Magsasalita pa sana ulit si Clara nang sabay-sabay kaming napatingala sa isang lalaki na tumayo sa gilid niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangana dahil si Elijah 'yon! Si Elijah na crush na crush ni Clara.
"Clara," tawag niya sa kaibigan ko.
Napangisi ako dahil alam ko na sobra ang galak ngayon ng kaibigan ko. Gwapo si Elijah at isa rin sa mayaman dito sa town namin. Gustong-gusto siya ni Clara dahil bukod sa gwapo, sikat at mayaman ay mabait din ito at matalino.
Mukha namang natulala si Clara kay Elijah kaya naman naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Josiah. Mahina ko namang sinipa ang paa ni Clara sa ilalim ng lamesa para bumalik sa wisyo.
"Y-yes?" nauutal na sabi naman niya pagkatapos ay umayos nang upo.
"Can we dance? Kahit sandali lang," tanong nito sa kaniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Sure, Elijah! Pwedeng-pwede mong isayaw 'yan kahit nga magdamag ngayong gabi ay hindi aangal 'yan," si Josiah naman ang sumagot kaya siniko ko siya.
"May I have this dance?"
Hindi pa naman nagtatagal ay si Stefan naman ang narinig ko sa gilid ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayong gabi at pati ako ay nadadamay sa ganito.
"Oh ayan may nag-aaya naman sa inyo na sumayaw kaya hayaan niyo na ako," sabi na naman ni Josiah pagkatapos ay tuluyan na ngang umalis doon.
Sandali naman akong napatingin kay Stefan na nanatili sa gilid ko. Nang makita niya ang pagtingin ko sa kaniya ay napangiti siya sa akin kaya kahit na gusto ko siyang irapan ay pinigilan ko na lang sarili.
"Please?" paki-usap niya.
"I know there's a lot of boys who wants you to dance with them but... Nagbabakasakali rin ako," dagdag na sabi niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Napahugot naman ako nang malalim na hininga at napalingon sa gawi ni Clara kung nasaan siya kanina pero laking gulat ko nang wala na siya roon. Nanlaki ang mga mata ko at inilibot kaagad ang mga mata kaya naman hindi siya nakaligtas sa akin. Nakita ko silang dalawa ni Elijah sa gitna ng maraming tao habang nagsasayaw! My gosh! Sino ba naman kasing tao ang tatanggihan ang crush nila hindi ba?
"Eliana, please. I want to dance with you," pangungulit muli ni Stefan sa akin kaya napabaling ako sa kaniya.
"Alam ko rin naman na maraming babae ang naghihintay sa'yo na alukin mo sila nang sayaw. Bakit hindi mo sila puntahan at iwanan ako?" pagtataray na sabi ko sa kaniya.
"I don't want them. Ikaw ang gusto ko," sagot niya dahilan nang pagkalabog ng puso ko.
"Kapag ba nakipagsayaw ako sa'yo, titigilan mona ako mamaya at kahit saan tayo magkita?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko.
Natawa naman siya at napakamot sa noo niya bago muling nagsalita.
"Well, I can't promise that but yes. I will try. Pagbigyan mo lang ako ngayon," sagot niya pagkatapos ay muling naglahad ng kamay sa akin.
Napatingin naman ako sa maputing palad niya na nasa harapan ko kaya naman muli akong napahugot nang malalim na hininga bago ko tinanggap ang kamay niya para makipagsayaw sa kaniya.
Sa totoo lang ayaw ko talagang makipagsayaw sa kaniya lalo na at nasimulan na kaming asarin ng kaibigan ko at kaibigan niya. Ayokong lumala pa ang pag-issue na 'yon sa aming dalawa ni Stefan, pero dahil makulit siya at mukhang hindi naman ako titigilan ay pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya.
"Thank you,"
Napatingin naman ako kay Stefan na nakangiti habang nakatitig sa akin. Nagsisimula na kaming sumayaw ngayon at hindi ko magawang tumingin nang diretsyo sa kaniya. Medyo naiinis pa kasi ako dahil ang iilang nakakita sa amin ay kung hindi kami inaasar ay kinukuhanan naman nila kami ng picture ni Stefan.
"This will gonna be your last. Huwag mong kalimutan ang kondisyon ko," sabi ko naman sa kaniya gamit ang pagsusungit na ugali ko sa kaniya.
Natawa naman siya kaya mas lalo akong hindi tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang nakain niya. For sure naman ay nakikita na niya ako sa school noon pa at hindi ko lang maintindihan kung bakit siya ngayon nagpapapansin sa akin.
"Oh come on, Eli. Ngayon lang tayo nag-meet and we're schoolmates naman. Why don't we try to be friends to each other?" sagot at tanong naman niya sa akin.
"I already have friends," sagot ko naman sa kaniya.
"I know but I still wanna be friends with you. Can we? Please?" paki-usap niya na parang bata.
"I'll think about it first," sagot ko naman sa kaniya dahil sigurado akong hindi niya na naman ako titigilan.
Magsasalita na sana siya nang bigla na namang sumulpot si Jackson sa gilid namin dahilan nang sabay naming paglingon doon ni Stefan.
"Can I dance with you?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit parang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang tanong niya sa akin. Bakit kailangan niyang isayaw pa ako? Para saan? Hindi ba at may girlfriend na siya? Bakit hindi ang girlfriend niya ang isayaw niya?!
"Sorry but can't you see? Nagsasayaw kaming dalawa," sagot naman sa kaniya ni Stefan.
"I know and I can see, pero kanina ka pa. Pwede bang ako naman?" sagot naman ni Jackson kay Stefan.
"Oh really? Well, pwede ko naman siyang hayaan na agawin mo sa sayaw namin pero ang tanong, papayag ba siya?" sunod-sunod na sabi naman ni Stefan pagkatapos ay napatingin sa akin.
"Is it okay with you?" tanong niya pabulong sa akin.
Bahagya naman akong napakagat sa labi ko at umiling bilang sagot sa kaniya. Ayaw kong makipag-sayaw kay Jackson dahil baka makita pa kami ng girlfriend niya at awayin ako. Mukhang friends of friends pa naman 'yon ni Ate Allison kaya 'wag na lang! Isa pa ayoko talaga dahil ayoko na sa kaniya.
"Please, Eli," paki-usap sa akin ni Jackson.
"Hindi mo ba nakita ang pag-iling niya? Ayaw niya," sabi ni Stefan.
Humugot naman ako nang malalim na hininga bago tumango at nagsalita.
"Yes, Jackson. Nagsasayaw kami ni Stefan at nag-eenjoy kaming dalawa," sabi ko naman kay Jackson.
"Eli," tawag na naman niya sa akin.
"Jackson, please. Ako naman ang nakikiusap sa'yo ngayon. Tigilan mona ako," sagot ko kaagad sa kaniya dahil ayaw na naman niyang tumigil.
Hindi ko alam na karamihan pala sa mga lalaki ngayon ay mapilit sa mga gusto nila. Talagang hindi ka titigilan hangga't hindi mo sila pinagbibigyan. Kadalasan pa ay kailangan mo pang magbitaw ng mga masasakit na salita para lang tigilan kana nila.
Hindi naman na nakapagsalita pa si Jackson at napailing na lang ito bago umalis doon nang tuluyan. Napabuntonghininga naman ako habang tinataw siyang papalayo sa amin dahil para bang sobrang nakahinga ako nang maluwag nang tigilan na niya ako.
Nang maibalik ko naman ang tingin ko kay Stefan ay nakita kong nakangiti na naman siya ngayon kaya kunot-noo ko siyang tinignan at bahagyang tinaasan ng kilay.
"Ano na naman ang nakakatawa?" tanong ko sa kaniya.
Bahagya naman siyang napailing at napayuko pero kaagad binalik ang tingin sa akin.
"Mukhang may gusto pa rin sa'yo ang ex mo," sabi niya habang nakangisi.
Mas napakunot naman ang noo ko dahil nagtakha kung bakit niya nalaman na ex ko si Jackson.
"How did you know that Jackson is my ex?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.
"Huh? Bakit ko naman hindi malalaman? Eh parehas kayong sikat din sa school at wala yatang estudyante ang hindi nakakaalam na naging on kayong dalawa," sunod-sunod naman niyang sagot sa akin.
Napanguso naman ako dahil may point nga siya. Tama nga na parehas kaming kilala ni Jackson sa school pero hindi ko naman expected na marami pa ring makakaalam sa relasyon namin lalo na at lowkey lang naman kami noong kami pa.
"Napansin ko lang na kanina mo pa siya iniiwasan. Bakit ayaw mo siyang makausap? Mukhang makikipagbalikan pa naman sa'yo," sabi na naman ni Stefan kaya naman napailing ako.
"May girlfriend na siya at hindi na babalik sa'kin 'yon," sagot ko naman pagkatapos ay nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"So, bakit nga ayaw mo siyang makausap? Kasi mahal mo pa?" pagtatanong niyang muli.
Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil hindi ko maipagkakaila na may part pa rin sa akin na mahal ko pa si Jackson pero ayaw ko na sa kaniya. Alam ko naman na hindi gano'n-gano'n na lang mawawala ang feelings ko sa kaniya lalo na at three months pa lang naman ang nakakalipas nang maghiwalay kaming dalawa.
"I-I don't love him anymore," pagtatanggi ko pero hindi ko napigilan ang pagka-utal ko.
"It's okay. Nararamdaman kong mahal mo pa ang ex mo-"
"Pero ayoko na sa kaniya. Hindi ko lang malaman ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap pa ngayon na hiwalay na kami at may girlfriend na siya," sagot ko naman sa kaniya para maipaliwanag ko kaagad ang sarili.
"Pero nasasaktan ka pa rin kapag nakikita mong may kasama siyang iba. Malay mo naman ay gusto niya lang ng closure sa relationship niyo," sabi naman sa akin ni Stefan kaya muli akong napailing.
"Hindi naman na kailangan ng gano'n dahil maayos naman ang paghihiwalay naming dalawa. Pumayag ako sa gusto niyang maghiwalay na kami dahil kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral sa magiging future career niya," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay muli na naman akong napabuntonghininga bago muling nagsalita.
"At syempre nasasaktan pa rin naman ako pero kaya ko naman," dagdag na sabi ko pa.
Napailing na lang talaga ako dahil ngayon ko lang na-realize na para bang nakikipagkwentuhan na ako sa kaniya about my past.
"You know what? I'll help you to move on. I volunteer myself to be your rebound," sabi ni Stefan sa akin.
Kunot-noo ko siyang muling tinignan dahil kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi niya.
"Pumayag kang makipag-date sa akin para makalimutan mo ang ex mo. Gamitin mo ako para pagselosin at saktan ang damdamin niya," sagot niya sa akin.
Hindi ko naman napigilang mapairap dahil sa walang kakwenta-kwentang sinasabi na naman niya. Bakit ko naman gagawin 'yon? Duh!
"You know what, Stefan? Thankful ako kasi ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako tuluyang nalapitan pa ni Jackson kanina pero 'yang mga sinasabi mo ay kabaliwan na 'yan," sunod-sunod na sabi ko sa kaniya.
"Kung kabaliwan ang tawag sa pagtulong sa'yo, ayos lang sa akin. Just give me a chance dahil gusto naman kita," sagot niya at hindi ko naiwasang hindi mabigla sa huling sinabi niya.
Para naman mawala ang awkwardness na naramdaman ko ay itinawa ko na lang 'yon at umiling.
"Kaya kong mag-move on kay Jackson ng walang ginagamit na tao. Kaya tigilan mo ako sa kahibangan mo, Stefan," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay muling umiling-iling sa kaniya.
"Magpapahinga na muna ako. Masakit na ang paa ko," dagdag na sabi ko pa sa kaniya pagkatapos ay huminto na sa pagsasayaw.
"Sasamahan na kita," sabi naman niya at inalalayan na nga ako pabalik sa table namin.
Habang pabalik naman kami ay natanaw ko ang ibang mga kaibigan niya at kaibigan ko na nakabalik na rin pala sa table. Hinanda ko naman na ang sarili ko sa mga magiging asaran ngayon dahil sigurado akong hindi papayag ang mga 'yan na hindi kami tutuksuhin ni Stefan.
"Sabi ko na nga ba eh! Nagpapanggap pa kayong walang kayo pero halatang-halata naman!" pang-aasar ni Patrick, tingin ko ay kaibigan siya ni Stefan.
"Hindi naman talaga kami. Nagsayaw lang," sagot ko para depensahan ang sarili.
"Hindi pa kami kaya tumigil kayo sa pang-aasar," suway naman sa kanila ni Stefan.
"Hindi pa? It means, nililigawan mona si Eliana?" tanong pa naman ng isa roon na kaklase ko naman.
Nanlaki naman ang mga mata ko pagkatapos ay mabilis na umiling bilang sagot. Nagtawanan naman sila roon kaya naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Gusto kong pagsabihan si Stefan kung bakit ganoon ang sinagot niya pero nanatili na lang akong manahimik dahil sumasakit na nga rin ang paa ko. Hindi na rin naman sila natigil na asarin si Stefan kaya hindi ko na lang sila pinansin.
"Hindi pa bumabalik sila Clara at Josiah?" tanong ko kay Peal, isa sa mga kaklase kong ka-table namin.
"Hindi pa. Nagsasayaw pa yata sila ni Elijah," sagot naman niya sa akin kaya napatango ako.
"Mukhang tatapusin yata ni Elijah ang mga kanta bago tumigil sa pagsasayaw!" narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Stefan.
Nagtawanan naman sila roon kaya hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapangisi lalo na at alam kong si Clara ang kasayaw niya ngayon. Sigurado akong makakatulog ang kaibigan ko ngayong gabi na may ngiti sa labi. Masaya ako para sa kaniya dahil hindi pa natatapos ang buong taon ay natupad na ang isa sa mga pangarap niya. Ang pangarap na isayaw siya ng crush na crush niyang si Elijah.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n