Hinanap ng mga mata ko si Denise pero hindi ko ito nakita. Nagtataka lang akong parang wala siya.
“This is Russel, ang aking panganay,” nakangiting panimula niya habang isa-isa kaming tinitingnan. “Son, they're our most loyal workers kaya inimbitahan ko sila ngayon.”
“Magandang gabi, Sir. Ako ho si Banny. Isa ako sa mga katiwala ng Clausen farm.”
Bahagyang yumuko si Russel para tanggapin ang kamay ni Tiyo Banny. “Russel Clausen. Thank you for coming,” pormal niyang tugon.
“Ilang beses pa lang kitang nakita, hijo. Tawagin mo na lang akong Tita Allissa,” magiliw na sabi ni Nanay.
Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Russel nang magkamay sila. “Nice meeting you again, Tita.”
“Yo, man. Ruan here,” nakangising singit ni Ruan.
“Wala ka yatang balak lumipat ng mesa,” sagot ni Russel. Hindi ko alam kung biro ba iyon o hindi pero tiningnan niya ako matapos sabihin iyon. Napansin kong hindi gaya ni Daimler ay tuwid ang pananalita niya ng Tagalog.
Humalakhak lang si Ruan at hindi na muling umimik.
“Hello, Sir Russel. I'm Venus po. Pamangkin ni Tiyo Banny.”
Muling naglapag ng pagkain ang waiter sa aming mesa. Bigla akong nagutom at natakam doon.
“Thank you,” bulong ko sa waiter.
Nakatingin na pala sa akin ang mga kasama ko, tila naghihintay sa sasabihin ko.
“Ah, Alliyah po, Sir...” Hindi ko siya magawang tingnan. Nag-alinlangan pa ako kung ilalahad ko ang kamay ko o hindi pero nagulat ako nang siya na mismo ang naglahad ng kaniyang kamay sa 'kin.
“Russel,” tipid niyang saad.
Para akong nakuryente nang maglapat ang mga palad namin. Nilulukob ako ng init nito. Napilitan akong tumingin sa mukha niya dahil sa tarantang nararamdaman. Hindi gaya ng malikot kong mga mata ay diretsong-diretso ang tingin niya sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang tagpong ito.
Sinapul ako ng panghihinayang nang biglang dumating si Denise. Nakaramdam ako ng hiya nang dumapo ang tingin niya sa mga kamay namin dahilan para mapakalas ako.
“Hon, they are waiting for you,” malambing niyang sabi bago pumulupot sa braso ni Russel.
Napaiwas ako ng tingin.
Tumikhim si Russel.
“It's nice meeting you all. I have to go.”
“If you need anything, nandoon lang kami sa unahan. Okay?” pahabol ni Ma'am Navi bago tuluyang magpaalam.
Nakahinga ako nang maluwag nang wala na sila.
Inabala ko na lang ang sarili sa pagkain at nangakong hindi na ako muling dadalo sa ganitong party lalo na kung involved si Russel.
Ngunit hindi ko pa rin talaga maiiwasang maistorbo lalo na nung tumugtog ang sweet song at nagsimulang pumusyaw ang kulay ng disco lights. Sinabayan ng maingay na cheers ang pagtayo ni Russel. Inabot ni Denise ang nakalahad niyang kamay at marahan silang umakyat ng stage.
“Bagay na bagay sila, ano?” bulalas ni Nanay.
“Sinabi mo pa. Pareho silang mataas na ang narating. Pihadong magiging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa,” sang-ayon ni Tiyo Banny sa pagitan ng pagnguya.
Muli na naman akong sinakop ng hindi maipaliwanag na pakiramdam at muntik pa akong mabilaukan.
“Chill,” natatawang reaksiyon ni Ruan. Iniabot niya sa akin ang tubig at diretso kong ininom iyon.
“Ang sarap kasi, eh,” dahilan ko na lang at muling sumubo ng paella pero kaunti lang.
Nakagat ko ang labi ko habang pinanonood ang pagsayaw ng dalawa sa stage. Dumiin ang pagnguya ko sa pagkain na para bang mababawasan no'n ang pagkainggit ko kay Denise.
Mas lalong umingay ang kantiyawan nang sumunod na umakyat ang mag-asawang Clausen at nasundan pa sila ng mga bisitang nagka-udyukan na rin sa pagsayaw.
“Haay, kailan kaya ako makararanas ng ganiyan.” Puno ng pag-aasam ang mga mata ni Venus habang palihim na sinusulyapan si Ruan.
“Isayaw mo kaya si Venus, Ruan,” hindi ko napigilang sabihin iyon.
Umismid si Venus sa akin pero huli na nang lingunin siya ni Ruan.
“You wanna dance?”
“H-hindi, wala naman akong sinabing ikaw.”
Napahalakhak ako.
Hindi iyon pinakinggan ni Ruan. “Tito, can I take her to the stage?” nakangiting paalam niya kay Tiyo Banny.
Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Tiyo Banny nang tingnan niya si Ruan. “Aba, sigurado ka ba riyan, hijo?”
Napuno ng tawanan ang aming pwesto dahil sa birong iyon.
Pinamulahan ng mukha si Venus ngunit agad ding tumayo nang abutin ang kamay ni Ruan.
“Ikaw talaga, Tiyo,” nahihiyang turan niya.
Pinanood kong humalo sa karamihan sina Venus at Ruan. Pumuwesto sila malapit kina Russel. May ibinulong pa si Ruan kay Russel dahilan para dumilim ang mukha ni Denise.
Ano kaya iyon?
“Bakit hindi rin kayo sumayaw, 'nay?” suhestiyon ko.
“Puwede rin naman, halika, Allissa.”
“Nakakahiya, ano ka ba,” natatawang saad ni Nanay.
Pero wala na siyang nagawa nang hatakin siya ni Tiyo Banny. “Ngayon ka pa ba mahihiya, eh, laman tayo ng sayawan noon.” Nasundan iyon ng halakhak kaya't napatawa na rin kami ni Nanay.
Dati silang magkaklase kaya naman malalim din ang kanilang pagkakaibigan, kasama na rin ang tatay ko. Silang tatlo ang madalas magkakasama noon at parati silang napupunta sa parehong section. Buhat nang pumanaw si Tatay ay si Tiyo Banny na yung naging katulong ni Nanay sa farm at hanggang ngayon ay nananatiling matibay ang pagkakaibigan nila.
Naiwan akong mag-isa sa mesa. Nangingiti ako habang pinagmamasdan sina Ruan at Venus. Hindi makatingin nang diretso ang kaibigan ko pero kahit papaano naman ay nag-uusap sila.
Samantala, kahit anong pigil kong tingnan si Russel ay hindi ko magawa. Kahit saang anggulo ay nangingibabaw ang kagwapuhan niya. Bigla kong naalalang ganitong-ganito ang view noon sa cottage kung saan ko siya unang nakita.
Napapikit na lang ako dahil sa frustration.
Bakit nga ba gustong-gusto pa rin kita, Russel?
“Alliyah, busy ka ba?” yaya ni Venus isang hapon sa farm.
Kasalukuyang naglilipat ako ng mga halaman sa paso habang si Nanay ay nasa sentro kasama ng kaniyang mga katrabaho. Ngayon din ang araw ng harvesting kaya naman ang lahat ay abala.
Pinagpagan ko ang kamay ko bago humarap kay Venus. “Bakit?”
Pinarisan ni Venus ng puting flat shoes ang suot niyang maong shorts at square neck blouse. Mas lalong nangibabaw ang kaniyang kaputian dahil doon.
“Kukuha na kasi ako ng entrance exam sa Clinton University. Gusto mo bang sumama?”
Matagal ko na ring gustong makapasok sa Clinton University. Ngayong alam ko namang hindi pa ako makakapag-enroll doon ay at least makita ko man lang yung hitsura no'n. Bukambibig din kasi iyon ng mga kaklase ko.
Pagkatapos naming magpaalam kay nanay ay pinabaunan pa niya ako ng isang daang piso pamasahe.
Faded jeans at t-shirt ang isinuot ko. Bukod sa wala akong masyadong damit ay mas gusto kong gamitin ang simple lang at komportableng isuot.
Pinagpagan ko ang luma kong sneakers na kinuha ko pa mula sa ilalim ng higaan ko. Ilang taon na rin sa akin ang sapatos na ito na napanaluhan ko pa sa poster making contest sa school.
'Di gaya ko ay likas na kay Venus ang pagiging fashionista kaya naman mayroon siyang collection ng clothes. Hindi naman sila mayaman pero parehong may maayos na trabaho ang parents niya. Gusto pa sana niyang ibigay sa akin ang iba niyang bestida pero tinanggihan ko knowing na wala naman akong paggagamitan ng mga iyon.
