LOGINMatapos ang hiwalayan nila ng boyfriend niya ay natagpuan ni Elyssa ang sariling akay-akay ng isang estrangherong lalaki papasok sa isang bar. Dala ng galit at pagkabigo ay nagpakalunod siya sa alak kahit ang kainuman ay isang taong hindi niya kilala. Kinabukasan ay nagising siya sa isang estrangherong lugar... At katabi ang isang guwapo at malaki ang umbok... Este malaki ang brasong lalaki na nakayakap sa kanya at pareho silang nakahubad. Matapos ang nangyaring iyon ay bumalik ng Maynila si Elyssa na may hungkag ang puso, hindi lang sa break-up nila ng boyfriend niya, kundi sa lalaking nakainuman niya. Ang masama pa sa lahat ay nalaman niya na ang lalaking iyon ay siya palang bagong Boss niya. My mamumuo kayang romance sa dalawa? O patuloy na magpapakulong si Elyssa sa sakit ng nakaraan?
View MoreEpilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tu
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include abo
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore