Share

Chapter 21

Penulis: JV Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-27 17:59:30

Sa totoo lang, ang inakala ni Alyssa—pagbukas niya ng pinto ng opisina ay katahimikan na naman ang sasalubong sa kanya. Walang tao. Walang paalam. Walang kahit anong palatandaan na may makakaalala sa kaniya sa araw ng pag-alis niya.

Pero nagkamali siya.

Pagpasok pa lang niya, bumungad agad ang tanawin: may maliit na banner na nakasabit sa itaas ng whiteboard na may nakasulat: “Good luck sa iyong pag-alis, Doc Alyssa!” May ilang lobo rin—kulay puti at kulay light pink, simple lang pero may effort. May maliit na cake sa gilid ng lamesa, at dalawang takeout box na may pangalan ng paborito niyang Korean food.

At sa gitna ng lahat ng ito, nakatayo si Lucas—nakangiti, tangan ang isang paper cup ng juice, parang batang excited magpakita ng munting sorpresa.

“Surprise?” sabi nito, sabay taas ng hawak na cup.

Napangiti si Alyssa, hindi niya mapigilan. May kirot sa dibdib, pero ngayong nakita niya si Lucas, napalitan iyon ng isang uri ng init. Hindi romantiko. Hindi pa. Pero totoo—at marunong m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 22

    Ilang araw na rin ang lumipas mula noong huling gabi niya sa ospital, at simula noon, hindi na muling bumalik si Alyssa sa trabaho. Tahimik niyang tinapos ang mga obligasyon niya—sinagutan ang ilang clearance forms, inayos ang mga final reports, at nilagdaan ang ilang dokumento sa HR. Pero karamihan doon, ipinadaan na lamang niya sa email o kay Doc. Marielle o kay Lucas.Nakapagpaalam na rin naman siya nang personal sa mga ito. Bukod pa riyan, iniingatan din niya ang kaniyang pagbubuntis dahil maselan ito lalo na kung siya ay stressed.Dumami ang inasikaso ni Alyssa sa loob ng bahay. Sa dami ng dokumentong kailangang ihanda—visa, admission letters, medical requirements, pati ang mga flight arrangements—halos wala na siyang oras na huminga. Pero kahit abala, ramdam niya ang katahimikan. Isang uri ng katahimikan na hindi nagpapahinga, kundi nagpapabigat.Ngunit sa gitna ng kanyang katahimikan, may isang bagay siyang hindi inaasahan.Araw-araw na niyang nakikita si Samantha. At ang mas m

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 21

    Sa totoo lang, ang inakala ni Alyssa—pagbukas niya ng pinto ng opisina ay katahimikan na naman ang sasalubong sa kanya. Walang tao. Walang paalam. Walang kahit anong palatandaan na may makakaalala sa kaniya sa araw ng pag-alis niya.Pero nagkamali siya.Pagpasok pa lang niya, bumungad agad ang tanawin: may maliit na banner na nakasabit sa itaas ng whiteboard na may nakasulat: “Good luck sa iyong pag-alis, Doc Alyssa!” May ilang lobo rin—kulay puti at kulay light pink, simple lang pero may effort. May maliit na cake sa gilid ng lamesa, at dalawang takeout box na may pangalan ng paborito niyang Korean food.At sa gitna ng lahat ng ito, nakatayo si Lucas—nakangiti, tangan ang isang paper cup ng juice, parang batang excited magpakita ng munting sorpresa.“Surprise?” sabi nito, sabay taas ng hawak na cup.Napangiti si Alyssa, hindi niya mapigilan. May kirot sa dibdib, pero ngayong nakita niya si Lucas, napalitan iyon ng isang uri ng init. Hindi romantiko. Hindi pa. Pero totoo—at marunong m

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 20

    Pagkapasok nila sa ward, agad na tumambad kay Alyssa ang imahe ni Sam—nakatayo sa tabi ng kama, hindi na suot ang hospital gown. Sa halip, isang itim na leather jacket ang bumalot sa kanyang balikat, kaparehong makintab na leather pants, at riveted boots na may konting putik pa sa ilalim. Rock punk. Buo ang dating. Para siyang hindi pasyente kundi artista sa backstage ng concert.May kaunting buhok na nakalugay sa noo ni Sam, at kahit bahagya pa ring maputla ang kanyang balat, para bang sa isang iglap, bumalik ang sigla niya. Parang walang nangyaring pagdurugo. Parang walang emergency na nangyari kaninang madaling-araw. At higit sa lahat, parang walang sakit na kailangang pangalagaan.“Ano, bagay ba sa akin?” masiglang bati ni Sam, tuwirang nakatingin kay Marco, may halong ngiti sa kanyang mga mata.Napakagat-labi si Alyssa, hindi dahil naiinggit siya, kundi dahil alam niyang ito na naman—ang eksenang hindi niya maiiwasan. Pero si Marco, tulad ng dati, saglit na natigilan, tapos sumil

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 19

    Alas-tres na rin ata ng hapon kaya medyo malamig-lamig na at tila mahangin din. Sa gitna ng makulimlim na parking lot, maraming mga kotse pero iilan lang ang mga tao. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang ugong ng mga gulong sa kalye at ilang yabag ng taong naghahabol ng duty.Doon, sa tabi ng isang puting sasakyan, nakita ni Marco si Alyssa.Nakatayo siya sa likod ng kotse, hawak ang maliit na lighter at sigarilyong hindi man lang naiilawan. Hawak lang niya iyon, parang simbolo ng isang bagay na gusto niyang takasan pero hindi niya kayang harapin.“Alyssa,” tawag ni Marco, may bigat sa tinig. Hindi galit, hindi rin lambing. Isa iyong pagtawag na puno ng tanong.Napalingon si Alyssa. Wala siyang intensyong itago ang sigarilyo. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya ito sinindihan. Pero ang timing, ang eksena—parang sakto para mahuli."Ano na naman?" tanong niya, pagod ang tono, pero hindi maiiwasan ang bahagyang pangangatog sa tinig.Lumapit si Marco, mabagal ang hakbang. Tinitigan

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 18

    Nilamon ng kaba si Alyssa nang marinig ang madalim na tinig ni Marco.“Bakit ka nandito?”Nanginig ang balikat niya. Umasa siyang hindi na siya muling tatanungin ni Marco o guguluhin, pero hindi niya inaasahan ang susunod na tanong.“Bakit, ha? Tinuruan ka ba ng lalaking nabanggit mo sa akin noon?” bilis ng boses ni Marco, halos hindi makahinga.Hindi maintindihan ng dibdib ni Alyssa kung saan galing ang galit na iyon. “Hindi! At saka hindi siya marunong manigarilyo, so paano niya ako matuturuan, aber?”Pero hindi na siya pinansin. Lumiit ang mata ni Marco, parang nanlabo ang tingin. “Kung hindi, bakit ka naninigarilyo ngayon? Dahil ba sa nasaktan ka? Kaya willing kang bumaba?”Hindi na maitago ni Alyssa ang pamumula ng kanyang mukha—kahit anong tanggi pa, malinaw ang sagot sa tanong na ‘yon. Napapikit siya, takot at hiya ang nangingibabaw.“Hindi talaga…” bulong niya, halos hindi na marinig. Nahihiya siya na nakita siya ni Marco na ganito.Pero si Marco, wala nang pakialam. Sigaw na

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 17

    Ngumiti si Sam, tila may bahid ng panunukso at panlilinlang sa kanyang mga mata, saka dahan-dahang humithit ng sigarilyo. Sa bawat pagbuga niya ng usok, parang sinasadya niyang saktan si Alyssa—at sa pagkakataong ito, diretso niyang ibinuga ang makapal na usok sa mismong mukha nito.Napasinghap si Alyssa, ramdam agad ang hapdi sa ilong at lalamunan. Napakapit siya sa kanyang sikmura, napangiwi, at sunod-sunod ang pag-ubo.“Naiintindihan mo na ba ngayon?” tanong ni Sam, malamig ang tinig, parang wala siyang pakialam sa epekto ng ginagawa niya. “’Yan ang dahilan kung bakit ako ang mahal niya.”Hindi na nagsalita si Alyssa. Hindi rin niya tiningnan si Sam. Imbes, iniwasan niya ang mukha nito, tinabig ang usok sa harap gamit ang isang kamay, at umatras ng isang hakbang. Puno na ng luha ang kanyang mga mata, at sa malabong paningin, nasulyapan niya ang ngiti ni Sam—isang ngiting mayabang, mapanlamang, at parang sinasabing: “Panalo ako.”“Alam mo, Alyssa,” patuloy ni Sam, tila ba nag-eenjoy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status