Nang makatulog na si Raffy ay lumabas na ng kuwarto nito si Zylah. Wala si Austin sa sala at wala rin sa dining room. Malaki ang mansion ni Austin, triplehin ang bahay na pinagawa ni Bryce.Nang maisip ni Zylah ang bahay na pinagawa ni Bryce noon para sa kaniya ay agad siyang nakaramdam na naman ng sama ng loob para rito. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang nararamdaman. Hindi niya dapat sirain ang isipan niya dahil kay Bryce at sa mga pangako nitong dinala ng hangin.“It’s okay…” kausap ni Zylah sa sarili. She even smiled to herself. Hindi na niya dapat panghinayangan ang pagmamahal na nilaan niya kay Bryce, wala na iyong kwenta, wala ng silbi. Kung may nakakahinayang man ay ang panahon at sakripisyo niya para sa pamilyang napakadali lang naman palang masira.Pero ano ba ang dapat niyang isipin pa? Si Jessa na ang sentro ng buhay ng mag-ama niya kaya dapat maging masaya na lang siya na nakalaya sa panloloko ni Bryce at pagmamanipula. At the end, buhay pa rin naman siya at iyon
“Why?” naguguluhan tanong ni Zylah kay Austin. Bakit siya tinatanong ni Austin tungkol sa nararamdaman niya? Nag-uusap lang naman sila tungkol kay Raffy. At nabanggit niya lang na ayaw niyang pag-isipan siya ng mga magulang at mga kapatid na totoong nanlalaki siya kagaya ng sinabi ni Jessa sa mama niya. Iyon lang naman kaya anong kaugnayan ng pinag-uusapan nila sa nararamdaman niya kay Bryce? Bakit gano’n ang naging tanong nito?“Why are you asking why?” balik ni Austin ng tanong sa kaniya. “Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” “I mean… bakit mo kailangan itanong? Ayoko nang isipin si Bryce. I’m moving on, Austin. Alam kong boss kita at ikaw ang pinaka-tumutulong sa akin ngayon pero… pero masyadong personal ang tanong mo.”“Hindi mo iisiping personal ang tanong kung wala ka nang pagmamahal sa tao. And I think I was right, mahal mo pa nga.”Umiling si Zylah. Ang totoo ay puro pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya para kay Bryce kaya hindi niya maunawaan kung bakit iyon ang nasa isip
Masama ang loob na napabuga ng hangin si Zylah. Kung ano man ang nangyari kay Jaxon ay siguradong kasalanan ulit nina Bryce at Jessa.At ang gagaling nila! Gagawin pa siyang tagapag-alaga ng anak para sila relax at pa-shopping-shopping lang. Yes, she knows that. Alam niya kung gaano kalakas gumasta si Jessa at paano ito paluhuan ni Bryce. Melissa told her, nakita minsan ng kaibigan niya si Bryce na pinag-shopping si Jessa. Not that she cares anymore. Wala siyang pakialam kahit ubusin ni Jessa ang pera ni Bryce, mas mabuti pa nga na makarma si Bryce at ma-bankrupt. Ang ayaw niya lang ay tawagan siya para paalagain sa anak niya habang ang mga ito ay parang mga ewan na gusto lang lagi ay ipahamak si Jaxon sa pagpapakain ng mga bawal at kapag nagkasakit ay siya na ang bahala.She sighed. She needed to be calm. Nauubos na talaga ang pasensya niya kumalma kagaya ng payo ng mga kaibigan pero… pero alam niyang iyon pa rin ang tanging dapat gawin niya.And the custody of Jaxon she wanted to
Itinataboy?Pigil ni Austin ang mapangiti sa tinuran ni Zylah. Hindi niya ito itinataboy at wala siyang plano itaboy kahit kailan. Nag-aalangan siya ng bahagya sa estado nito sa dating pamilya pero para sa anak ay susugal siya. Si Raffy ang importante sa kaniya. Natanong lang naman niya ito dahil ang totoo ay ayaw niya lang dumagdag sa suliranin nito. Alam niyang galit si Zylah sa asawa nito at nakipaghiwalay. Even Belinda confirmed na nakahanda na ang filing ng legal separation at annulment cases para tuluyan na maging malaya si Zylah mula kay Bryce.If babasehan ang salita ng best friend at legal counselor ni Zylah ay wala na siyang dapat isipin pa kung kukunin niya itong mommy ni Raffy. Wala na dapat pero naninigurado siya. Hindi niya kasi maisip na pwede pa lang sa isang iglap ay kayang kalimutan ng isang ina ang anak. Ang mama lang niya ang nagpalaki sa kaniya. Maagang nawala ang ama at hanggang ngayon ay lagi pa rin itong nag-aalala sa kaniya. Iyon ang dahilan kaya hindi niya
