Share

Chapter 3

Author: Reynang Elena
last update Last Updated: 2022-01-25 00:12:12

Ethan POV

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na sina Gian, Belle at Melissa dahil katatapos lang ng klase namin. Ang totoo niyan ay magkasunod lang kaming nakagraduate ni Luke pero nakiusap ako kay Daddy na ayaw ko kunang magtrabaho dahil gusto ko munang mag aral ulit at kunin ang kurso na gusto ko, mabuti na lang at pumayag siya kaya walang naging problema.

Madalas akong late kung umuwi dahil ayaw kung manatili ng matagal sa mansion. Na mimiss ko lang ang mommy ko, siguro kung hindi siya nagkasakit ay kasama pa namin siya ngayon. For me she is the best mom that I ever had, siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay pero maaga siyang kinuha sa amin.

Simula ng mamatay si Mommy ay nag iba si Daddy, gusto niya masunod ang kung ano ang sasabihin niya sa amin hindi katulad ng buhay pa si Mommy. Minsan nakakasakal na din dahil pakiramdam ko para kaming robot na kailangan nakadepende sa kung ano ang iuutos ni Daddy pero naging masaya ako ng pumayag siya na mag aral ako ulit dahil ipinaglaban ko 'yon sa kanya. Hindi ako si Luke na sunod sunuran para lang magmukhang perpektong anak.

Namatay si Mommy dahil sa sakit, hindi niya 'yon sinabi sa amin kaya hindi agad naagapan. Kung sna ay hindi niya itinago sa amin ay buhay pa siya hanggang ngayon. Sobrang nadepress si Dad ng mawala si Mommy at sinisisi niya ang sarili niya na hindi niya man lang nagawang maipagamot ito kahit na mayaman kami.

Hindi kami gaano ka close ni Luke katulad ng ibang magkapatid dahil ayaw kung makipagplastikan sa kanya. Nang sinabi ni Daddy sa amin na plano niyang iuwi sa bahay ang kanyang fiance dahil ikakasal naman na sila next month ay pumayag ako pero hindi ko alam na may anak pala ito. At alam ko na kahit sumang ayon si Luke ay hindi 'yon totoo, kilala ko siya at selfish siya, gusto niyang nasa kanya lang lahat na atensyon at siya lang ang magaling sa pamilya. Alam ko din kung ano ang kaya niyang gawin kapag nakita niyang makakasagabal ito sa kanya.

Nawala lang ang aetnsyon ko ng may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Gian kasama sina Belle at Melissa. "Kanina pa kami nagsasalita dito pero hindi ka naman pala nakikinig." anas niya.

"Ano ulit 'yon?" tanong ko naman.

"Ang sabi ko ay sasama ka pa ba?"

Sasagot na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Luke. Ano na naman kayang kailangan ng gagong ito?

"Bakit ka tumawag?" tanong ko sa kanya, ganito talaga kaming mag usap na dalawa at kahit kailan ay hindi ko siya tinatawag na kuya kahit matanda ito sa akin.

"Daanan mo si Agatha sa school niya dahil may meeting pa ako."

"What? At bakit ko naman gagawin 'yon? May lakad ako kasama ang mga kaibigan ko!" inis na turan ko.

"Sinabi ko sa kanya na dadaanan ko siya pag uwian niya pero nagkaroon kasi ng emergency meeting dito sa opisina at hindi ko pwedeng iwan ito."

"Edi tawagan mo siya at sabihin sa kanya. Ikaw ang nagpaasa sa kanya na susunduin mo kaya ikaw ang magpaliwanag, huwag mo akong idaamay!" saad ko.

"Ethan! Hindi niya pa kabisado ang pauywi sa bahay! Sunduin mo na siya kung ayaw mong  isumbong kita kay Daddy."

"Acting like a perfect brother Luke? Hindi bagay sa'yo. Huwag kang plastic." panunuya ko.

"Why? Wala naman masama dahil magiging kapatid natin siya next month.

"Hindi mo ako maloloko! Alam kung hangal na ang binuka mo. Sa susunod na gagawa ka ng bagay na ito ay huwag mo akong iistorbohin." turan ko at ibinaba na ang tawag.

At dahil wala naman akong ibang choice kung hindi ay sunduin ang babaeng 'yon. Bwisit talaga si Luke kahit kailan!

Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko na hindi na muna ako makakasama dahil may kailangan akong puntahan. Panira talaga to kahit kailan si Luke.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko at nag drive na papunta sa pinapasukan ni Agatha, kung tutuusin ay pwede naman na hindi ko siya sunduyin pero dahil gago si Luke kaya hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil baka kung ano na naman ang sabihin kay Dad.

