“Ginawa mo talaga 'yon?” manghang sabi ko.
Ano kayang naging reaksyon nung guwardiya nang hingiin niya ang number ni Daimler?
“Oo nga! I was so eager to talk to him. Ilang beses akong sumubok na lapitan siya but he kept ignoring me! Kaya naman sa guard na ako lumapit...”
“Buti ibinigay nung guard?”
“Psh. Hindi naman na raw bago 'yon. Marami talagang nanghihingi sa kaniya ng number ni Daimler!”
“Oh, affected ka naman?” pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.
“H-hindi!”
I chuckled.
Alright. I am really nothing compared to this goddess woman. Gaya ni Russel, kahit siguro saang bagay siya itapat ay magmumukha siyang modelo.Napalunok ako, pinag-iisipan pa kung ituturo ko sa kaniya o hindi. Kasabay no'n ang pagtataka kung bakit hindi niya alam kung saan ang kwarto ni Russel. Minsan lang siguro siya magawi rito. At teka, akala ko ba magkasama na sila sa isang bubong? Napagtanto kong mas madalas pa rin umuwi si Russel dito.Nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa paanan ng hagdan. Swabeng isinampay ang makinis niyang kamay sa barandilya. “Where? Hurry up!”Nataranta ako. Ngunit bago pa ako magpatiuna sa kaniya ay sumulpot si Madeley sa taas. Nakahalukipkip ito habang mabagal na humahakbang pababa.“Kuya Russel is still sleeping,” walang ganang wika niya.“It doesn't matter, sweety. I'm your brother's w
“Marunong ka bang maglagay nito?” I awkwardly showed him the band-aid, cotton and bandage.Ang ngisi niya ay napalitan ng maaliwalas na mukha. Iyong concern na madalas kong makita sa kaniya. “Oh, sure. Bakit ngayon mo lang sinabi?”Sa tuwa ay nginitian ko siya. Down to Earth talaga ang lalaking ito!Pumuwesto ako nang maayos sa harap niya para matapos na rin ito at makabalik na ako sa loob.“Hindi ka nagdala ng alcohol,” aniya. Maingat niyang itinapal ang bulak at sunod na inilagay ang band-aid.“A-ayoko no'n. Naligo naman ako kaya malinis na 'yan.”He chuckled. “Ang sabihin mo, takot ka sa alcohol.”He's right. I almost lost my consciousness those times that the nurse was cleaning my wounds.“M-may dugo pa ba?” s
“Aakyat na ako. May gagawin ka pa ba rito?” I asked.He looked at me with the same dark expression which I really can't understand. “Akala ko ba... hindi mo boyfriend si Ruan?”Nagulat ako. Ang sagot ko'y nauwi sa paglunok.“Tell me,” muling anas niya.Napasandal ako sa lababo nang magkaharap kami.“H-hindi nga. Hindi ko siya boyfriend.” His presence intimidates me so much that I need to compose myself from time to time.“Really? I saw you flirting with him,” nanunuya niyang saad.Pinanliitan ko siya ng mata para ipakita ang inis ko. “At ano naman sa 'yo?”The next moment, he looked problematic. Nakapamaywang siyang tumingala, bumuntong-hininga at pagkatapos ay itinuon ang kunot-noong reaksyon sa akin. “Alright. I should stay out
Napansin yata ni Russel na panay ang buntong-hininga ko sa tabi niya, he looked at me worriedly. Nalagpasan na namin ang naglalakihang buildings, bagay na mas nakapagpakaba sa akin. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng matayog na gusali. Agad kong nabasa ang nakatatak na CMC sa mahabang pader.Malaki ang ngiti ng guwardiya nang makita si Russel at pagkatapos ay bahagyang nabawasan iyon nang bumaling siya sa akin. Tinanguan lang siya ni Russel nang batiin niya ito.Kung kanina'y wala akong ideya sa hitsura ng CMC, ngayon nama'y tila nalulunod ako sa ganda, lawak at elegante nito. Ginapangan ako ng hiya nang makita kung gaano rin kagaganda yung staff. They're all wearing heels and sexy skirts!Labis ang pagkailang ko habang nilalabanan ang mga tingin nila. May mga babaeng halatang-halata ang tuwa at paghanga sa lalaking kasama ko. Napapaiwas ako ng tingin sa tuwing sinusuri nila ako. Nagmistula akong batang hindi s
Hindi rin nagtagal ay natanaw ko na ang matikas na pigura ni Ruan mula sa front area. Tama si Glendal, he seemed close sa lahat dahil panay ang pansin at bati niya pabalik sa kanila. Malayong-malayo sa pagiging suplado ni Russel.I shook my head, trying to erase that man in my mind. Bago pa makalapit sa pwesto ko si Ruan ay naayos ko na ang lutang kong isip.“Seriously, is this happening for real?” Umupo siya sa silyang nasa tabi ko.Napangiti ako, hindi maitago ang tuwa dahil maski ako'y hindi pa rin makapaniwalang narito na ako ngayon sa CMC.“Buti nga pinagbigyan ako ni Rus– S-sir Russel.” Nakurot ko ang sarili.“Oh. Kung nagsabi ka kaagad, matagal ka na ring nandito. Russel won't surely reject you.”Sa halip na sagutin ang sinabi niya, I gave him a surprised look even it's kinda late to rea
Wala na akong sinayang na sandali bagama't hindi naman ako nagmadali sa pag-alis. May ilang employees akong nakasabay sa elevator na gaya ko ay maaga ring nag-out.Pagdating ko sa exit, hinarang ako ng guard.“Bago ka rito, hija?” “Opo,” maagap kong sagot.Mabilis niyang itinuro sa akin ang logbook. “Hangga't wala ka pang ID, kailangan mong pumirma sa logbook sa tuwing papasok at lalabas ka.”Sinunod ko ang sinabi niya. Napansin kong marami-rami rin pala ang bagong employees na kapapasok lang ngayong araw.Nang tuluyan akong makalabas, agad hinanap ng mga mata ko ang lokasyong binanggit ni Glen. Naglakad lang ako para makatipid, hindi ko man alam kung gaano kalayo iyon. Mabuti na lang at walang hirap kong nahanap ang ice cream shop na kulay dilaw. Sa tabi no'n ay ang art store na sadya ko.
“Tinatawag na ako ni Mommy, Alliyah! Good luck sa 'yo d'yan. Mag-iingat ka palagi. Mag-usap na lang ulit tayo bukas! I love you, frenny!”Patuloy ang malalakas na pagkabog ng dibdib ko dahilan para hindi ko na masagot si Venus. Itinago ko na lang ang bahagyang panginginig ng kamay ko sa agarang pagbaba ng cellphone mula sa aking tainga.Napalunok ako nang mapagtantong marahil ay narinig ni Russel ang sinabi ko kanina. Tuloy ay gusto kong tawagan ulit si Venus at siya na lang ang kausapin!Tahimik na inilapag ni Russel ang dalang tray kung saan mayroong cookies at gatas na alam kong para sa akin.“Come here. Give yourself a break,” sa namamaos na boses ay sinabi niya.Umupo siya sa gilid ng kama, sa harap ng mini table kung saan niya inilapag ang tray.“N-nag-abala ka pa...” nahihiyang sam
Dahil may trabaho pa kami pareho, saglit lang ang paglibot namin. Nakita ko ang lahat ng area pero sulyap lang. Dinala ako ni Ruan sa food area pagkatapos.We had a good chitchat there. Habang kumakain, inisa-isa kong pagmasdan ang bawat parte ng malawak na resto, located iyon sa 1st floor ng building. Halos mapuno ang lugar nang magdagsaan ang mga empleyado, hudyat na sakto lamang ang pagdating namin dahil lunch time na.Nagpaka-busy na ako sa trabaho kahit lunch time pa lang. I was alone in the whole department that time dahil ang lahat ay nasa baba. Bawal kasing magdala ng pagkain o kumain sa ganitong open place. Sa opisina lang puwede.Inasahan ko na ang paglapit sa akin ni Denise, bitbit ang isang case na mukhang mabigat dahil sa dami ng laman nito. I don't know if it's because the heaviness o sadyang padabog niya iyong inilapag sa desk ko.“You wanna prove yourself, huh...&rdq