Unang nakita niya ang mga ilaw sa kisame sa pagmulat ng mga mata pagkatapos ng halos isang araw. Pagkaraan ng ilang saglit, idinako niya ang paningin sa kanan at nakita niya ang isang taong nakahiga’t maynakakabit na dextrose. Ganun din ang nakita niya sa kaniyang kaliwa. Nang idako niya ang mga mata sa kanyang tagiliran sa bandang kanan ay napansin niya ang isang babae na nakaupo’t nakaidlip sa gilid ng kaniyang hinihigaan.
Tumagal ng ilang minute bago niya binawi ang paningin dito. Ipinikit niyang muli ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Pagkatapos, iminulat muli ang mga mata dahil sa naramdamang konting kirot sa ulo. Sinubukan niyang iaangat ang kanang kamay at dahan dahang kinapa nito ang sugat. Nadama nito ang bandage sa sugat. Pagkaraa’y, paa naman niya ang iginalaw. Pagkatapos, muli niyang pinagmasdan ang babae sa bandang tagiliran niya. Tulog na tulog pa ito. Ibig niyang gisingin ito pero nagdalawang isip siya. Gising na gising na ang diwa niya at naalala niya ang nangyari sa kanya. Marami siyang katanungan na gusto na niyang mabigyan ng kasagutan. At ang takot ay buhay na buhay sa dibdib niya. Nagging malikot ang mga mata niya. Maraming tao sa loob, may nakaupo, may nakatayo at paroo’t parito. Hanggang matumbok ng mata niya ang isang babaeng nakaputi’t papunta sa puwesto niya. Maaliwalas ang mukha nito habang papalapit sa kanya.
“Hi, gising ka na pala. Kumusta pakiramdam mo?” Agad na bati nitong nakangiti. Bago siya nakatugon sa nurse ay napansin niyang iniangat ni Aling Delia ang ulo nito at nabungaran nito ang mukha niya na nakaharap sa kanya. Hindi agad nakapagsalita si Aling Delia bagkus, binalingan nito ang nurse.
“Nurse, gising na siya.”
“Oo nga, kani-kanina ko rin lang napansin. Binati ko na nga, hindi ako sinagot. Baka hindi nakakaintindi ng tagalong.”
Gustong-gusto na ni James na magsalita pero hindi niya magawa. Hindi niya malaman kung bakit. Marahil dahil sa mga pagbabago na kinakaharap niya. Kahit hindi niya naiintindihan ang sinabi ng nurse, alam niya na binabati siya nito dahil sa facial expression nito. Pero sa huli, nagawa niya ibuka ang bibig niya.
“Yeah, I’m fine. I’m fine” sabi niya na waring nahihiya.
Titig na titig sa kanya ang dalawang babae sa harap niya. Tuwang tuwa ang mga ito nang magsalita siya. Nahinuha nila na English speaking ang teenager.
“You really are finally.” Nakangiting tugon ng nurse.
Hindi rin magawang magsalita ni Aling Delia para batiin si James, pero, umaapaw sa tuwa ang puso niya dahil nagising na si James. Hindi siya fluent magsalita ng englis pero kayang kaya niya ang common termssa ordinary conversation. Binalingan siya ng nurse.
“Misis, kayo nap o muna bahala diyan. Tatawagin ko ang doctor.” Pagkasabi nito’y agad tumalikod.
Nang maiwan ng nurse, pakiramdam niya ay lumalakas ang loob niya na kausapin si James. Gusto niyang makilala ito. Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ni James.
“I didn’t know how I able to get in this place.”
Dahil sa narinig, pinili ni Aling Delia na isara na muna ang usapan tungkol sa nangyari.
“You are not fully well, so you better not to speak much now as it may affect your recovery. I will let you know later, okay? For the meantime, take your time to rest.”
Tunango si James tanda ng pag-ayon. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Medyo mahina pa ang pakiramdam niya. May nakakabit pang dextrose sa kanya kahit nasa recovery room na siya.
Habang nakapikit ito, pinagmamasdan siya ni Aling Delia. Sa pakiwari niya, nakakitas siya ng anghel. Sobrang amo ng mukha nito at larawan ng innocence. Ang buhok nito na kakulay ng ginto ay parang kumikislap bawat hibla nito dahil sa liwanag na tumatama rito. Ang balat nito na mamula-mula ay parang kay sarap hawakan. Ang ilong na matangos at katamtaman ang laki ay kaaya-ayang tingnan, lalo na ang labi nito na maganda ang higis ay mapulang-mapula. Sa mga nakikita niyang ito, pakiramdam niya ay hulog ito ng langit sa kanya, na kailangan niyang alagaan at mahalin.
Nabawi ang tingin at isip niya nang mapansing dumating na ang doktor.
“Nakatulog uli siya.” Maikling sabi niya sa doktor.
Tumango-tango ang doktor at kaagad itong lumapit sa pasyente para suriin ng kanyang aparato. Nagising si James sa puntong ito at binate siya ng doktor.
“How are you feeling young man?”
“I feel good, thank you.” Tugon niya.
Pagkaraa’y kinausap ng doktor si Aling Delia.
“Misis, maayos na po ang pasyente. Puwede na siyang ilabas bukas. Medyo malaki po ang nagastos ng hospital, at maliban diyan, mayroon pa tayong mahalagang pag-uusapan. Sumunod na lang po kayo sa administration office.
Alas dose y media na nang maihanda ni Kevin ang pagkain ng ina na dadalhin niya sa hospital. Alas diyes kasi ang huling labas niya sa klase sa umaga. Umuwi pa siya kanina para magluto. Ala una ang pasok niya sa hapon at lalabas ng alas singko. Bago mag ala una ay kailangan maihatid niya ang pagkain. Kaya, agad siyang sumakay sa traysikel na minamaneho niya. Kuwarenta y singko minuto ang kailangan niyang oras para makarating sa bayan mula sa Barrio Sto. Tomas kung saan sila naninirahan.
Walang inaksayang panahon si Kevin ng makarating sa hospital. Dumaretso na siya sa recovery room. Pagbukas niya ng pinto, hindi niya inaasahan ang nakita. Wala roon ang sadya, sa halip, nahagip ng tingin niya ang gising na gising na si James na nakaupo sa kama niya. Nagkatitigan sila, at sa mukha ni Kevin ay bakas ang emosyon na hindi niya kayang ipaliwanag. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Parang gusto niya uling lumabas, o kaya’y iiwanan ang pagkain para sa nanay niya. Samantalang si James ay wala ring masabi dahil di niya alam kung bakit ano ang sasabihin dahil hindi niya kilala ang taong nakita niya.
Pagkaraan ng titigan, humakbang si Kevin palapit sa puwesto ni James. May upuang naroon, kinuha niya itoat doon nilagay ang bitbit na pagkain. Balak niyang iiwan ang pagkain at saka aalis. Pero, inimik siya ni James.
“Hi!” Maikling sabi.
Dahil sa narinig, nahinuha ni Kevin kung anong lengguahe ang itutugon.
“I’m looking for my mother, I bought food for her.” Sabi niya.
“Your mother?” Saglit na nag-isip. “Oh, I see! She must be your mother! I saw her talking with the doctor. Both of them went out.”
Sa narinig biglang lumabas ito at hinagilap ng mata ang ina. Ilang sandal pa, hindi na ito bumalik sa recovery room. Kailangan niyang magmadali para hindi mahuli sa unang klase sa hapon.
Sa recovery room ay nabigo si James sa inaasahang babalik sa kwarto si Kevin. Muli siyang nahiga,. Nag-isip. Ano ba ang nangyayari sa buhay niya? Nasaan siya? Tuluyan na ba siyang nakatakas sa mga kapatid niya? Anong buhay ang naghihintay sa kanya? Sino ang mga taong nakausap niya ngaun? Saan siya pupunta paglabas niya? Ang takot. Pangamba. At sa lahat ng ito, naisip niya ang magulang, ang isang yaya na minahal siya. Tuluyan ng umagos ang luha niya habang nakapikit. Nakatulog siya sa mga alalahanin.
Halos isang oras ang itinagal ni Aling Delia sa administration office. Lumabas siya dito na bakas ang kaguluhan sa mukha. Tatlong tao ang kausap niya sa loob-isang administration, abogado at ang doktor. Hindi niya akalain na hindi ganun ka-simple ang sitwasyon. Akala niya, kapag magaling na si James ay agad niya itong malalabas sa hospital matapos bayaran ang gastos. Pero hindi pala ganun ganun lang. Nalagay tuloy siya sa alanganin. Ipinaliwanag ng abogado ang legal implication sa sitwasyong kinakaharap niya. Ang administrator ng hospital ay ipinaliwanag sa kanya ang karapatan nito sa pagtigil ng ganung klaseng pasyente sa kanilang hospital. Wala silang naibigay na desisyon kanina sa loob ng opisina. Naguguluhan siya, kaya binigyan pa siya ng oras para makapag-isip.
Sinabi ng hospital na wala siyang karapatan iuwi ang pasyente dahil hindi niya ito kaanu-ano at wala siyang consent sa kamag-anak nito. Kahit sagutin niya ang gastos sa hospital, hindi siya puwedeng makiusap na iuwi si James. Ibibigay ng hospital ang pangangalaga sa pasyente sa DSWD dahil menor de edad pa ito hanggang sa may maghanap dito na mapatunayang kamag-anak. Papayag ang hospital na I-release sa kanya ang pasyente kung gusto ng pasyente at may sapat na rason kung bakit ayaw ng pasyente na bumalik sa mga kamag-anak nito at mangangako siyang ligtas ito at anumang oras sakaling may maghanap na kamag-anak, ay ibabalik niya ito. Kapag may masamang mangyari sa pasyente, siya ang mananagot sa batas.
Kung hindi niya iuuwi si James sa bahay nila, abswelto siya sa gastos at hindi niya magagastos ang inipong pera para sa tuition ni Kevin. Bago niya ibinigay ang desisyon, kailangan makausap niya si James at si Kevin. Nadatnan niyang tulog si James. Napansin niya ang pagkain sa upuan. Natanto niyang naghatid si Kevin ng pagkain. Hindi niya naiwasng isipin kung nadatnan ba ni Kevin na gising si James at nag-usap ang dalawa.
Nawalan siya ng ganang kumain dahil sa nangyaring usapan sa opisina.
Muli na naman niyang pinagmasdan ang natutulog na anghel sa paningin niya. Ang gang-gaan ng loob niya dito. Sa puso niya ay ayaw niya itong pakawalan. Gusto niya itong alagaan at mahalin at ituring na isang anak. Sa isang banda,naisip niya kung papaya ba si Kevin. Mahal na mahal niya si Kevin at ayaw niyang saktan ito sa anupamang paraan. Si Kevin ang karugtong ng buhay niya. At anuman ang maging desisyon niya sa buhay ay dapat para sa kapakanan ni Kevin.
“Hi Kevin, can I join you?” ang sabi habang nilalapag nito ang tray ng snacks sa mesa ni Kevin. “Eto tulungan mo kong ubusin to.” Dugtong nito sabay abot ng isang banana cue sa kausap.
“No thanks! Busog pa ko.” Maikli niyang tigon.
“Alam mo, wala ka na bang ibang alam na words kundi, no, thanks, busog pa ako? Kung hindi ka lang gwapo at matalino, hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa’yo! Ganyan ka ba talaga?”
“Eh, sa ganito ako, ano magagawa mo? Kung wala kang ibang masabi, mag-isa ka diyan!” sabi nito sabay tayo sa upuan.
“Teka muna, bilis mo namang mapikon! Magkwentuhan naman tayo.” Pagpigil nito.
“Magkwentuhan? For nonsense things? Wala akong panahon para sa mga walang kuwentang bagay. Sige, diyan ka na!” Tuluyan na niyang iniwan ang kausap.
