Share

The Rescue

Matulin ang takbo ng tricycle ni Kevin sa kahabaan ng Monte Claro Road kasama ang kanyang ina para mamalengke sa bayan tuwing alas kwatro na madaling araw. Malayo pa sila ay nahagip na ng lente ng tricycle ang isang taong nakahandusay sa daanan nila. Agad na nagpreno siya nang makalapit at bumaba ang mag-ina sa tricycle. Madilim pa ang paligid kaya nang makalapit, agad na kinapa ni Aling Delia ang pulso nito at nahinuha niyang buhay pa ito. Agad na inutusan ang anak na nakamasid lang sa ginagawa ng ina.

            “Kevin, buhatin natin siya at dalhin sa hospital. May pulso pa siya.” Umiral ang pagkamaawain ni Aling Delia.

Mabilis na tumalima si Kevin at naisakay ito sa tricycle. Agad na pinaharurot ni Kevin ang sasakyan patungong hospital. Habang nasa daan, nagsalita si Kevin.

            “Pero nay, paano ang pamamalengke natin? Maaabala tayo.”

            “Kawawa naman siya. Kailangan niya ang tulong natin.” Habang sinasabi ito ay sinisipat ni Aling Delia ang mga gamit nito sa katawan para maghanap ng pagkakakilanlan. Nakapa niya ang wallet nito sa bulsa ng loose pants na suot nito. Binuksan niya ang wallet pero walang ibang laman maliban sa 4 – One thousand bills. Maraming katanungan sa isip niya pero isinantabi niya muna ito. Saka na siya mag-uusisa pagkaraang mabigyang lunas ito.

           Namarating ang hospital sa emergency section, kaagad na sinalubong sila ng staff ng hospital ng ideklara ni Aling Delia na may pasyente silang dala na duguan at unconscious. Nang mailabas si James mula sa tricycle, namangha ang mag-ina sa hitsura ng taong sanaklolohan nila. Nasa labas na lamang sila ng pinto ng emergency room nang maipasok ditto si James.

            “Alam mo anak, may kutob ako na napagtripan lang siguro siya. Mukhang banyaga eh, parang amerikano. Pero saan kaya siya galling? Paano siya napadpad dun? Kawawa naman siya.” Bakas sa mukha ni Aling Delia ang pag-aalala sa taong hindi niya kaanu-ano.

            Nakatingin lang si Kevin sa inang alalang-alala. Naiisip nya na nalimutan na nito ang trabaho nilang mag-ina ngayong araw. Masasayang ang kikitain nila. At baka mapahamak pa sila sa nangyaring ito. Dahil sa alalahanin, nagyaya na siyang umuwi.

            “Nay, alis na tayo dito. Iiwan na natin yan. Ligtas na siya ditto. Baka mamaya, tayo pa ang mapagbintangan sa kung ano man ang nangyari diyan.”

            “Hindi anak. Hindi natin siya iiwan ditto hanggat hindi ko nakukumpirma kung ano ang kalagayan niya. Matigas na tanggi nito.

            “Pero nay, ligtas na siya. Ginagamot na siya ng mga doctor. Hindi naman natin siya kaanu-ano eh. Tiyak na hinahanap nay an ng pamilya niya.”

            “Narinig mo ako Kevin. Hintayin natin na lumabas ang doctor na tumitingin sa kanya.”

            “Pero nay, paano ang pagtitinda natin?”

            Saglit na natigilan si Aling Delia sa narinig. Sa loob niya, oo nga pala, kailangan makapamalengke sila at makapagluto para sa paninda nila. Pero, nanaig sa kanya ang pagiging mabait.

           “Sakripisyo tayo ngayon anak. Kagustuhan ng Diyos ang nangyaring ito ngayon sa atin. Nararamdaman ko na may plano ang Diyos kung bakit binigyan niya tayo ng ganitong pagkakataon.” Sukat sa sinabi ng ina, natameme si Kevin. Talagang maka-Diyos at mabait ang nanay niya. Sasamahan na lamang niya ang ina sa gusto nito para sa taong natagpuan nila. Inaamin niya sa sarili na curios din siya sa pagkatao nito. At may anong haplos sa puso niya ang naramdaman niya nang masilayan ang hitsura nito.

            Dahil sa pagmamadali kanina ng mga taong may dala sa pasyenteng nag-aagaw buhay, minabuti niyang ipagpaliban muna ang pagpapatala ng mga ito. Ngayong nakita niya na nasa loob na ng emergency room ang pasyente, tinawag niya ang pansin ng mga ito para makapagpatala.

            “Kayo po ba ang nanay ng pasyente?” agad niyang tanong kay Aling Delia.

Hindi agad nakasagot si Aling Delia. Pero hindi niya ugaling magsinungaling.

            “Hindi naming siya kaanu-ano. Ang totoo niyan, natagpuan naming siya nitong anak ko na nakaharang sa daan, walang malay habang papunta kami sa bayan kaninang bandang alas kwatro diyan sa di kalayuan sa Monte Claro Subdivision. Kaya, dinala namin siya dito.

            “Ganoon po ba? Ang bait niyo naman. Dahil kung hindi kayo ang nakakita sa kanya, malamang nire-report lamang siya sa pulis or pababayaan, pero kayo, kayo mismo ang nagdala sa kanya. Suwerte niya po at kayo ang nakasaklolo sa kanya. Bibihira na po sa ngayon ang mga taong kagaya niyo.” Mahabang pahayag nito para purihin ang kabutihang ginawa.

            Napangiti si Aling Delia sa narinig samantalang pormal lang na nakikinig si Kevin sa usapan.

            “Salamat sa appreciation mo.”

            “Siyanga pop ala, kasi, kanina, mga bandang alas 3:30 ay may nagtanong ditto kung may tinanggap kaming pasyente na ayun sa paglalarawan nila ay eksaktong katulad ng hitsura pasyenteng dinala niyo rito. James De Sales daw ang pangalan. Dalawa silang naghahanap. Kapwa kabataan at mukhang mayayaman.”

            “Ganoon ba? Baka sila ang mga kapamilya niya? Maikling nasabi ni Aling Delia tungkol sa nalaman.

            “Hindi po natin alam. Mas makabubuti po na hintayin nalang natin magising ang pasyente. Sige po.”

            Pagtalikod nito’y siya naming paglabas ng doctor mula sa emergency room. Agad itong sinalubong ni Aling Delia.

            “Doc, kami ang may dala sa pasyente, kumusta ang kalagayan niya?” tanong nito na punong pag-aalala.

            Saglit na natigilan ang doctor sa mabilis na pagharang sa kanya ni Aling Delia bago nakapagsalita.

            “Mabuti na lang at nadala niyo agad siya dito dahil kung hindi, maaring mamatay siya kung hindi niyo pa siya nadala within 20 minutes dahil nauubusan na siya ng dugo. Hindi maganda ang kundisyon niya dahil maraming dugo ang nawala sanhi ng tinamo niyang sugat sa kanyang ulo. Kailanagn masalinan siya ng dugo sa lalong madaling panahon. Type AB ang dugo niya. And, wala po kaming stock ng ganyang dugo kaya kaylangan niyong maghanapng donor mula sa pamilya niya.”

           Napamaang si Aling Delia sa narinig na salaysay ng doctor.

            “Ha? Pero, hindi po naming kaanu-ano ang pasyente. Ah, eh, ang ibig kong sabihin, hindi naming siya kilala at ang pamilya niya na maaring may katipo ng dugo niya. Dok, ano ang gagawin namin?”

            Parang gusting mag-usisa ng doctor dahil sa narinig pero minabuti niyang sagutin na lang ang tanong ni Aling Delia.

            “Tatapatin ko po kayo. Mahirap maghanap ng gano’ng tipo ng dugo. Kahit ang mga hospital ay madalang magkaroon ng ganoong stock. The best thing to do is, kailangan niyong makontak ang pamilya niya, and for our part, susubukan naming makipag coordinate sa ibang hospital.

            “Pero dok,  kung hindi niyo naitatanong, dinala naming siya dito dahil natagpuan lang namin siya sa daan habang papunta kami sa bayan para mamalengke sana. Wala siyang identification card. Pero, sabi ng nurse sa information, kanina raw nang wala pa rito yung pasyente ay may dalawang kabataan nagpunta rito para hanapin ang pasyente. James De Sales daw ang pangalan ng hinahanap nila.”

            “De Sales? Quite familiar name, pero wala rin akong idea tungkol sa kanila. But, huwag po kayong masyadong mag-alala, gagawin naming ang lahat.

            “Salamat dok, kayo nap o ang bahala sa kanya. Sasagutin namin ang mga gastusin.”

            Tumango ang doctor bago nagpaalam. Nang wala na ang doctor, saka lamang nagsalita si Kevin.

            “Nay, kailangan ba talagang akuin natin ang responsibilidad? Paano ang mga gastusin? Saan tayo kukuha ng pera? Kita sa mata ni Kevin ang lungkot at problema sanhi ng kinakaharap nilang sitwasyon.

            Hinaplos ni Aling Delia ang ulo ng anak para kampantihin ito.

            “Anak, may awa ang Diyos, malalampasan natin to. Ang mahalaga, may nailigtas tayong buhay. Hindi kaba natutuwa at tayo ang pinili niya para iligtas ang isang nilalang niya? Wala ng mas sasaya pa sa ganoong pagkakataon na ibinigay niya sa atin. Kaya, ipagdasal natin ang kanyang kaligtasan.” Hindi namamalayan ni Aling Delia na tumutulo na ang kanyang luha habang nagsasalita.

            Sa pahayag ng ina parang maiiyak na rin siya hindi dahil dala ng tuwa sa kabaitan ng ina kundi dahil sa problema kung saan sila hahagilap ng malaking halaga ng gagastusin sa hospital.

            Ang nanay talaga. Ito ang nauusal ni Kevin kapag may problema sila na kahit mahirap lusutan, parang wala lang para sa kanyang ina. Ipinapasa-Diyos ang lahat, at dinadaan sa dasal. Tulad ngayon at mas malala dahil wala naman silang mapagkukunan ng malaking halaga ng pera. Pero, sa kabilang banda, mas mabuti nang gano’on ang nanay niya kaysa mawalan ito ng pag-asa sa tuwing may problema sila. Hanga siya sa nanay niya. At mahal na mahal niya ito. Nagpapasalamt siya dahil kahit mahirap lang sila, itinataguyod ng nanay niya ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Simula ng mamatay ang tatay niya, hindi niya nakita ang nanay niya na naging depress ito. Laging positibo ang pananaw sa buhay.

            Anim na taong gulang siya ng mabalop ang kaniyang ina. Ayun sa kuwento ng nanay niya, mayaman ang pamilya ng tatay niya. Subalit, itinakwil ito at tinanggalan ng mana nang makapag-asawa dahil mas pinili nito ang asawa kaysa magulang. Dahil sa sama ng loob ng tatay niya, nagkasakit ito hanggang sa mamatay. Namatay ang tatay niya sa sobrang sama ng loob. Sa lahat ng ito, ipinapasa-Diyos ng nanay niya ang lahat alang-alang sa kanya. Sinabi ng nanay niya na huwag na huwag siyang magtanim ng galit sa kapwa gaano man katindi ang kasalanan nito. Pero, sa puso niya, may galit siya sa pamilya ng tatay niya. Galit siya sa mga mayayaman. Bagay na inililihim niya sa nanay niya. Hindi niya kayang matulad sa nanay niya na puno  ng pagpapatwad ang puso. Dahil sag alit na ito, wala siyang kaibigan. Ang nanay niya ang sentro ng buhay niya. Naitanim niya sa puso ang galit at paghihiganti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status