“Anong problema?” mahina ang tono ng boses na tanong ni Jessa kay Bryce. Nabutan niyang galit na galit ang anyo nito sa labas ng bahay habang hawak ang phone at may ka-chat.Pasimple niyang sinulyapan kung sino ang ka-chat ni Bryce. Agad ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Jessa na iyong kaibigan ni Zylah na abogada pala ang ka-chat nito. Mukhang inaaway na naman ni Bryce para mapalabas si Zylah. Kung gano’n ay hindi pa rin tumitigil si Bryce na mapauwi si Zylah, bagay na dapat niyang mapigilan.“Okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong kunwari kay Bryce. “Why? Ayaw pa rin ba ni Zylah bumalik dito? Siya ba ang ka-chat mo?” dagdag tanong ni Jessa. Mahina at pino ang boses ni Jessa makipag-usap kay Bryce. Tila siya isang babaeng hindi makabasag pinggan dahil kailangan niyang mapanatili ang pagiging mahinhin sa harap nito. Iyon ang laban niya kay Zylah. Alam niyang ayaw ni Bryce sa ugali ni Zylah na palaban. Laging sinasabi ni Bryce na nagbago si Zylah pagkatapos ng aksidente nito na
“I don’t know…” pabuntong hiningang tugon ni Bryce. Ayaw na niyang isipin pa kung ano ang sagot sa mga tanong ni Jessa. Alam niyang may mali siya pero mas mali si Zylah sa ginagawa nito na pagtatago at pag-iwan sa kaniya. “Ayaw rin ba sabihin nina Belinda kung nasaan si Zylah?” simpleng pag-usyuso pa ni Jessa. “Ayaw ko sanang sabihin ito pero baka naman… baka naman may dahilan talaga kaya ayaw ni Zylah umuwi pa. At baka alam nina Belinda kung ano ang rason ng kaibigan nila kaya need pagtakpan sa ‘yo.”Huminga ng malalim ulit si Bryce. Napailing. “Ayoko na isipin. Ang kailangan lang makumbinsi ko na si Zylah umuwi. Akala ko ang pagpapabaya ko para hayaan siyang makapag-isip ay magpapakalma sa kaniya pero lalo pala magiging rason na pabayaan niya na talaga kami ni Jaxon.”Pinalungkot ni Jessa ang mga mata. Tumango-tango. May pagkakataon pa siya sa mga plano niya. At sana patuloy na magmatigas pa si Zylah. Papabor sa kaniya lahat ng pang-aaway nito kay Bryce at paglayo. “Mabuti pa nga
“Good morning, baby…” nakangiting bati ni Zylah sa batang kakadilat pa lang. Sinadya niyang hintayin magising ito para matupad ang sinabi nitong sana paggising ay naroon siya sa tabi nito at siya ang unang makita. Agad sumilay ang ngiti sa mga labi ni Raffy. Mabilis itong bumangon at niyakap siya. “Thank you, mommy… Thank you for staying here!”Gumanti ng yakap si Zylah sa bata at ramdam ang kaligayahan na idinulot niya sa puso nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya kailangan ni Raffy pero habang siya pa ang gustong mommy nito ay gagawin niya ang lahat para sa ikasasaya nito. “Tara…” aya ni Zylah kay Raffy. “I will cook you breakfast. Samahan mo ako sa kitchen.”Namilog ang mga mata ni Raffy. “You will make me pancakes?” tanong nito. “I would if you want that for breakfast.”Nang bumaba na sila sa kusina ay hindi nakita ni Zylah si Austin. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kasambahay na nakita niyang naglilinis. “Good morning, Miss Raffy! Good morning, ma’am!” bati n
Nalilitong napatayo si Zylah nang humakbang papasok ng kusina si Austin. Napatingin sa orasan na nasa pader. Wala pa naman nine ng umaga, bakit nakabalik na pala ito agad?“Um…” ani Zylah habang sinasalubong ang mga tingin ni Austin. Iniisip niyang mukhang hindi nga ito natuwa na nasa kusina ang anak. “Na-excite ako makasama sa breakfast si Raffy kaya hindi ko na nahintay mahanda ang dining room. Sorry…” Nahinto si Zylah sa pagpapaliwanang nang tingnan ni Austin si Raffy na kumakain ng hotdog. Napangiti ito sa anyo ng anak at gustong huminga na ng maluwag ni Zylah nang muling ibaling ni Austin ang mga tingin sa kaniya. “Sorry kung dito ko—”“What for?” kunot-noong tanong ni Austin kay Zylah. Ngumiti at nilapitan si Raffy at hinalikan sa ulo. Hinila niya ang isang upuan at tinawag si Josie para ipaghanda siya ng plato, baso, at mga kubyertos. “You don’t need to say sorry, Zylah. Pwede kumain dito sa kusina basta gusto niyo.”“But I thought—”“You thought wrong,” putol na ni Austin sa
