Sa gate ng malawak at kilalang Subdivision sa Nueva Ecija, isang blonde hair teenager ang iniluwa nito na hindi namalayan ng tatlong Security guards na pawang tulog. Madaling araw pa pero para sa kanya, maliwanag na ang umaga dahil sa mabilis na pagtakbo para makalayo kaagad. Walang lingon likod na kumakaripas ng takbo habang tutop ng kaliwang kamay ang duguang ulo. Sa ganitong oras, halos wala pang sasakyan na dumadaan para masakyan niya at tuluyang makalayo. Inabot siya ng pagod at nagkubli sa isang malaking puno. Maya maya pa ay narinig niya ang andar ng paparating na sasakyan pero kabisado niya ang andar nito kaya mas lalong inigihan ang pagtago sa malaking puno at pagtapat nito ay banaag niya ang itsura ng sasakyan ng kapatid niya. Siniguro niya munang nakalayo na ito bago siya lumabas sa pinagkublihan pero ilang hakbang pa ay bigla na lang siyang nahilo at tuluyang nawalan ng malay.
" Kuya, bumalik na tayo sa bahay, hayaan na lang natin siya". Pakiusap ni Devorah.
" Anong hayaan? Nakita mo ba ang ginawa niya sa mukha ko"? Bulyaw nito sa kapatid sabay turo sa sariwang sugat sa kanang pisngi. " Papatayin ko ang gagong 'yun"! Galit pang sambit ni Devon.
"Umuwi na tayo, antok na antok pa ako eh, sige..." Pangungulit ni Devorah pero hindi na natapos ang sasabihin pa nito dahil dumapo na sa pisngi niya ang isang malakas na sampal.
" Aray, ano ba? Bakit mo ako sinampal?" Angil nito sabay haplos sa pisngi.
"Tumigil ka! Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi ka tumigil." Inihinto niya muna ang kotse at sinungaban ang mukha ng kapatid habang nandidilat ang mata. " You know my devil sister, we have to find and kill him para wala na tayong problema. At kung hindi mo kaya, panoorin mo na lang ako kung paano ko siya papatayin!"
Pagkatapos ng tinuran ay pinaandar muli ang sasakyan at binagtas ang kahabaan ng daan patungong poblacion.
Sa sampal at sinabi ng nakatatandang kapatid, tila nawala ang kanyang antok. Lumikot ang mga mata niya sa dinadaanan nila sa pagbabakasakaling makita si James. Sa loob niya, tama si Devon. Kailangan nang tuluyang mawala sa buhay nila ang bunsong kapatid. Ilang ulit na nga ba nilang pinagplanuhan ang pagpatay kay James? Sa pagka alala niya ay tatlong beses nang nabigo silang dalawa ni Devon. Kaya ngayon, dapat hindi na mangyari yun at mawala na ang tinik sa lalamunan nilang dalawa ng Kuya Devon niya
Naglalaro sa isipan ni Devon na sa oras nato hindi pa nakakalayo si James dahil alam niyang nasugatan niya ito sa ulo at duguan. Kaya inaasahan niya na hindi ito makakalayo. At alam niyang tanga ang bunso nilang kapatid na american ang itsura dahil ni minsan hindi ito lumalabas ng Mansion. Muli niyang tinapakan ang preno ng sasakyan at nag isip. Sa sandaling iyon, nilingon niya si Devorah at nakatingin lang ito sa kanya. Habang nakahinto, naulinigan nila ang tunog ng paparating na tricycle. Lumabas ng sasakyan si Devon para makita ang paparating na sasakyan. Pagdaan nito sa harapan niya, hindi niya maaninag ang sakay dahil medyo madilim pa ang paligid at mabilis ang takbo ng tricycle. Nakalayo na ito saka siya muling pumasok sa kotse. Katulad ng dati, dahan dahang binagtas ang kahabaan ng Monte Claro Road sa pagbabakasakaling madaanan ang taong hinahanap. Halos kalahating oras na siyang nagmamaneho pero ni anino ni James ay hindi niya makita.
"Putang ina, natakasan na yata tayo ng hayop na yun!" Singhal nito sa katabi na nakatingin din sa kanya.
" Oh ano, sumusuko ka na?" Pang uuyam ni Devorah. " Ikaw kasi, you let him escaped!"
" Alam mo, ikaw ang dapat sisihin kung bakit siya nakatakas. Dahil sa pag aantay sayo, nasobrahan ang pag-inom ko ng alak. Kung umuwi ka sana sa takdang oras, hindi sana siya nakatakas at napatay na natin siya!" Pagkasabi nito'y minaniobra niya ang sasakyan pabalik sa Mansion.
" But wait, hindi ba nakakulong siya sabi mo sa akin? Paano siya nakalabas?" Pang uurirat ni Devorah.
" At ikaw pa ang may ganang umurirat? Ikaw ang hindi tumupad sa usapan. Nahuli ka nang dating!"
" Eh bakit nga nakatakas? Hindi ba nakandado ang kuwarto kung saan mo siya ikinulong?" Muling tanong nito.
" Eh diba nga nalasing ako at nakatulog sa kakahintay sa'yo, eh doon ako sa room niya uminom at nakatulog, kaya ayun!
" Yun naman pala, akala ko ni-lock mo ang room niya. So, ano ngayon, sino ang may kasalanan? Sabi nitong may halong pang iinis.
" Gusto mo bang masampal ulit? Alam mo, ang sabihin mo, inuna mo na naman ang uten ng lalake mo. Tinatawagan kita pero ano'ng ginawa mo, pinatay mo ang tawag dahil binabayo ka ng lalake mo, tama ba ako?" "Kaya, ikaw ang may kasalanan kung bakit pumalpak na naman tayo."
" Sige na nga ako na. Ako naman lagi eh. So ano na ngayon plano mo?"
" Buwisit!" Inis na tanging nasabi ni Devon.
Kabisado niya ang kapatid lalo ang pagkahilig nito sa mga gwapong lalake. Hindi nito pinapalagpas ang natitipuhang lalaki. Wala itong pakialam sa sasabihin ng mga kaibigan at mga kakilala. Liberated ito at hindi niya kayang mapigilan dahil si Devorah lang ang tanging nakakaalam ng mga sekreto niya. Ayaw niya na malagay ang buhay niya sa kahihiyan. Ayaw niya na dumating ang panahon na mismong ang kapatid niya ang magbunyag ng mga sekretong bumabalot sa kanilang pagkatao, lalo na ang sa kanya. Ngayon, gusto man niyang tuluyang magalit sa kapatid, hindi niya magawa.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila habang pauwi. Ayaw rin ni Deviorah na nagagalit sa kanya si Devon dahil may takot siya dito. Silang dalawa ang magkaramay sa lahat nang bagay. Pagdating sa mga itinatagong seketo, alam niyang hindi si Devon ang maaring magbunyag sa mga ito kundi siya dahil kaya niyang gawin kung kinakailangan. Sanay siya sa kahihiyan at ito ang advantage niya sa nakatatandang kapatid na santo kung ituring ng mga kaibigan, at lahat nang nakakakilala dito.
Naputol ang pagmuni-muni niya nang biglang tinapakan ni Devon ang preno nang sasakyan.
" Ano ba?" Bulyaw nito dahil sa pagkaalog at pagkagulat.
" Naisip ko kasi na dahil sa sugat niya sa ulo baka naubusan na yun ng dugo sa mga oras na 'to maliban na lamang kung may tumulong sa kanya at naitakbo siya sa pinakamalapit na hospital. Kaya puntahan natin ngayon ang mga hospital." Salaysay nito.
Hinayaan na lamang ni Devorah ang kapatid sa diskarte nito. Sa loob niya, baka nga tama ang naiisip ng kapatid.
Mabilis ang patakbo ng sasakyan pabalik para marating ang pinakamalapit na pagamutan at maging siya ay hopeful na makita ang hinahanap.
Pagdating sa pinakamalapit na hospital, dali daling tinungo ni Devon ang reception kasunod si Devorah.
" Excuse me, magtatanong sana kami kung may na admit dito na lalaki, ah eh mukha siyang Amerikano.
" Sorry po Sir, wala po kaming pasyente na ganoon ang itsura." Tugon ng nurse.
Pagkarinig ng sinabi ay agad silang lumabas at tinungo ang kotse. Bakas sa mukha ni Devon ang ang pagkairita. Mabilis pumasok sa loob ng sasakyan ang dalawa at agad itong pinaandar ni Devon.
" Ano kuya, uuwi na ba tayo?"
"Ganoon na lang? Hahayaan na lang natin siya? Paano kung buhay pa yun at magsumbong sa pulis?" Pagkasabing may pagkainis at pagalala.
Napaisip si Devorah. Paano nga kung ganoon at magsumbong si James? Dahil dito, nagyaya pa siya na puntahan ang ibang hospital.
" Hindi tayo babalik ng mansion kung hindi natin kasama si James. Saad ni Devon.
Dalawang hospital pa ang pinuntahan nila subalit wala silang napala. Saan pa nila hahanapin si James, tanong ni Devorah sa sarili.
Kinampante ni Devon ang sarili sa pag iisip na baka patay na si James dahil sa tama sa ulo nito o kaya naman nagtago lang ito at doon na nanghina dahil alam niyang walang itong alam na lugar na puwede puntahan. Pero naglalaban sa utak niya ang pangamba na baka nasa kamay na ito ng ibang tao at doon nagpapagamot. Dahil sa mga alalahaning ito, kinuyom niya ang palad nang mahigpit at doon ibinuhos ang sama ng loob.
" What if kung buhay pa siya? What if kung magsalita siya sa ibang tao tungkol sa atin? Kuya, ano nang gagawin natin?"
" Magdasal ka sa demonyo mong ama na sana patay na siya, buwisit!".
Habang binabaybay ang daan pabalik sa mansion, malikot pa rin ang mga mata nila at nagbabakasakali na makita ang hinahanap.
"Pero naisip ko lang. Hindi ba sobra sobra ang katangahan no'n at duwag? Kung buhay man siya, hindi yun magsusumbong dahil sa takot sa atin." Pahayag ni Devorah.
" Sana magdilang demonyo ka." Angil ni Devon.
" Hmp. Ewan ko sayo. Makatulog na nga. Nang biglang may naalala ito. "Hindi ba may meeting tayo with Atty. Sandoval sa Linggo? Excited na akong malaman ang Last Will and Testament nila Mommy at Daddy."
" Alam ko. Isa pang sagabal ang abogado na yun. Pero ako na ang bahala sa kanya."
" Tama ba ang narinig ko na ikaw na ang bahala sa kanya? Ano'ng ibig mong sabihin." Tanong nito na puno ng pagtataka.
" Huwag mo nang alamin. Atupagin mo na lamang ang pag-aaral mo. Hindi puro lalake ang inaatupag mo." Lalo pa nitong binilisan ang takbo ng sasakyan.
" Don't ya worry my brother. Your sister is the top of the class. Kaya kong pagsabayin ang mga lalake ko at pag aaral ko. Hindi ko kailangang isakripisyo ang kaligayahan ko no? And..." kagyat itong huminto sa sasabihin. " And im warning you. Kapag tungkol sa lalake ang usapan, huwag mo akong pakialaman. I know alam mo ang ibig kong sabihin." Pahayag nito na may implikasyon ng pananakot.
Tinitigan siya ni Devon ng matalim. Pakiwari niya ay kayang kaya siyang isahan ni Devorah kapag nagkataon. Isang bagay na hindi niya mapapayagang mangyari. Dahil hawak ni Devorah ang sikreto niya, isa ring malaking tinik sa kanyang lalamunan ang babaeng kapatid.
Matulin ang takbo ng tricycle ni Kevin sa kahabaan ng Monte Claro Road kasama ang kanyang ina para mamalengke sa bayan tuwing alas kwatro na madaling araw. Malayo pa sila ay nahagip na ng lente ng tricycle ang isang taong nakahandusay sa daanan nila. Agad na nagpreno siya nang makalapit at bumaba ang mag-ina sa tricycle. Madilim pa ang paligid kaya nang makalapit, agad na kinapa ni Aling Delia ang pulso nito at nahinuha niyang buhay pa ito. Agad na inutusan ang anak na nakamasid lang sa ginagawa ng ina. “Kevin, buhatin natin siya at dalhin sa hospital. May pulso pa siya.” Umiral ang pagkamaawain ni Aling Delia.Mabilis na tumalima si Kevin at naisakay ito sa tricycle. Agad na pinaharurot ni Kevin ang sasakyan patungong hospital. Habang nasa daan, nagsalita si Kevin. “Pero nay, paano ang pamamalengke natin? Maaaba
Unang nakita niya ang mga ilaw sa kisame sa pagmulat ng mga mata pagkatapos ng halos isang araw. Pagkaraan ng ilang saglit, idinako niya ang paningin sa kanan at nakita niya ang isang taong nakahiga’t maynakakabit na dextrose. Ganun din ang nakita niya sa kaniyang kaliwa. Nang idako niya ang mga mata sa kanyang tagiliran sa bandang kanan ay napansin niya ang isang babae na nakaupo’t nakaidlip sa gilid ng kaniyang hinihigaan. Tumagal ng ilang minute bago niya binawi ang paningin dito. Ipinikit niyang muli ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Pagkatapos, iminulat muli ang mga mata dahil sa naramdamang konting kirot sa ulo. Sinubukan niyang iaangat ang kanang kamay at dahan dahang kinapa nito ang sugat. Nadama nito ang bandage sa sugat. Pagkaraa’y, paa naman niya ang iginalaw. Pagkatapos, muli niyang pinagmasdan ang babae sa bandang tagiliran niya. Tulog na tulog pa ito. Ibig niyang gisingin ito pero n
Paglabas sa klase ay dumeretso na siya sa hospital na hindi kalayuan sa private university na pinapasukan niya. Nadatnan niya sa loob ng recovery room na nakaupo si Aling Delia sa bangketo at si James sa isa pang upuan. Magkaharap ang dalawa. Hindi napansin ang pagpasok niya sa pinto, kaya tinawag niya ang pansin ng ina. “Ma?” Agad na napalingon si James at Aling Delia sa pinaggalingan ng boses. Nagliwanag ang mukha ni Aling Delia pagkakita sa anak. Nginitian din siya ni James pero pilit na ngiti ang isinukli niya rito. Hindi siya sanay makipagngitian sa taong di nya kilala. “Anak, andito ka na pala. Halika dito.”Pagkakuha sa bakanteng upuan sa tabing puwesto ay tumabi ito sa ina. “James,
Tulad ng dati, tuwing araw ng lingo ay nakasanayan na ni Atty. Sandoval ang maglaro ng Golf sa Golf Country Club sa Las Piñas mula umaga hanggang tanghali kasama ang dalawang bodyguard nito. Pagkatapos ng halos apat na oras ng paglalaro, dederetso na ito sa Sandoval’s law firm na pag-aari niya. May sarili siyang kwarto sa opisina niya kung saan nakatago ang confidential files and legal records and cases na hinahawakan niya. Ulila na ang abogado at binata pa at age of 40. Namatay ang mga magulang nito sa malulubhang karamdaman. Ang ama niya na isang judge at kilala sa lipunan ay namatay sa colon cancer. As unico hijo, naiwan sa kanya ang kayamanan ng mga magulang. Dahil sa masamang karanasan sa mga babae ay hindi na siya nag-asawa. Itinuon niya ang buong pansin sa tinapos na propesyon. Second placer siya sa Bar exam batch 1990. Dahil mula sa isang affluent and known family, malaking tao at mayayaman ang clients
