalain na makikita ko siya na may kasamang lalaki at sigurado ako na hindi 'yon si Marcus.It's already 8pm pero hindi pa din siya nakakauwi at hindi man lang nag abala na tumawag sa akin para magsabi na late siyang makakauwi. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang kanina ko pa hinihintay.Ngumiti naman siya sa akin ng makita ako. "Hi baby, nandito ka na pala." anas niya."Bakit? Inaasahan mo bang wala pa ako sa bahay ng ganitong oras? Why are you late? Ang pagkakaalam ko hanggang 5pm ka lang sa Montreal ah." saad ko."Kanina pa ako nakaalis sa office may dinadaan pa kasi ako.""Saan naman 'yon? Alas otso na ng gabi Agatha at hindi ka man lang nagsabi sa akin." wika ko.Bumunt
Agatha POVIlang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang pag uusap namin ng asawa ko at hanggang ngayon ay hindi niya ako kinikibo masyado. Alam kung naghihinala pa din siya sa akin pero hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Kuya Luke dahil na din sa pakiusap nito sa akin.Ilang araw ko na din na hindi nakakasabay si Ethan sa almusal dahil palagi itong nagmamadali para pumasok sa opisina dahil may meeting daw ito kahit alam ko naman ang totoo na iniiwasan niya lang talaga ako.At ngayon ay nakapagpasya na akong sabihin sa kanya ang totoo, ayaw ko naman na nag aaway kami sa ganitong rason lang at ayaw ko na mawala ang tiwala niya sa akin. Napagpasyahan ko na dalhan na lang siya ng tanghalian sa opisina.Pagkatapos kung maligo at mag ayos at nagpahatid na ako sa driver sa Hernandez Company, hindi naman magiging matagal ang byahe dahil hindi naman kalayuan ang opisina ng asawa ko sa bahay namin.Pagdating ko sa tapat ng building ay nagtuloy tuloy na ako sa pagpas
Luke POVHindi ko inaasahan na ngayong araw magtatagpo ang landas namin ng kapatid ko, hindi naman ako galit kay Agatha dahil sinabi niya kay Ethan dahil naiintindihan ko naman ang rason niya hindi ko lang inaakala na ganito ka aga.Iniligpit ko muna ang mga nakakalat na mga papeles sa mesa at pagkatapos ay pinasok ko sa loob ng kwarto. Nang makalabas ako ay tahimik lang silang mag asawa kaya umupo na ako sa bakanteng upuan kaharap ng kapatid ko."How's your life?" tanong ni Ethan sa akin."As you can see maayos naman at nakapag adjust na sa ilang taon na lumipas." sagot ko sa kanya."Nasaan ka ng mga nagdaan na taon. Ilang beses kung sinubukan na ipahanap ka pero wala silang maireport sa akin ng maayos at alam kung may kinalaman ka do'n.""You know me well brother, palipat lipat kasi ako ng lugar kaya asahan mong hindi nila agad ako makikita at kung mahanap man nila ako ay binabayaran ko sila para walang sabihin sayo. After all I am also an Hernandez." paliwanag ko sa kanya.Mayamaya
Ethan POV Isang linggo na ang nakalipas ng magkita kami ni kuya Luke at bumalik na din siya sa bahay, plano ko sana na siya na ang pumalit sa akin bilang CEO nitong Hernandez pero tumanggi naman siya mas pinili niyang pamahalaan ang iba naming business. At ngayon ay nandito naman ako sa opisina ko habang kaharap ang kaibigan ko na mukhang zombie na hindi nakatulog ng ilang araw. "Anong problema mo?" tanong ko kay Gian, napapansin ko kasi na ang lalim ng iniisip niya at minsan naman ay tulala siya. "She's back." anas niya. Kumunot naman ang noo ko. " Sino? Hindi ako manghuhula fucker!" singhal ko sa kanya. "Maxine." maikling sagot niya. Napaayos naman ako ng upo. "Don't tell me na may communication pa kayo?" pagtatanong ko. Mabilis naman siyang umiling. "Nagkita lang kami sa isang restaurant ng isang araw ng may meeting ako sa isang client ko." "Oh anong problema kung bumalik na siya? You already have Belle." saad ko. "She wants me back." "W-what? Nasisiraan na ba ng ulo si M
Gian POVTatlong araw ng makalipas ng mag usap kami ni Ethan at ngayon ay gulong gulo pa din ang isip ko, alam ko sa sarili ko na mahal ko si Belle pero ang hirap iwasan ni Maxine dahil madalas nagkukrus ang landas naming dalawa.Ayaw kung masaktan si Belle dahil siya ang taong dumamay sa akin ng mga panahon na lugmok ako kaya siguro minahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. She is precious at ayaw akong makita siyang umiiyak ng dahil sa akin.Nang matapos ako sa lahat ng trabaho ko ay nagpasya ako na magpalipas ng oras sa isang bar, hindi ko kasama si Ethan dahil may lakad sila ng asawa niya samantalang si Belle naman ay kasama ang kanyang pamilya.Pagdating ko sa bar ay umupo lang ako sa bakanteng upuan at umorder na ng alak. Pagod ako sa trabaho dahil sa sunod sunod na meeting at problema ko pa si Maxine dahil minsan ay pumupunta siya sa opisina ko. Inom lang ako ng inom dahil wala naman akong balak na magtagal dito sa bar at uuwi din ako mayamaya.Habang busy ako sa pag inom ay ma
Belle POV Ilang araw ko ng napapansin na parang may problema si Gian at kapag tinatanong ko naman siya ay palaging sinasagot niya sa trabaho lang pero nahuhuli ko siyang tulala o kaya may malalim na iniisip. Ayaw ko naman siyang kulitin dahil baka mainis lang siya. Hindi din kami madalas na nagkikita o kasama dahil pareho kaming na busy sa trabaho pero kapag may oras naman kami free time namin ay magkasama kami. Kagaya na lang ngayon na sabay kaming kumakain ng lunch. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin. "Hmmm?" "Are you really sure na okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Yes babe, why?" "Ang lalim kasi ng iniisip mo eh, nakaraan ko pa napapansin na parang balisa ka kaya iniisip ko na baka may problema." anas ko. "Pagod lang ako sa work babe, alam mo naman na may bagong projects." Ngumiti naman ako sa kanya. "Baka naman masyado kang nagpapagod, bigyan mo din oras ang sarili mo makapagpahinga. Magkakasakit ka niyan eh." saad ko.
Belle POV Nandito ako sa condo ni Gian dahil may pupuntahan lang daw siya at babalik din agad pero dahil hindi ako matahimik kaya nakapag desisyon kung sundan siya kung saan siya pupunta hindi ko maintindihan sa sarili ko pero iba ang kutob ko. Binilisan ko ang pagbaba sa building ng condo at nakita ko pa ang sasakyan niya, hindi pa siya nakakasakay dahil may kausap pa ito sa phone. Hinintay ko muna na makaalis ang kotse niya saka ako pumara ng taxi hindi ko kasi dala ang sasakyan ko. Sinabihan ko ang driver na sundan ang kotse ni Gian kung saan ito pupunta at agad naman itong tumalima, habang nakasunod kami sa kanya ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko pero hindi ko lang maiwasan ang hindi mag isip ng mga bagay bagay. Nagtaka ako ng makita kung huminto ang kotse ni Gian sa isang condominium building. Anong gagawin niya dito? May kakausapin ba siyang kliyente? Nang makita kung bumaba na siya at mabilis akong nagbayad sa driver ng