Marami nang tao sa Clinton University nang makarating kami ni Venus. Naupo ako sa waiting area at hinayaan siyang pumila roon at makapagregister.
Habang tinatanaw ang mga estudyanteng nakapila ay hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Ako lang ang naiiba rito. Nakapanliliit ang kanilang mga suot na lahat ay halatang branded. Ang iba'y hatid sundo pa ng kanilang mga magulang at halos lahat ay may family car.
Sa kabilang banda'y proud pa rin ako sa nagawa sa akin ni Nanay. Hindi man kasing level nila ay sigurado naman ako sa kakayahan ko, sa angking talino at talento na mayroon ako.
Kagabi, nang buksan ko ang graduation gift sa akin ni Ruan ay lubos akong natuwa. Gagamitin ko ang mga art material na iyon para makaipon ngayong summer mula sa commissions ko. Kung suswertihin ako't makaipon nang malaki ay saka ko itutuloy ang pag-aaral kasabay ng scholarship na kukunin ko.
Nahawi ang kumpulan ng mga estudyante nang pumasok sa main gate ang isang sasakyan, ang parehong sasakyan na minsan na ring pumasok sa aming bakuran kaya alam ko na rin kung sino ang nagdadala nito.
“He's here na! Oh my G!” Siniko nung babae ang katabi niya habang nag-aabang sa pagbaba ng nagmamaneho no'n.
Ang maangas na porma ni Daimler ang iniluwal no'n. Akalain mo nga namang dito rin pala siya nag-aaral. Tuwid siyang naglakad sa pathway habang nakapamulsa.
Hindi niya pinansin ang mga babaeng tumitili malapit sa kaniya.
“I heard he's the CEO's brother. Magkamukha sila, ano?”
“Oo. Pero mas gusto ko si Daimler kaysa sa kuya niya. Masama raw ugali no'n, eh.”
Nanliit ang mga mata ko sa huling sinabi nung isa. Masama ang ugali ni Russel? Ang alam ko, masungit lang iyon at masyadong intimidating pero... hindi ko alam kung saang parte ba no'n ang pagiging masama niya. O marahil ay katiting lang na impormasyon ang alam ko tungkol sa kaniya at mas marami akong hindi alam.
Napabuga ako sa hangin.
Bahagya akong nagtago sa poste ng waiting area para hindi ako makita ng paparating na si Daimler.
Nahihiya pa rin ako sa nangyari sa event. Hindi ko rin kasi direktang naibalik sa kaniya yung coat niya at ipinaabot ko na lang iyon sa isang housemaid nila.
Nanuot sa ilong ko ang matapang na amoy ng pabango niya.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkatulala ni Venus nang dumaan sa tabi niya si Daimler. Lumapit si Daimler sa guwardiyang nasa gilid ng front desk at may kung anong isinulat sa hinuha kong log book.
Mabilis din itong umalis. Hanggang sa lumiko na ito ay nakapako pa rin ang tingin ni Venus sa dinaanan nito.
Palihim akong napangiti at agad nang binuo ang pang-asar ko sa kaniya.
“Deym!” bulalas ni Venus nang makalapit siya sa akin. “Geez, fren! Nagbago na talaga ang isip ko! Hindi na si Ruan ang crush ko!”
Napahilamos ako. Akala ko pa naman ay tungkol sa exam ang ibabalita niya.
Dahil sa lakas ng boses niya ay alam kong malinaw iyong narinig ng mga estudyanteng malapit sa amin. Kahit kailan talaga!
Hinawakan ko siya sa braso at hinila na palabas dahil pasama nang pasama ang tingin sa kaniya ng mga naroon, bagay na hindi napapansin ni Venus dahil sa pagka-startrucked niya kay Daimler.
“Nakikita mo ba ang kumpulang 'yan?” tukoy ko sa grupo ng mga babae nang makalayo kami.
“Oh?”
“Mukhang fans club 'yan ni Daimler. 'Wag kang masyadong maingay, baka kuyugin ka ng mga iyan,” pabirong banta ko.
Umikot pataas ang kaniyang mga mata. “I'm even prettier than them. Daimler deserves a gorgeous admirer like me!”
Mas matanda ako ng dalawang taon kay Venus. Gusto kong isipin na dahil mas bata siya kaysa sa akin ay mas bata rin siyang umakto at mag-isip. Gayunpaman ay parehas lang kaming bata pa.
Naalala ko na naman tuloy ang agwat namin ni Russel. Sa bagay na iyon ay malabong magustuhan niya ako.
Sana lang din ay hanggang dito lang ang pagtingin ni Venus kay Daimler or else, magagaya siya sa akin na hanggang ngayon ay stuck pa rin sa nararamdaman kahit ilang taon na ang lumipas. Pakiramdam ko nga'y mas lumala pa ito matapos kong makitang muli si Russel at dalawang beses pa iyon. Hiling ko'y hindi na masundan ang pagkikita namin dahil malapit na malapit na akong malunod nang hindi niya nalalaman.
At kapag nangyari iyon ay walang ibang puwedeng sumagip sa akin bukod sa sarili ko.
Nakapagtatakang nagkakagulo sa bahay nang umuwi kami ni Venus. Nagtipon sa aming bakuran ang ilang farmers. “What's happening, Tiyo?” kunot-noong anas ni Venus. Iniwan ko na silang dalawa roon sa labas ng gate. Agad kong nilapitan si nanay na ngayon ay maluha-luhang nakikipag-usap sa kaniyang mga kasama. Napalingon silang lahat sa akin. “Ano pong nangyayari?” “Alliyah, halos kalahati lang ng kabuuang ani ang naisalba mula sa mga peste. Mas marami ang hindi na mapakikinabangan.” Bigla akong nilukob ng kaba. Pinagmasdan ko ang mga naroon. Bakas ang pagod sa kanilang lahat na sinasabayan pa ng kaguluhan. Muling nagsalita si nanay nang hindi agad ako nakaimik. “Ngayon lang nangyari ito. Sa ilang taon naming pagtatra
Tipid akong ngumiti at inabot ang kaniyang kamay. “Alliyah Martinez po, Sir.” Dumapo ang tingin nito sa aking case nang ilapag ko iyon sa mesa. “You look familiar,” diretsang saad nito. Ikaw rin, pamilyar...pero hindi ko maalala kung saan kita nakita... Hindi ko iyon maisatinig. “I bet you have already seen her somewhere,” ani Ruan. “After all, we're living in the same planet,” biro pa niya. “I know.” Ngumisi ang lalaki. “By the way, Alliyah, just call me Luke. I preferred that,” nakangiting turan nito sa akin. Ibang-iba ang aura niya kay Russel. Pareho silang pormal pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. “Matagal ka nang gumuguhit?” “Since I was 10.” “Cool, can I see your wor
Kung gaano kabilis ang oras ay ganoon din kabilis ang mga pangyayari. Kinabukasan ay pumutok na lang ang balitang kailangan munang ipasara ang farm dahil sa imbestigasyon. Nang araw ding iyon ay aligaga kami ni Nanay sa pag-iimpake ng mga damit. Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko habang pinanonood na isakay ang mga gamit namin sa truck.Katulong namin ang ilang mga katrabaho ni Nanay pati na rin sina Venus at Tiyo Banny.“Saan ang punta niyo niyan?” nabusangot na anas ni Venus.“Hindi ko pa alam, Venus. Masyadong biglaan.”Mahigpit niya akong niyakap.“Kahit mapalayo pa kayo, pupuntahan kita! Laging available ang tricycle ni Tiyo Banny!”Natawa na lang ako habang sinusuklian ang yakap niya.“It's okay! Hindi naman siguro kami mapapalayo. Maraming house for rent diyan sa t
Gamit ang libre kong kamay ay muli kong tinipon sa isang side ang ilang hibla ng buhok kong kumakawala dahil sa hangin. Nagpatuloy ako sa pagguhit. Bukod sa preskong hangin ay malaking tulong ang katahimikan para makapag-relax ako. Sa Clausen farm naman ay sariwa rin ang hangin pero hindi kasing-tahimik ng lugar na ito. Palibhasa'y pare-parehong wala rito ang mag-anak. Nasa paaralan sina Daimler at Madeley at may pinuntahan din ang mag-asawa. Si Nanay naman ay namalengke. Hindi na rin niya ako pinasama dahil may inatasang driver naman na makakasama niya roon kaya ako lang mag-isa ang narito.Nakanguso ako habang tinatapos ang drawing. Dapat ay kahapon ko pa ito sinimulan pero kasi, nananantya pa rin ako. Hindi madaling maging komportable nang ganoon kabilis sa mansion. Yesterday, I spent almost my whole day talking to Venus on the phone. Inilahad ko sa kaniya isa-isa ang mga nangyari, hindi kasama roon ang personal kong nararamdaman. Kung kah
Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto kahit magulo pa ang buhok. Nag-iiwan ng ingay ang bawat hakbang ko sa hagdan dahil mabibigat iyon.Nilagpasan ko si Nanay na kasalukuyang naghahanda ng almusal. Ang sabi ni Ma'am Navi ay pare-parehong nasa bakasyon ang maids nila at dalawang hardinero. Sakto rin namang nangyari iyon sa farm at napalipat kami rito nang wala sa oras. Kahit papaano'y makatutulong kami sa mga gawaing bahay, wala mang sabihin ang mga Clausen.Narinig ko pa ang tanong ni Nanay kung bakit ako nagmamadali pero hindi ko na iyon nagawang sagutin.Dumiretso ako sala at agad tiningnan ang bilog na mesa pero wala na roon ang sketchpad ko. Sigurado akong dito ko iyon naiwan kahapon!Bumalik ako sa kusina.“Nay? Yung sketchpad ko?”“Jusko kang bata ka. Sketchpad agad hinahanap mo, eh tingnan mo nga
Ang bawat sandali ng paglalakad ko sa mahabang carpet ay iginuguhit ko na sa aking isipan. Kung anong mayroon ngayong araw, naipaliwanag iyon ng mga malalabong imaheng nadaraanan ko. Bakas ang mga ngiting agad ring nagiging malabo sa paningin ko, ang bawat isa'y tumatango na tila masayang-masaya para sa akin. Hawak ang gilid ng aking saya habang nakatapat sa dibdib ang bungkos ng bulaklak sa isa kong kamay, nagpapadala lang ako sa kakaibang pakiramdam na ito. Kulang ang isang libong salita para makumpleto ko ang munting sandali.At sa oras na iyon, kung saan ang matagal ko nang pangarap ay naghihintay sa akin, naroon din ang lalaking ang mga mata'y sa akin nakapako. Tumulo ang luha ko nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay, nakangiti kong hinawakan iyon. Ngunit kasabay ng paglalapit namin ay ang biglang pag-alon ng imaheng niya, naputol ang aking panaginip.Sinalubong ng kisame ang mulat na mulat kong mga mata.
Habang nasa biyahe ay tumawag si Nanay, nagtanong kung nasaan ako. Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan kong magpaalam! Humaplos ang kamay ni Russel sa aking kamay kung saan hawak ko ang cellphone. Without asking my permission, marahan niya iyong kinuha mula sa akin. Wala na rin akong nagawa, ipinaubaya ko sa kaniya iyon. “Don't worry, Tita. She's with me.” Umalon ang sasakyan dahil sa bako-bakong daan. Narating na namin ang lupaing nakakonekta sa farm. Isa itong mahabang papasok kung saan madaraanan ang napakalawak na palibot ng farm. Inasahan ko nang walang katao-tao roon. “Alright. I'll take care of her.” Ibinalik sa akin ni Russel ang cellphone ko. Ibinaba na rin ni Nanay ang linya bago ko pa iyon muling maidikit sa tenga ko. “Anong sabi?” Sinipat ko ang mga mata niya pero tanging ang isa lang ang nakikita ko dahil naka-s
Sa huli, ipinagpasalamat kong nakalayo ako kay Russel ngunit imbes na yakap at tuwa ang maabutan ko, ang umiiyak na si Venus ang nadatnan ko sa likod ng bahay nila. Nakapanghihinayang na hindi pala ako makakapagkuwento sa kaniya ngayon.“Nag-away kami ni Daimler.” Bakas na bakas ang lungkot sa mukha niya.Speaking of Daimler, oo nga pala. Ganoon yata talaga kabilis ang oras. Parang kahapon lang, sinabi niya sa akin na crush niya si Daimler tapos umabot na agad sila sa awayan!“Kailan?” Ang unang pumasok sa isip ko.“K-kanina lang. Nagtalo kami. Tinawagan ko siya. Nakiusap kasi ako na baka puwedeng... 'wag nilang ipakulong si Tiyo Banny.”I sighed. Of course, kahit ako, gusto kong makiusap kay Russel pero alam kong magiging abusado na kami kung gagawin ko 'yon. Kami na nga yung nakapinsala, kami pa yung hihingi ng pabor