Share

Devon

Tulad ng dati, tuwing araw ng lingo ay nakasanayan na ni Atty. Sandoval ang maglaro ng Golf sa Golf Country Club sa Las Piñas mula umaga hanggang tanghali kasama ang dalawang bodyguard nito. Pagkatapos ng halos apat na oras ng paglalaro, dederetso na ito sa Sandoval’s law firm na pag-aari niya. May sarili siyang kwarto sa opisina niya kung saan nakatago ang confidential files and legal records and cases na hinahawakan niya. Ulila na ang abogado at binata pa at age of 40. Namatay ang mga magulang nito sa malulubhang karamdaman. Ang ama niya na isang judge at kilala sa lipunan ay namatay sa colon cancer. As unico hijo, naiwan sa kanya ang kayamanan ng mga magulang. Dahil sa masamang karanasan sa mga babae ay hindi na siya nag-asawa. Itinuon niya ang buong pansin sa tinapos na propesyon.

            Second placer siya sa Bar exam batch 1990. Dahil mula sa isang affluent and known family, malaking tao at mayayaman ang clients niya. Mabilis na naging mabango ang pangalan niya dahil sa naipanalong kaso ng “multiple murder” laban sa isang kilalang pulitiko. Isa sa mga clients niya ang mga De Sales. Hindi lang siya family lawyer nito kundi bestfriend niya si Ricardo De Sales since College. Ang asawa nito na si Scarlet Almujer De Sales ay kaibigan niya rin. Siya ang naging tulay para magkatuluyan ang dalawa. Kaya, halos lahat ng sekreto ng mag-asawa ay alam niya. Siya rin ang nagsisilbing adviser sa tuwing may idinadaing na problema ang mag-asawa, personal man o business matters.

            Ang pagiging “impotent” ni Ricardo ay isang sekreto na iniingatan niya. Ang lihim na pag-ampon kay Devon at Devorah ay siya lang ang nakakaalam at ang pinagkakatiwalaang kasambahay. Alam niya rin  kung gaano kayaman ang mag-asawa. Ang mga negosyo nito, ang foundation, at mga properties pati sa ibang bansa ay hawak niya ang mga pangalan nito.

            Masasabi niyang masuwerte ang mag-asawa sa negosyo pero hindi sa pamilya. Pareho kasing solong anak ng kani-kanilang magulang, at nang naging mag-asawa, hindi biniyayaan ng sariling anak kaya naisipang mag-ampon after 10 years of marriage. Batid niya rin na hindi Masaya ang mag-asawa sa mga ampon dahil gusto talaga nila ang isang anak na masasabing nagmula sa sinapupunan ni Scarlet. Kung kaya, iminungkahi niya sa mag-asawa ang isang “artificial insemination”. Dahil ditto, kasama siyang nagpunta ng mag-asawa sa Amerika. Isa pa rin itong lihim na iniingatan ng mag-asawa.

            Saksi siya kung paano dinala sa sinapupunan ni Scarlet ang bunga ng “artificial insemination. Hindi lumabas ng bahay ang babae sa siyam na buwang pagdadalantao. Nakita niya kung gaano kasaya ang mag-asawa nang maisilang ito.

            Saksi rin siya kung ano ang naging buhay ng anak nitong amerikano ang hitsura, at ang mga ampon nito. Itinago sa mata ng publiko ang anak na amerikano dahil ayaw ng mag-asawa na isipin ng mga tao kung paano sila nagkaroon ng anak ng ganoon ang hitsura. Ayaw nilang masira ang reputasyon na iniingatan. Kung kaya’t ang alam ng mga tao ay dalawa lamang ang anak ng mag-asawa. Ang mga ampon mula sa iba-ibang orphanage. Pinipilit niya ang mag-asawa na ilantad na lang sa publiko ang anak na amerikano para magkaroon ito ng normal na buhay. Iminungkahi niya na sabihing ito ang ampon nila, katulad ng pagkakaalam ng mga ampong anak. Ang mga ampong anak tuloy ang normal na nag-aaral, nakikipag-kaibigan at malayang nakagagala sa labas, samantalang ang tunay na anak ang nakakulong sa loob, bagama’t nag-aaral din through home study program.