“Hmp! Suplado! You’re such a weird guy!” Naiwan itong nayayamot at hinabol pa ng malaks na salita si Kevin. Sa sinabing ito nang dalagita ay natuon ang pansin sa kanya ng mga kapwa niya estudyante sa canteen at nagtawanan ito ng malakas. Nagsalita ang isang kaklase nito.
“Hoy, Karen, tigilan mo na ang pagpapantasya mo diyan ky Mr. Loner! Hahaha!” sinabayan pa ng tawa. Yamot na iniwan ng dalaga ang mesa. Hindi nagalaw ang snacks nito.
Para sa kanya, walang ibang mahalaga sa buhay niya ngaun kundi ang pag-aaral at ang ina. High school pa lang ay balewala sa kanya ang barkada, bisyo, at mga babae. Ewan niya ba sa sarili. Pero marahil dahil sa naging karanasan ng kaniyang mga magulang. At naitatak niya sa puso niya ang pangarap na makaahon sa kahirapan para makapaghiganti. Gusto niyang maging professional businessman balang araw. Sa edad na 19, nasa pangalawang taon pa lamang siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Luzon University. Isang lingo na lang ay final exam na niya at nangangahulugan ng nalalapit na bayaran sa tuition fee para sa enrolment for the next year. Alam niya na sapat na ang pang-tuition niya na iniipon nilang mag-ina mula sa pagtitinda nang lutong ulam araw-araw at sa pagpapasada niya ng tricycle tuwing sabado at lingo. Para sa kanya, mahalaga ang bawat oras, kaya, malaki ang panghihinayang niya kapag wala siyang naipon sa araw na ‘yun. At kahapon, at ngayon ay halos dalawang araw na silang walang naipon dahil sa abalang hated ni James, pero bakit parang hindi siya lubos na nanghihinayang? Dahil ang toto, may kung anong saying hated sa puso niya ang nangyari. Isang kasabikan na makitang muli ang nadatnan kanina sa recovery room.
Gusting gusto na ni Aling Delia na malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay James para sa kanyang pagpapasiya. Ibig na niyang gisingin ito pero naalala niya ang sinabi kanina dito na iwasan na muna ang magsalita dahil baka makasama sa paggaling. Kaya, naisip niya na tanungin ang doktor kung puwede na itong kausapin ng matagal. Lalabas na sana siya nang bumukas ang pinto. Ang doktor ang pumasok at deretso ito sa puwesto ni James. Nagliwanag ang mukha ni Aling Delia nang makita ang doktor.
“Dok, salamat at dumating ka.” Agad na nasabi nito.
Bahagyang nagtaka ang doktor sa sinabi niya.
“Bakit, may nangyari ba?”
“Wala ho dok, gusto ko sana siyang gisingin para kausapin.”
“Oo misis, sa katanuyan, nagpunta ako dito para ibilin sayo ang mga dapat gawin para sa tuluyan niyang paggaling. Hindi na masasama sa kaniya kung kausapin niyo siya. Puwede na rin siyang kumain. I’m sure, maghahanap na siya ng pagkain paggising niya. Pakainin siya ng sariwang prutas at plently of juices. And, para sa sugat niya, heto ang reseta.” Mahabang bilin nito at sa huli’y iniabot sa kausap ang kapirasong papel.
Pagkatapos iabot sa kanya ang papel, dumako na ito sa ibang pasyente. Nilapitan ng bahagya ni Aling Delia si James. Hindi na niya nagawang gisingin ito dahil kusa na itong nagising at nabungaran nito ang mukha niya. Ngiti agad ang isinalubong niya sa amerikanong binatilyo na gumanti rin ng ngiti.
“It’s good to see you awake already. Thank God you’re pretty well now. I need to talk to you.”
Bumangon muna si James bago tumugon at deretso itong nakatingin sa hindi pa kilalang babae.
“Yeah sure, but I really don’t know what to say.” Pagkasabi’y iniyuko ang ulo na wari’y nahihiya.
Hinaplos ni Aling Delia ang ulo nito.
“Don’t be shy; I’m sure, you’re already very hungry.”
Dahil sa sinabi niya ay tumango-tango ito
“In this case, I’ll get you some food, okay?”
Tango ang itinugon ni James na nakayuko pa rin. Nang matantong wala na sa harap si Aling Delia, inangat na nito ng ulo. Nanliliit siya sa sarili. Naaawa siya at naiinis sa sarili. Ano ang gagawin niya? Isang malaking tanong sa isip niya dahil alam niyang ilang saglit na lang ay uusisain na siya. Dapat ba siyang magsinungaling? O magkunwari na wala siyang natatandaan? Nang sa ganun, hindi na mag-usisa kung sino ba talaga siya. Nang sa ganun, hindi siya ibalik sa mga kapatid niya. Kung sasabihin niya naman ang totoo, paniawalaan kaya siya? At tiyak ibabalik siya sa bahay nila? Ano ang dapat niyang gawin? Litong-lito ang isip niya.
Trenta minutos na lang ay matatapos na ang huling klase niya. Balak niyang daanan ang nanay niya sa hospital hindi lang para mag-update kung ano na ang kalagayan ng pasyente nila kundi higit lalo upang makitang muli ang pasyente. Anticipated niya kasi na kapag magaling na ito, hindi na niya ito muling makikita dahil babalik na ito sa pamilya niya. Isang antisipasyon na parang ayaw niyang maging possible.
Sa pintuan nakatuon ang mata niya. Inaabangan ang pagbukas ng pinto. Maya-maya lang ay bumungad dito si Aling Delia na may bitbit na Jollibee meals. Mansanas at juice. Gutom na talaga siya. Muli, pagkakita sa babae ay nakaramdam na naman siya ng hiya. Bagay na napansin agad ni Aling Delia.
“Here, take this. I know, you’re already hungry. Don’t be shy.” Ibinigay niya dito ang pagkain.
“Thank you.” Sambit niya sa mahinang tinig.
Kinuha ni Aling Delia ang pagkaing dala ni Kevin kanina at sinabayan niya si James. Natutuwa si Aling Delia sa nakikitang kasabikan ni James sa kinakain nito. Kailangan na niyang magtanong tungkol sa mga gusto niyang malaman kaya hindi na niya napigilan ang sarili.
“By the way, may I know your name?” umpisa niya.
Nahulaan na ni James ang unang itatanong sa kanya kaya handa siya sa sagot niya.
“My name is John Smith. Yes, John Smith is my name”
Natigilan si Aling Delia. James De Sales ang sabi ng nurse ayon sa mga naghahanap ditto. Tiningnan niya sa mata si James, tila hinahanap ditto kung nagsasabi ito ng totoo at natanto niya na nagsisinungaling ito dahil hindi ito makatingin ng daretso sa kaniya. Nangingiti siya sa facial expression nito habang tinitingnan niya. Ganumpaman, nagpakilala na rin siya.
“Now that I already know your name, I would like also to introduce to you my name. I’m Delia Tuazon. Aling Delia as they call me. But, I want you to call me Nanay Delia. You know what the word “nanay means? It means, mother. In Filipino Nanay, go it?” Magiliw na pakilala niya. Gusto ni Aling Delia na matawa si James at hindi nga siya nabigo.
“Yeah, Yeah, Na..nay Delia.” Slang na slang ito sa binigkas na salita. Sa binanggit na salita, nakaramdam si “James ng kalinga. Naalala niya tuloy ang mommy scarlet niya. Kaya pumormal na naman ang mukha niya. Napansin ito ni Aling Delia.
“What’s wrong?”
“I thought of my mother. She passed away two years ago.” Malungkot na sabi. “She died in a car accident together with my father.” Hindi na napigilan ni James ang maglahad ng buhay niya dala ng nararamdamang lungkot. Sukat sa narinig ay lalong naawa si Aling Delia. Lalo niyang naramdaman na nangangailangan ito na kalinga. Parang gusto niyang maiyak lalo na kapag tinititigan niya ang mata ni James na puno ng kalungkutan. Lalo pang sumidhi ang kagustuhan niya na malaman na ang nangyari dito.
“I feel so sad to know about what happened to your parents. As a mother, I realized how hard it is for you to live without your parents. It’s okay son, everything will be alright. I’m here for you.” Sa ganitong paraan ng pahayag niya ay gusto niyang maramdaman ni James na may taong handang dumamay.
Ang pahayag ni Aling Delia ay nagbunga ng luha sa mga mata ni James dahil nakaramdam siya ng pag-asa. Isang pag-asa na puwede niyang kapitan sa kinakaharap na problema.
“Thank you, Nanay Delia.”
Isang tango ang itinugon ni Aling Delia sa pagpapasamat ni james. Hinaplos niya ito sa buhok at nagtanong.
“By the way, How old are you?”
“Sixteen.”
“You know what? I have a son, and he is nineteen. His name is Kevin. Right now, he’s attending classes.
I think, I have to let you know that I and my son found you lying down the road unconsciously as we were going to the market early at about four o’clock in the morning. We rushed you in this hospital. Your body was running out of blood so you underwent blood transfer. And thank God, that you survived. Can you tell me what exactly had happened to you?” Talagang sinadya niyang ituloy na ang usapan sa dapat niyang malaman.
Kanina ay sinimulan na niyang magsinungaling sa kaniyang pangalan. Pero ngayon, dahil nakaramdam siya na may handang making at dumamay, hindi na niya kailangan magsinungaling.
“But first, I would like to thank you and your son Kevin for saving my life. You’re so kind to me. I know I cause you lot of troubles. I really don’t know how to express my gratitude.”
“It’s alright. We only did what’s the right to do. So, what happened?”
“It was a escape from my brother and sister who wanted to kill me…”
Sukat sa nalaman ay hindi nakatiis si Aling Delia na mapabulalas.
“What? Is that true?”
“Yeah, that’s the truth.”
“But why?”
“I don’t know. It was my birthday, and we had nice talking that night, so, I thought they’re already good to me but in my surprise, it was just their trap. They planned to kill me. They tried to…. Kill me.” Napaiyak na si James sa pagbanggit ng mga huling salita.
“Susmaryusep!” Napa-sign of the cross tuloy siya dahil sa hindi inaasahang rebelasyon. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng nurse sa information area na may dalawang kabataan ang naghahanap dito. Naisip niya na ito marahil ang tinutukoy niyang mga kapatid, Kaya, nagpatuloy siya sa pagtatanong.
“By the way, where do you live, and what’s your parents’ name?”
Pinahid muna ng palad niya ang luha sa mga mata bago nagsalita.
“We owned a house at Monte Claro Subdivision. Scarlet and Ricardo De Sales are my parents. Devon and Devorah are my brother and sister. And sorry that I lied for my real name. I’m James.”
Tumango-tango si Aling Delia tanda ng pagtanggap sa paumanhin ni James
“That’s why, we found you along Monte Claro Road.”
“I fell down there, yeah as I did the escape.”
Ang alam ni Aling Delia ay sobrang mayayaman ang nakatira sa Monte Claro subdivision. Ika nga, tirahan ng mga “royal blood” ayon sa mga karatig barrios. Palaisipan sa kanya kung bakit gusto siyang patayin ng mismong mga kapatid nito. Gusto niyang mag-usisa kung bakit.
“I was really surprised why your siblings wanted to kill you. There must be a reason behind.”
“Actually, it was not the first time that they attempted to kill me. It was started soon after our parents died. I noticed that they treated me differently. As far as I remembered, there was a time when they tried to drown me at the pool. I was just fortunate that our driver saved me. There was a time when they tried to imprisoned me without food. They want me to starve and die. Just the other night, I thought we’re friends already as they told me. They said I should have considered it as their present for my birthday. I was very happy that night. I believed them. But, it was a plot. And now, I’m afraid they would find me. I really am.”
Sa mahabang salaysay ni James, bakas niya ang pangamba at takot sa mukha nito. Alam niya na nagpapahiwatig na ito ng pangangailangan ng tulong. Muli siyang nagpatuloy sa pagtatanong.
“James, I’m quite curios about your race. It seems to me that yours’ is American.”
“Actually, I am the only one who appeared to be like american b’coz the rest in our family are not. I mean that, my parents and siblings are the looks of Filipino race. I don’t know why?”
“How would that be?” Takang tanong ulit.
“I don’t know.”
Paglabas sa klase ay dumeretso na siya sa hospital na hindi kalayuan sa private university na pinapasukan niya. Nadatnan niya sa loob ng recovery room na nakaupo si Aling Delia sa bangketo at si James sa isa pang upuan. Magkaharap ang dalawa. Hindi napansin ang pagpasok niya sa pinto, kaya tinawag niya ang pansin ng ina. “Ma?” Agad na napalingon si James at Aling Delia sa pinaggalingan ng boses. Nagliwanag ang mukha ni Aling Delia pagkakita sa anak. Nginitian din siya ni James pero pilit na ngiti ang isinukli niya rito. Hindi siya sanay makipagngitian sa taong di nya kilala. “Anak, andito ka na pala. Halika dito.”Pagkakuha sa bakanteng upuan sa tabing puwesto ay tumabi ito sa ina. “James,
Tulad ng dati, tuwing araw ng lingo ay nakasanayan na ni Atty. Sandoval ang maglaro ng Golf sa Golf Country Club sa Las Piñas mula umaga hanggang tanghali kasama ang dalawang bodyguard nito. Pagkatapos ng halos apat na oras ng paglalaro, dederetso na ito sa Sandoval’s law firm na pag-aari niya. May sarili siyang kwarto sa opisina niya kung saan nakatago ang confidential files and legal records and cases na hinahawakan niya. Ulila na ang abogado at binata pa at age of 40. Namatay ang mga magulang nito sa malulubhang karamdaman. Ang ama niya na isang judge at kilala sa lipunan ay namatay sa colon cancer. As unico hijo, naiwan sa kanya ang kayamanan ng mga magulang. Dahil sa masamang karanasan sa mga babae ay hindi na siya nag-asawa. Itinuon niya ang buong pansin sa tinapos na propesyon. Second placer siya sa Bar exam batch 1990. Dahil mula sa isang affluent and known family, malaking tao at mayayaman ang clients
Sa pakiusap ni Aling Delia ay pinaubaya sa kanya ng hospital at DSWD ang pangangalaga kay James sa loob ng maraming pinagkasunduan. Sa pakiusap ni James sa administrador ng Hospital ats DSWD na itago ang pagkatao niya para sa kaligtasan, nakuha niya ang simpatiya ng mga ito at nakiisa sa kagustuhan niya ngunit sinabi rin nya na ilalahad niya ang lahat sa tamang pagkakataon. Si Kevin ay hindi nagpahayag ng ng kagustuhan na makasama si James pero ang totoo ay gusto niya itong laging nakikita. Ang pagtanggi sa loob niya sa kabilang banda ay dahilan ng mga pangamba. Pero kung wala lang sanang problema para makasama si James ay atat siyang maiuwi na agad ito sa bahay nila para makasama niya.Hindi mapigilan ni James na hindi mapalingon sa Monte Claro Subdivision nang pauwi na sila sa bahay nila Kevin at Aling Delia. Para sa kanya, hindi siya dito babalik. Hindi na mahalaga kung sino siya noon. Ang mahalaga ay ngayong nakalaya siya sa mga kapatid. Wala na rin siyang pakialam sa kay
Sinadya niyang gumising nang maaga. Kailangan niyang abalahin si Devorah ngayong kaarawan niya upang hindi ito magbukas ng TV at hindi mapanood ang tiyak na balita tungkol sa pagkamatay ng BF nito at ang abogado nila. Ginising niya ang kapatid. “Gising na.” Medyo naalimpungatan si Deborah. Hindi pa ito bumabangon sa higaan. “Ano ba kuya, an gaga pa.” ang sabi. “Remember, It’s my birthday. Marami tayong aasikasuhin. Mamamalengke pa tayo.” “Ha? Tayo, mamamalengke? Kalian pa ba tayo natutong mamalengke at magluto? At isa pa, wala tayong katulong. Palayasin ba naming l
Pagbalik niya sa sala, ibinaling sa alak ang inis na nararamdaman. Lihim na nagagalak si Devorah dahil ilang sandali na lang matitikman na ni Devon ang inihanda niyang regalo para sa kapatid. Hindi nagtagal, sumubsob na ang ulo ni Devon sa mesang naroon. nilapitan siya ni Devorah, hinaplos-haplos ang ulo at kinausap ito sa sarili niya. YOU KNOW MY BROTHER, PARA SA’YO DIN ‘TONG GINAWA KO. EIGHTEEN KA NA EH. KAYA DAPAT MATIKMAN MO NA ANG DAPAT MONG MARANASAN AT BAKA SAKALING MAGBAGO KA! SIGE KUYA! HAVE FUN! Binuhat ng kasamang lalake si Devon at sabay-sabay na umakyat silang apat sa second floor. Binuksan ni Devorah ang kuwarto ng kapatid at pinapasok dito ang lalaki para ilapag sa kama ni Devon. Pumasok dito ang bisitang babae sa loob. Pagkatapos ay lumabas na ang lalaki kasunod si Devorah. Naiwan sa loob ang babae. Pagpasok sa kuwarto niya
Five years later…. Hindi siya nagsisisi kung huminto siya sa pag-aaral noon dahil kapalit nito ay si James. Pero dahil sa pagpupursigi niya at ni James, pagkalipas ng tatlong taon ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at ngayon ay magtatapos na siya sa kolehiyo. “Hay, kalian niya kaya ako liligawan? Tanong sa sarili ng isang dalaga sa lima pa nitong kasamahan sa bukid habang nakatuon ang mata kay James sa di kalayuan sa kanila.” “Ay naku, nangarap ang timang! Hindi ka papatulan niyan, buti pa siguro ako.” Sabi naman ng isa na sa palagay niya ay mas maganda siya. “Hoy, kayong dalawa, tigilan niyo na nga ang pagpapantasya diyan kay kano dahil akin na siy
Nabigla pa si James nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Kevin pagpasok pa lang sa kuwarto para matulog. Mahigpit na mahigpit na nagging dahilan upang kusa na rin niyang yakapin ito. Pagkaraan ng ilang sandal kumalas si Kevin at tinitigan ang mukha niya at masuyong hinaplos ito. At muli siyang niyakap. Sa puntong ito, nagtanong siya sa sarili kung bakit ganun ang reaksiyon ngayon ni Kevin. Nakita niya ang lungkot sa mukha ni Kevin. “Ano bang mayroon, may problem aba?” Masuyo niyang tanong bago naupo sa gilid ng kama. Tumabi sa kanya si Kevin. “May ipapakiusap sana ako sa’yo.” Bungad ni Kevin. Mahina pero madiin ang boses niya. “Ha? Bakit?” Tanong ni James sa tonong pagkabigla.&nb
Anak, Kevin.. huwag ka nang umalis. Dito ka na lang. Hindi ko kakayanin na hindi kita makita sa loob ng dalawang taon. At isa pa, kailangan tayo ni James. Kailangan niya ang suporta natin para sa pakikipaglaban niya sa karapatan niya sa pamilya.” Pakiusap ni Aling Delia. “Nay, hindi po ako aatras. Nakahanda na po ang lahat. Hinihintay na lang matapos ang graduation, and week after, aalis na ako. Ito na po ang hinihintay kong pagkakataon para sa katuparan ng mga pangarap natin. At saka Nay, kailangan po natin magtiis pareho na saglit tayong magkawalay. Mahirap din para sa akin ito, pero kampante ako dahil alam kong hindi kayo pababayan ni James.” “Pero anak.. Paano si James? Handa na siya sa gagawin niya. Sinabi ko na sa kanya na susuportahan natin siya. Awang-awa ako sa kanya anak.. at nararapat lang na ipag