Tumango si Marielle, seryoso ang tingin habang nakatingin sa monitor. “Kailangan mo na talagang magdesisyon sa lalong madaling panahon, Alyssa. Hindi ka lang basta pasyente dito. Isa ka ring OB-Gyne. Alam mo ang prosesong pinagdadaanan ng isang babae sa ganitong kalagayan. At alam mo rin na habang tumatagal ang pagbubuntis, mas nagiging komplikado ang lahat.”Tumigil sandali si Marielle, saka muling nagsalita—ngayon ay mas mababa na ang boses, parang may halong malasakit. “Kung sa maagang panahon, miscarriage lang ito. Pero kung lalampas pa, magiging induced labor na 'yan. At alam mong mas delikado iyon—hindi lang sa pisikal na katawan ng ina, kundi pati sa emosyon.”Hindi agad nakasagot si Alyssa. Nakatitig lang siya sa sahig, parang may iniisip, pero malinaw sa kanyang mukha na naiintindihan niya ang lahat ng sinabi ng kaibigan.“Alam ko, Doc,” sagot ni Alyssa, mahina pero buo. Hindi siya tumingin kay Marielle, pero ramdam sa tinig niya ang kabigatan ng desisyon. Para siyang binabag
Bakit nga ba si siya, kung may girlfriend naman itong si Marco?Si Samantha Cruz.Pwede namang pumili si Marco ng iba, isang babaeng may mataas na estado sa lipunan, isang babaeng mas angkop sa buhay niya. Pero siya ang pinili nito. At hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot sa bagay na iyon. Hindi rin siya sigurado kung anong sumapi sa kaniya nang gabing iyon.Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya upang buksan ang bibig at bitawan ang mga salitang hindi na niya mababawi pa. “Kailan mo gusto?”Tila nagulat si Marco sa tanong niya. Maging si Alyssa ay nagulat sa sarili niya. Natahimik si Marco ng ilang segundo, bago muling nagsalita. “Kailan ka handa?”Napangiti si Alyssa—isang mahina, halos hindi mapansing ngiti. “Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa, Marco.” Huminga siya nang malalim, saka siya tumingin sa lalaki. “Pero kung gagawin natin ‘to, mas mabuti sigurong gawin na natin agad.”At iyon ang naging simula ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.***
Nanginginig ang mga kamay ni Alyssa habang marahang pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang aabot sa ganitong punto ang kanilang relasyon. Mula sa isang relasyong hindi sinadya ngunit pilit pinagtibay, ngayon ay unti-unting nawawasak ang lahat.Tumitig siya kay Marco, pinagmasdan ang lalaking minsang sinamahan niya sa sakit, sa pagbangon, at sa pagbuo ng isang buhay na akala niya’y magiging matibay. Ngayon, muli itong nakaratay sa kama—gaya ng tatlong taon na ang nakalipas. Parehong may mga sugat, parehong mahina, ngunit may isang malaking kaibahan. Noon, siya ang unang tinawag ni Marco. Noon, siya ang nasa isip nito.Bumalik sa kaniyang alaala ang panahong nag-ugat ang lahat.Tatlong taon na ang nakakalipas, isa siyang nurse sa parehong ospital kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa siya doktor noon, ngunit isa siya sa mga pinaka-maaasahang staff sa buong ward. Isang gabi, dinala sa emergency room si Marco matapos ang isang matinding aksidente sa sasakyan. Basag
Maayos ang lagay ni Alyssa. Mahigpit ang kapit ng kaniyang anak pero dahil na rin sensitibo ang pagbubuntis ni Alyssa dahil maaga pa lamang, kailangan niyang magpahinga. Oo, alam na ng doktor na nagcheck sa kaniyang lagay ang kaniyang pagkabuntis. Pero sigurado naman si Alyssa na hindi ito ilalabas ng doktor dahil na rin confidential ang impormasyon na ito.Paglabas ni Alyssa mula sa kwarto ng clinic, sinalubong siya ng malamig na simoy ng aircon na bumalot sa kanyang balat. Mahina niyang hinilot ang sentido, pinipilit na labanan ang hilo na nagsisimula na namang lumukob sa kanya. Masyado pang sariwa ang mga sinabi ng doktor tungkol sa kanyang kondisyon, pero wala siyang panahon para iproseso ang lahat ng iyon ngayon. Kailangan niyang magpatuloy.Sa labas ng clinic, agad niyang napansin ang pamilyar na pigura ni Lucas na nakatayo malapit sa pinto, hawak-hawak ang isang nakahandang wheelchair. Hindi ito nagsalita, ngunit sapat na ang tingin nito para ipaalam sa kanya na alam nitong hin
"Pero kung ako ang tatanungin mo… gusto ko sana ng babae. A daughter. Isang maliit na prinsesa na may ngiti tulad ng kay Sam, may mga mata niya… pero kahit ano pa 'yan, basta sa akin, okay lang. Basta anak namin." Para bang binagsakan ng mabigat na bagay si Alyssa dahil sa kaniyang narinig sa sarili pa mismo nitong asawa. Kung makapagsalita si Marco sa kaniyang harapan ngayon, ang asta nito ay tila normal na doktor lang si Alyssa at hindi asawa niya. Wala itong preno. Hindi nga alam ni Alyssa kung sadyang dahil lang sa pagkabagok ni Marco kaya ganyan siya mag-isip, o sadyang wala na talagang pakialam si Marco sa kaniyang nararamdaman.Tila huminto ang kanyang mundo habang pinapanood ang kasiyahan sa mukha ng kanyang asawa. Isang kasiyahang na hindi niya kailanman makikita dahil sa ngayon, wala nang balak si Alyssa na ipaalam pa ang sarili nitong pagbubuntis. Malamang ay itatago niya ang katotohanan na ito. Sa istilo pa lang ng kaniyang asawa ngayon, tila wala na talagang puwang si A
Tahimik na nakatayo si Alyssa sa tabi ng kama ni Samantha, pinagmamasdan ang payapang mukha nito. Hindi pa ito nagigising mula sa operasyon. Dahil sa matinding trauma sa ulo na natamo nito sa aksidente, kinailangan siyang i-cesarean upang mailigtas ang bata. Mabuti na lamang at maayos ang lagay nilang dalawa. Ang sanggol ay kasalukuyang nasa infirmary room, inaalagaan ng mga neonatal nurses. Napabuntong-hininga si Alyssa. Sa mga nagdaang buwan, hindi niya naisip na hahantong sila ni Marco sa ganitong sitwasyon. Kahit anong pilit niyang isalba ang kanilang pagsasama, heto siya ngayon—nakatingin sa babae na minsang naging bahagi ng buhay ng kanyang asawa, ngayon ay may anak na rin mula rito. Hindi niya alam kung paano pa maibabalik ang kanilang relasyon. Hindi na. Hindi na sila magiging ayos ni Marco.Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na nilalabanan ang bigat sa kanyang dibdib. Ayaw na niyang mag-isip, ayaw na niyang magtanong. Alam na niya ang sagot. Dahil sa pagod, lumaba