            Namatay ang mag-asawa sa isang car accident. Para siyang namatayan ng kapamilya dahil itinuring na niyang kadugo ang mag-anak. Ipinangako niya sa puntod ng mga ito na hindi niya pababayaan ang tatlong anak nito lalo na ang bunso. Katulad ng plano ng mag-asawa, sasabihin niya sa mga ito ang katotohanan sa takdang panahon.

            “Kuya Devon, wala ka bang balak na binyagan ‘yang ano mo?” Inginuso niya ang bandang ibaba ni  Devon. “Aba’y eighteen ka na bukas.” Dagdag pa nito.

            “Tigilan mo nga ako!” Halatang naiinis ang mukha sa panunudyo ng kapatid. “Ang mabuti pa, umuwi na lang tayo at nawalan ako ng gana!”

            “Teka muna, kapapasok lang natin sa mall, lalabas na agad tayo? Oh, siya. Sorry na!”

            Ugali na ni Devorah na tuksuhin si Devon pero kapag nakikita niyang naiinis na ito, tumitigil na siya dahil alam niya kung hindi pa siya tumigil, masasampal na naman siya. Ang hindi alam ni Devon ay may binabalak siya para sa kaarawan ng kapatid bukas. TINGNAN KO LANG KUNG MAGISING ANG PAGKALALAKE MO, bulong nito sa sarili.

            Pagkaraan ng ilang minute matapos makapamili ng ilang gamit, dumeretso na sila sa tinutuluyang condo unit sa Makati.

            ALAS ONSE NA PALA, usal ni Devon sa sarili. Binabantayan niya ang oras. Dumating ang ala una…alas dos…alas tres…alas kwatro…alas singko. Tila may hinihintay siya pagdating ng takdang oras. Balisa ang mukha niya. Parang hindi na makapaghintay. Paroo’t parito sa kwarto.

            Sa kabilang kuwarto ay abala si Deborah sa computer. Ginagawa niya ang research paper na isa-submit the day after Devon’s Birthday. Nang may naalala, lumabas ito sa kuwarto para puntahan ang kapatid sa kabilang kuwarto.

            Pagpasok niya, napansin agad ang pagkabalisa ng kapatid. Hindi siya napansin nito. Natutuwa siya sa dahil para itong kapre kung magbuga ng usok ng sigarilyo. Lalaking-lalaki ito sa paningin niya. Lihim siyang napangiti sa naiisip. LAGOT KA SA AKIN BUKAS.

            Nakita na siya ni Devon na nakatayo sa may pintuan. Nang tumingin sa kanya ang kapatid, saka lang siya nagsalita.

            “Aba’y mukhang excited ka ata sa birthday mo ah. You know what? Gusto ko ang asta mo kanina, machong-macho ang dating mo kuya. Hihihi!” Bulanghit niya, pagkatapos punain ang kapatid.

            Tumalim ang titig niya kay Deborah. Matigas ang anyo nang sagutin ang kapatid.

            “Nang aasar ka na naman ba? Kung wala kang magawa, umakyat ka sa rooftop at tumalon ka! At puwede ba? Hindi ako excited!”

            “Kuya naman, totoo naman ang sinasabi ko ah! You’re a man my dearest brother. Lahat na lang ata ng sinasabi ko s’yo kinaiinisan mo.”

            “Lumayas ka nga sa harapan ko!” Galit na ito.

            “Hmp, ewan ko ba sa’yo. Diyan ka na nga!” Kunwaring naggalit-galitang sabi bago lumabas sa kuwarto.

            Naiwang asar na asar si Devon. Naibalibag tuloy ang unan sa sofa. Nagagalit siya tuwing tutuksuhin ang pagkalalaki niya. Wala rin siyang balak na i-celebrate ang kaarawan niya. Sa loob-loob niya, kung hindi krimen ang pumatay, piñata na niya ang kapatid sa sobrang pang-aasar nito.

            Halata niya na balisa si Devon. Kilala niya ang ganitong akto ng kapatid. Hinala niya na may problema ito. Naisip niya si James. MAY ALAM NA KAYA ANG KAPATID TUNGKOL KAY JAMES? BUHAY PA KAYA ITO? NASAAN NA KAYA ITO. SANA KUNG BUHAY MAN, HINDI ITO MAGSUMBONG AT HINDI NA BUMALIK SA BUHAY NILA.

            Dahil sa mga naisip, gusto niyang tanungin si Devon tungkol dito, pero nang pumasok siya sa kuwarto nito wala siyang nadatnan. Inikot na niya ang buong unit, pero wala ang kapatid. Sinubukan niyang tawagan ito pero “OUT OF COVERAGE AREA.”

            Kinutuban si Deborah. May binabalak ang kapatid ng lingid sa kaalaman niya. Dati-rati’y, lahat ng masasamang balak nito’y sinasabi sa kanya at dalawa silang gagawa ng aksyon. NAGLILIHIM NA BA ITO SA KANYA, tanong niya sa sarili.

            “Pare, ang suwerte talaga natin kay Atty. Bukod sa mabait na, may malasakit pa sa kapwa. Dalawa na sa mga anak ko ang pinag-aral niya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.” Sabi ng isang bodyguard na matipuno at malaking lalake sa kasamahan nito.

            “Tama ka diyan Pare. Handa kong itaya ang buhay ko para kay Sir. Utang ko sa kanya ang pangalwang buhay ng asawa ko.”

            “Maiba nga pala ako.” Biglang iniba nito ang usapan.” Di ba sabi mo kahapon, nag-away kayo ng misis mo?”

            “Problema nga pare eh, dyetang dyeta na ko. Isang lingo na akong outside de kulambo. Sasabog na nga itong alaga ko eh.”

            “Eh, di pasabugin mo. Hahaha! Alam mo pare, hindi problema yan. Kaliwa’t kanan ang tsikas dito.”

            “Hindi kasama sa budget eh.”

            “Ako bahala sa’yo. Ano? Tutal mamaya pa ang labas ni Atty. May dalawang oras pa tayo.”

            Hindi na gumamit nang sasakyan ang dalawang bodyguard ni Atty. Sandoval. Naglakad na lamang ang mga ito dahil walking distance lang naman ang pupuntahang club mula sa bakuran ng Sandoval’s Building.

            Alas otso na ng gabi. Wala nang employee sa Sandoval’s Building. Sa fifth floor ay bukas pa ang ilaw sa isang bahagi nito, ang kwarto ni Atty. Sandoval. Sa loob ay nagbibihis ang Abogado. Pagkaraa’y tinungo nito ang safe vault at hinugot mula roon ang isang folder at isinilid ito sa attache case na naroon. Bitbit ang attaché case, lumabas ito ng kwarto at tinungo ang katabing kuwarto na opisina niya. Hindi niya napansin na nakalimutan niyang isara ang safe vault. Mula sa tinungong opisina ay may folder pa itong hinugot mula sa steel cabinet at isinilid sa dalang attache case.

            Sa labas ng gusali ay kanina pa nagmamatiyag ang isang lalaki sa di kalayuan. Sakay ito ng isang Revo na nakaparada ilang metro mula sa sasakyan ng abogado. Kitang kita niya mula rito ang nangyari sa tapat ng gusali. Kita niya ang isang security guards na nakatanod sa entrance, at isa pa sa bakuran. Pinag-aralan niya ang ikinikilos ng dalawang guwardya. Mula sa dalang itim na knapsack sa tabi niya ay inihanda nito ang kagamitan. Inilabas mula rito ang 45 caliber pistol at sinuutan ng silencer. Handa na siya anumang oras.

            Napansin nitong tumayo ang guwardya sa entrance. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niya na lumapit ito sa isa pang guwardiya at tila’y may ibinubulong. Pagkaraa’y, lumabas ito ng gate. Ito ang hinintay niyang pagkakataon.

            Lumabas siya ng sasakyan, nagkubli ng bahagya at tinambangan ang paparating na guwardiya. Itinabi nito ang bangkay. Muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Matama niyang pinagmamasdan ang gagawin ng isa pang guwardiya. Ilang minute pa, nakita niyang tila naiinip na ito sa pagbabalik ng kasamahan. Kaya, lumabasito ng gate at tinungo ang parehong direksyon. Inabangan niya ito at nang mapatapat sa pintuan ng sasakyan niya. Walang sabi-sabing kinalabit niya ang gatilyo ng baril na may silencer. Pagkatapos, lumabas ito sa sasakyan at agad na tinungo ang gate ng gusali. Hindi nag-aksaya ng panahon, agad na pumasok ito sa entrance ng building. Alam niyang bukas ito dahil nasa loob pa ang may ari ng gusali.

             Sa loob, tiyak na tiyak ang kilos niya. Kabisadong-kabisado ang lugar. Dahan hahang inakyat ang hagdan hanggang  sa makarating sa fifth floor.

            Sinulyapan ni Atty. Sandoval ang orasan sa bisig. Lalabas na siya ng gusali. Wala siyang kamaly-malay sa nakambang panganib. Paglabas niya sa opisina, agad niyang narmdaman ang isang malamig na bagay sa leeg niya kasabay ang hindi pamilyar na boses.

            “Ibigay mo sa akin ang De Sales files. Lahat ng hinahawakn mong papel na may kinalaman sa mga De Sales, bilis!”

            Nabigla at natigilan si Atty. Sandoval, pero nagawa niyang magtanong.

            “Sino ka?”

            “Hindi na mahalagang malaman mo kung sino ako. Ibigay mo lang sa akin ang files!” Diniinan lalo ng lalaki ang dulo ng baril sa leeg niya.

            Hindi niya puwedeng ibigay sa kahit sino man ang hinihingi nito.

            “Kung sino ka man, o kung sino man ang nag-utos sa’yo, wala kayong makukuha kahit patayin mo pa ako!”

            “Ganoon ba? Talagang papatayin kita kahit hindi mo sabihin!”

            Batid niyang papatayin siya nito kahit ibigay niya ang hinihingi. Kaya, marahas siyang nagdesisyon. Mabilis niyang itinulak ang lalaki sabay takbo, pero nakailang hakbang lang siya dahil may tumama nang bala sa likod niya, dalawang bala. Sa pagbaksak niya ay nabitawan nito ang hawak na attache case. Dinampot ito ng lalaki. Mabilis ang kilos. At tinungo ang kuwarto ng abogado. Binaril nito ang kandado. Pagkapasok, binuksan ang ilaw. Nakita niya na bukas ang vault. Kinuha niya ang lahat ng laman. Ibinalot sa kumot na naroon, kasama ang attache case. Bago lumabas sa kwarto ay may tinawagn ito sa cellphone niya. Pagkatapos ay mabilis itong lumabas at bumaba. Paglabas niya ay mabilis namang pumarada sa tapat niya ang sasakyan at sumakay siya. Mabilis na pinaharurot palayo ang sasakyan.

            Dahil hindi makontak ang kapatid, nag dial ito ng ibang numero. Hindi niya rin makontak ang boyfriend niya. Nayamot lalo siya. Isa pang numero ang idi-nial. Nag-ring sa kabilang linya. Agad niyang sinagot nang marinig ang boses sa linya.

            “Hello? Wala ba diyan si Kuya Devon at si Perry?” agad niyang tanong.

            “Wala.” Maikling tugon sa linya.

            “Kasi, kanina ko pa sila tinatawagn, hindi ko makontak.”

            “Hay naku Deborah, hindi ka pa nasanay diyan sa Perry mong yan. Baka nasa ibabaw ng ibang babae niya.” Tilas nang-aasar pa ang nasa kabilang linya.”

            Naasar lalo si Deborah.

            “Fuck you!” Galit na sabi at piñata ang tawag.

            Walang nagawa si Deborah kundi ang maghintay na lang sa pagdating ng kapatid.

            Sa isang bahagi ng EDSA ay parang solong solo ng REVO ang daan.

            “Pare, kailangan ko nang bumaba.” Sabi ng killer.

            “Sandali lang, Pare. Sure ka ba na kompleto yan?” Ang tanong nito ay patungkol sa mga papeles na ninakaw.

            “Hindi ako sigurado, pero ayun sa instructions mo, nilimas ko ang laman ng vault. Kung hindi ko lang kailangan ang pera’y hindi ko gagawin to. Ang usapan natin, ipangako mo sa akin.”

            “Sure, Pare. Huwag kang mag-alala. Hindi kita ilalaglag.”

            “Sige na, ibaba mo na ako.” Pagmamadaling sabi.

            “Teka muna. Mukhang nakalimutan mo yata ang full payment ng serbisyo mo. Eto nga pala.” Sabay abot sa killer ng isang makapal na sobre.

            “Sige, ibaba mo na ako.”

            “Okay!”

            Sa isang kilalang bar sa Quezon City, nasa isang madilim na sulok si Devon. Kanina niya pa hinihintay ang isang tawag. Inip na inip siya. Maya-maya pa’y dumating na ang hinihintay niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag.

            “Hello?”

            “Mission Accomplished!” ang narinig niya sa kabilang linya.

            Nakahinga ng maluwag si Devon dahil sa narinig.

            “Sigurado ka bang walang bulilyaso yan?” Paniniguro niya.

            “Don’t worry! Malinis ang trabaho ko. Walang kakalat-kalat na naiwan.

            “Good! You have my word.”

            “Siyempre! Mahirap yata ang pinagawa mo. Kaya, kailangan sulitin mo rin ako.”

            “May isa akong salita. So, tulad ng pinag-usapan natin, itago mo muna sa pad mo ang mga papeles. Bukas na tayo mag-usap.”

            “Sige.”

            Pagkatapos ng pag-uusap sa telepono, may naglalaro sa utak ni Devon. Walang sino man ang dapat na makaalam sa ginawa niya. Para sa kaniyang ambisyon, gagawin niya ang lahat.

            Saglit pa itong nag-isip. Pagkaraan ng ilang sandal, nag-dial ito. Tumunog ang kabilang linya at may sumagot.

            “Hello.” Bungad niya.

            “Bakit, Pare?” sagot sa kabilang kawad.

            “Perry, mas maganda siguro na huwag mo nang dalhin sa pad mo ang mga papeles. Hindi na ako makapag-hintay eh.”

            “Pero malapit na ako sa pad ko.”

            “Eh, di ibuwelta mo ang sasakyan. I need the files badly, okay?” May awtoridad ang boses nito.

            “Okay! Sinabi mo eh.”

            Napakamot na lang si Perry. Wala siyang lakas ng loob na kontrahin si Devon dahil girlfriend niya ang kapatid nito, at ngayon ay tila utusan lamang siya na dapat sumunod sa sinasabi ng amo.

            Matigas ang anyo ni Devon. Nasa labas na ito ng Club at hinihintay ang pagdating ni Perry. Nagsindi ito ng sigarilyo. Naka black leather jacket ito. Matapos maubos ang ilang stick, pumasok ito sa loob ng sasakyanniya. Sa backseat ay nakalapag ang isang makapal na envelope. Kinuha niya at inilagay sa tabi niya.

            Ilang minuto pa ay napansin niyang dumarating na si Perry. Agad siyang nag-dial at sumagot ang nasa kabilang kawad.           

            “Hello!” aniya.

            “Iparada mo ang sasakyan mo sa tabi ng sasakyan ko, then, bring the files inside my car. I want to verify if they are the right files.”

            “Okay.”

            Bumaba si Perry sa sasakyan. Tinungo agad ang backseat at inilabas ang ninakaw na mga papeles saka mabilis na ipinasok ito sa katabing kotse. Pagkalagay ng mga papeles ay agad na naupo sa tabi ni Devon. At pinaandar ni Devon ang sasakyan palayo sa Club.

            Sa isang bahagi ng Marcos Avenue ay hininto niya ang sasakyan at pagkatapos ay inutusan niya si Perry.

            “Gusto kong makita ang files.”

Tumalima si Perry. Hindi na ito bumaba. Inabot ng kamay niya ang mga files. At ibinigay kay Devon. Inisa-isa ni Devon ang mga folders at ang attaché case. Wala sa mga folders ang hinahanap, kaya tinignan ang laman ng attaché case. Mula rito ay nakita niya ang hinahanap. Pagkaraang matiyak ang sadya, kinuha nito ang envelope at iniabot kay Perry.

            “Eto ang kabuuang bayad sa serbisyo mo. Bilangin mo! Kung kulang pa yan, sabihin mo lang.”

