"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
Ibinuga ko ang huling usok na hinithit ko mula sa sigarilyong hawak ko habang nakatanaw sa itaas upang pagmasdan ang mga bituin. Napatingin ako sa hawak kong sigarilyong paubos na pagkatapos ay napailing bago ako napabuntonghininga. Hinanap ko kaagad ang basurahan para itapon 'yon doon. Hindi naman talaga ako nagyoyosi pero sobrang stress ko lang ngayon at tingin ko ay iyon lang ang paraan para mabawasan ang stress na nararamdaman ko ngayon.I lost one of my patients today. Ginawa ko naman lahat nang makakaya ko pero wala talaga dahil hanggang doon na lang ang kinaya ng buhay niya. Bilang doctor ay sobrang sakit sa puso na mawalan ng pasyente, pakiramdam ko ay hindi ko nagampanan ang tungkulin ko. Idagdag pa roon ang pakiramdam ng mga magulang na nawawalan ng anak. Sobrang sakit sa puso at alam na alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng anak dahil naranasan ko na ang isang bagay na 'yon.Humugot ako nang malalim na hininga at agad na dumiretsyo sa basuran. Nasa labas ako ng bahay ngayo
Napairap ako nang makita ko si Josiah na nakangisi habang kumakaway sa akin sa labas ng room ko. Kanina ko pa gustong umuwi dahil kanina pa rin nang-aasar ang kaibigan ko sa labas. Kanina pa sana ang uwian namin kaya lang ay nagpa-make up class ang isa kong subject para hindi na raw kami magklase sa kaniya sa saturday. My gosh! Bakit parang utang na loob pa namin iyon sa kaniya e, siya naman ang hindi pumasok sa amin noong nakaraang araw.“To those students who have already done with their quiz, you can go now,”Para akong nabuhayan nang marinig kong sabihin iyon ng prof ko. Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko sa bag ko at tumayo na para maipasa ang quiz ko kay Sir.“Thank you Ms. Dela Peña,” sabi ng prof ko pagkatapos ay ngumiti sa akin.Tipid lang naman akong ngumiti at tumango rito bago ako tuluyang lumabas na ng room. Agad naman akong sinalubong ni Josiah kaya hinagis ko sa kaniya ang hawak kong bag.“Aray! Dahan-dahan naman!” pagrereklamo niya.Napangisi naman ako nang tign
Pinagmasdan ko ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Katatapos ko lang ayusan sa dressing room dito sa bahay pero bumalik ako rito sa kwarto ko para mas makita ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng silver silky dress at backless ito. Silver din ang three inches na heels ko at naglagay lang ako ng kaonting alahas sa katawan. Ayaw ko sana isipin ng iba na masyado kong pinaghandaan ang pagdalo rito sa party na sinasabi ni Mommy. Ayaw ko rin naman magmukhang hindi maganda sa harapan ng maraming tao lalo na at makakatanggap ng award si Mommy para sa kompanya namin.Nakailang tawag na rin ang mga kaibigan ko sa akin kanina pero nang maghapon na ay hindi na sila nagpaparamdam sa akin. Siguro ay naging abala na rin sila sa pag-aayos at baka naisip na rin nila na hindi talaga ako dadalo roon."Ate,Eli! Is it really true that Josiah will attend to that party too?" tanong sa akin ni Stella nang bigla itong pumasok sa kwarto ko.Napairap naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nang
"I'll just get some drinks," paalam ko sa kanila."Samahan na kita," sabi ni Josiah.Umiling naman ako kaagad, "No. Ako na lang ang kukuha," sabi ko.Hindi naman nagpumilit pa si Josiah at hinayaan na ako. Nagpunta ako sa mga cocktail table at kumuha ng mga nakahandang inumin doon."Thank you," sabi ko nang matapos kong inumin ang dalawang shot ng tequila.Halos tikman ko yata lahat ng alak doon at pakiramdam ko ay wala man lang tumatalab sa akin."Eli,"Napahinto ako sa pagpili ng iinumin nang may tumawag sa akin. Napalingon ako roon at nakita kong si Jackson 'yon. Napatingin siya sa hawak kong hard drinks pero nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya."What are you doing?" tanong niya habang nakatingin sa hawak kong alak.Napatingin din naman ako roon at napangisi. Ano naman sa kaniya kung ano ang ginagawa ko ngayon? Bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya? Bakit niya pa ako pinuntahan dito?"You, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya."I was about to get some champagne," sag