Share

The shadow of the past

Sa pakiusap ni Aling Delia ay pinaubaya sa kanya ng hospital at DSWD ang pangangalaga kay James sa loob ng maraming pinagkasunduan. Sa pakiusap ni James sa administrador ng Hospital ats DSWD na itago ang pagkatao niya para sa kaligtasan, nakuha niya ang simpatiya ng mga ito at nakiisa sa kagustuhan niya ngunit sinabi rin nya na ilalahad niya ang lahat sa tamang pagkakataon. Si Kevin ay hindi nagpahayag ng ng kagustuhan na makasama si James pero ang totoo ay gusto niya itong laging nakikita. Ang pagtanggi sa loob niya sa kabilang banda ay dahilan ng mga pangamba. Pero kung wala lang sanang problema para makasama si James ay atat siyang maiuwi na agad ito sa bahay nila para makasama niya.

Hindi mapigilan ni James na hindi mapalingon sa Monte Claro Subdivision nang pauwi na sila sa bahay nila Kevin at Aling Delia. Para sa kanya, hindi siya dito babalik. Hindi na mahalaga kung sino siya noon. Ang mahalaga ay ngayong nakalaya siya sa mga kapatid. Wala na rin siyang pakialam sa kayamanan. Ang bago niyang tahanan ang mahalaga sa kanya. Ang mga bagong kakilala. Ang mga bagong buhay na pag-aaralan niyang mahalin.

Paggising niya ay napansin niyang wala si Kevin sa tabi niya. Kaya kaagad siyang bumangon at lumabas ng sala. Walang tao. Nahagip ng mata niya sa kanang bahagi ng plywood ng tabling dingding ang wall clock. Alas sais na, usal niya sa sarili. Kumatok siya sa katabing kuwarto pero pagkatapos ng ilang katok, walang sumagot. Batid niya na wala ring tao roon. Nadako ang tingin niya sa mesang naroon sa gitna ng apat na upuang yari sa kawayan at nakita niya rito ang isan kapirasong papel na nakatupi ng maayos. Agad niyang nabasa ang katagang, “GOOD MORNING JAMES! KEVIN AND I GO TO MARKET, YOUR BREAKFAST IS READY.-NANAY DELIA.”

Ngumiti pagkatapos mabasa ang sulat. Pagkaraa’y pinuntahan ang kusina. Nakita niya sa mesa dito ang dalawang plato na natatakpan ng bilao at sa tabi nito’y isang basong gatas na tinakpan din ng platito. Natutuwa siya nakikita at dahil ditto, lalong gumaan ang pakiramdam niya. At nararamdaman niya sa kauna-unahang pagkakataon ang galak sa puso para sa mga bagong kakilala. Dahil gutom na rin, agad niyang kinain ang pagkaing naroon.

Pagkatapos kumain ay lumabas siya ng bahay. Nang makalabas, ang sarap ng pakiramdam niya. Inikot ng mata niya ang paligid. Napagmasdan niya ang bagong tahanan na bago sa paningin niya. Ang mga karatig bahay na katulad ding yari sa kalahating semento at kahoy, maliliit at ang iba’y katamtaman ang laki at sa bawat paligid ay maraming puno ng mangga at kung ano pang halaman. Napakapresko sa mata niya ang mga nakita. Hindi nakatiis, lumabas siya ng bakuran. Gusto niyang marami pa siyang makita sa bago niyang kapaligiran. Hindi na niya halos napansin ang mga taong nakatingin sa kaniya. Napatalon-talon siya sa tuwa, patakb-takbo hanggang makarating sa daanan ng traysikel. Lalong dumami ang mga taong nag-uusyoso sa kanya.

Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat sa nakita. Tila’y isa siyang artistang pinagkaguluhan. Nagbubulungan ang mga tao. Nagulat din siya dahil marami nang tao sa paligid niya. Pero saglit lang ang pagkagulat niya. Ginawa niya’y panay ang banggit niya ng  katagang “HI” sa mga tao, kinakamayan niya ang ilan. Walang nagkalakas ng loob na kausapin siya. Lahat ay nakatunghay lang sa kaniya na bakas sa mukha ang pagkamangha sa nakikita. Ang ilan ay nagtatawanan dahil sa katuwaan sa nakikitang bagong salita sa lugar nila.

Malayo pa ay tanaw na nila Aling Delia at Kevin ang mga tao sa kalsada.

            “Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila?” tanong ni Kevin sa ina.

            “Baka may away na naman.: Aniya

Habang papalapit, nakita nila na nakaharang ang mga tao sa kalsada. Tila may pinaiikutan may nagtatanghal sa gitna ng mga ito, kaya bumusina si Kevin para makadaan sila. Laking pagkagulat ng dalawa kung sino ang pinagkakaguluhan ng tao. Inihinto ni Kevin ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ni James.

Agad bumaba si Aling Delia.

            “James!” pasigaw na tawag ni Aling Delia.

Nang marinig ang busina ng traysikel, nakita niyang nagsitabi ang mga tao pero siya ay nasa kalsada pa rin kaya kitang kita siya ng mag-ina na nasa loob pa rin traysikel. Nang bumaba ang sakay ng traysikel, nakita niya agad si Aling Delia na tinatawag siya.

            “Nanay Delia..!” salubong na tawag niya at lumapit ditto.

            “What are you doing here?” takang tanong niya.

Hindi pa nasasagot ni James ang tanong nang biglang may pasigaw na nagsalita. Bago nilapitan ang nagsalita, sumenyas na si Kevin na mauna na. At si James ay nasa tabi niya.

            “Delia, ano mo ba ‘yan?” sabi ng isang may katandaang lalake.

Nabaling ang tingin ni Aling Delia sa narinig na tanong.

            “Anak siya ng kapatid ko na nakapag-asawa ng amerikano.” Walang kagatol-gatol sa sabi niya. “Sinundo ko siya sa Batangas kaya hindi ako nakapagluto.” Dugtong pa niya.

            “Alam mo, ang lakas talaga ng dugo ng banyaga ano? Tingnan mo naman, ni kating ata ay walang namana sa hitsura ng kapatid mo.”

            “Oo nga eh. Dito na muna siya magbabakasyon.”

            “Ganu’n ba?”

Sa likuran niya ay may sumabad din.

            “Delia, mabuti naman na dito na muna siya para maaliw naman kami. Aba’y hitsura niya pa lang, nakakawala na ng problema. Dapat ipasok ninyo yan sa showbiz.”

Lalong pinaaliwalas ni Aling Delia ang mukha nang sumagot sa medyo may edad na babae.

            “Kayo talaga. Sige na, uuwi na kami at magluluto pa ako.”

Ngiti dito, ngiti doon ang ginawa ni James habang kausap ng ilang tao ang nanay Delia niya.

            “Let’s go, James” sabi niya dito.

Tumalikod na sila pero may nagsalita pa.

            “Hoy, Delia. Marunong bang magtanim yan?”

Dahil sa sinabi ng lalake, nagkakatawanan. Nilingon ni Aling Delia ang pinanggalingan ng boses.

            “Ay ewan ko sa inyo. Diyan na nga kayo!” natutuwa niyang sinabi.

Habang naglalakad pauwi, nag-uusap ang dalawa.

            “Had you taken your breakfast?” tanong niya

            “Yes, how about you and Kevin?” balik niyang tanong.

            “Yes we did. I never thought I could see you this early in the morning with those crowd of people around you. But I’m happy that you’re enjoying this place.”

          “Absolutely! I really enjoyed the breakfast this morning, as I enjoy this place. I’m so glad and grateful that you bring me home with this kind of place.” Bakas ni Aling Delia ang kagalakan sa mata ni James.

Natutuwa rin siya sa reaksyon ng binatilyo. Para bang wala itong inaalalang problema sa buhay.

            “But people here are living a very ordinary life. They sustain their lives through rootcrops and planting palay. You know, “palay?”

            “Yes, I do. My home teacher told me something about palay.  I learned that planting palay is the major source of living not only by Filipinos but also of most people from other countries.”

            “You’re right! Just like in this very place. People here are depending on the harvest of palay. There are times when they get a bad harvest because of typhoons. When typhoon comes, people here are suffering from hunger. What am I talking about? Let’s change topic.” Bigla niyang iniba ang usapan.

Pero, parang hindi narinig ni James ang huling sinabi niya.

            “You know, If I had to choose a kind of life to live, I would choose a simple life like this. I really do. And now, I want to live a life like this. I will love to plant palay. I will love to stay with you and Kevin.”

            “I’m happy to hear that, James.”

            Hindi nila namamalayan na nasa tapat na sila ng kanilang bakuran. Pagpasok nila sa nahay ay nadatnan nilang abalang-abala si Kevin sa kusina.

            “Kevin, anak, bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ba may pasok ka? Mag-aalas otso na.”

            Pagkarinig sa sinabi ng ina ay binitiwan nito ang ginagawa at walang imik na pumasok sa kuwarto at nagbihis ng uniporme. Tinapos ni Aling Delia ang ginagawa ni Kevin, samantalang si James ay nanonood sa ginagawa nito. Tila gustong tumulong at naghihintay na utusan ni Aling Delia.

            Paglabas ni Kevin sa kuwarto ay nagpaalam ito sa ina pero hindi niya pinansin si James. Tuloy-tuloy na siya sa labas.

            Hinihintay niyang kibuin siya ni Kevin pero hanggang sa marinig niya ang pag-andar ng traysikel na menamaneho nito ay hindi siya kinausap nito. Naitanong niya sa sarili nab aka ayaw ni Kevin sa kanya. Gusto niyang itanong sa abalang ina nito kung bakit hindi siya kinikibo pero wala siya sa posisyon para mag-usisa. Naisip niya nab aka pagod lang si Kevin.

            Sari-saring damdamin ang lumulukob sa kanya. Ang pangambang hindi siya makapagpatuloy ng pag-aaral dahil ginastos ng ina ang pang-tuition niya sa susunod na pasukan. Dahil dito, mamimiligro ang kinabukasan niya at ang pangarap. Naiinis siya sa Nanay niya dahil sa sobrang kabaitan at kahit kinabukasan niya ay kayang isugal nito.

            Ang kakaibang nararamdaman niyang pagkasabik na makita si James, at dahil dito, wala siyang lakas ng loob na sabihin sa ina ang possible niyang pagtanggi sa pagkupkop ditto. Ano bang damdamin ang mas dapat manaig sa kanya? Ang katanungang ito ang gumugulo sa isipan niya.

            Hanggang sa pamantasan ay magulo ang isip niya. Hindi niya napansin ang paglapit ng babae sa kinauupuan niya sa ilalim ng puno ng camachili.

            “Hi, Kevin!” pagbati nito.

            Ni hindi tiningnan ni Kevin ang babae pero kilala niya ang may ari ng boses.

            “Alam mo, kahit suplado ka, guwapo ka pa rin! Kaya naman kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, mas lalo akong lalapit sa’yo. Puwede bang kausapin mo naman ako?” Halos magmakaawa na ito.

       Napabuntung-hininga si Kevin saka tiningnan ang babae.

            “Alam mo Karen, maganda at matalino ka. Stop doing this with me. You’re pathetic!”

            Wala nang epekto kay Karen ang masasakit na salitang naririnig tuwing kausap niya ito.

            “I don’t care whatever you say. Kahit ano pa itawag mo sa akin, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, gusto kita, at habang hinahamak mo ako, lalo lang akong nauulol sa’yo. Alam mo kung bakit? Dahil, obsessed ako sa mga lalaking katulad mo na mysterious type. I love it!” Habang nagpapahayag ito ay sinasabayan ng pamumungay ng mata na lalong ikinaasar ni Kevin, kaya sa halip na magsalita pa siya, tumayo na ito at tinalikuran ang babae, pero hinabol siya ni Kevin dahil may biglang naisip ito.

            “Wait, hindi ko pa nga nasasabi sa’yo kung ano talaga ang sadya ko kaya nilapitan kita. Kasi, napagkasunduan ng ilang kaklase natin sa Financial Accounting na magkaroon ng group study na gaganapin sa bahay mamayang gabi. And since ikaw ang pinakamatalino, ikaw ang magiging group leader naming.”

            “What? Bakit niyo pa ako isinasali diyan? Wala akong panahon.” Pagtanggi niya. “Bakamamaya, mga pakana mo na naman yan.”

            “Sige na naman. Tulungan mo naman kami. Malapit na ang Final exam. Promise, pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin.” Nagmamakaawa na ang tingin nito.

            Saglit na nag-isip si Kevin. Basta tungkol kasi sa pag-aaral ang usapan, game siya. Total may kasama naman ang nanay niya, pagbibigyan niya ang paanyaya ni Karen.

            “Sige na nga!” Ang sabi.

            Napatalon sa tuwa si Karen.

            “Finally! Sabi ko na nga ba na malakas ako sa’yo eh.”

            “Anong malakas ang pinagsasasabi mo? Gusto ko lang pumasa kayo sa finals.”

            “Ah, basta. Labs na labs talaga kita.”

            “Ewan ko sa’yo. Diyan ka na nga!”

            “Hey, see you right after our last classes. Sa gate ang meeting place natin!”

            Pilyang ngiti ang pinakawalan ni Karen habang tinitingnan si Kevin palayo. GOT YOU ON MY TRAP, usal nito sa sarili.

            Itinago niya ang bangkay ni Perry sa talahiban. Pagkatapos ay mabilis na nilisan ang lugar. Alam niyang kanina pa siya hinahanap ni Devorah kaya kailangan na niyang umuwi. Habang nasa daan ay nag-iisip na siya kung ano ang idadahilan niya kapag nagtanong ang kapatid kung saan siya galing.

            Kalahating oras din ang ginugol niya bago nakarating sa Makati. Kailangan hindi siya kakitaan ni Devorah nang kahit na anong kakaiba sa sasabihin at ikikilos niya. Bumuntong hininga munsa siya bago binuksan ang pintuan ng condo. Pagpasok niya ay kaagad bumungad sa mata niya ang kapatid na nakatulog sa sala. Napansin niya ang ashtray sa glass table na puno ng upos ng sigarilyo, at ilang canned beer. Natiyak niya na nakatulugan ng kapatid ang paghihintay sa kaniya. Nagdalawang isip siya kung gigisingin ang kapatid o hayaan nalang ito sa sala. Pero kailangan gisingin niya ito dahil sa plano niya na kailangan wala itong malalaman sa ginawa niya. Kailangan hindi nito mapanood sa T.V ang tiyak na Headline News sa pagpatay sa abogado at kay Perry. Kailangan iligaw niya ang isip ni Devorah bukas. Kailangan abalahin niya ang kapatid bukas sa ibang bagay. Sa isip niya, tamang-tama ang pagkakataon dahil 18th birthday niya bukas.

            Para magising, ginalaw niya ang balikat ni Devorah at hindi siya nabigo. Sa pagmulat ng mata nito, kaagad na nagtanong, hindi pa man bumabangon.

            “Kuya Devon, saan ka ba galling? Bigla kang nawala kanina ah, saan ka ba nagpunta?” Sunod-sunod na tanong, at bumangon na ito.

            “Sorry kung hindi ako nakapag-paalam sa’yo. Sinadya kong gawin yun dahil dyahe naman kung kasama ka sa lakad ko kanina. Di ba, birthday ko kaya nagtampisaw ako sa kaligayahan.” Pagdadahilan niya.

            “Lumandi ka? Hmp, ang daya mo talaga! Sana, isinama mo ako. Ikaw ha, nagsosolo ka na ng lakad.” May hinampong tugon nito.

            “Alam mo ba kung bakit hindi kita isinama? Kasi, baka agawin mo pa sa akin ang guy na inarkila ko. Kilala kita pagdating sa mga guwapong guys. And you know what? Sobra akong nag-enjoy!”

            “Ow, talaga? At bakit hindi ka man lang nagreply sa mga text ko sa’yo at naka-off pa ang cellphone mo?” Tanong niya na may pag-aalinlangan pa sa sinabi ng kapatid.

            “Ayaw ko lang maistorbo.”

            “Ganu’n? Eh, bakit ang tagal mo? Seven hours ka ‘atang nawala. Huwag mong sabihin na buong oras na yun. Nagbabad kayo sa kama.” Pagkasabi’y bigla itong may naisip. “Teka nga muna, hindi ba sinabi mo sa akin noon na never kang papatol sa kung sino lang diyan? Tapos ngayon, pumik-up ka?”

            Nahihinuha niyang hinuhuli siya ng kapatid. Naaasar na naman siya pero kailangan niyang magtimpi

            “Alam mi Sis, noon yun, iba na ngayon. At malay ko ba na may makikita akong kahawig ni Tom Cruise kaya pinatos ko na.” Patuloy niyang pagdadahilan.

            “And one thing more. Sinabi mo rin sa akin na hindi ka sasama sa sinumang lalaki ditto sa Pilipinas dahil nangangamba ka na baka matsismis ka. Na sa ibang bansa ka titikim ng lalake.”

            Nangigigil na siya sa kaharap.

            “Kung ayaw mong maniwala, di huwag!”

            “Hindi naman sa ganun, hindi lang kasi ako makapaniwala. At hindi mo ako isinama.”

            “Puwede ba, birthday ko diba? At para mawala yang tampo mo, bukas, the floor is yours. Let’s celebrate my birthday. At bahala ka na kung ano ang ihahanda mo. Mag-invite ka ng friends, or whatever.

            “Talaga?” Tuwang-tuwa ito sa narinig. “So, ngayon palang, batiin na kita ng Happy Birthday.” Sa loob niya mukhang nakumbinsi niya ang makulit na kapatid. At bukas, hahayaan niya ito sa gustong gawin para maabala at hindi maisipang buksan ang T.V.

            Pagtalikod ni Devon para pumasok sa sariling kuwarto nito, naiwan si Devorah sa sala at napaisip. Naalala niya kasi ang sinabi ng kapatid na hindi ito excited sa birthday na darating, pero ngayon nagtatanong siya kung bakit ito pa ang agresibo sa pag-celebrate nito. Aaminin niya na hindi siya naniniwala sa mga sinabi nito pagdating.

            Alam niyang asar na ito kaya, ipinakita na lang niya na nanininwala siya. MALALAMAN KO RIN ANG ITINATAGO MO KUYA DEVON, AT PARA SA BIRTHDAY MO BUKAS, TINGNAN KO LANG KUNG HINDI MAGISING ANG PAGKALALAKI MO. Usal nito.

            Hindi makapaniwal si Karen na pinagbigyan ni Kevin ang paanyaya niya. Obsessed siya ditto pero hindi siya pinapansin kahit anong gawin niya dahil tuwing lalapitan niya ito ay parang lagging naiinis. At dahil gusto niya ang lalaki, gagawa siya ng paraan para maangkin niya ito. Liberated siya dahil sa amerika siya lumaki. At dahil sa nabuntis siya ng BF niya sa amerika sa edad na 16, pinauwi siya ng magulang niya at pagkatapos magsilang, binihyan ng pangalawang pagkakataon na makatapos sa kolehiyo. Nakatira siya ngayon mag-isa sa bahay nila sa Provident Village. Simula ng umuwi siya sa Pilipinas, maraming lalaki na ang inuwi niya sa bahay. Tinikman at pagkatapos, parang wala lang. At ngayon, si Kevin ang iuuwi niya. Nang pumayag si Kevin sa paanyaya niya, kinausap niya ang tatlo pang kaklaseng babae tungkol sa binabalak niya.

            Hindi niya maintindihan ang sarili. Nagdadalawang isip siya na ituloy ang pagsama kay Karen pero nakakompromiso na siya. Gusto niya na ring umuwi para sa nanay niya pero naroon si James at hindi pa siya handa na ipakita rito ang tunay na nararamdaman. Sa huli ay nagdesisyon siya. Sasama siya sa group study sa bahay ni Karen.

            Nauna na sa tagpuan nila ang apat niyang kaklase. Masaya siyang sinalubong ng apat na pinangungunahan ni Karen. Pagkaraa’y tumuloy na sila sa pupuntahan. Kotse ni Karen ang ginamit. Naiwan sa eskwelahan ang traysikel ni Kevin. Plano ni Kevin ay babalikan na lang ito pagkatapos ng group study.

            Nalulula siya sa nakikitang nagsisilakihang bahay sa loob ng subdivision. Maya-maya pa ay pumasok sila sa isang gate na natatanuran ng guwardiya na siyang nagbukas nito. Namangha si Kevin sa laki ng bahay ni Karen. Lalo na nang bumaba sila mula sa sasakyan nang makita nito ang artificial falls na may swimming pool. Sinalubong sila ng dalawang katulong at nagbigay-galang.

            Dumeretso sila sa sala. Si Karen ay umakyat sa second floor. Dumeretso sa kuwarto niya. Sa loob niyo ay may mini library. Dito ay kumuha siya ng aklat na gagamitin sa group study. Hindi na ito nagbihis at bumaba agad para iabot kay Kevin ang aklat. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Ilang problema ang natalakay nila sa pangunguna ni Kevin after one hour.

            Alas siyete y media na nang tingnan ni Kevin ang relos sa bisig niya. Napansin niyang tumayo si Karen.

          Samantalang ang tatlo pa nitong kasama ay sabay sabay na nagpunta ng rest room. Maya-maya lang ay nakita niya si Karen kasama ang isang kasambahay na may mga pagkaing dala at canned beers.

           “Handsome boy, I brought you some beers.” Sabi nito.

            “Kailangan ko nang umuwi. Baka mag-alala ang nanay ko.”

            “Hey, maaga pa. At hindi pa tayo tapos.” Pagpigil nito.

            “Eh, Karen kasi, hindi ako umiinom eh.”

            “Then, I’ll teach you. Para naman uminit ang katawan mo. You know, sometimes you should enjoy yourself. Hindi puro aral. The best thing in the world is to enjoy..enjoy..enjoy… Alam mo, masyado kang seryoso sa buhay. Para kang bato na walang pakiramdam. But you challenge me a lot. A challenge to take to make you mine.” Mahabang pahayag nito.

            “Wala ka na bang ibang sasabihin? I need to go.” Pagkasabi ay sinabayan ng tayo at umastang aalis.

            Hinawakan siya ni Karen sa braso.

            “No! I insist!” Pagkasabi nito’y bigla siyang hinalikan ni Karen, mariin. Sa pagkabigla, naitulak niya si Karen ng malakas at bumalandra ito sa upuang naroon.

            “Anong ginagawa mo?” ang sabi.

            Nagalit si Karen.

            “You know what? You’re a gay! Isa kang bakla. Ipagkakalat ko sa campus na bakla ka!

            “I’m sorry.. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako sa ginawa mo. Hindi ako katulad ng iniisip mo.

            Iginagalang ko ang mga babae kaya I don’t want to take advantage.

            “Ikaw lang ang lalaking umayaw sa akin! And I will not take this for granted! I’ll tell everyone that you’re a gay! Get out or I’ll call the guard!”

            Para siyang nanghina sa mga sinabi ng babae. Wala siyang lakas na ipagdikdikan dito na hindi siya bakla.   Aaminin niya na naguguluhan siya sa sarili niya kaya hindi niya pa alam kung ano talaga ang gusto niya. Ngayon, natatakot siya na baka totohanin ni Karen ang banta. Ayaw niyang maging kahiya-hiya sa campus. Dahil sa nangyari, lihim niyang nasisi ang pagdating ni James sa buhay niya dahil dito niya unang naramdaman ang kakaibang damdamin.

            Kailangan niyan magmakaawa kay Karen. Kailangan pagbigyan niya ito alang-alang sa kinabukasan niya. Hindi niya kakayanin na pagtsismisan siya sa campus. At kailangan niyang subukan at baka sakali ma-realize niya ang tunay na gusto.

            Alas singko y’ media pa lang ay inaabangan na ni Aling Delia ang pagdating ni Kevin. Pero ilang oras na ang nakaraan ay wala pa ang hinihintay  nila ni James. Nag-aalala na siya. Pati si James. Ang andar ng motor mismo sa tapat ng bahay nila ang hinihintay na marinig pero nabigo sila. Sumapit na ang alas diyes ay wala pa si Kevin.

            NASAAN KA NA ANAK, tanong ni Aling Delia sa isipan. Inip na inip na siy sa paghihintay. Labis na siyang nag-aalala. May Good News pa naman siya sa anak, dumami ang customer nila nang ulam at naubos ang panind nila dahil aliw ang mga tao kay James.

            Ilang metro na rin ang nilakad niya palabas ng village nang maisipan niyang bumalik sa bahay ni Karen para pumayag na sa gusting mangyari ng babae. Nangangamba kasi siya na baka siraan siya nito sa Campus, isang bagay na ayaw niyang mangyari sa buhay niya, ang malagay sa kahihiyan. At may ibig siyang matuklasan sa sarili niya.

            Kinausap niya ang guard para pumasok sa bahay pero ayaw siyang papasukin nito. Ang ginawa’y tinawagan ng guwardiya si Karen. Pagkaraan ng ilang sandal, huminto ito sa pakikipag-usap sa amo at binigay kay Kevin ang telepono.

            “Sir, kausapin daw kayo ni Ma’am.”

            Kinuha ni Kevin ang telepono.

            “Hello Karen. Bumalik ako para mag-sorry sa nagawa ko, I really didn’t mean to do it. It’s just that I didn’t expect it to happe.”

            “Iyun lang ang sasabihin mo? Makakaalis ka na! Tugon sa kabilang linya.”

            “Wait! Puwede ba akong pumasok uli?”

            “Bakit pa?” Matigas na tono sa linya.

          “Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. I realize na tama ka, na kailangan ko rin  mag enjoy. I want you to make me happy. Sawa na rin kasi ako sa pagiging malungkot.” Pagdadahilan niya.

            “Are you serious?”

            “Yes!”

            “Okay, Get in!”

            “Thank you.”

            Sa pintuan ng bahay ay sinalubong agad siya ni Karen na animo’y mukha pang galit.

            “Ang arte mo! Papaya ka rin pala, nagpapakipot ka pa.”

            Tiningnan lang siya ng may pilit na ngiti ng lalake.

            “Bakit para kang napipilitan? C’mon, uminom tayo. Tuloy ang ligaya, hahaha! Sabi nito na sinabayan ng tawa habang nakahapit ito sa baywang ni Kevin.

            “Sandali, nasaan nap ala ang tatlo nating kasama? Tanong nito nang may maalala.”

            “Kanina pa sila umalis. Kaya, we’re all alone. I’ll make you happy Kevin!” pagkasabi’y inilapit nito ang labi sa labi ni Kevin. Hindi na nakahuma si Kevin. Naamoy niya ang mabango kahit amo’y alak na hininga ni Karen.

            First time niyang mahalikan sa labi kaya hindi niya alam kung paano gaganti sa halik ng babae. Napansin ito ni Karen.

            “Is this your first time?”

            “Oo.” Mahina niyang sagot.

            Dahil sa sagot ni Kevin, napahalakhak ang babae.

            “Ano ba ang nakakatawa?” puna ni Kevin.

            “I’m so blessed that God has given me a very good-looking young man who is still a virgin. But don’t worry, I’ll teach you how. Doon tayo sa kuwarto.”

            Naging sunod-sunuran na lang si Kevin sa babae. Mula sa sala ay umakyat sila sa Second floor kung saan naroon ang kuwarto ni Karen. Pagpasok sa kuwarto ay tila hayok si Karen na hinubaran si Kevin. Naghihintay lang si Kevin kung ano ang gawin sa kanya ng babae. Nanginginig ang buong katawan niya habangg hinuhubaran siya ng babae.

            Napansin ito ni Karen.

            “It’s okay, ganyan lang talaga kapag firstimer. Ako’ng bahala sa’yo.”

            Tumango-tango lang si Kevin. Tila isang sanggol na naghihintay lamang na hagurin at haplusin. Unang tinanggal ni Karen ay ang damit niya. Nakatayo pa sila, hinagod na agad ng dila ni Karen ang dibdib ni Kevin. Lalong nanginig ang katawan niya. Naramdaman niya rin ang pagtigas ng ari niya. Pababa ng pababa ang paghagod ni Karen hanggang dumako ang bibig nito sa kanyang puson at dito’y tumagal ng ilang sandal ang dila ni Karen. Kiliti ang hated nito kay Kevin.

            Aaminin niya, nagugustuhan niya ang ginagawa ng babae. Mula sa puson niya ay bumaba ang bibig ni Karen. Ang kamay ni Karen na abala sa paglamas ng katawan niya ay dumako sa kanyang sinturon. Malaya nitong tinanggal ang sinturon. Pagkaraa’y butones ng pantaloon niya ang ginalaw nito. Ilang sandal pa’y sa tulong ng dalawang kamay ng babae ay naibaba nito ang pantaloon niya. Tumambad kay Karen ang namumukol na harapan ng lalake. Sa isipan ni Karen ay ilang sandal pa’y makukuha na niya ang gusto sa lalake. Agad niya itong hinimas habang nasa loob pa ng brief. Pakiramdam ni Kevin ay gusto nang kumawala ang ari niya sa loob ng brief.

            Tuluyan nang tinanggal ni Karen ang brief niya at tumambad ditto ang tirik na tirik na niyang kargada. Walang sabi-sabing sinungaban ng bibig nito ang ari niya. Napaigtad si Kevin dahil sa kakaibang nararamdaman ng nasa loob na ng bibig ni Karen ang ari niya. Napahawak siya sa ulo ni Karen. Gusto niya ang nangyari kaya di niya naiwasang itulak pa ang ulo ni Karen para idiin pa nito ang bibig sa ari niya. Hanggang di niya namamalayan umuungol na siya dahil sa sensasyong nararanasan. Pagkaraan ng ilang minuto, hinila siya ni Karen sa kama at siya ang pinahiga.

            Sa harap niya ay naghubad si Karen. Tumambad sa kanya ang kaangkinana nito. Pagkaraa’y kumubabaw ito sa kanya. Hindi niya magawang yakapin ang katawan nito dahil sa pagkailang. Ilang hagod pa ang ginawa ni Karen sa katawan niya at ilang minutong pang nagbabad ang bibig nito sa ari niya bago nito itinutok ang ari sa tirik na ari ni Kevin. Walang daplis na bumaon dito ang kargada niya, at mas mainit ang naramdaman niya kaysa sa bibig ni Karen. Una mabagal ang pagtaas-baba ng balakang nito, unti-unting bumubilis hanggang mas lalo pang binilisan.

            Tila napagod, kaya, bumangon ito at tumihaya. Sa pamamagitan ng bulong ay naintindihan ni Kevin ang gustong mangyari ni Karen. Dahan-dahan siyang umibabaw sa katawan ng babae. At itinutok sa lagusan nito ang ari niya. Sumakyod pababa ang balakang niya at naramdaman niya na nasa ilalim na siya. Napaungol si Karen. Kusa na siyang gumalaw na para bang alam na ang gagawin sa kalabang nasa harapan. Umulos siya, mabagal sa umpisa. Hanggang sa bumilis. Humahalingling si Karen. Lalo naman siyang ginanahan. Ilang mabilis naulos pa at naramdaman niyang lalabasan na siya. Alam ng babae na lalabasan na siya kaya, nabigla pa siya nang itulak siya nito. Kaya, nagkalat ang katas niya sa kama.

            Tinawanan siya ni Karen.

            “Hahaha! What a poor boy.”  Ang sabi nito.

            “Bakit?” nagtatakang tanong niya.

            “Wala lang. natawa lang ako sa reaksiyon mo nang lalabasan ka na. I never met such a guy like you before. All the men I made love were all sex expert and knew exactly what to do. But you? Poor boy, you need more sex with me. Hahaha!”

                        “Kailangan ko nang umuwi.”

                        “Then go! Thanks for fun.” Naka senyas pa ang mga kamay padako sa pintuan.

            Dali-dali siyang nagbihis. Pagkatapos ay mabilis na lumabas ng kuwarto at nilisan ang lugar.

            GANUN PALA ANG SINASABI NILANG SEX, SABI NILA, NAKAKABALIW, AT HAHANAP-HANAPIN, AT AKO, INAAMIN KONG  NADALA AKO, NASARAPAN PERO PARANG AYAW KO NANG MAULIT, AYAW KO NANG MAULIT SA BABAING YUN. Kausap ni Kevin ang sarili habang papunta sa eskwelahan para kunin ang traysikel.

            Alas otso y media na nang tignan ang relos sa bisig. Alam niyang sa mga oras na ito. Alalang-alala na ang nanay niya. Parang na guilty siya sa ginawa niya.

            Gising pa si Aling Delia at si James. Hinihintay si Kevin. Si Aling Delia ay hindi mapakali. Sa tabi niya si James na sinusubukang ibsan ang pag-alala ng kasama. Walang nagawa, binuksan nito ang TV para manood ng Primetime Drama sa ABS-CBN. “Kahit isang saglit” ang palabas. Nagbaka-sakali si James na baka matuon sa palabas ang isip ni Aling Delia. Pero maya-maya lang ay dumating na si Kevin.

            Agad na humangos sa labas si Aling Delia, kasunod si James.

            “Kevin,  anak. Bakit ngayon ka lang? Ngayon lang nangyari ang pag-uwi mo ng ganitong oras. Nag-alala kami sa’yo.

            “Nag-group study po kasi kami para sa finals sa biyernes.” Dahilan niya. “Kumain na po ba kayo?”

            Dugtong na tanong habang papasok sa loob ng bahay kasunod ang dalawa.

            “Hindi pa. hinihintay ka naming ni James.”

            Pormal na tingin lang ang ipinukol ni Kevin kay James na nakangiti sa kanya.

            “Tara na, kumain na tayo.”

            Natuon ang pansin ni James sa palabas sa TV. Narinig niya kasi ang pamilyar na pangalan. Hindi niya tuloy napansin ang anyaya ni Kevin. Ipinapalabas sa “Flash report” ang balitang pagkamatay ng sikat na abogado na si Atty. Gabriel Sandoval. Ayon sa napanood niya, pinasok ng isang magnanakaw ang Sandovals Law Firm.

            Ipinalabas ang kuha mula sa CCTV Camera, ang pagpasok at paglabas ng magnanakaw. Nakikita niya ang pagpasok ng isang tao na naka-itim at may dalang baril, ang pag-akyat nito ng dahan-dahan sa exit ways, at ang encounter nito sa abogado sa lobby, at ang pagpasok nito sa kuwarto ng abogado para limasin ang laman ng vault. Hindi ma-identify ang suspect dahil naka-bonet ito. Ayon pa sa balita, kaagad na naiparating ang dalawang bodyguard nito sa kinauukulan ang insidente at iniimbestigahan na rin ang mga ito.

            Napansin ni Aling Delia na hindi sumunod si James sa kusina kaya tinawag niya ito.

            “James?”

            Nakatuon ang isip ni James sa balita kaya wala itong narinig. Lumapit sa kanya si Aling Delia.

            “Is there a problem?” Tanong niya dahil sa nakitang reaksiyon nito sa mukha.

            Ibinaling niya ang tingin sa nagtanong dahil natapos na rin ang balita.

            “I was shocked by the news.”

            “What news?” Balik tanong ni Aling Delia.

            “Just right now, in a flash report that said, Atty. Sandoval was shot dead by an unidentified suspect. He is our family lawyer. I feel sad because I considered him as my second father. He treated me like his own son. As I remember, I and my siblings have a meeting with him to discuss a very important matter. Tomorrow is also my brother’s birthday.” Mahaba niyang pahayag.

            Hindi alam ni Aling Delia kung ano ang sasabihin.

            “I know it’s hard for you, but I think, you know that everything happens in God’s will. Kevin  is waiting at the kitchen. C’mon, let’s take our dinner.”

            “Yeah.”

            Wala siyang ganang kumain dahil sa nabalitaan. Pakiramdam niya, may nawala sa isang bahagi ng buhay niya nang malamang oatay na ang mabait nilang abogado, na itinuring niyang pangalawang ama. Hindi na siya pinansin ni Aling Delia dahil alam nito ang dahilan. Si Kevin ay manaka-nakang napapatingin sa kanya. Ngayon ay nahihiya si James sa kanya dahil hindi niya ito pinapansin.  Akala niya, kaya wala itong ganang kumain ay dahil sa kanya.

         Nakaramdam siya ng guilt, kaya kinibo niya ito.

            “It seems to me that you have a problem, that is why you lost your appetite.”

           Nagliwanag ang mukha ni James dahil hindi niya akalain na kakausapin na siya ni Kevin. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot niya.

            “It’s nothing. It’s just about the news I heard on TV.”

            “What about it?”

            Sinalo ni Aling Delia ang tanong ni Kevin.

           “Nabalitaan niya kanina sa TV na napatay ang family lawyer nila. Malungkot siya kasi parang ama na raw ang turing niya dun. May sinabi pa siya na bukas sana ay may meeting silang magkakapatid sa abogadong yun para sa isang mahalagang bagay. Siguro tungkol sa mga ari-ariang mamanahin nila.”

            “James, our symphaty is yours.” Sabi ni Kevin at hinawakan nito ang kamay ni James.

            “Thank you.”

            Gusto ni Kevin na kahit papaano ay mawala ang lungkot nito.

            “C’mon, finish your meal. I want to talk to you later.” Ang sabi niya.

            “Yes sure.”

            Ngayon, hindi lang pagkagusto ang nararamdaman niya kay James, pati awa na rin. Silang mag-ina ang itinuturing nitong kapamilya ngayon, at inaasahan. Matapos ang naranasan niya kay Karen, alam na niya kung ano ang gusto niya. Kaya niyang magsakripisyo kung kinakailangan para kay James. Pero anuman ang damdamin niyang ito, siya lang ang nakakaalam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status