“Dad! Kuya Daimler keeps on teasing me!”
“I'm not teasing you, brat. I'm just stating the fact—”
“Dad! Mommy!”
Tulala pa ako't nakahiga habang pinakikinggan ang ingay ng magkapatid sa baba. Wala na si Nanay sa tabi ko. As usual, maagang umalis para dumilihensya ng pera. Nanibago lang ako sa narinig na nandito ang mag-asawa ngayon, alas otso na ng umaga.
Binigyan ako ni Russel ng one day leave. Namaalam ako sa kaniyang gusto kong puntahan si Venus. Baka kasi mamalayan ko na lang, inilayo na siya ni Tita Chime nang hindi man lang kami nakakapag-usap nang maayos. Walang nabanggit na school sa akin si Venus kagabi pero malakas ang kutob kong sa Camberlidge siya posibleng ilipat ni Tita Chime.
Nakaligo na ako't nakabihis nang babain ko sila sa sala. My eyes darted on the two large boxes na nasa sahig. Nakasambulat ang mga damit doon.&nbs
I don't know if it's because of my one day absence o talagang bumalik lang ang panunuri sa akin ng mga empleyado nang pumasok na ulit ako kinabukasan. Para bang bumalik ako sa unang araw ng paninibago. Napapansin ko ring walang pag-aalinlangan nila akong inoobserbahan kapag wala si Russel. At kapag nariyan, animo'y takot silang tingnan ako. And speaking of Russel, sinamantala ko ang pagkakataong may sumalubong na businessman sa kaniya sa lobby kaya't nagawa kong mauna nang walang lingon-lingon.Kung hindi lang dahil sa nagsusumigaw na suot ni Denise habang nakatanghod sa dadaanan ko, binilisan ko na ang paglakad. But then her fake smile is even getting more attention! Nadadamay akong lalo sa kalokohan niya.Umakto siyang maaliwalas ang mukha at sadyang hinintay ako for a “friendly” talk. Saka lang nawala ang mala-anghel niyang ekspresyon nang makaliko na kami sa hilera ng private rooms at kumaunti na ang employees na
I don't think it's necessary to greet him but my mind started to form words at the moment. Mabuti na lang, bago pa kami tuluyang magkasalubong ay nakapag-isip na ako.“Uh, hi,” bati ko.He calmly smiled.“Kailan mo pupuntahan yung portrait? Saturday ba?” kaswal kong dugtong, pilit isinasantabi ang sama ng loob sa ibang bagay. I don't know if Luke noticed my trying hard voice but he seemed to not buy my poor acting.Sa halip, tumaas ang kilay niya. “Can take it anytime soon.”Mabilis akong tumango. “Sige...” Umabante na ako nang muli siyang magsalita.“It'll be alright.”Makahulugan iyon kaya nilingon ko siya. Naiwan ang tingin ko sa papalayo na niyang likod. What?I'm too preoccupied in the next work hours. Makailang beses akong nagkamali ng pagse
“Lasing na kayo?”Tumingin sa akin si Nyx na hindi man lang nagbago ang puwesto, hindi rin naman nagsalita.“Medyo lang pero sila, oo. Tingnan mo yung mga ugok sa baba, nanghahatak na ng kung sino-sinong babae,” nakangiwing turo ni Derby kina Sunder, Baren, at Colen.Humalakhak si Braeum pero ako ang kinausap. “Uuwi na ba tayo?”I checked my phone before glancing back at him. “It's up to you, Brae.”Muli kong kinuha ang shot glass at nilagok ang laman no'n.“Woah, woah!” nakangising reaksyon ni Derby sa ginawa ko.Umiling ako, natatawa rin. It's because of the uncomfortable feeling, perhaps. Yung patong-patong na nararamdaman ko. Ramdam ko na rin ang init ng mukha ko at pag-ikot ng paningin.“Patay ka, b
I don't know for how exactly long we stayed there but he patiently waited for me to stop crying. Tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko at paulit-ulit niya ring inaayos iyon sa tuwing hahalik sa pisngi ko. Madalas nga lang ay nahaharangan ng buhok ko ang labi niya. “This fucking wind,” aniya, nawawalan ng pasensiya. Hindi ko na napigilang mapatawa sa gitna ng pagdadrama ko. This short tempered man! He looked at me with both worried face and knotted brows. Pinagmasdan ko ang mukha niya sa ilalim ng liwanag ng buwan. “Hindi ka nilalamig?” aniya makaraan ang ilang sandali. “You're hugging me,” I understated. Pinalis niya ang mga naiwang luha sa pisngi ko. Tapos na rin akong umiyak. The comfort he's giving me almost contained all of it at pakiramdam ko'y wala na akong mailalabas pa. Wala na rin ang sama ng loob na ikin
Nakahalukipkip sa tabi ko si Russel habang kapwa kami nakatingin lang kay Luke. Luke insisted na siya nang bahala maglagay ng cover sa figure portrait kaya't hindi na rin ako nagpumilit.“Ngayon ko lang nalaman na may talent ka pala sa pagguhit, Alliyah!” palatak ni Ma'am Navi. Abala sila ni Nanay sa paghahanda ng almusal.Linggo ngayon at pare-parehong off ng mga ito. Nandito ang mag-asawang Clausen at heto nga, naghahanda si Ma'am Navi ng karagdagang meal para sa mga bisita. Paroo't parito ang dalawa habang patuloy na nag-uusap.“Naku, kung makikita mo lang ang dami niyang drawings. Naka-frame pa yung paborito niya. Pero hindi ko na iyon nakikita, ah? Nasaan na pala iyon, Alliyah? Artista iyon, 'di ba?” my mother innocently said.My lips parted. Kailanman, hindi sumagi sa isip kong hahanapin niya iyon! At tama nga ako, akala niya artista iyon. Wrong timing nga lang ngayon da
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa mga nagdaang iyon, nakatapos ako ng ilang commissions at nakalikom ng malaking halaga. Kung tutuusin, mababayaran ko na ang natitirang utang namin sa Senyor sa kinita ko pa lang kay Luke pero nitong mga nakaraang araw, parang ayaw kong malaman ni Nanay na may pambayad na kami. Alam kong kapag nalaman niya, may dahilan na siyang lumipat kami sa probinsiya. Kaya pala doon siya natulog noong isang linggo, kinausap niya si Tiya Marga kung puwedeng doon na muna kami sa kanila tumira.Nalulungkot akong isipin na aalis kami at lalayo na. Gayunpaman, tinitimbang ko pa rin ang kagustuhan kong makapag-aral. Kaya nga lang, mangyayari lang iyon kapag napalayo ako kay Russel.“Wag na talaga, Daimler. Hindi naman malalaman ng kuya mo,” pinal kong sabi.Isang linggong mawawala si Russel dahil may aasikasuhin daw. Ipinatawag ng Senyor. Kasama sa pamamaalam niya ang bilin kay Daimler na ito
“Bakit ngayon ka lang, hija?” Ma'am Navi asked, concerned.Pagpasok namin ni Russel sa living room, naabutan namin siya roon, nanonood ng magazine-tv.“Nagpaiwan po ako. May ginawa lang pong importante,” I answered, a bit dry.“And what are you doing here, son? Iniwan mo ang Lolo mo?” baling niya kay Russel. Bahagya rin siyang nagulat nang sumunod ang anak niya sa likod ko.“May importante lang na ginawa sa CMC, Ma. Babalik din ako bukas kay Lolo.”Napalunok ako nang nagpalipat-lipat ang tingin ni Ma'am Navi sa aming dalawa. Russel is still standing at my back. Bakit nga ba ayaw pang umalis nito? Nahahalata yata kami!“Pinag-overtime mo si Alliyah?” muling tanong ni Ma'am Navi.“Ah, hindi po. Nagpaiwan po talaga ako roon at saktong dumaan doon si Rus&n
Another Sunday came.Nakarating kay Denise ang kahihiyang nagawa ko kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang sirain ang bawat araw ko sa trabaho. Masakit mang sabihin, nagtagumpay nga siya.“I heard something.” In her dashing dress, she occupied the seat in front.Glendal's eyes silently turned sharp but Denise was too busy to ruin my mood. Para bang handa siyang ilaan ang oras niya sa akin kahit pa tungkol sa mga walang kuwentang bagay. Napagawi ang tingin ng ilang empleyado sa amin. Hanga rin ako sa fighting spirit ng babaeng ito at pati lunchtime, hindi pinalampas.“Your job is so simple and yet, you messed up. You're at your worst, huh?” Maarte niyang ibinaba ang shades at tinaasan ako ng kilay.Marahan kong nginuya ang pagkain at piniling hindi magpa-apekto sa kaniya.“Bakit kasi ayaw mo pang umalis? Masyado ka naman yata