ログイン“Mommy… bakit po kamukha ni Sir Rafael si Brix?” Isang simpleng tanong mula kay Bea ang muntik nang magpahinto sa paghinga ni Winona. Dahil ang cold at perfectionist billionaire CEO na kinatatakutan ng buong kumpanya… ay ang lalaking minsan niyang nakasama sa isang reckless night years ago. At ang mas malaking problema? Hindi alam ni Rafael Villarreal na may kambal silang anak. Habang pilit itinatago ni Nona ang katotohanan, unti-unting sinisira ng dalawa niyang anak ang plano niya, mula sa pagtawag kay Rafael ng “Daddy,” hanggang sa paggawa ng mga “family drawings” na ikinagugulat ng buong opisina. Pero paano kung isang araw malaman ng billionaire CEO ang totoo? Na ang dalawang batang unti-unting nagpapalambot ng puso niya… ay sarili niyang dugo?
もっと見るWinona's POV
Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel. “Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko. “Yes. And make sure walang magkakamali sa entrance ng sponsors,” sagot ko habang abala sa pagtingin sa event schedule sa tablet ko. “Ayokong may sumabog mamaya bukod sa pasensya ko.” Natawa ang ilan sa staff sa sinabi ko. Ako si Winona Sanchez, isang Event coordinator. Professional na taga-ayos ng magagarbong party ng mayayaman habang wasak naman ang personal life ko. Hindi ko alam na literal palang masisira ang buhay ko ngayong gabi. Lumabas muna ako ng ballroom para huminga sandali, napalingon ako sa kabilang side ng hotel. Napansin kong mas engrande ang banquet hall doon. Gold and black ang motif habang may violinists pa sa entrance. Tila may private elite gathering. Napakunot ang noo ko. 'Sino kayang coordinator nito?' Napasilip ako nang bahagya sa loob ng hall, curious kung anong company ang may hawak ng ganoong kalaking event, pero unti-unting nawala ang kuryusidad ko nang maging pamilyar ang mga mukha sa loob. Mga dating classmates, mutual friends at mga kakilala namin ng boyfriend ko. “Anong meron?” bulong ko sa sarili. Bakit parang ako lang yata ang walang alam? “Nona?” Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Jane. Mabilis niya akong nilapitan habang bakas ang gulat sa mukha niya. “Oh my God, Nona! Nandito ka na pala!” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ha? Ano bang meron?” Bigla siyang natigilan. Parang hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin. “H-Hindi ka ba nandito para sugurin ang boyfriend mong siraulo?” galit niyang tanong. Lalong nalukot ang mukha ko dahil sa pagkalito. “What do you mean? Narito ako dahil may event ako dito.” Itinuro ko pa ang kabilang ballroom. Napamura siya nang mahina bago humawak sa noo. “Hay naku, dapat mong malaman na iyang boyfriend mo ay manloloko!” “Ano ka ba,” natatawa kong sabi kahit may kakaibang kaba na akong nararamdaman sa dibdib ko. “Hindi ganyan si Jonathan. Mahal na mahal ako no’n.” Pitong taon na kami, simula pa noong highschool. Pitong taon ko ng kilala si Jonathan. O… baka naman, iyon ang akala ko. Matigas na umiling ang kaibigan ko bago niya ako hinila paloob sa hall. “Jane, wait—” “Look.” At doon tuluyang huminto ang mundo ko. Nasa gitna ng engrandeng ballroom si Jonathan. Nakaluhod, may hawak na singsing at sa harapan niya ay isang babaeng nakasuot ng pulang gown habang umiiyak sa saya. “Will you marry me?” Nagpalakpakan ang mga bisita, may nagtilian at masayang nagsigawan. Para naman akong nabingi habang nakatitig sa eksenang iyon. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Parang may paulit-ulit na kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Pitong taon akong naniwalang ako ang pakakasalan niya, pitong taon kong hinintay na sabihin niya iyon sa akin. Ang lumuhod siya sa harapan ko at yayain akong magpakasal. Pero ngayong gabi… ibang babae ang sinusuotan niya ng engagement ring. Napansin ako ng ilang kakilala namin kaya naman nagkaroon ng kaunting tensyon sa paligid. Doon na ako napansin ni Jonathan, kitang kita ko ang pagkagulat niya, na tila ba hindi inaasahan na naroon ako. “Babe—” natatarantang lumapit siya nang makita ako. “Baby, I can explain—” Hindi ko siya pinatapos. Umigkas ang kamay ko, umalingawngaw sa buong hall ang malakas kong sampal. Nanlaki ang mga mata ng lahat pero hindi pa roon natapos. Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya. “If this is what you want, then fine!” nanginginig kong sigaw habang pinipigilan ang luha. “We’re over!” Tumahimik ang buong paligid. Nakatingin ang lahat sa amin pero wala na akong pakialam. Hindi ko na siya pinagsalita pa, kinuha ko ang isang bote ng wine mula sa tray ng waiter bago mabilis na lumabas ng hall. “Nona!” sigaw ni Jane mula sa likuran ko. Pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nag iinit na ang mga mata ko habang paulit-ulit kong pinipindot ang elevator button. Pagkapasok ko sa elevator, agad kong pinindot ang top floor. Tahimik ang buong biyahe pataas. Tanging mabilis kong paghinga lang ang naririnig ko. Pagbukas ng elevator, agad akong dumiretso sa rooftop. Malamig ang hangin ng gabi. Maliwanag ang city lights ng Maynila sa ibaba. At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili kong ilabas ang lahat ng saloobin ko. Tinungga ko muna ang bote ng wine bago sumigaw nang malakas. “MEN ARE TRASH!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong rooftop. “Lalo na iyong…” muli akong uminom bago napatawa nang mapait. “Mga gwapo!” “Interesting opinion.” Napasinghap ako nang may marinig akong malamig na boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Naka-black suit siya, nakasuot ng eleganteng masquerade mask, gayunpaman alam kong sobrang gwapo niya. Matalim ang panga niya habang tahimik akong pinagmamasdan, pero ang pinaka-mapanganib sa kanya ay ang mga mata niya. Cold and unreadable, na para bang sawang-sawa na rin siya sa mundo. “At bakit?” kalmado niyang tanong habang sumisimsim ng whiskey. “Anong kasalanan naming mga gwapo?” Napatawa ako nang mapait. “Existence.” Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. “That bad?” “You have no idea.” Lumapit siya nang bahagya habang nakasandal ang isang braso sa railing. “Boyfriend cheated?” “Ex-boyfriend,” mabilis kong pagtatama. “Kasi sinampal ko na. Twice.” At sa unang pagkakataon, bahagya siyang natawa. Mababa, malalim at nakakakaba. “Remind me never to cheat on you,” aniya. “Too late. I already hate men.” “Yet you’re talking to one.” Tinitigan ko siya bago bahagyang napangisi. “You don’t count.” “Why?” “Because you’re wearing a mask.” Tinuro ko ang mukha niya. “Hindi kita ma-judge nang maayos.” “Dangerous logic.” “Effective though.” Tahimik siyang natawa habang nakatingin sa city lights. At ewan ko ba, pero pakiwari ko parang gumaan nang kaunti ang dibdib ko.Winona’s POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingala sa napakataas na gusali ng Villarreal Holdings Corporation. Halos matakpan pa ng salamin at bakal ang buong langit sa sobrang laki nito. Moderno, elegante at nakaka-intimidate ang gusali. Para itong klase ng building na kayang lamunin ang buong pagkatao mo kapag mahina ang loob mo. Matapos ko iyong pagmasdan nang ilang segundo, agad kong inayos ang sarili ko. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong office attire, itim na slacks, sky blue blouse, at black stilettos. Maayos din ang pagkakatali ng buhok ko habang nakasabit sa balikat ko ang leather shoulder bag. Professional at confident ang dating ko. Kahit sa totoo lang, gusto nang umatras ng kaluluwa ko. “Kayang-kaya mo ito, Nona,” bulong ko sa sarili bago tuluyang naglakad papasok ng lobby. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning. At napa-wow ako. Mas lalo akong natulala sa loob. The lobby welcomed me with glossy white mar
Winona's POVIlang beses kong ipinaliwanag sa kambal na nagbibiro lang ako kanina kaya huwag nilang seryosohin ang tungkol sa magazine.“Hindi talaga siya ang daddy ninyo,” sabi ko habang nakapameywang sa harapan nila.Parehong nakatingin sa akin sina Brix at Bea habang seryoso ang mga mukha na para bang may board meeting kaming tatlo.“Promise?” hinalang tanong ni Bea.“Yes, promise.”“Pero kamukha niya si Brix,” giit niya.“Maraming gwapo sa mundo na magkakamukha,” mabilis kong depensa kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa sariling sinabi.Lalo lang naningkit ang mga mata ni Brix. Pakiramdam ko ini-scan na naman ako ng batang ito gamit ang invisible lie detector niya.Napabuntong-hininga ako bago lumuhod sa harapan nila.“Listen, babies,” mas malumanay kong sabi habang inaayos ang buhok ni Bea. “Kapag nakahanap na ulit si Mommy ng work, hahanapin natin ang daddy ninyo. Okay?”Biglang lumiwanag ang mga mata nilang dalawa.“Really?!” sabay nilang tanong.Napangiti ako nang mahina kah
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong klaseng condo. “Wow, ang ganda dito sa condo mo, Nona! Yayamanin!” manghang sabi ni Jane habang bitbit ang ilan naming gamit. Napangiti ako habang inilalapag ang handbag ko sa sofa. Malaki ang condo. Modern ang interior, may floor-to-ceiling windows pa na tanaw ang city lights. Tahimik din ang buong paligid, sobrang layo sa buhay na kinalakihan ko noon. “Hindi ko rin akalain na ibibigay lang talaga sa akin ito,” sabi ko habang inaayos ang ilang grocery sa kusina. “Ang bait naman ng boss mo,” sabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. “Siguro nabaliw lang siya.” “Sana mabaliw rin boss ko para bigyan ako ng ganitong condo.” sabi niya habang naglilibot ang mga mata. Naiiling na
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya. “Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi. “Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay. Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?” “Si Mommy po,” sabay nilang sagot. Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan. “Nona! Nona! Welcome home!” “Jane!” masiglang tawag ko pabalik. Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging r






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビュー