Ethan POV
Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay kaya agad kaming pumasok sa loob ni Agatha. Naabutan namin si Dad at Tita na nakausapo sa sala habang nagkwekwentuhan.
"Nandito na pala kayong dalawa." nakangiting saad ng mama ni Agatha.
Nakita ko naman ang magaling kung kapatid na pababa ng hagdan. "Bakit ang tagal niyo naman yata?" tanong niya sa amin.
"Akala ko ba ay may meeting ka?" balik tanong ko sa kanya.
"Meron nga pero hindi din naman nagtagal." sagot niya sa akin.
Gusto ko siyang suntukin kung wala lang sa harap namin si Dad, maaga naman pala siyang uuwi bakit kailangan niya pa akong utusan na sunduin si Agatha?
Kahit kailan talaga ay wala akong tiwala kay Luke kahit pa sabihin na kapatid ko siya, simula pa lang bata kami ay may ugali na talaga siyang hindi ko nagugustuhan.
Agatha POV
Labis ang takot na naramdaman ko dahil sa nangyari sa amin ni Ethan at nagulat pa ako ng makita kung may baril siya sa kanyang sasakyan. Kahit na masunget siya ay hindi pumasok sa isipan ko na marunong siyang gumamit ng baril.
Mas lalo pa akong kinabahan ng sinabi niyang ako muna ang mag drive ng kotse, hindi ako gano'n ka marunong pero dahil nga sa nangyari ay kailangan kung tatagan ang sarili ko kaysa mamatay kaming dalawa. Hindi ko alam kung sino ang mga taong 'yon at kung ano ang pakay niya sa amin.
Ang akala ko ay wala talagang pakialam sa akin si Ethan dahil sa simula pa lang ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa akin at alam kung may galit siya sa akin pero dahil sa nangyari kanina ay nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.
Sabay sabay kaming kumain ng hapunan at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga.
Dumiretso ako sa banyo para maligoat makapagbihis. Hindi din naman ako nagtagal dahil nakakaramdam na din ako ng antok. Akmang hihiga na sana ako ng may kumatok sa kwarto ko kaya napatayo ako para buksan ito.
"W-why are you here?" nagtatakang tanong ko ng makita kung si Ethan ang kumakatok.
"I just want to talk to you about what happen earlier." seryosong saad niya at pumasok na sa kwarto.
Sinara ko naman ang pinto at umupo sa kama ko habang siya ay naupo sa upuan malapit sa mini table.
"Ano ba ang gusto mong pag usapan?" tanong ko sa kanya.
"Sinabi ko na kanina siguro naman ay hindi ka bingi diba?" pagsusungit niya.
"Alam ko ang ibig mong sabihin ang tinatanong ko ay kung bakit kailangan pa pag usapan ang bagay na 'yon." irap ko sa kanya.
"Don't tell to anyone about what happen earlier."
"And why?" takang tanong ko sa kanya, hindi ba ay dapat sabihin niya ito sa Dad niya?
"Sunduin mo lang ang sinasabi ko at huwag kana madami pang tanong. Gusto mo bang mag alala ang mama mo kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari kanina?"
Bigla naman ankong natigilan sa kanyang sinabi, tama siya alam kung mag aalala si Mama kapag nalaman niya na muntik na kaming mapahamak kanina. Ayaw ko naman maging pabigat pa sa kanila.
"Okay, hindi na ako magsasalita ng tungkol sa nangyari." pagsuko ko.
"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo." pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan pero bago pa siya tuluyang makalabas aya tinawag ko siya dahiulan para mapatingin siya sa akin.
"What?"
"Gusto ko lang magpasalamat." nahihiyang saad ko.
"Don't mention it. Huwag mong isipin na niligtas kita dahil hindi. Ayaw ko lang mamatay." huling sambit niya bago tuluyang lumabas.
Napabuntong hininga na lang ako, kailan ko kaya siya makakausap ng hindi nagsusunget. Tiningnan ko ang oras at masyadong gabi na kaya nahiga na ako sa kama at natulog.
Ilang beses na akong nagpagulong gulong sa kama ko pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, baka mamaya tanghali na naman ako magigising nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko nangyari kanina, halos himatayin na ako sa kaba at takot. Sino ba naman kasing hindi kung malaman mong may humahabol sa inyo na hindi niyo alam kung sino at mukhang balak pa kayong patayin.
Minsan iniisip ko kung hindi siguro kami lumipat sa bahay ng mga Hernandez ay hindi ako makakaranas ng ganito, pero hindi ko naman kayang tanggalin ang kasiyahan ng mama ko. Sana lang ay hindi ko na maranasan ang bagay na 'yon ulit dahail baka mahimatay na talaga ako ng tuluyan.
Tumayo naman ako at hininaan ang aircon dahil masyadong malakas at nilalamig ako, lumapit din ako sa mesa para inumin ang tubig na nasa baso, nakalimutan ko pala itong inumin kanina dahil na din sa sobrang pag iisip. Pagkatapos ay humiga na ako ulit sa kama at baka sakaling makatulog na ako ng tuluyan.
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko