Share

Chapter 5

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2023-06-27 11:26:06

Pamayamaya naman ay dumating na si Josiah na kababalik lang. Hindi siya nakangiti at hindi rin nakasimangot. Sobrang seryoso ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang hindi siya tignan.

"Mabuti naman nakabalik kana. Ang tagal mona nga at mas mukhang matagal pa si Clara!" reklamo ko sa kaniya.

Napailing naman siya at napaupo sa tabi ko. Sandali naman akong napalingon sa grupo nila Stefan na nagtatawanan dahil sa mga pinag-uusapan nila at nakita ko ngang nakatitig sa akin si Stefan kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kaniya.

Hindi naman nagsalita si Josiah dahil sobrang seryoso pa rin ng mukha niya kaya naman para mawala iyon ay bahagya kong tinusok ang tagiliran niya para patawanin siya pero hindi naging effective iyon sa kaniya kaya napabuntonghininga na lang.

"I'm just gonna get some drinks," sabi niya sa akin pagkatapos ay mabilis na tumayo at umalis doon.

Napakagat naman ako sa labi ko at napailing bago tuluyang tumayo rin para sundan siya. Napaisip tuloy ako kung pinagbigyan siya ng kapatid ko para makipagsayaw sa kaniya. Nagdadalawang isip naman ako kung itatanong ko 'yon sa kaniya lalo na at ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"Josiah, wait! Sama ako sa'yo," sabi ko at binilisan pa ang paglalakad para maabutan ko siya.

Kahit masakit ang paa ko ay pinilit ko naman ang sarili ko na makalapit sa kaniya. Sigurado akong nasaktan siya sa kung ano man ang dahilan kaya hindi ako papayag na magiging malungkot na lang siya ngayong gabi lalo na at alam kong kapatid ko ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

"Are you alright? What happened to you?" tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa drinks area.

Nanghingi naman siya ng whiskey roon at binigyan naman siya kaagad. Nagulat naman ako nang bigla niyang ininom 'yon.

"Jos! Dahan-dahan lang," sabi ko sa kaniya.

Muli siyang nanghingi roon at patuloy lang naman siyang binibigyan. Napailing na lang tuloy ako at nanghingi rin ng sa akin.

"What are you doing?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Gusto mo maglasing, right? Ito sasamahan kita," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

Gumuhit sa lalamunan ko ang mainit na alak hanggang sa loob ng tiyan dahil sa tapang nito at kahit na hindi ko gusto ang lasa ay nanghingi akong muli.

"Stop it, Eli. Masyadong hard ang mga 'yan," suway niya sa akin.

"Hindi naman. Ang sarap nga e," sabi ko pagkatapos ay muling nilagok ang pangalawang shot.

"Don't give her another shots. Mabilis malasing 'yan," sabi naman ni Josiah sa bartender na naroon pagkatapos ay kumuha siya ng wine at inabot sa akin.

"Ano'ng gagawin ko rito?" tanong ko naman sa kaniya habang nakataas ang kilay.

"'Yan na lang ang inumin mo at baka malasing ka kaagad," sagot niya sa akin.

"So what's happening to you? Naisayaw mo ba ang kapatid kong si Stella?" tanong ko naman kaagad sa kaniya dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kita ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo niya at napahugot nang malalim na hininga.

"Ikaw, naisayaw ka rin ng crush mo hindi ba? Swerte niyong dalawa ni Clara," sabi niya sa akin.

"What? Paano akong magiging swerte e hindi ko naman gusto ang Stefan na 'yon! Si Clara lang ang swerte at mukhang enjoy na enjoy dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa table natin," sunod-sunod ko namang sagot sa kaniya.

"I'm happy for her," sagot din naman niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Napatango naman ako dahil ganoon din ang nararamdaman ko para sa kaibigan pero hindi pa rin makakatakas sa akin si Josiah ngayon dahil mukhang iniiba niya ang usapan at hindi niya man lang sinagot ang tanong ko kaya inulit ko 'yon sa kaniya.

"Ang tanong ko ang sagutin mo. Naisayaw mo ba ang kapatid ko? For sure naisayaw mo dahil antagal mo rin nawala," sabi ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"Oo naisayaw ko siya pero saglit lang dahil may nag-aya na rin kaagad sa kaniyang magsayaw," sagot naman niya sa akin pagkatapos ay napainom na naman sa alak na hawak niya.

"At bakit ka naman pumayag ba makipagsayaw siya sa iba?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

"At sino rin naman ako para hindi pumayag?" tanong din naman niya sa akin.

"His future boyfriend. Duh?!" sagot ko pagkatapos ay inirapan siya.

Sarkastiko naman siyang natawa at napailing kaya hindi naalis ang tingin ko sa kaniya. Ang ganitong mga reaksyon ni Josiah ay ngayon ko lang nakita kahit na matagal na kaming magkaibigan kaya naman curious ako kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.

"Ang sarap sanang pakinggan niyan, Eli pero hindi e. Your sister have already boyfriend. Ang sabi niya sa akin noon ay maghintay lang ako sa kaniya hanggang sa maka-graduate siya ng college," sunod-sunod na sabi niya sa akin kaya natahimik lang ako.

"Tinupad ko naman ang sinabi niya na hintayin ko siya. Nakita mo naman kung paano ko iwasan ang mga babaeng nagpapapansin sa akin para lang sa kapatid mo pero hindi ko lang talaga inaasahan ngayon. Na habang naghihintay pala ako sa kaniya, nagmamahal na siya ng iba. How ridiculous, right?" patuloy niya sa pagsasalita pagkatapos ay napailing.

Napakagat ako sa labi ko habang pinapakinggan ko ang pagkukwento ni Josiah. Wala akong alam sa paghihintay na ganoon na sinabi ng kapatid ko dahil hindi naman talaga mahilig magkwento si Josiah. Kahit ako ay shocked ngayon sa nalaman.

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko, "Sabihin ang alin?" nagtatakhang tanong ko.

"Na may ibang nanliligaw na pala kay Stella. For sure nagpupunta 'yon sa bahay niyo at nakikita mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hinayaan mong umasa pa ako?" sunod-sunod niyang sabi at tanong sa akin kaya sunod-sunod din ang pag-iling ko.

"Jos, I-I didn't know what you're talking about. Sa tingin mo ba magagawa ko 'yon sa'yo?" sagot at tanong ko naman sa kaniya.

Napailing lang naman siya at tinignan ako gamit ang punong-puno ng disappointment sa mga mata niya bago ako tuluyang iniwanan doon. Nalaglag naman ang panga ko at napatanong sa sarili.

"Bakit parang kasalanan ko?" bulong ko sa sarili.

"Where's, Jos?" tanong sa akin ni Clara nang makabalik na siya sa table namin.

Bumalik din ako sa table namin kanina nang matapos akong iwanan ni Josiah doon at akala ko rito siya nagpunta pero hindi ko siya naabutan dito.

Napailing naman ako bilang sagot kay Clara habang nakatulala ako. Maingay na roon kanina pa dahil nag-aasaran na naman ang mga boys. Kinausap pa nga ako ni Stefan kanina kaya lang ay hindi ko masyadong naintindihan dahil iniisip ko si Josiah. Hindi ko lang siya maintindihan kung bakit ako ang sinisisi niya sa pagkakaroon ng boyfriend ni Stella kahit wala naman talaga akong alam.

"Hindi mo alam kung nasaan siya? Baka nagsasayaw pa sila ni Stella?" tanong na naman sa akin ni Clara.

"No. Tapos na silang magsayaw kanina pa at tapos na rin ang kanta at sayawan kaya sigurado akong hindi na sumasayaw 'yon," sagot ko sa kaniya.

"Then where is he? Sandali at tatawagan ko na lang," sabi ni Clara pagkatapos ay kinuha na ang phone niya sa purse niya para tawagan si Josiah.

Napabuntonghininga naman ako at kinuha ang wine na nasa harapan para uminom. Wala talaga akong alam na may boyfriend na si Stella lalo na at wala namang lalaking nagpupunta sa bahay para ligawan siya.

"Stop calling him, Clara. Baka hindi na bumalik 'yon dito. He's mad at me," sabi ko nang mailapag ko ang glass ng wine sa table.

"He's mad at you? Ano'ng dahilan? That's impossible! Duh!" hindi naman makapaniwalang sabi ni Clara sa akin.

"Ako ang sinisisi niya sa pagkakaroon ng boyfriend ni Stella. Wala naman akong alam doon dahil kung hindi niya sinabi sa akin kanina ay hindi ko malalaman na may boyfriend na pala ang kapatid ko!" sunod-sunod na pagrereklamo ko naman.

"May boyfriend na si Stella?!" gulat na tanong naman ni Clara sa akin dahilan nang pagtango ko.

"At hindi ko alam kung paano dahil wala namang dumadalaw o nagpupunta sa bahay para manligaw kay Stella. Ako ang unang makakaalam no'n, Clara alam mo 'yon," patuloy ko sa pagsasalita.

Humugot naman nang malalim na hininga si Clara at bahagyang hinagod ang balikat ko habang tumatango-tango.

"I know and I believe you. Hayaan mo at kakausapin ko si Josiah kapag nakita ko siya. Baka nabigla lang 'yon dahil alam naman nating parehas na sa kapatid mo lang patay na patay 'yon," sunod-sunod namang sagot sa akin ni Clara para pagaanin ang loob ko.

Nanatili naman kami sandali roon at ang grupo nila Stefan ay hindi pa rin umalis doon. Natanaw ko naman ang pagtitig muli sa akin ni Stefan pero nag-iwas na lang ako ng tingin dahil naiilang ako.

"Set up na raw ang venue for our after party. Game ba kayo guys?" tanong ni Julius, isa sa mga kasama sa grupo nila Stefan.

Napahugot ako nang malalim na hininga dahil may after party pa nga pala. Iginala ko tuloy ang mga mata ko para hanapin muli si Josiah dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag namin sa kaniya ni Clara.

"Eli," tawag sa akin ni Stefan.

Napalingon naman ako sa kaniya at bahagyang itinaas ang dalawa kong kilay na para bang nagtatanong kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Are you coming for after party?" tanong niya.

Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil napatingin ako sandali kay Clara. Tumango naman siya sa akin kaya bumalik ang tingin ko kay Stefan bago tumango rin sa kaniya bilang sagot.

"Yeah," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Napangisi naman siya at napatango dahil sa sagot ko bago bumaling sa mga kaibigan niya.

"Okay, guys! Sasama na ako," sabi niya sa mga kaibigan niya.

"Oh akala ko ba gusto mong magpahinga nang maaga ngayong gabi dahil may training ka bukas?" tanong sa kaniya ni Julius.

"Pwede ko naman ipagpaliban 'yon sa susunod na araw. Gusto ko rin muna maglibang," sagot naman niya sa mga kaibigan niya pagkatapos ay bahagyang napatingin sa akin muli kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Sus! Nalaman mo lang na pupunta si Eliana kaya sasama kana rin!" pang-aasar naman ng isa pa niyang kaibigan doon.

Napailing na lang ako at napabuntonghininga bago muling tumingin kay Clara na nakangisi na rin ngayon kaya naman nagkunot ako ng noo sa kaniya.

"Mukhang type ka nga talaga ni Stefan. Nabanggit din kasi sa akin ni Elijah kanina," bulong niya sa akin.

Napairap naman ako dahil doon. Hindi ako naniniwala at hindi ako sang-ayon na magustuhan na lang niya ako kaagad-agad.

"Oh bakit gan'yan ang reaction mo? Pogi naman 'yang si Stefan at basketball player pa. Matalino at mabait. Pasok na pasok sa standards mo," dagdag na sabi pa ni Clara nang makita niya ang pag-irap na reaksyon ko.

"Mas mataas na ang standards ko ngayon, Clara. Sabihin na nating gwapo, mabait at matalino siya pero hindi pa rin natin maipagkakaila na babaero yan," sunod-sunod naman na sabi ko sa kaniya pagkatapos ay muli na naman akong napairap.

"Paano mo namang nalaman na babaero? Subukan mona ulit kaysa naman kay Jackson!" sagot naman niya sa akin.

Napailing na lang ako dahil dinadamay na naman niya ako sa kabaliwan niya.

"You know what? Hahanapin ko na lang muna si Josiah. Maiwan ka r'yan kung gusto mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay tumayo na roon.

"Huh? Iiwanan mo ako? Sasama ako!" nagmamadaling sabi niya kaya naman sinimulan ko nang umalis doon.

Nakalimutan ko pa ngang magpaalam sa mga kasama namin doon pero narinig ko naman ang boses ni Clara na mukhang nagpapaalam sa mga kasama namin.

"Maghiwalay kaya tayo para mabilis natin siyang mahanap? Hahanapin ko rin ang Daddy niya at itatanong ko kung nasaan si Jos," sabi ni Clara kaya naman napatango ako.

"Mabuti pa nga. Magtawagan na lang tayo kapag nahanap na natin siya," sagot ko naman.

Naghiwalay na nga kaming dalawa ni Clara at halos lahat nang makita kong mga ka-schoolmates namin ay pinagtatanungan ko kung nakita ba si Josiah hanggang sa natanaw ko naman si Stella sa table nila kasama ang mga kaibigan niya. Hindi naman ako lumapit kaagad sa kanila dahil hinanap ko ang boyfriend na tinutukoy kanina ni Josiah. Natanaw ko naman may lalaki nga siyang katabi at halata naman na kaedad niya 'yon. Nagtatawanan sila roon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit doon.

"Stella," tawag ko sa kapatid.

Napaangat naman kaagad ang tingin niya sa akin at nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako kaya naman pinanatili ko ang seryoso kong mukha.

"A-Ate Eli," tawag niya rin sa akin at napatingin muna sa lalaking katabi niya bago tumayo.

"Can we talk?" tanong ko sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 65

    "Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 64

    "Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 63

    After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 62

    "How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 61

    Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per

  • Betraying the Heiress: TAGALOG   Chapter 60

    After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status