Kabanata 10Gone“Are you ready? Hindi naman tayo magtatagal doon.”Umalis ako mula sa pagkakasandal sa pintuan kung nasaan ang kuwarto ni Auntie Sam. Na nagsisilbing kuwarto rin ngayon ni Xander.Naglakad-lakad ako sa loob ng kuwarto para pagmasdan kung may nagbago ba. Kulay puti, beige, at vintage brown ang kulay ng kuwarto ni Auntie na halata sa hitsura ng kuwarto ang isang dalagang milyonaryo. I smirked. That’s my sophisticated Auntie anyway.“Ano bang kailangang dalhin? Ito ang unang beses na aakyat ako sa bundok.”Tumayo siya mula sa pagkakahiga pagkatapos ay kinuha ang bag na nasa gilid ng drawer sa gilid lang din ng kama. umupo siya sa swivel chair na nandoon pagkatapos ay tinignan ang laman ng bag. Iyon siguro marahil ang inihanda niyang dadalhin niya para sa lakad namin ngayon.“Ano ‘yan? Mag ca-camping ka ba?” hindi ko alam pero kusang napataray ang boses ko doon.Inayos ko ang lukot sa mukha ko nang tignan niya ko at napatigil sa pagkakalkal. Umupo ako sa gilid ng kama par
Kabanata 11PurposeDumodoble na ang kaba sa dibdib ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. Nasa ituktok na ako nang bundok nang makumpirmang hindi pala siya nakasunod sa likod ko. Sh*t! Where is he?Bumalik din ako sa dinaanan ko kanina para hanapin siya pero walang Xander ang nagpakita sa akin! Pabalik-balik ako sa pwesto namin kanina kung saan kami nag stop over para kumain pero wala rin siya doon. Bumalik na kaya ‘yon sa ilalim ng bundok? Tumingin ako sa pambisig kong relo. It’s exactly 5:15 pm. Kaya pala medyo dumidilim na rin ang paligid.Kumalma ako pagkatapos ay nagdesisyon munang bumaba ng bundok. Baka naman kasi nauna na siya di ba? Hindi lang niya ipinaalam sa akin kasi alam niyang kabisado ko ang bundok ng San Guillermo.Natatanaw ko na ulit ang paanan ng bundok nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagtakip ako ng ulo ko gamit ang dalawa kong kamay para maiwasan ang ulan pero wala ring silbi ‘yon dahil sa lakas ng buhos nito. Tinakbo ko ang distansiya mula sa paa
Kabanata 12Gold diggerSaglit akong natigilan sa ipinaratang niya sa akin. Kitang-kita ko ang apoy ng galit sa kanyang mga mata habang matalim akong tinitignan. Bakas na bakas sa mukha niya ang muhi. Idagdag pa dito ang madungis niyang mukha. Napansin ko rin ang ilang galos sa pisngi niya.“Ano? Hindi ka makapagsalita? Dahil totoo? Totoo, hindi ba?! Totoong gusto mo akong mapahamak!”“Oo!” balik sigaw ko sa kanya.Bakas sa mukha niya ang gulat pero hindi pa rin ako binibitawan. Umalpas ang ngisi sa sa labi ko. Alam kong nakita niya ‘yon dahil hinigit niya ulit ako pagkatapos ay hinigpitan ang pagkakadiin ng kanyang kamay sa braso ko. Bahagya akong napangiwi sa sakit pero ininda ko iyon para mapaikita ang talim ng mga mata ko sa kanya dahil sa galit!“Paano kung sinadya ko ngang ipahamak ka sa bundok? May magagawa ka?”“Airina!”Napalingon ako sa sumigaw sa pangalan ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay si Manang Jasmin pala na bakas rin ang gulat sa kanyang mukha. Katabi niya ay si Pe
Kabanata 13Mali“Auntie Sam!”Halos mapatalon ako at sakto ang pagtawag ni Auntie sa amin ngayon.“Oh, bakit? Namiss mo ako ano?” tanong ni Auntie Sam sa kabilang linya na bahagya pang tumawa.Taliwas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko ngayon. Mukhang masaya ang Auntie pero ako dito nakikipagdiskusyon huwag lang siyang hayaang masaktan. Handa na sana akong sabihin kay Auntie Sam ang mga nalalaman ko tungkol kay Xander tutal nandito na rin naman pero may biglang humablot ng telepono mula sa pagkakahawak ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay natagpuan ko ang seryosong mga mata ni Manang Jasmin na nakatingin sa akin. Hawak na niya ngayon ang wireless telephone namin at nakatapat na iyon sa isang tenga niya.“Hello, Sam? Kamusta ka diyan?” biglang sabi ni Manang sa telepono.“Ayos naman kami dito--- Oo ayos lang siya. Naaalagaan din naman si Xander dito---- Kailan ka ba uuwi?”Hindi ko makuhang makagalaw man lang dahil kahit kausap ni manang ang auntie ko, sa akin nakatutok ang mga
Simula“I need money…”“How much?”Nagtaas ako ng noo at nakipaglaban nang titigan sa kanya. Nandito na ’ko. Sagad-sagarin ko na lang din kailangan ko sa kanya.“At least two or a hundred thousand.”Tumaas ang isa niyang kilay habang hindi nilulubayan ang titig niya sa akin. Nanatili akong kalmado at tumuwid ng upo mula dito sa visitor’s chair ng opisina niya.“Big huh?” nanunuyang tanong niya.I slightly raise an eye brow and stared at him. “Bakit? Hindi mo ba kaya?” hamon ko.Biglang nawala ang sinusupil niyang ngiti kanina at matalim akong tinitigan.Umatras at napasandal ako sa kinauupuan dahil sa nakita kong apoy sa kanyang mga mata. Pagkaraan ay bigla siyang tumawa na parang nanunuya. D
Kabanata 1 Fiance “Aira, I want you to meet my fiance once we get there.” “Fiance? What? May fiance ka? Auntie! Fiance mo na kaagad?! Ni hindi mo pa nga sinasabi sa amin na may boyfriend ka tapos fiance mo na pala kaagad?” Kausap ko ngayon si Auntie Sam sa kabilang telepono. Marami siyang hinahabilin dahil darating na raw siya sa makalawa kaya nagbibilin na. Tapos may bitbit pala siyang excess baggage? Ito kaya ang dahilan kung bakit bigla-bigla siyang nagpalinis ng mansyon? “Kaya nga pauwi na ako riyan ‘di ba? At isasama ko siya para makilala mo.” I sight at that thought my Auntie Sam will get married soon. Kalahating taon lang siyang nawala sa San Guillermo para manirahan sa Maynila tapos bigla-bigla na lang siyang babalik dito na may kasamang lalaki? At fiance pa niya kaagad? Argh! Goodness!
Kabanata 2 InvestigateKinabukasan ng umaga ay maaga akong nagising at dumiretso papuntang kusina. Pagpunta ko roon ay gulat ako nang makita si Auntie Sam na naghahanda na kaagad ng mga lulutuin para sa breakfast. Ngumiti siya nang makita ako."Good morning! Maupo ka muna riyan, magluluto pa lang ako, e," sabi ni Tita sabay salubong sa ‘kin ng yakap. I hugged her back and kissed her cheeks."Tulungan na lang kaya kita?" suhesyon ko."Sure! Sure! Baka hindi ko na nga rin alam ang mga kinakain mo ngayon. Para makapagkuwentuhan rin tayo."Tumango ako at kumuha ng apron. Tinignan ko ang mga kinuha ni Auntie para lutuin. Bacon, egg, ham, hotdog, at sausage, nakita ko pang nagsasaing siya sa rice cooker. Napataas ang isang kilay ko sa dami no’n."May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni Auntie na nagp
Kabanata 3BondingMga ilang araw na rin na nandito si Xander. At sa bawat araw na pagsubaybay ko sa kanya ay parang wala naman masyadong kakaiba. Lagi kasi silang dikit ni Auntie, e. Hindi ko tuloy malaman kung may kahina-hinala ba sa kanya. Kainis!Kagaya na lang ngayon! Para silang wala sa sala kung maglampungan! At talagang naglatag pa sila ng kama sa lapag para doon sila! Nag-set sila ng papanoorin sa sala pero sarili lang naman nila ang pinanood nila! Natigil lang ang hagikgikan nila ng tumunog ang cellphone ni Tita. Tumayo siya at sinagot 'yon at bahagyang lumayo sa ‘min.Tumayo naman si Xander mula sa pagkakahiga pagkatapos umupo sa tabi ko sa sofa. Kumuha siya ng orange juice na nasa mesa sa tabi ko pagkatapos ay ininuman 'yon. Naubos niya 'yon ng isang lagok lang. Pagod na pagod, ah?"Ang sama yata ng tingin mo?" kuryosong tanong niy