            “Wow, ang sarap nito! Hindi ko na ito bibilangin. Sa kapal pa lang, parang sobra pa nga eh.” Parang hayok ito sa perang tinanggap. Bagay na pinansin ni Devon.

            “Alam mo, hindi ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Kung gusto mo, dadagdagan ko pa yan ng kalahating milyon kung papaya ka sa gusto ko.

            “Ha? Are you serious? Ano ba yang gusto mo? Sunod-sunod na tanong nito.

            Sa halip na sumagot ay tinitigan niya ang guwapong kaharap. At dahan –dahang idinantay ang kaliwang kamay nito sa hita ng kausap.

            Nabigla si Perry sa natuklasan.

            “Are you gay?”

            “Bakit, ayaw mo?”

            “Nagulat lang ako. Hindi ko akalain na isa kang bakla.”

            “Gagawin kung isang milyon, pagbigayan mo lang ako.”

            “Pero, hindi ka ba natatakot na baka sabihin ko sa iba ang sikreto mo?”

            “It doesn’t matter. Handa na ako.”

            Patuloy ang paghimas ni Devon ng hita ni Perry hanggang sa idako nito ang palad sa nakabukol na naroon. Hindi magawang tumanggi ni Perry. Pero, hinawakan niya ang kamay ni Devon bago nagsalita.

            “Puwede ba, huwag tayo dito. Doon tayo sa Pad ko.”

            “No need. Dito na lang tayo.” Habang sinasabi ito ay mas naging malikot ang kamay niya.

            Napailing na lang si Perry. Tinigasan siya sa ginagawa ni Devon, kaya, hinayaan niya na lang ito. Hanggang sa kusa na siyang naghubad ng saplot. Lihim na natuwa si Devon sa reaksiyon sa kanya ni Perry. Pero, nang sinubukan siyang hubaran ni Perry, tumanggi siya. May isang bagay sa bulsa ng leather jacket niya na ayaw niyang makapa ni Perry. Hindi na nagpumilit si Perry. Darang na darang na ito sa ginagawa ni Devon. Hanggang sa maramdaman niya na lalong pumintog ang dulo ng ari niya dahil lalabasan na ito. Halos masabunutan niya ang ulo ni Devon nang labasan na siya dahil sa loob ng bunganga ni Devon sumabog ang katas niya. Hindi siya makapaniwala.

            “Ang galing mo.” Nasabi nito habang nagsusuot ng brief.

            Hindi umimik si Devon sa narinig. Hindi pa tapos ang gusto niyang mangyari. May hinugut siya sa bulsa ng jacket niya. Nang mailabas, walang sabi-sabing kinalabit nito ang gatilyo sa likod ng ulo ni Perry habang nakatalikod ito sa kanya at abala sa pagsuot ng pantalon. Ibinalik niya ang silencer sa bulsa ng jacket pagkatapos.

            Si Perry ang unang lalaki na nagustuhan niya sa school campus dahil sa angking kagwapuhan nito at ganda ng katawan. Nang maging Mr. Intrams ito, niligawan si Deborah. Dahil dito, lihim siyang nagseselos. Ilang beses na ba siyang nag-iisip kung paano niya makukuha si Perry? Maraming beses na at ang lahat ng ito ay sa paraang mauuwi sa kamatayn dahil ayaw niyang may makaalam ng sikreto niya. At ngayon, nabigyan siya ng tamang pagkakataon.

            Si Perry ang naisipan niyang upahan at silawin sa pera para nakawin at patayin si Atty. Sandoval, at pagkatapos, tutuparin niya ang matagal nang gustong mangyari, ang matikman ang lalaki at pagkatapos patayin para walang makakaalam ng mga sikreto niya.

            Sa loob niya, sino ang mag-aakalang siya ang may kagagawan ng dalawang magkahiwalay na krimen ng pagpatay na alam niyang magiging laman ng mga pahayagan at magiging usap-usapan? Pinuri niya ang sarili.

            Kilala siya bilang huwarang estudyante sa Ateneo. Nasa Third-year college pa lang siya pero siya na ang pangulo ng College Student Council. Consistent Honor Student mula Elementarya hanggang sa kasalukuyang kumukuha siya ng dalawang kurso – BS economics and AB-English.

            Hawak na niya ang susi sa pangarap niya. At si James ay patay na para sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status