Ng makarating na ako sa parking lot at hinintay ko na lumabas si Agatha, wala akong number niya kaya hindi ko siya matatawagan siguro naman ay kilala niya ang kotse ko.

Mayamaya pa ay namataan ko siya na naglalakad at napatingin siya sa kotse ko, marahil ay nakilala niya ito. Lumabas na ako para naman makita niya ako at para bilisan niya ang kilos.

"Ethan, bakit ka nandito?" gulat na tanong niya sa akin ng makalapit siya.

"Hindi ba obvious? Hindi ka naman siguro bulag? Malamang  isasabay ka sa pag uwi!" asik ko sa kanya. Hindi ko alam kung tanga ba siya o nagtatanga tangahan.

"Aba nagtatanong ako nga maayos! Malay ko naman kung may iba kang pakay dito at isa pa ang alam ko ay si Kuya Luke ang dadaan sa akin dito." pabalang na saad niya sa akin.

"Ang dami mo pang satsat! Sasabay ka ba o iiwan kita?" inis na wika ko at sumakay na sa kotse, bahala siya kung ayaw niya pang sumakay dahil iiwan ko talaga siya.

Ng makasakay siya at agad akong nagdrive para makauwi na kami agad. Naiinis ako sa presensiya ng babaeng ito. Habang nasa byahe kami pauwi ay nagtataka ako kung bakit parang may sumusunod sa amin. Wala pa naman masyadong bahay sa dinadaanan namin dahil nag iba ako ng way at sa walang traffic.

"Damn it!" bulalas ko ng marinig ko na binabaril ang sasakyan ko.

"What is happening?" tanong sa akin ni Agatha, mukhang narinig niya din.

"Hindi ko alam pero may mga sumusunod sa atin." anas ko.

"A-ano? P-paano na tayo? Ayaw ko pang mamatay Ethan!" kinakabahang sigaw niya.

"Pwede bang manahimik ka dahil nag iisip ako ng paraan dahil kung hindi ka pa titigil diyan ay mamamatay talaga tayo." singhal ko sa kanya.

Mas binilisan ko pa ang pagdadrive habang nag iiisp ng pwede naming gawin.

"We don't have any choice Agatha, kailangan nating lumabas dito." wika ko.

"W-what do you mean k-kuya?"

"Do you trust me?" tanong ko sa kanya.

"As if I have a choice not to trust you in this situation." 

Agad kung kinuha ang baril na nakatago dito sa sasakyan ko at tiningnan ang sumusunod sa amin, isang sasakyan lang naman ito. Kung tatanungin niyo kung bakit may ganito ako sa kotse ko 'yon dahil sa safety namin.

"Marunong ka bang mag drive?" tanong ko sa kanya.

"Medyo lang." kinakabahan na sagot niya.

"Magpalit tayo ng pwesto ay ikaw ang magdrive, ako na ang bahala sa mga sumusunod sa atin." utos ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Seryoso ka ba?"

"Sa tingin mo nagjojoke ako sa sitwasyon na ito? Hindi ba at ayaw mong mamatay?" ani ko.

Tuamngo naman siya at mabilis kami nagpalit ng pwesto, binuksan ko ang bintana at sunod sunod na pinaputukan ang kotse ng sumusunod sa amin, sinigurado kung matatamaan ang gulong ng sasakyan para hindi na ito makasunod pa sa amin at hindi naman ako nabigo.

Napatigil ang sasakyan na sumunod sa amin dahil na flat ito.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Y-yes." sagot niya naman.

Sinabihan ko naman siyang ihinto ang kotse para magpalit na ulit kami ng pwesto dahil alam kung nanginginig na ito sa takot.

"Huwag kana matakot dahil ligtas na tayo." anas ko sa kanya.

"Thank you Kuya Ethan." mahinang saad niya.

Hindi ko alam kung sino ang mga taong sumunod sa amin pero may hinala na ako at ayaw ko lang sabihin pa kay Agatha para hindi na madagdagan pa ang alalahanin niya. Sinabihan ko din siya na huwag ng banggitin ang nagyaring ito pag nakauwi na kami sa bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko si luke ang may kagagawan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Betrayal and Revenge    Chapter 122

    Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay

  • Betrayal and Revenge    Chapter 121

    Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l

  • Betrayal and Revenge    Chapter 120

    Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n

  • Betrayal and Revenge    Chapter 119

    Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna

  • Betrayal and Revenge    Chapter 118

    Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni

  • Betrayal and Revenge    Chapter 117

    Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status