Iyak nang iyak si Stella nang gabing 'yon. Inuwi namin siya ni Josiah at doon ko na lang din pinatulog si Clara sa bahay. Ang mga kasambahay namin ay halos mataranta nang makauwi kami roon sa bahay. "Please don't tell about this to Mom. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya bukas," bilin ko sa lahat ng mga kasambahay namin doon. Kahit ang mga security guard na nakakita na umiiyak si Stella ay sinabihan ko na huwag sasabihin kay Mommy. Sigurado kasi akong mag-aalala 'yon nang sobra sa bunsong anak niya. Sigurado rin na ako ang malilintikan dahil sa akin ito binilin. "Nakita mona kung bakit ayaw kong mag-boyfriend ka nang hindi namin nalalaman? Kasi nga hindi lahat ng tao pwede nating pagkatiwalaan," pagsesermon ko kay Stella nang mabihisan namin siya ni Clara. Natigil na siya sa pag-iyak at mukhang nahimasmasan naman na kaya hindi kona napigilan ang sarili kong sermonan siya. "Pinapayagan ka naman naming mag-party dahil malaki ang tiwala namin sa'yo. May isip kana at alam mo
"Can I stay to your condo until tomorrow morning? Ayoko muna rito," sabi ko at sinimulan nang kumuha ng mga damit."Pwede naman pero baka lalong magalit sa'yo si Tita. Magpaalam ka na lang muna," sagot naman ni Clara sa akin."Please, Clara. Kung hindi ayos sa'yo ay kay Josiah na lang ako makikituloy," sabi ko naman sa kaniya."Fine sa akin na. Ipaalam mo na lang kila Ate Allison or kay Stella," sagot niya sa akin."Hindi ako magpapaalam sa kanila, Clara. Kaya mag-ayos kana dahil aalis na tayo ngayon. Ililibre na lang kita ng breakfast sa labas," sabi ko sa kaniya.Wala namang ibang nagawa si Clara kung hindi sumunod sa akin. Ayaw ko muna rito dahil sigurado akong sa akin lang isisisi ni Mommy ang lahat. Syempre, kailan nga ba kasi niya nakita ang tamang nagagawa ko? Kahit kailan never niyang nakita 'yon lalo na kapag ang naaapektuhan na ay si Stella at si Ate Allison.Umalis kami ng bahay ni Clara at nagpaalam lang siya sa mga kapatid ko na aalis muna kami. Hindi ko nakita sa baba si
Hindi pa naman ako tuluyang nakakalapit doon ay halos manlaki na ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang mga makakatabi ko. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Clara nang marinig niya ang mga surname na 'yon."You are Miss Dixon?" tanong ni prof sa akin."Yes Miss," sagot ko naman pagkatapos ay tumango.Napatango rin naman ito sa akin pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan. Nagdiretsyo naman ako roon kaagad at nakita ko ang nakangiting si Stefan at Elijah. Hindi ako makapaniwala na napapagitnaan nila akong dalawang magkabigan."HI, Miss Dixon. Ako nga pala si Stefan," pakilala sa akin ni Stefan gamit ang pang-asar na boses.Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Elijah sa kaliwa ko kaya naman napabuntonghininga na lang ako at tumingin sa harapan na para bang wala akong ibang nakikita."Biro lang. Snobber kana ngayon? Ayos naman tayo kagabi ah," sabi pa ni Stefan sa akin.Gusto kong mapairap dahil mukhang aasarin niya lang ako sa tuwing may klase kami sa subject na ito at
"Oh come on, Clara. Nakita namin na kapapasok niyo lang dito. Don't tell me na aalis na kayo dahil lang sa nakita niyong nandito rin kami?" sabi naman ni Elijah."Oo nga naman. Ayaw niyo ba kaming kasama? Ayos lang naman kung ayaw niyo," sagot naman ni Stefan pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Humugot naman ako nang malalim na hininga pagkatapos ay lumingon kay Clara para makabulong ako sa kaniya."Nakakahiya kung hindi natin sila pagbibigyan. Seatmate ko pa naman ang dalawang 'yan," bulong ko kay Clara para lang makumbinsi siya."But-""Sige. We'll join with you. Saan na nga ba ang table niyo?" tanong ko kaagad sa dalawa."No, Eli it's okay. Mukhang ayaw naman ni Clara kaya ayos lang," sagot naman sa akin ni Elijah."Ah no. Hindi naman sa ayaw ko. Nakakahiya lang kasi pero sige payag na ako," sabi naman ni Clara pagkatapos ay tumango-tango pa.Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang tinginan ng dalawang magkaibigan kaya napakibit na lang ako ng balikat."Mag-o
