Habang nasa biyahe pabalik sa Caloocan, hindi maintindihan ni Aling Sonia ang kabang nararamdaman. Bagay na kinunsulta niya kay James.
“James, kinakabahan ako.”
“Bakit naman po?”
“Hindi ko maintindihan. Ngayon lang ako kinabahan nang sobra. Masama ang kutob ko. Diyos ko. Huwag naman po sana.”
“Wala naman po siguro Yaya Sonia. Baka po napagod lang kayo sa biyahe.”
Abala lang si Inspector Santiago sa pagmamaneho pero kapagdaka’y napapalingon kay James dahil sa pakikipag-usap nito kay Aling Sonia.
Naisip ni Aling Sonia na kontakin si Ramon dahil sa nararam
Sa gate ng malawak at kilalang Subdivision sa Nueva Ecija, isang blonde hair teenager ang iniluwa nito na hindi namalayan ng tatlong Security guards na pawang tulog. Madaling araw pa pero para sa kanya, maliwanag na ang umaga dahil sa mabilis na pagtakbo para makalayo kaagad. Walang lingon likod na kumakaripas ng takbo habang tutop ng kaliwang kamay ang duguang ulo. Sa ganitong oras, halos wala pang sasakyan na dumadaan para masakyan niya at tuluyang makalayo. Inabot siya ng pagod at nagkubli sa isang malaking puno. Maya maya pa ay narinig niya ang andar ng paparating na sasakyan pero kabisado niya ang andar nito kaya mas lalong inigihan ang pagtago sa malaking puno at pagtapat nito ay banaag niya ang itsura ng sasakyan ng kapatid niya. Siniguro niya munang nakalayo na ito bago siya lumabas sa pinagkublihan pero ilang hakbang pa ay bigla na lang siyang nahilo at tuluyang nawalan ng malay." Kuya, bumalik na tayo sa bahay, hayaan na lang natin siya". Pakiusap ni Devorah.
Matulin ang takbo ng tricycle ni Kevin sa kahabaan ng Monte Claro Road kasama ang kanyang ina para mamalengke sa bayan tuwing alas kwatro na madaling araw. Malayo pa sila ay nahagip na ng lente ng tricycle ang isang taong nakahandusay sa daanan nila. Agad na nagpreno siya nang makalapit at bumaba ang mag-ina sa tricycle. Madilim pa ang paligid kaya nang makalapit, agad na kinapa ni Aling Delia ang pulso nito at nahinuha niyang buhay pa ito. Agad na inutusan ang anak na nakamasid lang sa ginagawa ng ina. “Kevin, buhatin natin siya at dalhin sa hospital. May pulso pa siya.” Umiral ang pagkamaawain ni Aling Delia.Mabilis na tumalima si Kevin at naisakay ito sa tricycle. Agad na pinaharurot ni Kevin ang sasakyan patungong hospital. Habang nasa daan, nagsalita si Kevin. “Pero nay, paano ang pamamalengke natin? Maaaba
Unang nakita niya ang mga ilaw sa kisame sa pagmulat ng mga mata pagkatapos ng halos isang araw. Pagkaraan ng ilang saglit, idinako niya ang paningin sa kanan at nakita niya ang isang taong nakahiga’t maynakakabit na dextrose. Ganun din ang nakita niya sa kaniyang kaliwa. Nang idako niya ang mga mata sa kanyang tagiliran sa bandang kanan ay napansin niya ang isang babae na nakaupo’t nakaidlip sa gilid ng kaniyang hinihigaan. Tumagal ng ilang minute bago niya binawi ang paningin dito. Ipinikit niyang muli ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Pagkatapos, iminulat muli ang mga mata dahil sa naramdamang konting kirot sa ulo. Sinubukan niyang iaangat ang kanang kamay at dahan dahang kinapa nito ang sugat. Nadama nito ang bandage sa sugat. Pagkaraa’y, paa naman niya ang iginalaw. Pagkatapos, muli niyang pinagmasdan ang babae sa bandang tagiliran niya. Tulog na tulog pa ito. Ibig niyang gisingin ito pero n
Paglabas sa klase ay dumeretso na siya sa hospital na hindi kalayuan sa private university na pinapasukan niya. Nadatnan niya sa loob ng recovery room na nakaupo si Aling Delia sa bangketo at si James sa isa pang upuan. Magkaharap ang dalawa. Hindi napansin ang pagpasok niya sa pinto, kaya tinawag niya ang pansin ng ina. “Ma?” Agad na napalingon si James at Aling Delia sa pinaggalingan ng boses. Nagliwanag ang mukha ni Aling Delia pagkakita sa anak. Nginitian din siya ni James pero pilit na ngiti ang isinukli niya rito. Hindi siya sanay makipagngitian sa taong di nya kilala. “Anak, andito ka na pala. Halika dito.”Pagkakuha sa bakanteng upuan sa tabing puwesto ay tumabi ito sa ina. “James,
Tulad ng dati, tuwing araw ng lingo ay nakasanayan na ni Atty. Sandoval ang maglaro ng Golf sa Golf Country Club sa Las Piñas mula umaga hanggang tanghali kasama ang dalawang bodyguard nito. Pagkatapos ng halos apat na oras ng paglalaro, dederetso na ito sa Sandoval’s law firm na pag-aari niya. May sarili siyang kwarto sa opisina niya kung saan nakatago ang confidential files and legal records and cases na hinahawakan niya. Ulila na ang abogado at binata pa at age of 40. Namatay ang mga magulang nito sa malulubhang karamdaman. Ang ama niya na isang judge at kilala sa lipunan ay namatay sa colon cancer. As unico hijo, naiwan sa kanya ang kayamanan ng mga magulang. Dahil sa masamang karanasan sa mga babae ay hindi na siya nag-asawa. Itinuon niya ang buong pansin sa tinapos na propesyon. Second placer siya sa Bar exam batch 1990. Dahil mula sa isang affluent and known family, malaking tao at mayayaman ang clients
Sa pakiusap ni Aling Delia ay pinaubaya sa kanya ng hospital at DSWD ang pangangalaga kay James sa loob ng maraming pinagkasunduan. Sa pakiusap ni James sa administrador ng Hospital ats DSWD na itago ang pagkatao niya para sa kaligtasan, nakuha niya ang simpatiya ng mga ito at nakiisa sa kagustuhan niya ngunit sinabi rin nya na ilalahad niya ang lahat sa tamang pagkakataon. Si Kevin ay hindi nagpahayag ng ng kagustuhan na makasama si James pero ang totoo ay gusto niya itong laging nakikita. Ang pagtanggi sa loob niya sa kabilang banda ay dahilan ng mga pangamba. Pero kung wala lang sanang problema para makasama si James ay atat siyang maiuwi na agad ito sa bahay nila para makasama niya.Hindi mapigilan ni James na hindi mapalingon sa Monte Claro Subdivision nang pauwi na sila sa bahay nila Kevin at Aling Delia. Para sa kanya, hindi siya dito babalik. Hindi na mahalaga kung sino siya noon. Ang mahalaga ay ngayong nakalaya siya sa mga kapatid. Wala na rin siyang pakialam sa kay
Sinadya niyang gumising nang maaga. Kailangan niyang abalahin si Devorah ngayong kaarawan niya upang hindi ito magbukas ng TV at hindi mapanood ang tiyak na balita tungkol sa pagkamatay ng BF nito at ang abogado nila. Ginising niya ang kapatid. “Gising na.” Medyo naalimpungatan si Deborah. Hindi pa ito bumabangon sa higaan. “Ano ba kuya, an gaga pa.” ang sabi. “Remember, It’s my birthday. Marami tayong aasikasuhin. Mamamalengke pa tayo.” “Ha? Tayo, mamamalengke? Kalian pa ba tayo natutong mamalengke at magluto? At isa pa, wala tayong katulong. Palayasin ba naming l
Pagbalik niya sa sala, ibinaling sa alak ang inis na nararamdaman. Lihim na nagagalak si Devorah dahil ilang sandali na lang matitikman na ni Devon ang inihanda niyang regalo para sa kapatid. Hindi nagtagal, sumubsob na ang ulo ni Devon sa mesang naroon. nilapitan siya ni Devorah, hinaplos-haplos ang ulo at kinausap ito sa sarili niya. YOU KNOW MY BROTHER, PARA SA’YO DIN ‘TONG GINAWA KO. EIGHTEEN KA NA EH. KAYA DAPAT MATIKMAN MO NA ANG DAPAT MONG MARANASAN AT BAKA SAKALING MAGBAGO KA! SIGE KUYA! HAVE FUN! Binuhat ng kasamang lalake si Devon at sabay-sabay na umakyat silang apat sa second floor. Binuksan ni Devorah ang kuwarto ng kapatid at pinapasok dito ang lalaki para ilapag sa kama ni Devon. Pumasok dito ang bisitang babae sa loob. Pagkatapos ay lumabas na ang lalaki kasunod si Devorah. Naiwan sa loob ang babae. Pagpasok sa kuwarto niya