Sa pakiusap ni Aling Delia ay pinaubaya sa kanya ng hospital at DSWD ang pangangalaga kay James sa loob ng maraming pinagkasunduan. Sa pakiusap ni James sa administrador ng Hospital ats DSWD na itago ang pagkatao niya para sa kaligtasan, nakuha niya ang simpatiya ng mga ito at nakiisa sa kagustuhan niya ngunit sinabi rin nya na ilalahad niya ang lahat sa tamang pagkakataon. Si Kevin ay hindi nagpahayag ng ng kagustuhan na makasama si James pero ang totoo ay gusto niya itong laging nakikita. Ang pagtanggi sa loob niya sa kabilang banda ay dahilan ng mga pangamba. Pero kung wala lang sanang problema para makasama si James ay atat siyang maiuwi na agad ito sa bahay nila para makasama niya.Hindi mapigilan ni James na hindi mapalingon sa Monte Claro Subdivision nang pauwi na sila sa bahay nila Kevin at Aling Delia. Para sa kanya, hindi siya dito babalik. Hindi na mahalaga kung sino siya noon. Ang mahalaga ay ngayong nakalaya siya sa mga kapatid. Wala na rin siyang pakialam sa kay
Sinadya niyang gumising nang maaga. Kailangan niyang abalahin si Devorah ngayong kaarawan niya upang hindi ito magbukas ng TV at hindi mapanood ang tiyak na balita tungkol sa pagkamatay ng BF nito at ang abogado nila. Ginising niya ang kapatid. “Gising na.” Medyo naalimpungatan si Deborah. Hindi pa ito bumabangon sa higaan. “Ano ba kuya, an gaga pa.” ang sabi. “Remember, It’s my birthday. Marami tayong aasikasuhin. Mamamalengke pa tayo.” “Ha? Tayo, mamamalengke? Kalian pa ba tayo natutong mamalengke at magluto? At isa pa, wala tayong katulong. Palayasin ba naming l
Pagbalik niya sa sala, ibinaling sa alak ang inis na nararamdaman. Lihim na nagagalak si Devorah dahil ilang sandali na lang matitikman na ni Devon ang inihanda niyang regalo para sa kapatid. Hindi nagtagal, sumubsob na ang ulo ni Devon sa mesang naroon. nilapitan siya ni Devorah, hinaplos-haplos ang ulo at kinausap ito sa sarili niya. YOU KNOW MY BROTHER, PARA SA’YO DIN ‘TONG GINAWA KO. EIGHTEEN KA NA EH. KAYA DAPAT MATIKMAN MO NA ANG DAPAT MONG MARANASAN AT BAKA SAKALING MAGBAGO KA! SIGE KUYA! HAVE FUN! Binuhat ng kasamang lalake si Devon at sabay-sabay na umakyat silang apat sa second floor. Binuksan ni Devorah ang kuwarto ng kapatid at pinapasok dito ang lalaki para ilapag sa kama ni Devon. Pumasok dito ang bisitang babae sa loob. Pagkatapos ay lumabas na ang lalaki kasunod si Devorah. Naiwan sa loob ang babae. Pagpasok sa kuwarto niya
Five years later…. Hindi siya nagsisisi kung huminto siya sa pag-aaral noon dahil kapalit nito ay si James. Pero dahil sa pagpupursigi niya at ni James, pagkalipas ng tatlong taon ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at ngayon ay magtatapos na siya sa kolehiyo. “Hay, kalian niya kaya ako liligawan? Tanong sa sarili ng isang dalaga sa lima pa nitong kasamahan sa bukid habang nakatuon ang mata kay James sa di kalayuan sa kanila.” “Ay naku, nangarap ang timang! Hindi ka papatulan niyan, buti pa siguro ako.” Sabi naman ng isa na sa palagay niya ay mas maganda siya. “Hoy, kayong dalawa, tigilan niyo na nga ang pagpapantasya diyan kay kano dahil akin na siy