Inosenteng ngumiti si Raffy sa narinig na sinabi ni Paulina. Totoong strict ang Mommy Zylah niya pero alam niyang iniisip lang nito lagi ang makakabuti sa kaniya. Her mommy and daddy wanted only the best for her. “Promise…” nakangiting usal ni Paulina kay Raffy. “Mamaya ay sa room mo na ako.” Masayang-masaya si Paulina dahil kumpyansa siyang matutukso niya si Raffy. Bata lang ito at ang mga bata ang pinakamadaling imanipula. “Um, Ate Pau…” alanganing wika ni Raffy. Napatingin siya sa glass wall na tanaw ang garden kung saan naroon ang mommy at daddy niya nag-uusap. “Can I watch your videos tomorrow instead?” tanong niya kay Paulina. Nasa boses ang pag-asam na bukas ay pwede pa rin niyang mapanood ang videos na sabi nito.“We can watch it later, Raffy…” Hindi mawala-wala ang ngiti ni Paulina. “Akong bahala. Walang makakaalam na pupuntahan kita mamaya sa room mo,” bulong niya rito. Kinukumbinsi na siya ang the best na kaibigan para rito.“No, Ate Pau…” Tumayo si Raffy. “Ayaw nina momm
Kanina pa hinihintay ni Paulina malapitan ng solo si Zylah. Ramdam niya ang mga pasimpleng banta ni Austin sa kakatingin ng masama sa kaniya. Yes, ramdam niya pero binabalewala lang niya sa maghapon mula nang dumating siya kaninang umaga sa bahay ng mga ito. She needs to act unbothered to look like she has no interest anymore with Austin.Nang makita ni Paulina si Zylah lumabas ng bahay at patungo sa garden ay sinundan niya ito. Pagkakataon na niya dahil mag-isa lang si Zylah kaya hindi na siya dapat mag-alangan pa. “Hi!” Nakangiting lumapit si Paulina kay Zylah nang maupo na ito sa isang bench. “Is it okay to join you here?” Ngumiti si Zylah kay Paulina. “Yes, of course…” Umusod siya sa pagkakaupo at nagpaalam sa mga ka-video call niyang sina Belinda at Melissa. “I was surprised that Austin is getting married,” umpisa ni Paulina sabay ngiti ng ubod tamis. Ngiti na hindi iisipin ni Zylah na peke. “Matagal na kaming hindi nagkita kaya nakakagulat na ikakasal na rin siya ulit sa wakas
—CALIFORNIA—“Mommy, look!” Umikot si Raffy sa harap ni Zylah para ipakita kung gaano kaganda ang suot niyang dress na pinasadya ni Austin. Ang dress ang susuotin niya sa kasal ng mommy at daddy niya.“Wow!” nakangiting komento ni Zylah. Nang tatawagin niya sana si Austin para makita rin nito si Raffy ay natigilan siya at napakunot-noo dahil kausap nito ang ina at mukhang nagtatalo na naman. Tatlong araw na lang at kasal na nila ni Austin. Nakahanda na rin ang lahat. Dumating na rin ang ibang mga bisita sa kasal nila at nakilala na rin niya ang dalawa pa sa mga best friends ni Austin na sina Cassian at Vito. Si Mathias na lang ang hindi pa nakakabalik kasi nagsabi na ito kay Austin na sa araw na lang ng kasal darating. Huminga ng malalim si Zylah at inalis ang agam-agam sa dibdib niya sa nakikitang pagtatalo ng mag-ina. Nang ibalik niya ang tingin kay Raffy ay nginitian niya ito. “Let’s take your pictures, Raf…” aniya rito at inangat ang phone na hawak para kuhaan ito ng mga larawan
“Will you let me go now?” inis na tanong ni Paulina kay Bryce nang muling pigilan nito ang paghakbang niya palayo. Hindi niya ito makuha sa pagtataray kanina pa. “What a brat you really are!” galit niyang dagdag. Iyon ang sabi sa kaniya ng imbestigador na kausap. Isang spoiled brat si Bryce Almendras at lahat ng gusto ay kailangan masunod. The reason kaya ito nahiwalay kay Zylah Flores ay dahil sa ex nitong binalikan kahit sila pa ng kinakasama dati. Kinakasama dati. Napangisi si Paulina nang bumalik sa isip na hindi lang pala basta kinasama ni Bryce si Zylah, asawa pala talaga. “Hindi pa tayo tapos mag-usap,” inis na wika ni Bryce sa babaeng ayaw niyang bitiwan ang braso at baka takbuhan siya. “May sinabi ka kanina na gusto kong malaman kung totoo ba. Now, tell me… Totoo ba na—”“Forget it!” inis na sabi ni Paulina at malakas na itinulak si Bryce. “Hindi mo na kailangan alamin pa since sabi mo nga ay inaantay na lang ang annulment ninyo ni Zylah. What’s your inquiry for? Unless gus
—SINGAPORE— Kanina pa may hinihintay si Bryce. Hindi niya kilala ang kikitain pero may note sa inside pocket ng jacket na suot niya kagabi sa event na dinaluhan. Hindi niya sigurado kung sino ang naglagay ng note pero may hinala siyang iyong babae na nakabungguan niya kagabi. Ang nakasulat sa note ay oras, petsa, at lugar kung saan sila magkikita. Kung ano ang dahilan ay sinabing malalaman niya basta makipagkita siya. Hindi siya dapat nakipagkita pero nang makausap niya ang imbestigador na inuupuhan niya para hanapin si Harry kagabi ay sinabi nitong may lead na ito na nasa Singapore si Harry. Dahil sa nalaman sa imbestigador ay inisip niyang si Harry ang gustong makipagkita sa kaniya. “Good that you’re here already…” wika ng isang babae nang nasa harap na siya ni Bryce. Napakunot-noo si Bryce. Mataman niyang tiningnan ang babae. Kinikilala. Hindi ito ang babaeng nakabungguan niya kagabi pero pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “You are…” “Paulina Vergara,” pakilala ng babae kay
“All I want right now is to have a chance again to meet Austin Mulliez…” sabi ni Jessa kay Carlo bago umalis sa ibabaw nito at nahiga sa kama. Patagilid siyang humarap dito. “I have a source… sabi ay hindi girlfriend ni Austin si Bianca Marquez. With that info ay alam kong isang araw magiging akin siya.”Kakatapos lang nilang magtălik ni Carlo. Nang makatulog na sina Jaxon at Brody ay pinuntahan na niya si Carlo. Ang alam ng mga bata ay kanina pa nakaalis si Carlo pero ang totoo ay nagtago lang ito sa guest room. “Bakit ba out of the blue ay nalipat kay Austin Mulliez ang atensyon mo?” natawang tanong ni Carlo. “At sa kalagayan natin… Hindi ba mas dapat hanapin na muna natin kung saan lupalop napunta si Harry?”“Hindi natin problema si Harry, Carlo.” Jessa rolled her eyes. “Ilang beses ko bang sasabihin na napakahina lang ng taong iyon para problemahin mo. Until now nga hindi niya alam na ang batang akala niyang kaisa-isa niyang tagapagmana ay iba pala ang ama.” Pagak siyang natawa at
–Pilipinas–Inis na inihagis ni Jessa ang phone na hawak sa ibabaw ng kama at pabagsak na naupo. Two months na. In fact malapit na mag-three months mula nang wala siyang masagap na balita patungkol kay Austin Mulliez. Pagkatapos nito maibigay ang investment na fifty million kay Bryce ay nawala na itong parang bula. Nasa ibang bansa si Austin ayon kay Bianca nang minsan ay sadyain niya ito sa clinic nito. With the pretext na inutusan siya ni Bryce para magtanong kung nasaan si Austin ay nabigay naman ang impormasyon na iyon sa kaniya ni Bianca. Huminga ng malalim si Jessa. Inis na tiningnan ang sarili sa salamin. Tunog mula sa phone ang umagaw ng atensyon niya. Kinuha niya iyon at napasimangot nang makita ang pangalan ni Carlo. “At sa wakas sumagot ka rin…” ani Carlo. Alam niyang iniiwasan siya nito at iyon ang pinagtatakhan niya. Wala naman siyang atraso kay Jessa at lagi pa rin pinagbibigyan ang paglalambing nito kaya hindi niya maunawaan kung bakit ito biglang nanlamig sa kaniya.
“And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea fr
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamukh