Chapter: 0184“Na wala akong planong gawin…” kalmadong wika ni Austin para sagutin ang sinabi ni Bryce. “Hindi ko ugaling mang-angkin ng hindi akin, Bryce. Jaxon is my stepson technically, and legally dahil ako ang legal na asawa ng mother niya. But speaking of who’s the father of Jaxon should be ay wala akong planong agawin sa ‘yo, kaya huwag kang magdrama na parang inaagaw ko ang anak mo dahil hindi ko pinigilan si Zylah na iuwi namin siya.”Natigilan si Bryce. Napahiya kahit paano. Alam niyang hindi niya pwedeng inisin ang gaya ni Austin pero hindi naman palibhasa investor niya ito ay hahayaan na lang niya na magmukhang balewala para sa gaya nito. Kapag hindi niya inilaban ang sitwasyon niya ay lalo na siyang magmumukhang trapo na lang sa tingin nito. At pagtatawanan lang siya ni Zylah. Iisipin na napakahina niya.“If that’s what on your mind then better convince your wife na ihatid niyo na si Jaxon sa bahay, Austin!” pautos ulit na turan ni Bryce. “Okay na tayo basta ihatid niyo sa bahay si Jaxo
최신 업데이트: 2025-09-23
Chapter: 0183“Zylah is Jaxon’s mother,” kalmadong tugon ni Austin sa tanong ni Bryce. “Nakalimutan mo na ba ang sabi ni Jaxon kanina?” tanong niya rito. “Kay Jaxon nanggaling ang request na huwag siyang iwan ni Zylah sa inyo.”Nagtangis ang mga bagang ni Bryce. “Hindi ko alam kung anong drama ng asawa mo na pagtapos pabayaan si Jaxon ay bigla na lang gusto niyang umaktong mabuting ina ngayon…” wika niya habang palakad-lakad sa harap ng hospital room ni Jessa.“Mukhang mali naman ang sinabi mong ‘matapos pabayaan’ na ‘yan…” usal ni Austin sa tonong nagpipigil lang pero halatang hindi natutuwa sa mga naririnig kay Bryce. “Alam na alam mo kung bakit lumayo si Zylah, Bryce. Lumayo lang siya para pagbigyan kayo pero hindi siya nagpabaya. She just let you at iyon naman ang gusto niyo noon, ‘di ba? Ang palitan siya sa buhay niyo.” “Ayokong makipagtalo sa ‘yo, Austin…” usal ni Bryce. “Isa pa ay wala naman tayong dapat pagtalunan. And I have nothing against you… It’s true,” dagdag pa niya para ipaabot na r
최신 업데이트: 2025-09-21
Chapter: 0182Pabalik-balik na naglalakad si Bryce sa harap ng delivery room kung saan naroon si Jessa na kasalukuyan nanganganak. Tuliro siya sa halo-halong naramdaman. Inis, insulto, pagkalito… lahat ng iyon ay naglalaro sa emosyon niya. Binalikan niya ang pangyayari kanina sa school na dahilan kaya narito sila sa ospital ni Jessa. Ang pagkapahiya nila kanina ng asawa sa pananampal ni Zylah. Ang amusement sa mga mata ni Austin na obvious na suportado ang ginawa ng asawa nito. Ang pagpapakampi ni Jaxon sa mommy nito at sabihing ayaw na sa kanila. At ang mapanghusgang tingin ng principal sa kanila kanina ni Jessa kasama pa ng dalawang guro matapos ang mga narinig na sinabi ni Jaxon. Lahat ng mga iyon ay pabalik-balik sa isip ni Bryce at dahilan kaya lalo siyang nagagalit kay Zylah. Kung hindi sa kalokohan nito ay hindi mapapaanak ng wala sa oras si Jessa. Iyak ng bagong silang na sanggol mula sa delivery room ang umagaw ng atensyon ni Bryce. Napalitan ng ngiti ang nararamdaman niyang buwesit sa m
최신 업데이트: 2025-09-20
Chapter: 0181“Zylah!” galit na reaksyon naman ni Bryce at inalalayan ang asawa dahil halos natumba ito sa malakas na sampal ni Zylah at ngayon ay dinuduro-duro pa. “What the hell are you saying?!” pasigaw niyang dagdag. “You are insane acting so important! Hindi palibhasa may investment si Austin sa kumpanya ko ay may karapatan kang astahan kami ng ganiyan. And that slap you did to Jessa, sa palagay mo palalampasin ko na lang iyon ng gano’n na—”Isang sampal ang nagpatigil din kay Bryce. Mas malakas. Mas puno ng galit.“You!” galit na buwelta ni Bryce nang makabawi sa sampal na binigay ni Zylah. “Sumusobra ka na!” Hinila nito ang isang braso ni Zylah at plano sanang sampalin para mapatigil nang…“Don’t you there lay a finger on my wife, Almendras!” mababa lang ang tonong wika ni Austin pero puno ng pagbabanta ang tingin niya rito habang pigil ang kamay nitong naitaas na at nakahanda na ip[adapo kay Zylah. Binitiwan ni Bryce si Zylah. Napahiya. “Then what’s the hell wrong with your wife slapping us
최신 업데이트: 2025-09-18
Chapter: 0180“Stop saying that, Austin!” ani Bryce para ipagtanggol ang asawa. “Jessa is a good mother. Hindi mo alam ang totoo kaya wala kang ideya sa sinasabi mo! At hindi ko alam kung ano ang motibo nitong asawa mo sa patanong-tanong ng kung ano-ano kay Jaxon. Isa pa ay wala kayong ebidensya sa mga binibintang niyo kaya tigilan niyo ang kung anong kalokohan na sinasabing inaapi ni Jessa ang anak ko! Ako ang ama ni Jaxon at nasa poder ko siya. Kung totoong inaapi siya ni Jessa ay ako ang unang makakaalam. Hindi kayo!” Nagkatinginan sina Austin at Zylah. Parehong ang nasa isip ay napakagago talaga ni Bryce. “Hindi pa ba sapat ang sinabi ni Jaxon na ayaw niya sa inyo?” mapanghamon na tanong ni Zylah kay Bryce. “Hindi pa ba sapat na ako na inayawan niyang ina noon ang ngayon pinapakiusapan niyang huwag siyang iwan sa inyo? I’m telling you two… kukunin namin si Jaxon at huwag niyo na hangarin makigulo pa dahil hindi kami papayag na ibalik pa siya sa inyo!”“Jaxon has his habit of making things up!”
최신 업데이트: 2025-09-18
Chapter: 0179“And what do you think you’re doing, Jaxon?” tanong ni Jessa sa naiiyak na boses. Kunwari ay takang-taka sa ginawi ng bata at nasaktan. Jessa knows well she needs to play her cards. Hindi pwedeng magmukha siyang masamang ina sa tingin ng mga teacher at principal dahil sa mga sinabi ni Jaxon. At sa bagay na iyon ay alam niyang lamang na lamang siya kasi magaling siyang umarte at bumibenta lagi. “After kang iwan ng mommy mo at ako na ang naging mommy mo ay paano mong nasabi ‘yan, Jaxon?” patuloy ni Jessa na may pahikbi pang style sa boses. “Nakalimutan mo na bang pinabayaan ka ng mommy mo? Remember those times you always told me how happy you are that I became your mom?”Alam ni Jessa na siguradong pag-uusapan sila ng mga guro dahil sa kung anong sinabi ni Jaxon pero kailangan mapalabas niyang pabayang ina si Zylah at piniling unahin ang anak ng asawa nito kaysa sa tunay nitong anak. Kailangan siya ang mukhang nagsakripisyo tapos ay sinasagot-sagot pa ni Jaxon ng gano’n. Tama… ano man
최신 업데이트: 2025-09-17
Chapter: 0124“Hahayaan na lang ba natin siya, boss?” tanong ng isang tauhan ni Leonard sa kaniya habang pinapanood ang mga kaganapan sa labas ng ospital. Marami nang patay na tauhan nina Mathias at Nikias ang makikita sa paligid. Leonard grinned. Hindi basta mapapasok ni Lauren ang ospital kung ito lang mag-isa, of course tumulong ang mga tao niya. Kagaya ng pangako niya. “She needs to do it alone…” mapanganib at malamig na tugon ni Leonard. Ang totoo ay ayaw ni Leonard madamay. Sakaling mabulilyaso ang gustong gawin ni Lauren ay mas okay na ito lang ang magkaproblema. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sakaling mahuli ito ng mga pulis na siguradong mangyayari. “Hindi ko hahayaan maikonekta sa akin si Lauren. Mainit pa sa mga balita ang nangyari sa simbahan kaya hindi tamang maiugnay sa ginawa natin doon ang kamatayan nina Cassian at Ember,” patuloy ni Leonard paliwanag sa tauhan niyang kanina pa takang-taka kung bakit si Lauren lang ang kailangan pumasok sa loob ng ospital at tumapos sa mag
최신 업데이트: 2025-10-03
Chapter: 0123Alas kuwatro ng madaling araw. Ang ospital ay tila tulog, maliban sa mga nurse na nagroronda. Ngunit mula sa likod ng emergency exit, isang maliit na ingay ang umalingawngaw—tunog ng kandadong marahang binubuksan. Si Lauren iyon. Nakapasok siya ulit, dahan-dahan, maingat. Nakasuot siya ng puting coat ng nurse, at sa unang tingin, hindi siya mapapansin. Pero ang kanyang mga mata, malamig, nakatutok sa iisang direksyon: ang ICU kung saan naroon si Ember. Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang isang nurse. “Miss, hindi ba dapat sa kabilang wing ka naka-assign?” tanong ng nurse. Ngumiti si Lauren. A wicked and dangerous smile. Bago pa makapagsalita ang babae, mabilis na tumarak ang scalpel sa tagiliran nito. Tahimik na bumagsak ang nurse, at itinabi niya ang katawan nito sa isang storage room. Wala man lang narinig ang iba. “See that, Ember,” bulong ni Lauren. “Gan’yan din ang ending mo mamaya…” ********* Biglang napatayo si Ember. “Cassian… may mali.” Tumingin si Cassian, a
최신 업데이트: 2025-10-03
Chapter: 0122Sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng madilim na kalsada, ay may isang babaeng nakaupo, nakasuot ng mahabang coat. Si Lauren.“Hindi niyo ako tuluyang maitatapon,” bulong niya habang sinusundan ng tingin sina Cassian at Ember na palabas ng ospital. Mahina lang ang boses niya pero puno ng galit. Nakangising sinundan niya ng tingin ang dalawa. Sa kanyang isip, malinaw ang plano na huwag muna siyang aatake. Hayaan muna niyang matakot si Ember, hayaang lamunin ng paranoia at takot ang bawat segundo ng kanyang pagkatao.“Soon, Ember,” bulong niya. “I’ll take everything away from you. Cassian, your family, your life. At ako ang huling mukhang makikita mo bago ka mawala.”Ngumiti si Lauren. Sa kanyang mga palad, nakapulupot ang manipis na lubid at isang maliit na kutsilyo. Sa kanyang bulsa, may nakatuping sulat—isang peke, na nagsasaad na nagpakamatay siya sa tulay. Isang papel na papaniwalaan ng mundo. Kagaya ng sabi ni Leonard ay iyon ang kalayaan niya. Wala nang
최신 업데이트: 2025-10-03
Chapter: 0121Tahimik ang bawat segundo sa ospital, tila ba ang mismong orasan ay pinipilit pigilan ang pag-ikot. Ang mga ilaw sa hallway ng ICU ay malamlam pa rin, nagbibigay ng malamig na kulay sa mga dingding na tila ba nakikiramay din sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat pag-ugong ng air-conditioning at sa bawat beep ng mga makinang nakakabit kay Giancarlo, ang puso ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay muling pinapaalalahanan na ang buhay niya ay nakabitin lamang sa manipis na sinulid.Nakaupo si Ember sa bench, yakap-yakap ang rosaryong ilang ulit na niyang dinaanan ng dasal. Paulit-ulit, walang humpay, na para bang ang bawat Hail Mary ay magsisilbing gamot na magbabalik sa kapatid niya mula sa bingit ng kamatayan. Paminsan-minsan, titingala siya sa pintuan ng ICU, umaasang lalabas ang doktor na may dalang mabuting balita. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, ang katahimikan ay lalong sumasakal.Si Cassian, laging naroroon sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangingini
최신 업데이트: 2025-10-03
Chapter: 0120“Twenty-four hours daw ang pinakamahalaga…” mahinang bulong ni Ember, halos wala nang lakas. “Paano kung hindi kayanin ng katawan niya, Cassian? Paano kung—”Inikot ng tingin ni Ember ang hallway ng ospital ni Adrian. Wari ay naging kulungan ang bawat sulok ng hallway sa pakiramdam niya. Ang mga fluorescent light na normal na malamlam ay parang nag-aalangan na manatiling bukas. Maging ang tunog ng mga makina mula sa ICU na tanging pumupunit sa katahimikan ay parang lahat nananakot kay Ember. Sa loob, nakaratay si Giancarlo, halos wala nang malay, habang sa labas ay nagpupumilit ang kanyang pamilya na kumapit sa pag-asa.Nakaupo si Ember sa gilid ng bench, yakap-yakap ang rosaryo na iniabot ng ina. Ang mga daliri niya’y nanginginig, bawat dasal ay halos pabulong, paulit-ulit, para bang kung titigil siya kahit saglit, tuluyan nang bibitaw ang kanyang kapatid. Sa tabi niya, si Cassian ay hindi na bumitaw mula sa kanyang balikat, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa.Hinawakan ni Cassian
최신 업데이트: 2025-10-03
Chapter: 0119Kinabukasan…Tahimik ang kuwarto ng mental hospital. Ang puting dingding ay malamig, walang laman maliban sa kama, maliit na mesa, at bintanang may rehas. Doon, nakaupo si Lauren, nakatitig sa hawak niyang matalim na piraso ng salamin mula sa basag na frame ng larawan. Ang mga daliri niya ay nanginginig, ngunit ang mga mata—hindi baliw, kundi puno ng malinaw na determinasyon.Sa labas ng pinto, dalawang nurse ang nag-uusap.“Dapat bantayan si Lauren Moretti. Napaka-delikado ng kondisyon niya,” sabi ng isang nurse.“Oo, pero wala na siyang laban. Parang wala nang pag-asa pang gumaling,” tugon ng kausap nito. Napangiti si Lauren, mapait at mapanlinlang. ‘Oo, isipin niyo na lang na baliw ako. Isipin niyo na lang na tapos na ako. Mas madali para sa akin ang makawala.’Dahan-dahan niyang nilapit ang piraso ng salamin sa pulso niya. Huminga siya nang malalim at bigla niyang hinagod ang balat—sapat para magmukhang malalim at duguan. Sumirit ang dugo, kumalat sa malamig na sahig. Kaagad siyan
최신 업데이트: 2025-10-03