"Thanks, Stefan. You are here to comfort me kahit hindi naman tayo ganoong ka-close," sabi ko sa kaniya gamit ang nahihiyang boses ko. Napatingin akong muli sa kaniya at nakita kong nakangiti lang siya sa akin habang nakatingin. "I know we're not that close but I'm considering you as my friend naman na kaya you don't have to thank me," sabi naman niya sa akin. "Sana gano'n ka rin sa akin," dagdag na sabi pa niya pagkatapos ay bahagya pang natawa. Napangisi naman ako at napatango sa kaniya bago muling magsalita. "Of course I'm considering you as my friend. Lalo na ngayon na seatmate tayo sa isang subject," sagot ko naman habang natatawa rin. Nagtawanan lang kaming dalawa roon hanggang sa inabot na niya sa akin ang iced coffee at burger na pina-order ko sa kaniya kanina. "In fact ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo, Eli," sabi niya. Nilingon ko naman siya habang nakakunot ang noo at hinihintay siyang magsalita muli. "Hindi ko kasi expected na sasama ka sa'kin. Ikaw na mismo na
Mas lalo naman siyang napangisi sa akin habang umiiling-iling bagp tuluyang sumagot sa akin."Wala. Tapos kana ba? Tara na kumain. Nakahanda na yung mga binili ko sa labas kanina," sabi niya pagkatapos ay kaagad nang tumayo roon.Napahugot na lang ako nang malalim na hininga pagkatapos ay napakibit ng balikat bago tuluyang sumunod sa kaniya sa kitchen. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang makitang sobrang dami ng pagkain na naroon. Wala naman kaming bisita pero parang pwede na sa fiesta ang mga pagkain na nasa lamesa niya."Ano 'to? Bakit ang dami? Tayong dalawa lang naman ang kakain ah?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga pagkain sa lamesa."Foods! Ang dami hindi ba? Kaya walang diet ngayong gabi," sabi niya sa akin gamit ang tuwang-tuwang boses kaya naman napairap na lang ako sa kaniya."Kaonti lang ang kakainin ko ngayon dahil binilhan ako ni Stefan-"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nadulas na ako! Halos manlaki naman ang mga mata ni Clara haba
"Hi," bati niya sa akin. Hindi ito nakangiti sa akin nang batiin niya ako kaya hindi ko alam ang totoong pakay niya sa akin pero nang makita ko ang school id niya ay ngumiti na lang ako sa kaniya dahil magka-schoolmate kaming dalawa. "Hello?" bati ko pabalik sa kaniya at nag-aalangan pa ako dahil hindi ko naman siya kilala. "Do you know me?" tanong niya sa akin gamit ang mayabang na boses kaya napakunot na ang noo ko pagkatapos ay napailing sa kaniya. "Nope. May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko naman sa kaniya. Nahugot naman siya ng malalim at napairap sa kawalan bago sumagot sa tanong ko. "Everyone know me at school tapos ikaw ay hindi mo ako kilala? How is that possible?" sarkastikong sabi niya kaya napailing na lang ako. I don't really know her. Sobrang laki ng university at hindi lahat ng taong naroon ay makikilala at makikita ko. Kung kilala siya ng iba, ako ay hindi ko siya kilala. And so what kung kilala siya ng marami sa school? Ano naman ang kailangan niya sa akin?
Iniwanan ko na sila roon at nagdiretsyo na ako papasok sa campus. Nang mai-park ko naman ang sasakyan ko ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa window ng sasakyan ko. Nakita ko namang si Stefan 'yon kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko alam na sinundan niya rin ako hanggang dito kaya naman pinagbuksan ko siya ng bintana."Why?" nagtatakhang tanong ko naman sa kaniya."Ipapahiram ko sana sa'yo 'to hanggang sa makapagpalit ka ng damit," sagot niya sa akin pagkatapos ay ipinakita sa akin ang black sweater na hawak niya.Puti ang suot kong damit ngayon at nakita kong marami na ring students ang nandito. Kilala ako ng karamihan kaya iniisip ko pa lang na naglalakad ako sa corridor nang marumi ang damit ay hiyang-hiya na ako. Ayaw ko sanang tanggapin 'yon pero kailangan ko."Are you sure?" tanong ko naman gamit ang nag-aalangan na boses."Yeah sure. Laging nasa car ko 'yan at malinis naman dahil hindi ko pa nagagamit," sagot naman niya sa akin pagkatapos ay muling inabot 'yon sa akin."T