Share

Kabanata 3

Agad nasagot ang pagtataka ko nang iluwal ng asul na kurtina ng stage si Russel... at yung sinasabing Denise na ngayon ay nakakapit sa braso niya. 

Kung gaano kaingay ang cheers na naririnig ko ay ganoon din kalakas ang kabog ng d****b ko.

 

Nilingon ko ang mga kasama ko sa table. Nakikipalakpak din sila gayundin si Ruan na pormal na nakaupo sa tabi ko. 

“Napakaganda naman nung kasama niya,” rinig kong sabi ni Venus. Bakas ang totoong pagkamangha roon. Ni hindi niya napapansin ang pagkabalisa ko.

Maganda. Walang-wala ako kumpara sa kaniya. Parehong magkahalong kulay asul at itim ang suot nila. Hapit sa katawan ang suot nung babae dahilan para mas madepina ang hubog ng kaniyang katawan. Mas lalo rin siyang tumangkad sa suot na stilettos. Mukha rin siyang may ibang lahi, sa aura pa lang. 

Bagay na bagay sila ni Russel. 

Napalunok ako sa bigat ng nararamdaman. 

Muling nagsalita ang emcee. “Today, we're going to celebrate the engagement of Mr. CEO Russel Clausen and heiress Denise Lewisham!” 

Nabingi ako sa palakpakan. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko tuluyang naunawaan yung sinabi ng emcee. 

Engagement.

So this is an engagement party, yung tinutukoy na special event sa invitation card. 

Si Russel ay... engaged na. At ang babaeng kasama niya sa stage ay ang kaniyang fiancee. 

Wow. 

Nanlumo ako. Parang gusto kong tumakbo at umuwi na. 

“Now, let's give it a toss!” 

Kaniya-kaniyang itinaas ng mga bisita ang kani-kanilang baso. Nangibabaw ang kalansing nang maglapat ang mga ito. 

At sa isang iglap ay nasaksihan ko rin ang paglalapat ng mga labi ng dalawa... sa harap ng maraming tao. 

Sa harap ko. 

Ngumiti si Russel nang tanggapin ang mikropono. “Thank you,” maikling saad niya bago ilibot ang paningin sa venue. 

May sinabi pa sa kaniya ang emcee na mukhang tinanggihan niya. 

Yumuko ako para maitago ang pangingilid ng luha ko. Mabilis ko iyong pinawi bago muling mag-angat ng tingin.

Pero hindi ko inaasahang makikita niya ako. Madilim ang kaniyang mata. Saglit lang iyon. Seryoso niyang ibinaling ang atensyon kay Denise at maingat niya itong inalalayan pababa ng stage.

Sa kabila ng panghihina ay tumayo ako. Ni hindi ko tinanggap ang alok na pagkain nung waiter. Doon ko lang napansin na mayroon na palang nakahain sa mesa namin.

“Saan ka pupunta?” awtomatikong tanong ni Ruan.

“Sa cr. N-naiihi kasi ako,” dahilan ko.

“Sasamahan kita papunta sa visitors wash room. Baka maligaw ka.”

Umiling ako. “Hindi na, okay lang. Magtatanong na lang ako,” wala sa wisyo kong tugon.

“Bumalik ka kaagad, Alliyah,” narinig kong sabi ni Nanay. 

Sa pagtalikod ko ay muli na namang namasa ang mga mata ko. Dire-diretso akong naglakad nang walang kasiguraduhan kung saan pupunta. 

Bakit ganito?

Ang lungkot.

Habang naglalakad paalis ay tangan-tangan ko ang laylayan ng aking suot para hindi ako matalisod. Tumigil lang ako nung nabawasan na ang nakikita kong tao. Natanaw ko yung nakahilerang light balls sa hindi kalayuan at doon ako dinala ng mga paa ko.

Isa pala itong malawak na garden. Totoong maganda ang gayak nito ngunit alam kong hindi nito maiibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

Sa kabilang banda'y gusto ko ring mainis sa sarili ko. Bakit nga ba sa dinami-rami ng puwede kong magustuhan ay si Russel pa? Bakit yung tao pang masyadong mataas sa akin?

At sino ba nga naman ako, isang labingwalong taong gulang na wala pang nararating sa buhay. Wala akong maibubuga, kumpara sa fiancee niya na isa umanong tagapagmana. 

At heto ako, hindi pa sigurado kung anong gustong maabot. Ni hindi pa sigurado kung anong naghihintay na kinabukasan para sa akin. And yet, pinoroblema ko ang ganitong bagay na sa tingin ko'y hindi naman dapat. Dahil ang totoo ay may mas importante akong dapat isipin. 

Hindi si Russel. 

Hindi ang walang kwentang nararamdaman kong ito. 

Nanghihina akong naupo sa damuhan. Tinanggal ko ang suot kong sandalyas at iyon ang inupuan ko. Sumandal ako sa puno habang pinapawi ang mga nakatakas na luha sa pisngi ko. 

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako nagpunta rito. Hindi ko na sana nasaksihan iyon.

Pero huli na.

Ilang buntong-hininga ang nakawala sa d****b ko habang padabog na binubunot ang bermuda grass sa harapan ko.

“What are you doing here?”

Napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon.

Ang nasa harap ko ngayon ay ang kapatid ni Russel na si Daimler. Nasa bulsa ang isa nitong kamay at ang isang kamay ay may hawak na cellphone.

Napalunok ako. 

“N-nagpapahangin lang,” nahihiyang sambit ko. “Ikaw? Bakit ka nandito?” 

“I need to call someone so I came here to have some silence.” Itinaas niya ang hawak na cellphone.

“S-sige lang. Puwede bang dito lang ako?”

Tumaas ang kilay niya. Dumapo ang tingin niya sa mga kamay kong may hawak na damo. Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. “Sure.” Ilang segundo lang ay idinikit na niya ang cellphone sa kaniyang tenga.

Napabuntong-hininga ako. Nabitawan ko na lang ang damo dahil sa kahihiyan. Ito ang unang beses na nakausap ko siya. Natatandaan kong nabanggit ni Ma'am Navi kahapon na kaedad ko nga pala ang isang ito. Petite ang kaniyang pangangatawan pero hindi naman siya ganoon kapayat. Sakto lang. Ang presko rin ng hitsura niya. Sa tingin ko'y mas matangkad lang nang kaunti sa kaniya si Russel at bukod diyan ay mas maputi rin sa kaniya yung kuya niya. Siguro, mas maarte ang Russel na iyon sa katawan. 

Hindi man lang siya lumayo sa akin kahit nung may sumagot na sa kabilang linya. “Hello, this is Daimler Clausen. Tell Denise's driver to fetch her up later because Russel won't be able to do it. Okay... uhm... yeah. I don't know. I'll hang up now.”

Base sa pagkakaintindi ko ay nagpapasundo yung Denise sa driver niya dahil hindi siya maihahatid ni Russel mamaya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nalaman ko. Matuwa man ako ay hindi pa rin nito mababago ang katotohanang engaged na silang dalawa.

Muli na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko.

“Any problem?”

Nakapagtatakang hindi pa rin umaalis si Daimler. At dahil nakatayo siya habang ako ay nakaupo sa ground ay kailangan ko siyang tingalain para makita.

“A-ayos lang ako rito.”

“You look like shitting there. Are you broken?” Nabigla ako nang bahagya siyang lumuhod para magkapantay kami. “Uhm?” 

Nailang ako sa pagtitig niya. Talagang sinisimpat niya yung mukha ko! May topak pala ang Clausen na ito. Akala ko nung una, hindi siya marunong makipag-usap sa ibang tao. Kaya naman nakakagulat siya ngayon. 

Pumaling ako sa ibang direksyon at kinamot ang ilong ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. 

“Is it Russel?” diretsong tanong niya dahilan para mapigil ko ang paghinga ko. 

“H-hoy. Anong Russel ka d'yan, h-hindi ano!” Pabiro kong tinulak ang balikat niya kaya muntik na siyang mawalan ng balanse pero balewala sa kaniya iyon. 

At bakit niya naitanong si Russel? Conclusion niya lang ba iyon o masyado akong halata kanina? O kung ganoon ay... siya lang ba ang nakalahata? Kung ganoon ay dalawa na sila ni Venus na nakakaalam nito! 

At teka, hindi ba talaga niya tinatawag na kuya si Russel? Hindi niya rin tinawag na ate si Denise. Kakaiba nga ang isang ito. 

“Bakit ka defensive?” 

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Ang cute niya mag-Tagalog! Halatang hindi siya sanay. Kaya naman pala English siya nang English! 

“Itigil mo nga 'yan, baka may makarinig sa 'yo. Nakakahiya. Isa pa, hindi ko 'yon magugustuhan kasi matanda na 'yon!” 

Nayakap ko ang aking sarili nang humaplos sa balat ko ang malamig na hangin. Dapat pala ay nagdala ako ng sweater. 

“Nah. He's just 22. It isn't bad if you have a crush on him. Don't worry.”

“H-hindi nga! W-wala nga sabi akong gusto sa kuya mo!” 

Siya naman ngayon ang tumawa. Mahina at maikli lang iyon pero kagaya ng pananalita niya ay cute rin. 

“It doesn't really matter to me. Come on, I'm trustworthy,” pangungulit pa niya. 

“H-hindi. Hindi, hindi, hindi,” pagmamatigas ko. 

“Okay, fine. If you say so.” Nagkibit-balikat siya ngunit halata kong hindi naman siya naniniwala. 

Muli na naman akong napatingala nang tumayo siya. Ngunit nabigla ako nang hubarin niya ang kaniyang coat at inihagis iyon sa mukha ko! 

“Wear that. You might get colds later.” Iyon lamang at tinalikuran na niya ako.

Ilang segundo na siyang nakaalis pero nakatitig pa rin ako sa coat na ibinigay niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi man niya ito iniabot nang maayos at talagang inihagis pa sa mukha ko ay hindi ko maitatangging nagpakita siya ng magandang loob at inalala niya ang kalagayan ko ngayon. 

Napapikit ako sa biglang paggaan ng pakiramdam ko. 

Salamat, Daimler...

“Alliyah!” 

Ang nag-aalang mukha ni Ruan ang sumunod na dumating. 

Tumayo ako. Pinagpagan ko ang aking suot. Nang makalapit siya'y naisuot ko na rin ang coat ni Daimler. 

“Kaya pala ang tagal mo, nandito ka. May problema ka ba? We're all starting to worry.”

“Sorry, Ruan. Naisipan ko kasing magpahangin.”

Hindi man iyon ang totoong dahilan ay sincere ang paghingi ko ng tawad. Bigla akong nakonsensiya. Siya itong nag-effort para makadalo kami nila Nanay tapos iiyak lang ako at tatakasan ang event dahil sa isang lalaki. Ni hindi ko pa rin nadadaluhan ang mag-asawang Clausen para makapagpasalamat man lang. 

“It's okay now. Balik na tayo sa loob?”

Ngumiti ako at humawak sa braso niya. “Tara na, salamat.”

Pekeng-peke ang ngiti ko sa mga bisitang napapatingin sa amin ni Ruan.

“Tumae ka, ano? Iihi raw,” mapang-asar na bungad ni Venus.

Uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan!

Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. “Mahiya ka nga, Venus. Nasa gitna tayo ng marangyang lugar.”

“Pfft!” pigil na tawa niya.

“Saan mo naman nakuha 'yan?” Itinuro ni Nanay ang coat na nakatabon sa mga balikat ko. Napatingin din tuloy doon ang mga kasama ko sa mesa. 

“Kay Daimler, 'nay. Nakita niya akong nilalamig kanina sa labas.”

“I knew it. Kaya pala nakapang-ilalim na polo na lang ang isang iyon nang makasalubong ko,” anas ni Ruan.

“May taglay na kabaitan din pala ang batang iyon. Parang ikaw, Ruan. Naku, masuwerte ang mga babaeng mapupunta sa inyo,” nakangiting saad ni Nanay kay Ruan.

“May pagka-maldito lang si Daimler pero totoo pong mabait 'yon.”

Napailing ako nang maalala kung paano niya itinapon sa mukha ko yung coat niya. Maldito nga.

Nang makita kami ni Ma'am Navi na kasalukuyang may hawak na wineglass ay agad itong dumalo sa amin. Dumiretso siya sa gilid ni Nanay. 

“Allissa! Thank you for coming tonight, I hope you all are enjoying the food!” Nakipagbeso si Ma'am Navi kay Nanay.

“Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyong imbitasyon,” maaliwalas na tugon ni Nanay.

Ngumiti si Ma'am Navi sa amin. “Well, I appreciate your presence tonight. Oh, by the way, I want you all to meet my son!” 

Dumagundong ang puso ko nang hilahin niya si Russel mula sa unahan. Bumalik itong hawak-hawak ang kaniyang anak sa braso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status