Share

Chapter 14

Hindi na naman mapigilan ni Elyssa ang mapaluha nang marinig ang tugtog sa radyo. Sakto kasi ang tugtog sa tulad niyang sugatan ang puso. Art of letting go... Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang pumunta siya sa Baguio. Tatlong araw na rin ang tahimik niyang pag-iyak dahil sa pagkahiwalay nila ni Jevy. At tatlong araw na ring gulong-gulo ang isip dahil sa nakaw na halik ng isang estranghero na hindi niya alam kung bakit ay pumayag siyang halikan nito. And worst, ay kung bakit nagawa niyang matulog katabi ito sa iisang kama! He is a total stranger!

Hindi rin mawala sa isip ni Elyssa kung may nangyari ba sa kanila ng lalaki o wala. Wala namang nagbago sa’kin, ahh? Ano ba’ng dapat na maramdaman ‘pag nagamit na? painosenteng tanong niya sa sarili at bahagyang napangiwi. Tama na Issay, tama na ang pagpantasya sa lalaking ‘di mo naman kilala! Saway niya sa sarili. Naguguluhan siya. Siguro dala lang ‘yon ng paghihiwalay namin ni Jevy, at dahil hungkag ang damdamin ko kaya ko nagawa ‘
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status