Share

Kevin's Sexual Preference

Paglabas sa klase ay dumeretso na siya sa hospital na hindi kalayuan sa private university na pinapasukan niya. Nadatnan niya sa loob ng recovery room na nakaupo si Aling Delia sa bangketo at si James sa isa pang upuan. Magkaharap ang dalawa. Hindi napansin ang pagpasok niya sa pinto, kaya tinawag niya ang pansin ng ina.

            “Ma?”

            Agad na napalingon si James at Aling Delia sa pinaggalingan ng boses. Nagliwanag ang mukha ni Aling Delia pagkakita sa anak. Nginitian din siya ni James pero pilit na ngiti ang isinukli niya rito. Hindi siya sanay makipagngitian sa taong di nya kilala.

            “Anak, andito ka na pala. Halika dito.”

Pagkakuha sa bakanteng upuan sa tabing puwesto ay tumabi ito sa ina.

            “James, this is Kevin, my son. Kevin, this is James.” Si Aling Delia na ang naging daan para magkakilala ang dalawa.

            “Hi, Kevin, Nice to meet you.” Pagkasabi’y iniabot nito ang kamay kay Kevin para kamayan ito.

            “Nice to meet you too. It Is good to you getting well.” Tugon ni Kevin.

            “Thank you so much for saving my life. I’m so glad that you and Nanay Delia gave me the second chance to live.” Halos maiiyak na naman si James.

            “Don’t mention it. We will do the same for anybody who needs help.”

            Natutuwa si Aling Delia sa usapan ng dalawa. Binalingan nito ang anak.

            “Kumusta naman ang klase anak?

            “Ok lang ma. Next week nga po pala ay final exam na.”

            “Ibig sabihin niyan, matatapos  na naman ang isang taon mo sa college. Dalawang taon na lang anak, gagraduate ka na.”

            “Pero ma, ngayong okay na siya, uuwi na ba siya sa pamilya niya?”

            Natigilan si Aling Delia sa biglaang singit ng ganong tanong sa pag-uusap nila. Pagkaraa’y, idinako niya ang mata kay James.

            “James, excuse us for a while.” Pagkasabi’y tumayo ito at sumenyas kay Kevin para lumabas sila.

            Sa paglabas ng dalawa, nahinuha ni James na siya ang pag-uusapanng mag-ina. Wala siyang lakas ng loob para sabihin sa mag-ina na gustong gusto na niyang lumabas ng hospital dahil natatakot siya na bakamatunton siya ng mga kapatid niya. Alam niya na hindi basta-basta titigil sina Devon at Deborah.

            Nasa may bakuran ng hospital nag-usap ang mag-ina.

            “Anak, kanina sa opisina ng administrator ay pinag-usapan naming ang sitwasyon ni James. Sa DSWD daw siya idederetso kapag wala pang kamag-anak na maghanap sa kanya hanggang bukas, dahil bukas puwede na siyang lumabas at mananatili siya roon hanggang sa may magsundong kamag-anak.”

            “Nararapat po ang ganung hakbang kung wala ngang maghahanap sa kaniya dito hanggang bukas para sa kapakanan niya.”

            “Sinabi pa na wala daw tayong karapatan na iuwi siya sa bahay kahit tayo pa ang nagdala sa kanya at magbayad ng hospital bills dahil hindi naman tayo kaanu-ano, maliban na lang kung ayaw ng pasyenteng umuwi sa kanila ng may sapat na dahilan. Absuwelto tayo sa gastos kapag sa DSWD siya napunta.”

            “Ma, ibig niyo po bang sabihin, may balak kayong iuwi sa bahay si James?” taking tanong ni Kevin. Matamang tinitigan muna ni Aling Delia ang anak saka sinagot ang tanong nito.

            “Gusto ko na iuwi siya anak. Gusto ko siyang alagaan. Naawa kasi ako sa kaniya anak.” May halong pakiusap ang tono ni Aling Delia.” Ayaw mo ban a may kasama tayo sa bahay anak?”

            “Pero ma, hindi ganun kadali ang gusto niyong mangyari. Marami tayong dapat isaalang-alang. Una po, baka ikapahamak natin, dahil baka mamaya, may masasamang loob na gusto siyang patayin, at hanapin sa atin. Pangalawa, hirap po tayo sa buhay, at wala tayong pera na pambayad sa hospital. At higit sa lahat, ayaw kung isakripisyo ang pag-aaral ko dahil sa kanya.

            “Alam ko naman yan anak, pero, lubus-lubusin na natin ang pagtulong sa kanya. Naawa ako sa batang yan. Pakiramdam ko may mabigat siyang dinadala sa buhay niya. Hindi tayo pababayaan ng Diyos anak.”

         Napabuntung hininga si Kevin sa pakiusap ng ina.

            “Tapos ma, anon a ang mangyayari? Isasakripisyo ko rin ang pag-aaral ko? Hihinto ako sa pag-aaral dahil ipambabayad mo sa hospital ang pinaghirapan nating ipunin para sa tuition ko?” May tono ng panghihinampo ang boses ni Kevin. Pagkatapos ng pahayag ay tinalikuran nito ang ina.

            “Kevin, anak!” tawag nito sa anak para habulin.

            Batid ni Aling Delia na nasasaktan si Kevin. Dahil dito, nasisisi niya ang sarili. Bakit ba naman kasi kapag umiral ang pagkamaawain niya, naisasantabi niya ang ibang mahalagang bagay? Ngunit, para sa kanya, wala nang mas masakit pa kung magalit sa kanya ang anak. At hindi niya kakayanin kapag nangyari ang ganoon. Tama lahat ang narinig niya sa anak. Baka hindi ito makapag-aral kapag nagamit niya ang pera. Ang plano niya, kapag nagamit ang perang pang tuition ni Kevin, mangungutang siya, total may panahon pa naman. Pero, naisip niya na paano kung hindi siya makautang? Ipakikipagsapalaran niya ba ang kinabukasan ni Kevin para sa kagustuhan niyang matulungan nang lubos ang isang estranghero?

            Sa park ay binigyang laya ni Kevin ang mga kaguluhang nakakulong sa isip niya. Ang ina na dahil sa sobrang bait ay magagawang isakripisyo ang pag-aaral niya. At ang nararamdaman niya na kakaiba para sa bago nilang kakilala. Sa totoo lang, ang kakaibang damdaming nararanasan ay hindi niya puwedeng basta-basta na lang babalewalain. Gusto niya sanang maging posible ang dalawang bagay na ito, ang hindi siya mahinto sa pag-aaral at ang makasama si James sa bahay. Pero kung hindi posible ang isa, kaya ba niyang isakripisyo ang pag-aaral para makasama si James? O kaya naman, kaya ba niyang hindi makasama si James at patuloy ang pag-aaral niya?

            Pinilit niyan g maging maaliwalas ang mukha pagbalik sa RR. Pero pilit ang ngiti ang isinalubong niya sa ngiting nakikita niya kay James pagkakita sa kanya. Pero nang makalapit na siya, nagtanong agad ito dahil may napansin.

            “Where’s Kevin?”

            Agad din nanam siyang nakahanap ng itutugon.

            “I sent him on an errand.”

            “Will he comeback here?”

            “Yes, soon.”

            “Thanks.”

            Hindi siya mapakali sa naging bunga ng pag-uusap nila ni Kevin. At ngayon, habang nasa harapan niya si James, tinitimbang niya ang sarili kung dapat bang pakawalan nalang niya ito at ibigay sa DSWD ang custody dito o sundin ang gusto niya pero ayaw naman ni Kevin. Ngunit, paano kung totoo nga ang  sinasabi ni James na mismong kapatid nito ang gustong pumatay sa kanya? Sa isang banda, kinampante niya ang sarili sa naisip na hindi naman siguro ito pababayaan ng DSWD kung sasabihin din dito ni James ang nangyari. May importante pang bagay na gusto niyang malaman mula kay James kaya tinanong niya uli ito.

            “James, Now that you are already well, what’s your plan?”

            Inaasahan na ni James na maitatanong ito ng kaharap.

            “I don’t really know. What I know is, I don’t want to go back home together with my brother and sister. Believe me, they wanted to kill me. I’m afraid of them. I don’t want to go back to our house. I’m not safe there. Please believe me. I’m telling you the truth. Please do believe me.” Naiyak na ito.

            Hindi natiis ni Aling Delia ang nakikita, ramdam na ramdam niya ang bigat ng dinadala nito, at ang takot na nararamdaman nito. Niyakap niya ang binatilyo habang nagpapahayag.

            “I do believe you. Everything will be alright, okay?”

            “Please don’t tell anyone about me. I’m afraid my brother and sister will know and find me. Please don’t tell the police.” Lalo nitong hinigpitan ang yakap.

            “Don’t worry, I won’t tell anyone or the police.” Damang dama niya ang pangangailangan nito ng tulong. Kanina ay nagdalawang isip na siya kung iuuwi niya si James, pero ngayon, tila walang ibang mas mahalaga kundi sundin ang mga sinasabi nito. Tuluyan na siyang nadaig ng awa.

            “Don’t worry, I will take care of you.”

            “I want to stay with you, I’ll be good. I promise, I’ll be good.”

            “Yes, I will let you stay in our house. I will.”

            Sa puntong ito, habang magkayakap ang dalawa, dumating si Kevin. Tinawag niya ang pansin ng ina.

            “Ma.”

            “Kevin, anak, nandyan ka na pala.” Kumalas ito sa pagkakayakap.

            Ang tingin ni Kevin ay nakatuon kay James. Waring nahihiya si James pagkakita kay Kevin. Curious si Kevin sa tagpong dinatnan niya kaya nag-usisa siya sa ina.

            “Anong nangyayari Ma?”

            Bago sumagot ay lumapit ito sa anak, kinuha ang kamay nito at hinila palayo ng ilang hakbang mula sa puwesto ni James.

            “Sinabi na niya sa akin ang lahat. Nanganganib ang buhay niya. Gusto siyang patayin ng dalawang kapatid niya. Dahil dito, ayaw niyang umuwi sa Monte Claro Subdivision kung saan siya nakatira at mga kapatid niya. Nakiusap siya sa akin na huwag ipaalam sa iba ang nangyari sa kanya dahil natatakot siya na malaman ng kapatid niya na buhay pa siya. Anak, awang-awa ako sa kanya.”

            “Ma, totoo ba ang pinagsasabi niya? Mamaya baka puro kasinungalingan.”

            “Kitang kita sa mga mata niya ang katotohanan anak. Nagsasabi siya ng totoo.”

            “Hindi ba mas makakatulong kung ipapaalam niya sa pulis ang nangyari para maproteksiyonan siya at maimbestigahan ang mga kapatid niya?”

            “Ayaw niyang ipaalam kahit kanino. Marahil may malalim pa siyang dahilan. Anak, lubusin na natin ang pagtulong sda kanya.”

            “Ma, naisip niyo po ban a mas lalo tayong mapapahamak kung iuuwi natin siya sa bahay? Hindi natin kilala ang pamilya niya. Pag nagkataon, tayo ang hahanapin nila. Ang pagkupkop natin sa kanya ay nangangahulugan na itinatago natin siya. Mas maganda siguro kung ipaubaya na lang natin sa awtoridad ang lahat. Bago sinagot ang sinabi ng anak ay sinulyapan muna si James na nakatuon ang mata sa kanilang mag-ina. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

            “Anak, tulungan natin siya. Ako na ang bahalang makiusap dito sa hospital. Hindi maaatim ng kunsensiya ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Gusto kong masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa, ayaw mo ba siyang maging kaibigan?”

            “Pero Ma, sigurado po ba kayo sa desisyon na ito?”

            “Huwag kang mag-alala anak, kung inaalala mo ang bayarin dito, ako na ang bahala. Huwag kang matakot dahil kalooban ng Diyos ang nangyayaring ito. Magtiwala ka anak. Kaya natin ‘to.”

            Walang tutol ang kalooban niya sa desisyon ng ina. Pero, hindi niya puwedeng balewalain ang komplikasyon ng gagawing desisyon. Para sa kaniya, ang nararamdaman niya para kay James ay puwede pang magbago kapag nawala ito sa paningin niya. At kapag nanatili ito sa paningin niya, sisidhi ang nabubuong damdaming maghahatid sa kaniya sa mas malaking katanungan sa sariling pagkatao. Isang damdamin na para masunod ay hahamakin niya ang ibang mas mahalaganng bagay.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status